Author's Note
Hi, Vidas! Thank you for coming to the end of Volume 1! 💚
As someone who’s not even fond of adventure or wandering irl, writing this story is a challenge.
Actually, fantasy writer talaga ako. Kaso, low fantasy ’yong sinusulat ko dati. Tama ba ’yong term na low fantasy? Basta gano’n. Like nasa real world then may special abilities, may konting magic, o may time travel.
This time, kakaiba talaga ’to kasi gumawa ako ng malaking mundo which is Kahadras (Melyar, Porras, Escalwa, Horia, Tsey, Hesteru, and Sayre). Then with a twist of Visayan mythology or featuring Visayan deities and mythical creatures. Kaya naman tadtad sa kaliwa’t kanang research talaga ang drama ko sa buhay.
Nahirapan ako sa fight scenes, pero kinaya naman. Sana, na-satisfy kayo sa last chapters. Pero naiintindihan ko naman kung hindi; first time ko sa ganito, kaya alam kong mag-i-improve pa ’ko year after year.
Kaya maraming thank you kasi nakaabot kayo hanggang sa dulo!
After nito, pahinga muna ako sa pagsusulat nang ilang months. May aayusin lang akong manuscript. Sana, nag-enjoy kayo sa journey nila Olin! Daghang salamattt!
* * * * *
BAKIT MAY VOLUME TWO?
Bakit hindi? Char.
1.) About kay Burigadang Pada. Actually, may rason kung bakit siya pansamantalang lumisan sa Escalwa no’ng time na ’yon. At mae-explain ko ’yon sa Volume 2.
2.) Prince Helio, the son of Kaptan. Konti lang ang exposure niya sa Volume 1, kaya magiging main character na rin siya sa susunod, kasama sila Olin.
3.) About sa mga alaga ni Girion. Nasabi sa Chapter 31 na nagtungo siya sa Kasakitan o Underworld para hanapin ang kanyang mga alaga na sina Aliba at Apano. ’Di pa lang ako makapagdesisyon sa ngayon kung sa Volume 2 o Volume 3 ba ang exposure nilang dalawa.
4.) ’Yong diyos na may makukulay na pakpak. Sa Volume 2 ko na siya pormal na i-introduce. Gawa-gawa ko lang din siya at inspired pala siya kay Nephthys, the goddess of protection (Gods of Egypt Movie).
5.) Isa pang agent ni Sinrawee. Na-spoil ko na kayo ro’n sa Chapter 29 na may isa pang ahente si Sinrawee, ang Mangingilaw. Hmm. Ano kaya gagawin niya sa Volume 2?
’Yon lang! Ipo-post ko rin soon ang naisip kong teaser ng Volume 2. See you in another adventure!
Viva la vida, Vidas!
— L. J. Ramos
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top