CHAPTER 10- Yes/No
CHAPTER 10- Yes/No
THIRD PERSON's POV
Pagkarinig ni Kyra ng tunog ng doorbell ng gate nila, agad syang napatayo at para bang napuno ng sigla. Dali-dali syang nag ayos ng buhok sa salamin sa salas nila at agad ng pumunta sa harap ng gate nila para pagbuksan ang nasa harapan nito.
Kasabay ng unti-unti nyang pag bukas ng gate ay syang pagbilis ng pintig ng puso nyang kahit anong gawin nyang pigil ay sabik na sabik sa iisang tao.
"Pa-papa?" para bang nadrain ang lahat ng energy na meron ang katawan nya ng mga oras na yun ng makita nya ang nasa harapan ng gate nila. Hindi man nya aminin pero kitang-kita sa mukha nya na disappointed sya. Kitang-kita na pati ama nya ay nahalata iyon.
"Sorry kung hindi ako si Skyler." pagloloko ng kanyang ama.
"Bakit kayo nagsosorry papa? Hindi ko naman sya hinihintay no! Pumasok na nga po kayo." pagdedeny ni Kyra. Tinawanan lang sya ng kanyang ama.
Hindi man aminin ni Kyra sa sarili pero halata ng mga tao sa bahay nila na miss na niya si Skyler. Dalawang araw narin kasi itong hindi pumupunta sa bahay nila.
"Mommy, when is daddy master coming back? Did you guys fought? Is he leaving us again?" tanong ni Kysler kay Kyra nung maupo ito sa sofa sa living room katabi nya. Hindi lang naman kasi si Kyra ang nakakamiss kay Skyler, syempre sobra sobrang miss narin siya ni Kysler.
Hindi alam ni Kyra ang isasagot kay Kysler. Hindi rin kasi niya alam kung bakit bigla na lang hindi pumunta sa bahay nila si Skyler. Nung huling beses itong pumunta sa bahay nila, tahasan nitong pinagyabang sa mga tao doon na pumayag na si Kyrang magpaligaw sa kanya at batid naman ni Kyra na seryoso ito sa kanya kaya nagtataka sya ngayon kung bakit nawala na lang ito bigla ng walang pasabi.
Habang iniisip nya kung anong isasagot nya kay Kysler, unti-unti na syang nagkakaron ng doubts sa loob n'ya. Doubts kung tama bang maniwala pa sya kay Skyler.
"Mommy! Answer me please! Is he leaving us again?" tanong muli ni Kysler.
Sasagot na sana si Kyra pero...
"Who's leaving who?" may biglang nagsalita mula sa likuran ni Kyra at bago pa man sya makalingon dito, kumaripas na si Kysler ng takbo papunta dun sa nagsalita. At that time alam na nya kung sino yun.
Alam na nya kung sino ang makikita nya pagharap nya pero nung makita nya ito, halos mapaiyak sya. Hindi nya alam kung bakit nagingilid ang mga luha nya nang makita nya si Skyler.
"Daddy master! I missed you! I thought you're gonna leave us again! Bad daddy master!" sabik na sabik na yumakap si Kysler kay Skyler, hinayaan lang ni Skyler na nakayakap ito sa kanya tapos ibinaling nya ang tingin nya kay Kyra.
"Oh bakit papaiyak ka na dyan? Namiss mo ko ng sobra no? So effective yung tactic ko." ani Skyler na may kasamang ngiting maloko.
"Sinong paiyak? Sinong nakamiss sayo ng sobra? Wag ka nga!" pagdedeny ni Kyra. Umiwas sya ng tingin kay Skyler.
Lumakad si Skyler palapit kay Kyra at hinigit ito paharap sa kanya, "Pasensya na kung hindi ako nakapagpaalam. Basta na lang kasi ako sinundo ni Go, yung kabarkada ko, dahil may problema yung loko. Ayun, sinamahan namin, kaya ito ngayon lang ako nakabalik."
"Bakit ka nag eexplain sa kin? Kay Kysler mo sabihin yan, sya yung tanong ng tanong tungkol sayo eh." sabi ni Kyra, kahit sa loob-loob nya masaya sya kasi alam na nya ngayon yung dahilan ni Skyler. Iiwas sana sya muli ng tingin kay Skyler pero hinawakan ng binata ang kamay niya tapos hinigit sya palapit at saka niyakap.
"Kahit hindi mo ko namiss at wala kang pakialam kung saan ako nagpunta, ako namiss kita ng sobra. Hindi mo alam kung gaano ako kaexcited na umuwi rito at gawin to." bulong ni Skyler kay Kyra habang yakap yakap ito.
Gaano man itanggi ni Kyra sa sarili niya, sobrang saya ng pakiramdam nya ng marinig nya ang sinabi sa kanya ni Skyler. Dahil sa mga salitang yun ng binata, yung mga doubts na unti-unting namuo sa utak nya kanina na lang, nawala ng parang bula. Kanina lang she feels so empty pero pagkatapos syang yakapin ni Skyler, pakiramdam nya bigla syang nakumpleto, pakiramdam nya aapaw sya dahil punong-puno sya ng kung ano mang mainit at masarap na pakiramdam habang nakabalot sa mga bisig ni Skyler.
"Ehem, iho, baka gusto mo ng bumitaw?" pagpaparinig ng tatay ni Kyra kaya napabitaw na nga si Skyler. Napatawa ng konti si Kyra. Nagselos naman si Kysler at nagdemand na yakapin rin sya ni Skyler.
Habang kumakaen sila ng sabay-sabay, habang pinagmamasdan ni Kyra si Skyler, batid nyang talagang ibang-iba na ito kaysa dati. Kitang-kita nya ang pagbabago nito, at mas masarap pang isipin na sya ang dahilan kung bakit ito nagbago. Pilit man nyang itanggi sa sarili pero ramdam nyang unti-unti na talagang nakukuha ng binata ang loob nya. Alam nyang konting-konti na lang, yung puso nya makukuha na nito. Kung sya ang masusunod, ayaw nyang mangyari yun, pero alam nyang wala na syang magagawa. Ang mga mata nya, kusa ng sumusunod ngayon sa bawat galaw ng lalaking yun gustuhin man nya o hindi. Nasira na ni Skyler ang kandado ng puso nya, nakapasok na ito sa loob, at hindi na nya ito magawang palabasin pa.
"Kung may bayad ang pag tingin sa akin, lubog ka na sa utang, alam mo ba yun?" ani Skyler sa nakatulalang si Kyra. Nung marinig ni Kyra yun, parang dun lang sya nabalik sa tunay na mundo.
"Manliligaw na mayabang... minus ten points!" sabi ni Kyra.
"Hoy Kyra walang ganun!" sigaw ni Skyler.
Napuno ng tawanan ang hapagkainan nila dahil dun.
XXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXX
Dahil sa effort at pagpupursige ni Skyler sa panliligaw kay Kyra, tuluyan na ngang nagiba nito ang depensa ng dalaga. Malinaw na kay Kyra na once na tanungin siya ni Skyler at ayaing maging nobya n'ya, isang sagot lang ang lalabas sa bibig n'ya. Ang sagot na hindi niya inakalang sasabihin nya ulit sa isang lalaki.
"Yes." alam nyang yan ang isasagot nya kay Skyler, sigurado s'ya dun at handa na syang magtake ng risk. This time, wala na sa isip nya yung mga consequences that will happen once she said yes to him. All her senses are clouded up by him.
Buo na ang isip nya. Sigurado na sya sa isasagot n'ya... yun nga lang, hindi nya inasahan ang nakita nya isang araw.
Kasama nya ang mga groupmates nya para sa shooting ng isang documentary project sa school nila. They are wandering on the streets para mag interview ng mga barker ng jeep dahil sila ang focus nung documentary, until a familiar car passed by them.
Ilang beses na syang nakasakay sa kotse na yun. Ilang beses na nyang nakita yun kaya hindi sya pwedeng magkamali, naisip nya.
Without further thinking, sinundan nya ang kotse na nagpark sa isang resto bar malapit lang halos sa kung nasaan sila. Nagpaalam sya sa mga kagrupo saying may titingnan lang sya saglit.
She stayed in a place na medyo malayo dun sa kotse but not far enough, sakto lang para makita yung bababa sa sasakyan.
Malakas ang kutob nya na kilala nya kung sino yung bababa but she still wished it's not him, but then pag bukas ng pinto nung sasakyan, it was really him. Si Skyler yung bumaba tapos may pinagbuksang isang sexy at magandang babae mula sa kabilang pinto. Inalalayan ito ni Skyler pababa ng sasakyan, tapos nagcling pa yung babae sa braso ni Skyler at lumakad na sila papasok nung resto bar.
Hindi alam ni Kyra kung anong dapat nyang maramdaman. Hindi nya alam kung dapat ba syang humakbang pauna o paatras. Susugurin ba nya sila at kokomprontahin o babalik na lang sya sa mga kagrupo nya at magpanggap na walang nangyari? Dun sa dalawang option na yun, wala syang pinili. She stayed exactly where she is, nilabas ang cellphone nya at tinext si Skyler.
"Nasaan ka ngayon?" tanong nya sa text.
Ilang minuto ang nagdaan at nagreply naman si Skyler.
"Nasa ojt sa Tagaytay, bakit? Namiss mo na ako no? Uuwi rin ako dyan pagkatapos ng ilang araw, wag kang mag-alala. Isang text mo lang, nawala na agad pagod ko. Sabihin mo nga, ano bang ginawa mo sakin at ganito ako kapatay na patay sayo?" Yan ang reply ni Skyler sa kanya. Kung hindi lang alam ni Kyra ang totoo, malamang nagsisisigaw na sya sa kilig at tuwa, pero hindi eh. Kitang-kita ni Kyra ang totoo. Alam ni Kyra na nagsisinungaling sya at yun ang isa sa pinakamalaking pagkakamali ni Skyler.
Dahil sa isang text na yun na puno ng kasinungalingan, yung dapat sanang siguradong "Yes" na sagot ni Kyra, bumalik na naman sa "No." Yung kandadong nasira nya na, nabuo na ulit, at ngayon mas matibay na yun, mas mahirap ng sirain.
Walang kaalam-alam si Skyler na nakapasok na sya sa puso ni Kyra... at ngayon, wala rin syang kaalam-alam na napalabas na s'ya mula rito.
XXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXX
SKYLER's POV
Ilang araw ko ring pinaghandaan itong araw na ito. Hindi madali ang lahat. Ang hirap mag lihim kay Kyra. Sanay ako sa pagsisinungaling pero ewan ko ba ngayon kung bakit sobrang nakokonsensya ako dahil nagsinungaling ako sa kanya. Sinabi ko sa kanyang nasa ojt ako sa Tagaytay kahit hindi naman totoong yun ang pinagkakaabalahan ko nitong mga nakaraang araw. Alangan naman kasing sabihin ko sa kanya na andito ako Kyra, busy sa pakikipagmeet sa bawat isa sa mga babaeng ikinama ko, hindi naman pwede yun diba? Nakokonsensya ako pero para rin naman sa kanya lahat ng ginagawa ko eh.
Diba sabi ko nga sa kanya I will show her my better version? That's exactly what I'm doing these past few days. Unti-unti ko ng tinama ang mga mali ko at tinuwid yung landas na dati akala ko yung tamang daan para sakin, pero sobrang baliko pala.
Ano'ng ginawa ko? Well, I decided to apologize sa lahat ng babaeng niloko ko, well hindi pa lahat, yung mga nandito lang sa Pilipinas at may contact ako. Yep, inisa-isa ko silang pinuntahan para kausapin at hingan ng tawad. Takte pagang-paga na nga yung mukha ko sa dami ng sampal na natanggap ko, pero hindi ako nagrereklamo dahil sabi nga ng kambal kong si Tyler, I deserve it. Ilang beses narin akong muntik mamatay dahil ilang beses akong hinabol ng baril ng mga brutal na syota ng ilan sa mga babaeng nilandi ko. Nakatikim din ako ng ilang suntok at bugbog mula sa mga asawa ng ibang babaeng ikinama ko. Ngayon, sinisipon pa ako at inuubo dahil yung kahuli-hulihang babae sa listahan ko ng hihingan ng tawad, masyadong mellow-dramatic, pinaghintay ako maghapon at magdamag sa harap ng bahay nila habang umuulan tsaka ako kinausap, sinampal pero sa huli pinatawad. Yung iba kong babaeng tinagpo nang-aakit pa nga eh pero buti na lang talaga mas malakas ang epekto ni Kyra sa puso ko kaysa sa mga naglalakihang hinaharap nila. Nilinaw ko sa kanila na may babae na akong mahal at this time seryoso na ako sa kanya. Hindi ko nga mapaniwalaan yung mga salitang lumabas sa bibig ko habang pinapaliwanag sa kanila ang lahat. Ilang libong temptasyon ang nagawa kong tanggihan para sa iisang babae. Mahirap mang paniwalaan pero mukhang talagang baliw na baliw na ako sa babaeng yun. Wala ng balikan to. Ligaw na ligaw na ako.
Pagkatapos kong hingan ng tawad lahat ng babae sa listahan ko, isang bagay na lang ang kailangan kong gawin para tuluyan ng makumpleto yung better version ko...
Napalunok ako ng laway habang tinitingnan yung laptop ko.
"Bro, sigurado ka na ba sa gagawin mo?" tanong ni Tyler sa akin.
"Oo bro. Sigurado na." sabi ko habang unti-unting nilalapit ang nanginginig kong kamay sa keyboard ng laptop ko.
Sobrang lapit na ng kamay ko... it took all the courage in me para pindutin ang button na yun, akala ko nga hindi ko magagawa pero nagawa ko rin. That was the hardest seconds in my life.
Ang ilang taon na compilation ng mga video tips ko na pinaghirapan kong gawin at isipin, ang site ko na may ilang daang libong disipulo ko na sinasamba ako... ang site na ginugulan ko ng pawis at dugo sa mga nakaraang taon... burado na, wala na, sa loob lang ng ilang segundo.
"Bro, wala na. Wala na ang lahat." sabi ko kay Tyler habang nakatulala at parang tinanggalan ng buhay.
"Okay lang yan bro. Okay lang yan. Kaya mo yan, nandito lang ako." sabi ni Tyler sakin, niyakap nya ako. Niyakap ko rin sya at dun ko nilabas lahat ng hinagpis na nasa loob ko.
Pinaglamayan ko ng ilang oras yung pagkawala ng dating "lahat-lahat" para sakin, pagkatapos noon, okay na ulit ako.
Ngayon proceed na ako sa pagkuha ng matamis na oo ng bagong "lahat-lahat" para sa akin.
Tatanungin ko na si Kyra ngayon. Gagawin ko na syang girlfriend ko.
.
.
Magkahalong excitement at kaba ang nararamdaman ko habang hinihintay syang pumasok sa pinto. Ngayon lang ako kinabahan ng ganito sa tanang buhay ko. Ang lamig ng kamay ko, nanginginig pa.
Ilang minuto ang makalipas...
"Andyan na si Kyra!" sigaw ni kuya Ken-Ken na hinihingal pa dahil halatang tumakbo pa papunta sa kung nasaan kami.
Inayos ko ang sarili ko, at minemorize na yung speech na ilang beses kong pinractice sa harapan ng salamin.
Unti-unti nang bumukas yung pinto nung bahay...
Ito na. Ito na talaga.
Yes? No? Ano kayang isasagot n'ya?
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top