Chapter 24 - Memories
OLIN
"So, pinadala ka niya rito para pilitin akong pumunta sa gingharian niya—sa Galdum?" tanong ko kay Lubay Lubyok o Lu-Lu.
"In fairness, matalino ka, ha," komento niya at lumapad ang ngiti. "Pero don't worry, dear, hindi mo naman kailangang pumunta ro'n ngayon. I know naman na marami pang mangyayari sa mission mo. But one day isang araw, mare-realize mo rin na kailangan mo ang lugar na 'yon, at ikaw mismo ang maglalakbay patungo sa Galdum."
Umiling-iling ako. "Hindi mangyari 'yon." Saka ako umurong nang kaunti.
"Maganda ro'n, Olin, kaya sa'n ka pa?" dagdag ni Lubay Lubyok. "Chariz! Sige na, alis na 'ko. Babush!"
Pagkasabi niya niyon ay bigla na lang siyang naglaho na parang bula.
Bumuntonghininga ako.
Naglakad ako pabalik sa tahanan ng mga Tselese habang iniisip pa rin 'yong sinabi sa 'kin ng diyosang 'yon. Bakit ko naman kakailanganin ang gingharian ng Galdum? Babalik naman ako sa mundo namin pagkatapos ng misyong 'to. Oo, maski ako'y nakararamdam din na malakas ang kapangyarihang namamahay sa katawan ko na 'to, pero 'di naman akin 'to, eh. Kay Sinrawee 'to. At alam kong balang-araw ay mababawi niya rin 'to.
Ba't 'di na lang si Sinrawee ang gawin niyang hari? Mindset ba, mindset!
Bigla akong huminto sa tapat ng mga kakatwang puno. Nakipagdebate ako sa 'king sarili kung matutulog na ba ako o tatambay muna ako rito sa labas. Pilit kasing gumugulo sa 'king isipan 'yong mga sinabi ni Lubay Lubyok.
"'Lonely is the night' ang drama natin sa buhay, ah?"
Muntik na 'kong atakihin sa puso nang biglang sumulpot sa harapan ko si Solci.
Ano ba'ng problema nila? Ba't palagi silang nanggugulat?
"Nagpahangin lang ako. 'Tapos, may narinig akong kumakanta roon banda." Gamit ang nguso, itinuro ko ang tumpok ng mga taga-rito na umaawit sa di-kalayuan habang pinapaligiran ang siga.
Tumango-tango si Solci. "Ahh."
Oras na para ako naman ang magtanong. "Ikaw, ba't ka nandito?"
Itinulak niya ang pang-ibabang labi niya pasulong saka ipinagkrus ang mga braso sa dibdib. "Ang daldal ni Cormac, eh. Then si Langas naman, nawala out of the blue. Sumunod siguro siya kay Talay. 'Di ako sure."
"Baka nga," tipid kong sagot.
Kapag kami lang talaga ni Solci, naiilang ako. Siguro, dahil 'di naman kami gano'n ka-close doon sa normal na mundo. Ayaw ko kasi ng kaibigan noon, eh.
Sandaling naghari ang katahimikan sa pagitan namin. Sinikap ko namang umakto nang normal sa kaniyang harapan.
"Taralets, Olin!" Sa wakas ay nagsalita na siyang muli. Akala ko, napipi na 'to, eh.
"Ha? Saan?"
"Akyat tayo sa isang puno. Doon us tatambay."
Ang sunod niyang ginawa ay sinungkit ang palapulsuhan ko saka tumakbo habang tangay ako. Nagpatianod lang ako sa kaniya, napaawang ang mga labi, at tila may karerang nangyayari sa 'king dibdib. Habang tumatakbo, dumampi sa pisngi namin ang malamig na hangin at ang kulay-gatas niyang buhok ay parang sumasayaw. Pareho kaming walang pakialam sa mga halamang humahampas sa 'ming binti.
'Di nagtagal ay huminto kami sa tapat ng mataas na puno. Nagsiawitan ang mga kuliglig at rumehistro din sa 'ming pandinig ang kokak ng ilang palakang 'di namin matukoy ang kinalulugaran. Nanlaki ang aking mga mata nang makitang may mga alitaptap na sumalakay sa puno.
Nakita niya ba 'to kanina 'tapos gusto niya 'kong dalhin dito kaya niya ako hinanap? Luh, parang tanga 'tong si Solci.
Hindi garantisado ang kaligtasan naming dalawa sa gabing 'to, pero inaamin kong gusto ko siyang makasama ngayon.
Pagkaraan ng ilang segundo'y napagpasyahan na naming umakyat sa puno. Nang makaapak ako sa sanga nang maayos ay lumukso-lukso ako nang bahagya upang siguraduhing matibay nga ba ito. Nang makumpirma kong kaya naman nitong suportahan ang bigat ng dalawang tao, dagli kong tinawag si Solci at pumuwesto siya sa tabi ko. Kitang-kita namin mula rito sa kinaroroonan namin ang maliwanag na buwan kasama ang kaniyang mga alipores na bituin. Samahan pa ng mga maliliit na nilalang na may dala-dalang mumunting mga ilaw.
Sabay naming pinagmasdan ang nakamamanghang senaryo hanggang sa tuluyang binasag ni Solci ang katahimikan sa pagitan naming dalawa.
"Olin, no'ng time na nakita n'yo 'ko sa Escalwa, ba't parang feeling ko, alalang-alala ka sa 'kin? 'Di naman sa assumera ako, ha, pero parang gano'n na nga. Ha-ha-ha." Marahan siyang tumawa kaya napangiti ako. "I mean, ba't ka mag-aalala sa 'kin, eh, 'di nga tayo close sa Cebu?"
Napalunok ako. Muling naging iregular ang pagtibok ng puso ko sa 'di mawaring dahilan. "Siyempre no'ng una, na-guilty talaga ako dahil sinabi ko 'yon sa 'yo. Pero kalaunan, na-realize ko na hindi lang 'yon, may iba akong naramdaman—"
"Olin . . ." Namilog ang mga mata niya. 'Di niya siguro inasahan ang sinasabi ko ngayon.
"No'ng nawala ka, doon ko naramdaman na parang may kulang sa araw ko. Pinipilit ko ang sarili ko na wala akong kasalanan, na masaya na akong wala ka, at okay na ako dahil sa wakas ay wala nang nangungulit at gumagambala sa katahimikang inaasam-asam ko."
Nag-init bigla ang sulok ng mga mata ko. Kita ko ring nanunubig na ang kay Solci.
"Totoo pala talaga na roon lang natin makikita ang halaga ng isang bagay o tao 'pag nawala. I'm so sorry, Solci. Patawarin mo 'ko dahil sa ginawa kong pagtaboy sa 'yo. Sorry kasi trinato kita na parang hangin noon." Hinawakan ko ang mga kamay niya habang nanginginig ako sa kaba. "Nangako ako sa sarili ko na 'pag nahanap kita, aaminin ko sa 'yo na—"
Inilapat ni Solci ang kaniyang daliri sa labi ko. "Shh. It's okay, Olin. Wala akong sama ng loob sa 'yo. Gano'n pa rin ang pagtingin ko sa 'yo hanggang ngayon. Kaya please lang, 'wag kang ma-paranoid diyan."
Mula sa di-kalayuan ay may narinig kaming umaawit ng "Baleleng" ni Roel Cortez. Kay gandang pakinggan ng kantang 'yon, na bumagay rin sa sitwasyon naming dalawa ni Solci.
Hinawakan ko ang magkabila niyang pisngi. "Solci, ikaw ang bugtong itik nga nagkapa-kapa sa malapukon kong dughan ug ikaw ang tingting nga nagabagting sa akong kasing-kasing. Ug saksi ang mga unggoy nga naglangoy-langoy kilid sa hagunoy sa akong gugmang ikaw ra ang giila."
Ngumiti siya. Patuloy pa rin ang pagkanta sa di-kalayuan. "Gihigugma pud tika, Olin."
["Mahal din kita, Olin."]
Pinahid ko ang luhang kumawala sa kaniyang mga mata. Inabot ko ang isang pasaway na hibla ng kaniyang buhok at itinago ang mga ito sa likuran ng kaniyang tainga.
Pinasada ko ang kamay ko patungo sa likuran ng kaniyang ulo, at dahan-dahang pinutol ang distansya ng aming mukha hanggang sa pareho naming maramdaman ang aming paghinga. Pumikit siya na para bang binigyan niya 'ko ng permiso na hagkan siya. Inilapit ko pa ang aming mukha at singbilis ng hangin ko siyang hinandugan ng halik. Ang lambot ng kaniyang mga labi. Parang pagdapo ng isang alibangbang sa bagong namumukadkad na buwak.
Yumakap sa 'min ang malamig na simoy ng hangin. Saksi ang buwan at bituin sa kalangitan sa 'ming pag-iibigan. Hindi naman nakaligtas sa mga mata ko ang mga alitaptap na nagkorte na parang puso sa harapan ko. Kulang na lang ay may magpaputok ng kuwitis.
At kasunod ng pagdampi ng aming mga labi ay ang pagdalaw ng mga alaalang hindi ko inasahan . . .
"Ang tagal naman ni Helio! Ayaw ko na nga siyang pakasalan paglaki namin!" nakabusangot na sabi ng isang batang babae na may kulay-gatas na buhok. Humalukipkip ito at sumandal sa nakahigang katawan ng puno.
Lumapit ang batang lalaki sa kaniya. "Ako na lang ang pakasalan mo," sabi nito. 'Tapos, isang nakalolokong ngiti ang pumaskil sa kaniyang mukha.
Sunod-sunod na pag-iling ang isinukli ng babae. "Ayaw ko! Wala ka namang gingharian, Olin, eh. 'Tapos, nakatatakot pa ang ama mo."
Olin? Alaala namin 'yon ni . . . Solci?
Pero pa'no nangyari 'yon?
Sino ba talaga ako? Ano ba talaga ako?
t.f.p.
A/N: About po ro'n sa "ikaw ang bugtong itik chuchu" na walang translation, ang weird po kasi 'pag ita-translate word-for-word kaya 'di ko nilagyan. Basta, ang meaning lang n'on is "I love you."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top