CHAPTER 14- The Things We Never Said
CHAPTER 14- The Things We Never Said
KYRA's POV
Nakalupasay pa ako sa saheg habang umiiyak nang bumaba sila kuya sa salas. Nagising sila sa lakas ng sigaw at pag-iyak ko. Sobrang sakit kasi ng nararamdaman ko na sa tingin ko pag hindi ko yun isinigaw at inilabas, baka mawarak yung dibdib ko.
"Ano'ng nangyari Kyra? Bakit ka umiiyak?" tanong nila.
"Mga kuya, si Kysler, please pakisundan si Kysler sa labas, pakibalik s'ya dito," yan na lang ang nasabi ko. Hindi ko na kasi nasundan si Kysler kanina nung hinabol n'ya palabas si Skyler dahil wala pa akong lakas tumayo, hanggang ngayon nga hindi ko parin magawang tumayo.
"Ano ba talagang nangyari dit--"
"Please, please mga kuya! Pakikuha na lang si Kysler sa labas! At pakisabi dun sa lalaki sa labas na bukas na lang kami mag-usap, paalisin n'yo s'ya, please, mamaya ako magpapaliwanag. Please lang." Humihikbi pa ako habang nakikiusap sa kanila. Naintindihan naman nila ako at hindi na nagtanong pa. Lumabas na sila para kuhanin si Kysler sa labas.
Untii-unti akong tumayo mula sa pagkakaupo sa saheg atsaka naupo sa pinakamalapit na sofa. Pilit kong pinipigilan ang paghikbi ko, pilit kong inaayos ang sarili ko para pag dating nila kuya maayos ako, pero sa tuwing mahahagip ng mata ko yung maliit na box na may lamang sing-sing, sing-sing na balak sanang ibigay sa akin ni Skyler para sa plano n'yang proposal... hindi ko mapigilang mapaiyak muli. Ang sakit-sakit. Ang tanga-tanga ko. Ang sama-sama ko. Bakit ko hinayaang magkaganito ang lahat? Bakit pinaabot ko pa ang lahat sa puntong to?
"Titos please, please, let's run after daddy please! I don't wanna spend Christmas without him please! Please let's run after him! Please!" Napatunhay ako nang marinig ko ang sigaw at iyak ni Kysler. Nakita ko s'yang nagwawala habang buhat-buhat ni Kuya Kevin. Lalong nabiyak ang puso ko. Paano ko nagawa to sa anak ko? Bakit hindi ko s'ya naisip? Bakit hindi ko s'ya naisip nung pinlano ko yung paghihiganti ko?
Binitawan na ni Kuya Kevin si Kysler. Nang tingnan n'ya ako gamit ang namumugto n'yang mga mata na wala paring tigil sa paglalabas ng luha, lalo akong naiyak, pero pilit kong pinigilan.
"Kysle--"
"Mommy, mommy let's run after daddy! Mommy, let's go after him. Please, let's go after him..." sabi n'ya habang hinihila yung kamay ko.
"Kysler--"
"Please mommy... I wouldn't ask for anything else... You don't need to give me anything next Christmas and for all the other Christmases to come, just bring back daddy. Just give me my daddy master and I wouldn't ask for anything ever again I promise. Please mommy. Please?" He's really begging, pero wala akong masabi. Hindi ko alam ang dapat sabihin. Hindi ko alam kung saan ako magsisimulang magpaliwanag.
"Kysler alam mo kas--"
"Please! Please mommy! Please! I'm begging you! Please! Please..." Natigilan na lang talaga ako nang lumuhod s'ya sa harap ko! Lumuhod s'ya habang nagmamakaawa! Lalo akong naiyak ng makita ko yun. Hindi na ako makapagsalita dahil sa pag-iyak.
"Please mommy. Please. Please bring daddy master back! Please! Please! That's my only wish this Christmas. Please. Please, I'm begging you mommy. I'm begging you. I'm begging you. I promise I will be a good boy, I'll study hard, I'll study in my room everyday, just brong him back. Just bring my daddy back please." Tuloy parin s'ya sa pagluhod at pagmamakaawa sa harapan ko. Gusto ko s'yang pagbigyan, gusto kong sabihin na ibibigay ko yung gusto n'ya, gusto ko s'yang yakapin at sabihing magiging okay lang lahat... pero hindi ko magawa. Hindi ko magawa kasi ayoko ng dagdagan pa ang mga kasinungaling sinabi ko sa kanya.
"Kysler, tumayo na ka na d'yan. Tara bilis, tingnan mo yung regalo namin say--"
"I don't want that! I want daddy master! I don't want anything! I just want daddy master! Give me my daddy master! Give me my daddy master!" sigaw ni Kysler, ayaw n'ya paring tumayo kahit hinihigit na s'ya nila kuya. Dahil sa lakas ng sigaw n'ya nagising narin sila mama at papa.
"Ano'ng nangyari dito?" tanong nila, gulat na gulat sa nadatnan nilang eksena. Sinenyasan ko sila kuya na dalhin na si Kysler sa taas at naintindihan naman nila.
Habang sapilitan nilang dinadala si Kysler sa taas, sumisigaw parin ito sa akin at nagmamakaawang ibalik ko sa kanya ang daddy master n'ya.
I really want to kill my self right now.
Matapos kong pakalmahin ang sarili ko at patigilin ang aking pag-iiyak, inexplain ko na ang lahat-lahat kila mama at papa, pati narin kila kuya. Simula dun sa panloloko ko kay Skyler na s'ya ang ama ni Kysler, at sapagsisinungaling ko rin sa kanila tungkol sa tunay na ama ng anak ko hanggang sa nangyari kanina, yung fact na nalaman na ni Skyler ang totoo at ngayon ay galit na galit ito sa akin.
Nasampal ako ni papa. Hindi n'ya mapaniwalaang pati sila niloko ko. Hindi sumama ang loob ko matapos n'yang gawin yun, dapat lang naman kasi na gawin n'ya yun. Hindi na tinuloy pa ni papa ang pakikinig sa eksplenasyon ko, galit na galit s'yang bumalik sa kwarto, sinundan s'ya ni mama.
Sila kuya, hindi rin ako inimikan pagkatapos. Ito ang unang beses na ginawa nila sa akin yun. Iniwanan nila ako sa baba at pumunta na sila sa kwarto ni Kysler.
Naiwan akong mag-isa sa baba, walang magawa kung hindi mag-iyak at magsisi dahil yun lang ang pwede kong gawin.
Habang nagsasaya ang mga kapitbahay namin at nagbabatian ng maligayang Pasko, ang buong bahay namin, napuno ng iyakan at lungkot.
Natapos ang Pasko ng hindi ako iniimikan ng mga magulang at kapatid ko. Si Kysler, wala paring tigil sa pag-iyak sa loob ng kwarto. Nagpupumilit s'yang lumabas ng bahay, nagmamakaawang hanapin namin at pabalikin ang daddy master n'ya. Ilang beses ko ng sinabi sa kanya ang totoo, ang katotohanang hindi n'ya daddy si Skyler, pero ayaw n'yang makinig. Sa tuwing sasabihin ko yun sisigaw s'ya ng, "You're lying! You're lying mommy! You're lying!" at pagkatapos noon, magmamakaawa na ulit na hanapin namin ang daddy master n'ya. Hanggang ngayon hindi n'ya parin binubuksan yung mga regalo n'ya. Pinuntahan s'ya ni Alex pero ayaw n'yang kausapin ito. Talagang si Skyler lang ang gusto n'yang makita.
XXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXX
SKYLER's POV
Nung magpunta ako sa bar this d-cup girl in a sexy white v-cut dress approached me. We danced and flirt the whole night and it's obvious where we end up.
Now we're on a hotel, lying on a king-sized bed, and I'm on top of her. I'm kissing and licking her neck as she moan like crazy.
I removed her sexy white dress, underneath is a more beautiful sight. Damn she's sizzling hot. Her tits are just in the right shape, accented by the naughty lacey black and pink bra she's wearing. I bloody wanna make a mess out of her.
"Mmn~ Aaaaaaaaah~ ahhhhh!" She moaned habang kinacaress n'ya ang buhok ko. I'm licking one of her nipples while I play with the other.
I leaned forward, faced her, and then we kissed. She's good at kissing damn. She tasted like cigarettes and alcohol and cake. I bloody like her perfume too. As I kissed her, I move my hand across her legs, and I started touching her sexy private part. That made her moan so hard. She's so wet down there. Horny slut.
I kissed her neck again, sucking and biting eat, leaving my hot breath behind, and then I started moving downwards, kissing her breasts, her sexy waist... and I was about to go down there to the very delicious part of her when she screamed, "I love you Skyler Sy!" and that line made me stop.
"I love you." Oh how I hate that phrase right now. Nang marinig ko yun, it reminded me of her. It reminded me of the sound of her voice as she said that phrase to me that night, the taste of her lips as I kiss her, the sound of her moans as she respond to my every touch that night... She was the sexiest and most beautiful thing ever... but she was a liar. She made a fool out of me... and I hate the fact that I let myself be fooled by her. I hate the fact that once in my life I was more than willing to be a fool for her... for the likes of her.
"Sky, why are you crying?"
"Huh? Why am I what?" I was left dumbfounded by her question. Then I realized, yeah she's right, tears are falling down my bloody eyes. Bloody f*ck!
"Sk--"
"Get out!" sigaw ko sa kanya pagkatapos kong pahiran ang luha ko.
"What the hell?" she screamed.
"I said get out! Get out of here right now!"
"Oh f*ck you! What the f*ck are y--"
"Get out! Get out now!" Binuhat ko na s'ya at tinangay narin ang damit n'yang hinubad ko tapos ibinaba ko s'ya sa labas ng pintuan.
"Why are you doing this? F*ck you!" she shouted.
"I wanna say f*ck you too, but I'm not in the mood to f*ck you right now," I said to her tapos sinarado ko na yung pinto.
I immediately collapsed on the bed after that and I started screamiing, "F*ck! F*ck! F*ck! F*ck it all!"
XXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXX
Nasa kwarto na namin ako kasama ni Tyler nang gisingin kami ng pagkatok ni Bryan Go. Hating gabi na, ano bang kailangan n'ya? Nalaman n'ya bang nagdala na naman ako ng babae dito nung isang gabi?
Akala ko papagalitan n'ya ako at paparusahan pero sinabi lang n'ya na may babaeng naghihintay sa akin sa labas ng gate ng bahay. May ideya na ako kung sino yun kaya sabi ko hindi ako bababa, pero ayaw daw umalis nung babae, umuulan pa naman peste, kaya ginising ko si Tyler para s'ya ang magpaalis sa kanya.
Naintindihan ni Tyler na ayaw ko pang makita ang pagmumukha ng babaeng yun kaya s'ya na ang humarap sa kanya. Nasa likuran ako ni Tyler habang pinapaalis n'ya ito, hindi n'ya ako kita pero naririnig ko ang boses n'ya at pagmamakaawa n'yang makausap ako.
Hindi ko talaga s'ya dapat kakausapin pero narinig kong sinigaw n'ya, "Please, hindi to para sa akin, para to kay Kysler! Nawawala si Kysler, parang awa mo na, kailangan ko ang tulong n'ya!" Nang marinig ko yan, hindi ko na kinaya pang manatili na lang sa likuran ni Tyler at magbingi-bingihan.
Lumabas ako at hinarap s'ya, "Nawawala si Kysler? Kailan pa?" sigaw ko. Pigilan ko man ang sarili ko, nag-aala talaga ako.
"Ngayon lang, pumunta ako sa kwarto n'ya para silipin s'ya pero wala na s'ya dun. Kumontact na sila kuya ng mga pulis pero hindi ako mapalagay na maghintay lang. Hating gabi na, at umuulan pa, baka kung anong mangyari sa kanya. Nagbabakasakali lang ako na baka pinuntahan ka n'ya, pero mukhang wala s'ya dito."
"Yu-yung tatay n'ya nasaan? Bakit hindi mo s'ya kasama?"
"Hindi ko s'ya macontact, Hindi ko na alam kung sinong lalapitan, at ikaw lang ang naisip ko na pwede. May alam ka bang lugar na pwede n'yang puntahan?"
Umiling ako. Wala akong maisip. Pero katulad n'ya, hindi ko rin kayang maghintay lang. Pesteng batang yun, ano bang iniisip n'ya?
Pinakuha ko na kay Tyler yung susi ng kotse ni Go, pumayag naman si Go na ipagamit sa akin iyon. Sumakay na kami ni Karma sa sasakyan, naiwan si Tyler dahil baka mamaya dumaan o pumunta dun yung bata, mabuti ng sigurado.
Pinuntahan namin ni Karma lahat ng lugar na posibleng puntahan ni Kysler pero wala, hindi namin s'ya makita. Hindi parin daw s'ya nahahanap ng mga pulis ayon sa text ng mga kapatid ni Karma. Nag-iiyak na si Karma habang nagmamaneho ako.
"Nasaan na ba s'ya? Hindi ko alam ang gagawin ko pag may nangyari sa kanya. Kasalanan ko lahat ng to," sigaw n'ya habang umiiyak.
"Bakit ba kasi s'ya umalis ng bahay?" sigaw ko.
"Hinahanap ka n'ya, gusto ka n'yang makita. Gusto ka n'yang puntahan pero ayaw namin s'yang payagan... kaya nga akala ko pupunta s'ya sa bahay mo." Nang sabihin n'ya yan, may ideyang pumasok sa isip ko.
Hindi alam ng batang yun ang papunta sa bahay namin... kung hahanapin man n'ya ako, hindi sa bahay namin ang una n'yang pupuntahan... siguradong sa lugar na yun s'ya pupunta. Bakit hindi ko yun naisip?
Agad akong nag-iba ng daan at pinuntahan yung lugar na nasa isip ko... and I was so relieve nang makita namin s'ya doon. Nasa isang sulok sa harap nung guardhouse. Oo, nandun s'ya sa harap ng school ko, yun nga lang sarado yun ngayon at ilaw lang ng poste sa tabi ang dahilan kung paano namin s'ya nakita.
Pagkatigil ko ng sasakyan agad na nagtatakbo si Karma papunta sa kanya kahit na ang lakas ng ulan. Sumunod ako dala-dala yung payong.
Agad na niyakap ni Karma yung bata. Nagsorry ito at sinabing gusto lang n'ya akong abangan sa harap nun, inagahan n'ya ang alis para siguradong makita n'ya ako kung sakaling papasok ako sa school.
Pagkabitaw ni Karma sa kanya, agad n'ya akong nakita. Nag-iyak na naman s'ya. Agad n'ya akong niyakap sa beywang. Hindi ako makagalaw. Ang bigat ng dibdib ko. Gusto ko s'yang hawakan, gusto ko rin s'yang yakapin dahil miss na miss ko na s'ya pero may malaking wall sa pagitan namin. Yung wall na yun ay yung katotohanang, hindi ako ang ama n'ya. Hindi ako ang daddy master n'ya.
"Tara na, malakas ang ulan," I said coldly, binuhat ko na s'ya at nagpunta na kami sa loob ng sasakyan.
Sa likuran sila nakaupo ni Karma, binigay ko dun sa bata yung jacket ko dahil nanginginig na s'ya sa lamig. Sa byahe, walang ginawa ang batang yun kung hindi sabihing, "You're coming back right daddy master? You're gonna come back to our house right?" pero hindi ko s'ya sinagot no matter how many times n'yang sinabi yun. Nakatulog na s'ya nang hindi ko s'ya sinasagot.
"Sh*t!" sigaw ko nang tumigil ang sasakyan. Nasiraan kami f*ck. Sa isang liblib na lugar pa kami tumigil, malayo sa kabahayan at ang lakas pa ng ulan, king ina.
Wala tuloy kaming choice kung hindi hintayin sila Tyler na sunduin kami kung nasaan kami. Medyo malayo pa naman yung panggagalingan nila bwisit.
"Ah dito muna ako uupo para makahiga ng maayos si Kysler," sabi ni Karma, lumipat s'ya sa upuan sa tabi ko at iniwan si Kysler na natutulog dun sa back seat.
Hindi kami nag-iimikan. Bakit naman kami mag-iimikan?
Nakatingin lang ako sa bintana, iniiwasang tingnan s'ya pero hindi ko maiwasang sulyapan s'ya sa gilid ng mga mata ko. Nanginginig s'ya sa lameg. Nagpakabasa ba naman kasi s'ya sa ulanan kanina, lalamigin nga s'ya nan.
Gusto ko mang ibigay sa kanya yung jacket ko, di ko na maibibigay dahil nakakumot na yun kay Kysler. Kaya wala na lang akong ginawa.
Pero habang tumatagal mas tumitindi yung panginginig n'ya. Namumutla narin s'ya sa lameg. Hindi ko na kinaya pang makita s'yang ganoon kaya naman...
"Oi..." tinawag ko s'ya.
Bago pa s'ya makaimik, hinigit ko na s'ya palapit sa akin at niyakap.
And I hate my self for doing it. I hate my self dahil malinaw na nag-aalala parin ako sa kanya. Malinaw na hindi pa talaga ako bumabalik sa dating Skyler ng buong-buo. Yung kalahati ng pagkatao kong baliw na baliw at tangang-tanga para sa kanya, natitira parin. Mahal na mahal parin s'ya ng kalahati ng pagkatao ko.
XXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXX
KYRA's POV
Sobrang ikinagulat ko ang pagyakap n'ya sa akin. Iimik sana ako para humingi ng tawad sa kanya, para sabihin sa kanya lahat ng bagay na hindi ko nasabi noong umalis s'ya pero hindi n'ya ako hnayaang magsalita. Sabi n'ya pag nagsalita ako kahit isang letra, bibitawan n'ya ako. Ayokong bitawan n'ya ako dahil alam kong baka ito na yung huling beses na mararamdaman ko ang yakap n'ya, kaya itinikom ko na lang ang bibig ko at dinaan sa pag-iyak ang lahat ng bagay na gusto kong sabihin sa kanya.
XXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXX
SKYLER's POV
Dahil sa lakas ng ulan at dahil sobrang lalim na ng gabi, para sa kapakanan nung bata, doon na muna namin pinatuloy sa mansyon nila Go sila Karma matapos kaming sunduin ni Tyler. Pinagtext ko na lang s'ya sa kanila. Delikado kasi kung babyahe pa kami papunta sa kanila. Wala narin ako sa kondisyong magdrive.
Tulog na ang mga tao sa bahay nang bumaba ako sa kusina para uminom ng tubig, pero laking gulat ko nang makita ko si Kyra na nakalupasay sa saheg sa tapat ng nakabukas na ref.
Agad ko s'yang pinuntahan at tinapik para magising. Sobrang init n'ya, mukhang nilagnat na s'ya dahil sa pagkabasa sa ulan kanina. Nagkamalay naman s'ya matapos ang ilang segundo. Pipilitin sana n'yang tumayo pero sobrang nanghihina s'ya, muntik na s'yang magtaob kaya binuhat ko na lang s'ya.
Inihiga ko s'ya sa isang kwarto malapit dun sa kwartong tinutulugan ni Kysler. May sakit s'ya, baka mahawa si Kysler kaya nirequest n'yang wag ko s'yang ihiga malapit rito.
Matapos ko s'yang ihiga sa kama, kumuha ako ng bimpo at basin na may yelo, tubig at alcohol. Pinainom ko muna s'ya ng gamot bago s'ya punasan ng malamig na tubig. Ayaw pa nga n'yang alagaan ko s'ya, sa totoo lang ayaw ko rin, pero hindi ako makakatulog kung hahayaan ko lang s'ya na ganun kainit.
Nag-iiyak s'ya habang nilalagyan ko ang noo n'ya ng basang bimpo. Parang binibiyak ang dibdib ko habang tinitingnan s'ya. Nanunuyo na ang lalamunan ko, ang hapdi na ng mga mata ko.
Matapos kong kunin ang temperatura n'ya na sa kabutihang palad ay medyo bumaba na, liligpitin ko na sana yung basin at aalis na pero bago ko pa man magawa yun ay niyakap n'ya ako mula sa likuran, kaya napaupo ako sa kama.
"Ano bang... ano bang ginagawa mo Karma?" tanong ko, ang hirap magsalita habang yakap-yakap n'ya ako. Gusto kong kumawala na parang ayoko rin.
Hindi s'ya nagsalita. Naramdaman ko lang ang pag-iyak n'ya habang nakasandal sa likuran ko.
"Kung balak mong humingi ng tawad, sorry pero hindi ko yun--"
"Hindi ko balak humingi ng tawad," sabi n'ya. Ni wala s'yang intensyong magsorry sa akin?
"Ayokong humingi ng tawad, hindi dahil sa sa tingin ko hindi mali yung ginawa ko, alam kong maling-maling-mali yung ginawa ko sayo kaya ayokong humingi ng tawad. Ayokong humingi ng tawad dahil kahit sobrang liit na posibilidad na mapatawad mo ako, ayokong makuha. Walang kapatawaran ang ginawa ko sa'yo na ako mismo, hindi ko mapapatawad ang sarili ko. Sobra kitang sinaktan, and I hate my self for that, probably much more than how much you hate me right now," sabi n'ya pa. Humihikbi s'ya habang binabanggit ang mga iyon.
"Kung ganun bitawan mo na ako, sa ginagawa mong to, mas sinasaktan mo lang ako." Tatayo na sana ako pero pinigilan n'ya ako. Mas hinigpitan n'ya ang yakap n'ya sa akin.
"Saglit lang... saglit lang to... Ito na ang huling beses na hihingi ako sayo ng pabor, kaya please... please pagbigyan mo ako, nagmamakaawa ako sayo. Para to sa ikatatahimik ko at ng nararamdaman ko. Pagkatapos nito, pangako, hindi na kita guguluhin, pangako," sabi n'ya. Hindi ako sumagot pero hindi na ako kumawala pa mula sa yakap n'ya.
"Ito yung... ito yung mga bagay na hindi ko nagawang sabihin sa'yo noong may oras pa ako. Ito yung mga bagay na hindi ko nagawang sabihin sa'yo ng paulit-ulit habang nasa akin ka pa. Ito yung mga salitang I took for granted... Ito yung mga salitang dapat sinabi ko sa'yo habang mahal mo pa ako..." she said... and then mas humigpit na naman ang yakap n'ya. Tapos mas dumiin ang pagtuon n'ya sa likod ko.
She started sobbing but she insisted on saying these words to me kahit umiiyak, "Mahal kita. Mahal na mahal kita. Mahal kita! Mahal na mahal kita! Mahal kita! Mahal na mahal kita!" nang marinig ko yan mula sa kanya, naiyak na lang din ako. Ang sakit, ang sakit sakit marinig yun sa kanya ngayon. Bakit ganun?
"Mahal kita. Mahal na mahal kita," tuloy parin s'ya. Gusto kong pigilan ang paghikbi ko dahil ayokong malaman n'yang umiiyak ako, pero hindi ko na kinaya. Sobra-sobra ang sakit na nararamdaman ng puso ko ngayon.
"Mahal na mahal kita... daddy," yan ang huling sinabi n'ya bago n'ya ako tuluyang bitawan. Hindi ako makapaniwalang tinawag narin n'ya ako nun, "daddy". Ang tagal ko s'yang pinipilit noon na tawagin ako ng ganun... bakit ngayon n'ya lang ginawa? Bakit ngayon pa?
Nanghihina man, piniliit kong tumayo mula dun sa kama. Hindi na ako humarap pa para tingnan s'ya. Ayokong makita n'ya ang umiiyak kong mukha.
Unti-unti na akong humakbang palabas ng pinto ng kwarto... at nang makalabas ako doon, malinaw sa akin na pagkatapos noon... labas narin ako sa buhay n'ya. Tapos na kami. Tapos na ang lahat sa amin.
"Mahal na mahal rin kita... mommy," bulong ko bago ako tuluyang lumakad palayo doon sa nakasaradong pinto.
XXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXX
KYRA's POV
Months passed... Tinupad ko ang pangako kong hindi na muli guguluhin pa ang buhay ni Skyler. Kahit gaano kagusto ni Kysler na makita s'ya, hindi ko s'ya hinayaan.
Kinakausap na ako ngayon ng mga tao sa bahay. Si Alex, madalas n'yang dinadalaw at pinapasyal si Kysler pero hindi parin kami nag-uusap. Galit parin ako sa kanya pero hindi ko na pinagkait pa sa kanya ang maging ama kay Kysler. Alam kong higit sa lahat, isang ama ang kailangan ni Kysler ngayon.
Balita ko, balik na naman sa dating gawi n'ya si Skyler. Buhay na naman yung playboy blog n'ya sa youtube. At matunog na naman ang pangalan n'ya sa mga babae.
He's doing fine I guess. Me? I don't know, fine too, I guess.
Naglalakad ako sa kalsada galing sa isang mall. Kakatapos ko lang mamili ng groceries. Patawid ako sa kabilang kalsada at hindi ko inasahan kung sino ang nakita kong patawid din, pasalubong sa akin.
Habang lumalakad ako palapit sa kanya at ganun rin s'ya sa akin, iniisip ko kung yuyuko ba ako para iwasang makita s'ya, titigil ba ako at babalik sa pinanggalingan ko, o lalakad ba ako ng tuwid, taas noo s'yang lalampasan na para bang hindi ko s'ya kilala.
Nang magtapat ang mga balikat namin, parang tumigil ang oras saglit, pero ginawa ko yung huli kong sinabi. Nilampasan ko s'ya na para bang hindi ko s'ya kilala at ganoon rin ang ginawa n'ya.
Matapos kong makatawid sa kabilang kalsada, doon ako napatigil. Hinawakan ko ang dibdib kong sobrang sumasakit at doon ko sinabi ang mga salitang gustong-gusto kong sabihin noong magkasalubong ang landas namin kanina, "Mahal na mahal parin kita, hanggang ngayon."
XXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXX
SKYLER's POV
Naglalakad ako sa kalsada papunta sa mall kung saan ko tatagpuin yung kadate ko. Patawid ako sa kalsada papunta dun sa mall pero hindi ko inasahan ang nakita kong naglalakad papunta sa akin.
Hindi ko alam kung tatakbo ba ako palayo sa kanya, o lalampasan ko ba s'ya. Habang naglalakad ako, iniisip ko parin kung anong gagawin ko.
Nung magtama ang mga balikat namin, parang gusto ko s'yang higitin paharap sa akin at yakapin pero hindi ko ginawa. Imbis na gawin yun, nagpanggap na lang akong parang hindi ko s'ya nakita. Ganun rin s'ya, nilampasan n'ya lang ako na para bang hindi n'ya ako kilala.
Pagkatapos kong makatawid sa kabilang kalsada, napatigil ako sa gitna ng mga naglalakad na tao dahil para bang bigla akong nanghina. Huminga ako ng malalim at saka tumalikod, humarap pabalik kung nasaan s'ya.
Habang pinagmamasdan ko ang likuran n'yang nakatigil sa kabilang kalsada, sinabi ko ito, "Mahal na mahal parin kita, hanggang ngayon."
Pagkatapos noon ay may biglang dumaan na bus sa harapan ko kaya nawala s'ya sa paningin ko. Nang makadaan na yung bus wala na s'ya doon. Tumalikod na lang ako at naglakad nang muli, tinawagan yung kadate ko at sinabing papunta na ako, na para bang walang nangyari.
.
,
Anong bagay ang mas masakit kaysa sa mga bagay na ayaw mong marinig? Mga bagay na hindi mo nagawang masabi.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top