CHAPTER 6- The Craziest Thing
CHAPTER 6- The Craziest Thing
SKYLER's POV
"Bro, bakit kanina ka pa nagbubuntong hininga dyan? May ginawa ka na naman bang kalokohan? Wag mong sabihing patay na naman tayo kay Bryan?" bungad sa akin ng kakambal kong si Tyler, kakapasok lang nya sa kwarto namin sa vacation house nila Bryan.
"Wala akong ginawang kalokohan! Masama lang ang pakiramdam ko kaya ganito ako." sagot ko habang nakahiga parin sa kama at nakatingin lang sa kisame imbis na sa kanya.
"Kilala na kita Sky bro, alam kong may problema ka." Hindi ko man sya kita alam kong umupo sya sa kama sa may paanan ko.
"Ang kulit mo Tyler. Minsan para kang babae, masyadong usisero. Wala to, wala lang sabi to." Sa kisame parin ako nakatingin.
"Kung namimiss mo sila, okay lang naman na pumunta ka dun Sky eh, kahit bigyan pa kita ng pamasahe." Nang sabihin nya yan, dun na ako napabangon at napa upo.
"Hinding hindi na sabi ako babalik dun!" sigaw ko.
"So tama nga ako, tungkol nga sa mag-ina mo at pamilya nila ang pinoproblema mo." Nakangiti pa sya ng pang asar habang sinasabi sakin yan.
Umiwas ako ng tingin sa kanya imbis na sumagot at mag deny pa, wala na, nahuli na nya ako eh.
"Basta, hinding hindi na ako babalik pa sa bahay ng Karma at ng batang bubwit na yun!" sigaw ko tapos nahiga na ako ulit sa kama at tumingin na lang muli sa kisame.
"Nung isang araw tuwang tuwa kang nagkukwento sa akin kung gaano ka nag enjoy kasama yung pamilya nung mag-ina mo tapos ngayon ganyan ka na naman? Ano ba kasing nangyari nung isang araw? Bakit nagkaganyan ka na naman?"
"Wala, walang nangyari. Sadyang ayoko na lang pumunta sa bahay na yun. At Tyler... hindi ko sila mag-ina."
"Pero Sky bro, alam kong may nangyari nung isang araw kaya--"
"Wala nga sabi! Iwan mo na lang muna ako dito."
"Pero br--" Nagtakip ako ng unan sa mukha para ipakita sa kanya na ayoko ng makinig pa, naintindihan na nya yun kaya tumigil na sya. Naramdaman ko ang pagbaba nya sa kama at narinig ko na lang ang pag bukas at pagsarado ng pinto.
Ilang segundo pagkatapos kong masiguradong wala na sya, tinanggal ko na yung unan na nakatakip sa mukha ko. Napabuntong hininga na naman ako habang nakatulala sa kisame sa taas ng kama ko.
Oo, may nangyari nung isang araw kaya ayoko ng bumalik pa dun sa bahay ng Karma na yun. Yung nangyari nung isang araw ang dahilan kung bakit parang gusto kong kumonsulta sa isang psychiatrist ngayon.
XXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXX
3 days later...
"Hay sa wakas makakahiga narin!" sigaw ko pagkasalampak ko sa kama. Ang daming customers sa bar ng hotel nila Go kanina, sumakit tuloy katawan ko, pero ayos lang rin kasi ang daming chicks kanina.
"Wala kang date ngayon bro?" tanong ni Tyler na nakasalampak narin sa kama nya katabi ng kama ko, pareho kaming pagod.
"Pahinga muna ako ngayon, pero bukas syempre meron, ako pa?"
"Icancel mo yung date mo bukas."
"At bakit ko naman gagawin yun?"
"Birthday nung anak mo bukas at family day pa sa school nila. Nagtext sakin si Kyra, hindi mo daw sinasagot yung text at tawag nya. Sky ang wish lang nung bata sa birthday nya eh makasama ka nya sa birthday nya, sana pagbigyan mo, ako na ang nakikiusap sayo."
Natigilan ako pagkatapos kong marinig ang sinabi ni Tyler. Hindi ko alam na birthday nung batang bubwit. Yung mga text kasi ni Karma hindi ko na binabasa eh, basta ko na lang binubura, yung tawag nya, wala akong sinagot ni isa. Kaya pala sya tawag ng tawag at text ng text, dahil pala dun.
"Sky bro, ano na? Andyan ka pa ba? Pupunta ka ba bukas huh?" tanong ni Tyler. Hindi ako sumagot, pinikit ko na lang yung mga mata ko at nagpanggap na tulog.
"Sky! Hoy Sky sumagot ka! Sky bro naman!" Nakapikit ako kaya di ko sya kita pero alam kong bumangon sya sa kama nya, inaalog nya kasi ako.
Inalog niya ako ng inalog pero hindi ako gumising, well gising naman talaga ako, sabihin na lang nating nagpanggap akong tulog hanggang sa magsawa sya ng pangungulit sa akin.
Nung marinig ko ang pagpindot nya sa lampshade sa may ulunan sa gitna ng kama namin, doon lang ako mumulat. Madilim na kaya alam kong hindi nya malalamang gising ako kahit mumulat man ako.
Pagkatapos ng mga ilang minuto sigurong pagtulalala ko sa kawalan...
"Anong oras daw yung family day bukas? Alam mo ba ang school nung batang yun?"
"Sky bro, salama--"
"Hindi ko sinasabing pupunta ako, tinatanong ko lang in case mag cancel bigla yung kadate ko. Yun lang yun."
"Okay, okay. Ito yung oras at yung lugar..." sinabi na niya sa akin yung mga detalyeng tinext ni Karma. Pagkatapos nun, pumikit na ako ng tuluyan.
XXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXX
Kinabukasan...
"No! I said I don't want to go here! What if daddy master go to our house? What if he goes there? I want to spend my birthday with daddy master! That's all I want, that's all I want please! Please! Let's just go back! Please mommy!" Ang aga-aga, ang ingay agad nung bubwit. Nag-iiyak sya habang nag aalpas kay Karma, papasok sila ng gate nung school.
"Yo." Bati ko sa kanila habang naghihigitan sila sa harap ko. Natigil sa pag aalpas si Kysler, nakamulat ng malaki ang mga mata nilang dalawa ni Karma sa akin, parang di makapaniwalang nasa harap nila ako.
"Sabi ko sayo ang mga lalaki dapat hindi umiiyak ah?" sabi ko dun sa bubwit, pagkasabi ko nun humibi siya, parang mas lalo pang iiyak pero tumingin siya sa taas siguro para hindi tumulo yung luha niya.
"I'm sorry daddy master." sabi niya habang tuwid na tuwid dun na parang isang sundalo, nakatingin nga lang parin sya sa taas.
Medyo napatawa ako ng konti dahil sa itsura nya pero pinigilan ko.
"Tumingin ka sa kausap mo pag kinakausap ka bata." sabi ko in a serious tone.
Unti-unti niyang binaba yung tingin nya at tumingin directly sa akin. Bumilang ako ng 1, 2, 3 sa isip ko tapos...
"Uwaaah! I'm sorry daddy master! I'm sorry, I just miss you so bad! I'm just so happy that you're here that I can't help but cry. Uwaaah! I'm sorry! I'm sorry!" Gaya ng inaasahan ko, tumakbo siya papunta sa akin at agad akong niyakap sa beywang habang nag-iiyak.
"Tahan na tahan na, pag nakita ka nung crush mong si Mitchy na umiiyak mate-turn off yun sayo sige ka." pagkasabi ko nyan, agad siyang natigil sa pag-iiyak. Nagpunas sya agad ng luha niya. Basta talaga tungkol sa crush niya ang bilis niya.
"Mana ka nga sakin." bulong ko sabay gulo sa buhok nya.
"What did you say daddy master?"
"Wala, sabi ko happy birthday." Pagkasabi ko nun, may kinuha akong hotwheels na pula (maliit na laruang kotse) mula sa bulsa ko at nilagay ko sa kamay niya.
"Wow! Thanks daddy master! Is this yours? It looks kinda old."
"Ayaw mo?"
"No! This is my favorite now! I love this because it's yours! Thank you! Thank you!" Yayakapin niya sana ako pero hinarangan ko yung mukha nya para mailayo sya sa akin.
"Anong sabi ko sa pagiging touchy ng isang lalaki sa kapwa lalaki?"
"It's a big no-no. I'm sorry daddy master."
"Good boy." sabi ko sabay pat sa ulo niya, ngumiti naman sya sa akin tapos ibinalik na ulit ang tingin niya dun sa kotseng bigay ko.
"Salamat." bulong ni Karma nung lumakad sya sa tabi ko.
"Magpasalamat ka dun sa kadate ko kasi nagcancel sya." bulong ko sa kanya, hindi na siya sumagot. Ngumiti lang ako ng hindi nakatingin sa kanya, ibinaling ko yung tingin ko kay Kysler.
Pumasok na kaming tatlo dun sa school ni Kysler.
.
.
Walang hanggang kadaldalan na naman si Kysler pag dating namin dun sa venue nung Family Day nila. Hinigit na niya ako ng hinigit para ipakilala sa kung sino-sino, sa mga kaklase niya, teachers, pati janitor at mga nagtitinda sa canteen nila. Ewan ko ba naman dun sa batang yun. Sayang nga, ang daming magagandang teachers at mga nanay dun, hindi ako makaporma kasi pinangangalandakan nyang may anak ako, busit.
Natahimik lang yung batang bubwit nung...
"Hi Kysler!" tinawag siya nung crush niyang si Mitchy.
Imbis na mag hi, nginitian nya yung Mitchy tapos kinindatan ito. Ang gwapo ng lintek, damn, I remember the days, ganyan na ganyan din ako ka hot kahit nung bata parin ako.
Natameme yung Mitchy, parang namula tapos nagtatakbo.
"Daddy master, is that okay?"
Nag okay sign ako sa kanya, "Ayos na ayos disipulo ko! Apir!" Nag high five kaming dalawa.
Si Karma hindi makarelate sa amin, halatang naguguluhan.
"Bakit hindi ka nag hi kay Mitchy?" tanong ni Karma kay Kysler.
"Mommy, ang mga lalaking gwapo, hindi po dapat naghahabol sa babae. Babae po dapat ang naghahabol samin. At para habulin kami ng babae, dapat ganun lang po ang moves, dapat you leave her wanting more, and then she'll chase after you." -Kysler.
Natulala si Karma ng ilang segundo. Siguro hindi mapaniwalaan na lumalabas yun sa bibig ng anak nya.
"Well said aking alagad! Well said!" sabi ko habang hinihimas yung ulo ni Kysler, tuwang tuwa naman sya. Minsan para talaga siyang aso, pero natutuwa ako sa kanya. Natandaan nya talaga lahat ng mga sinabi ko sa kanya.
"Oh bakit ang sama ng tingin mo sakin?" sabi ko kay Karma.
"Pag naging playboy rin yang si Kysler, tandaan mo, mananagot ka." sabi niya habang tinitingnan ako ng masama.
"Kung ayaw mong magkaron ng anak na playboy, sa susunod wag kang magpapabuntis sa gwapo." bulong ko.
"Anong sabi mo?" tanong niya.
"Wala, sabi ko tinatawag na tayo dun, maglalaro na, tara na!" Hinigit ko na si Karma tsaka yung bubwit.
Lahat ng games na pwede naming salihan sinalihan namin. Gusto kasi ni Kysler salihan lahat, namiss ko rin namang maglaro ng parlor games kaya nakisali narin ako.
Naglaro kami ng sack race, kung saan tatlong magkakadikit na sako yun, labanan ng pamilya. Panalo kami dun, buti na lang may pag kaaso si Kysler pagdating sa akin, masyadong masunurin. Umayon siya sa utos ko na tatalon pag sinabi kong tumalon siya kaya sabay sabay kami nila Karma. Tuwang tuwa nga si Kysler nung manalo kami, well oo na, pati ako, tsaka yung si Karma. Nagkayakapan nga kaming dalawa dahil sa sobrang tuwa. Napabitaw lang kaming dalawa sa pagyakap nung...
"Yes! So you're getting back together?" biglang naka epal ng ganyan yung batang bubwit.
"Hindi ah!" sigaw namin ni Karma tapos ayun nga nagbitaw kami. Pesteng yan, medyo nailang ako sa kanya pagkatapos. Ang init ng katawan ko bwisit na yan.
Sumali rin kami sa eating contest, paramihan ng makakaen na hotdog sandwiches, kaso talo kami dun, mamaw yung pamilya nung isang kaklase ni Kysler eh, parang ilang araw hindi kumaen para manalo dun sa eating contest -__-
Naglaro din kami ng paper dance kung saan muntik na sana kaming manalo. Nakasakay si Kysler sa likod ko habang nakayakap sa akin si Karma at tig isang paa lang namin ang nakatapak dun sa finold na news paper kaso dahil mabigat si Kysler at medyo nanghina ako probably dahil bugbog pa ang katawan ko sa trabaho kahapon eh ayun, nawalan ako ng balanse. Nagtaob kami. At dahil nga nakayapos sa akin si Karma, damay sya. Napahiga sya dun sa damuhan (nasa field kasi kami nung school) tapos ako nasa ibabaw niya.
Langya ilang segundo kaming nagkatitigan, parang biglang napasok kami sa isang cliche romantic movie... muntik ko na syang... ah, ayoko ng sabihin.
"Daddy, mommy, don't mind me. Just kiss." Nakalimutan kong nasa likuran ko pa nga pala yung batang bubwit. Napatayo tuloy ako bigla pati narin si Karma. Iba ang ngisi sa amin nung mga tao sa paligid pati narin si Kysler. Hindi ko maatim ang mga pang asar na tingin nila kaya nagpaalam muna ako para mag cr. Sobrang init talaga ng pakiramdam ko, bakit ganito?
.
.
Ang huli naming sinalihang laro ay yung card relay kung saan may isang baraha na ipapasa ng anak papunta sa tatay, papunta sa nanay gamit lang ang nguso.
Dahil sa maliit si Kysler kinailangan kong umupo para tumapat yung nguso niyang may card sa nguso ko. Nung umupo ako medyo nahilo ako, siguro dala narin sa pagod pero pinilit ko paring makuha yung card. Nakuha ko yun at humarap na kay Karma na nakaupo rin para di ko na kailanganing tumayo, pag naipasa ko ng maayos kay Karma yung card mananalo kami, kaya kahit nahihilo ako pinilit ko talaga...
Pinilit ko pero...
"Weeeheee!"
"Uiiiiiiii!"
"Wit weeew!"
"Walang titingin kids!"
Napuno ng mga sigawan na yan ang paligid ko.
Bago tulyang magdilim ang paningin ko, nakita ko sa lupa yung card, nalaglag yun. Bago ako tuluyang nawalan ng malay, mga mata ni Karma ang huling nakita ko, at labi niya... labi niya ang huling naramdaman ko.
XXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXX
"Daddy master! I'm so worried! Thank God you're awake! I'll just call mommy!" Nagtatakbo na palabas ng kwarto (base sa nakikita ko, nasa kwarto ako sa bahay nila Karma) si Kysler.
Dumating si Karma na may dala-dalang mainit na sabaw ata yun kasama si Kysler, pinatong niya yung pagkaen sa may maliit na cabinet sa may ulunan ng kama kung saan ako nakahiga.
"Kysler, lumabas ka muna, may pag uusapan lang kami." sabi ko dun sa bubwit.
"But Daddy master I want to stay with--"
"Saglit lang to Kysler."
"Well, okay." Lumabas na siya sa pinto.
Hindi ako makatingin kay Karma. Tinakluban ko ng braso ko yung mga mata ko habang nakahiga ako ng tihaya sa kama.
"Hindi ko sinasadya yung nangyari dun sa card relay." sabi ko.
"Alam ko." yan lang yung sagot niya.
Ilang segundo ng katahimikan ang dumaan. Kahit di ko siya kita alam kong nandun parin siya sa kwarto malapit sa akin dahil di ko pa naririnig ang pagbukas ng pinto.
"Kumaen ka na bago pa lumameg tong--"
Hindi siya nakatapos sa sasabihin niya dahil bigla akong umimik.
"Do you want to know what's the craziest thing I ever did so far?" tanong ko, hindi siya sumagot.
Nagtuloy ako sa pagsasalita.
"Isang araw, napadaan ako sa isang jewelry shop. Hindi ko intensyong bumili ng alahas kaya ako pumasok sa shop na yun. Pumasok lang ako kasi ang kinis at mukhang ang laki nung boobs nung natanaw kong saleslady dun sa loob nung shop. Pagkapasok ko dun, nagulat ako. Nagulat ako hindi dahil sa iba sa inaasahan ko yung ganda ng mukha at yung laki ng boobs nung saleslady... nagulat ako kasi imbis na yung boobs niya ang makakuha ng atensyon ko, sing-sing... isang sing-sing ang umakit sa mga mata ko. Isang sing-sing yun na hugis puso at may isang maliit na dyamanteng bato... Pinakuha ko yung sing-sing. Nung mahawakan ko yun, isang babae ang lumabas sa utak ko, isang babae na may kasamang isang makulit na bata na wala ng ginawa kung hindi tawagin akong daddy. Habang nakikita ko sila sa isip ko, unti-unting bumuka yung bibig ko at sinabi ko to dun sa saleslady... 'Miss magkano to?' , sumagot naman siya agad. Nung marinig ko yung presyo at kapain ko yung bulsa ko, nagpasalamat ako sa Diyos tapos lumabas na ako nung jewelry shop at nangakong hinding-hindi na ako dadaan pa ulit dun."
"Hindi ko maintindihan kung anong sinasabi mo." Narinig kong umimik siya. Nakatakip parin ang braso ko sa mga mata ko kaya di ko kita ang reaction nya.
"That's the craziest thing I ever did so far, to walk inside a jewelry shop and actually plan on buying a ring for a girl. Ngayon, alam mo kung bakit nagpasalamat ako sa Diyos pagkatapos kong kapain ang bulsa ko?"
"Mr. Playboy kumaen ka na. Lalamig na talaga tong--" Bumangon ako sa kama, hinawakan ko bigla yung braso niyang ipanghahawak niya dapat dun sa bowl ng soup na ipapaken niya sa akin.
"Nagpasalamat ako sa Diyos nun, kasi kung nagkataong may pera ako at afford ko yung sing-sing, the craziest thing I ever did so far, wouldn't be to walk inside a jewelry shop and actually plan on buying a ring for a girl... it would be..." I gulped bago ako nagtuloy sa pagsasalita...
I looked intently at her eyes... and said the craziest thing I ever said so far, "The craziest thing I ever did so far would be... asking you to marry me. Kung mura yung sing-sing at may pera ako, siguro inaya na kitang magpakasal ngayon."
Ilang segundo kaming magkatinginan. Ramdam ko ang pagbilis ng pulso niya sa braso niyang hawak-hawak ko, kasabay ng pagbilis nung sa akin. Hindi ko alam kung bakit parang nanuyo yung lalamunan ko bigla, ang hirap magsalita.
"Daddy master! Are you finished talking now?" Biglang sumulpot yung batang bubwit. Nabitawan ko yung kamay ni Karma. Agad siyang tumayo at lumabas ng kwarto.
"Oo, tapos na kaming mag usap. Birthday mo ngayon, anong gusto mong gawin natin?"
"I just want to be with you daddy master!" sigaw niya tapos agad siyang umakyat sa kama at niyakap ako.
Hindi ko na siya sinaway tulad ng dati. Hinayaan ko na lang siyang yakapin ako habang nakatulala ako sa pinto kung saan lumabas si Karma.
Nagulo ko na lang ang buhok ko sabay bulong...
"Ngayon, bago na naman ang craziest thing na ginawa mo so far Skyler Sy. Bakit mo ba sinabi sa kanya yun?"
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top