CHAPTER 1- I'm a Da--No I'm not =__=
CHAPTER 1- I'm a Da--No I'm not =__=
SKYLER's POV
*kurap kurap
Teka.. nasaan ba ako?
Bakit ang daming bulaklak dito?
Naglakad ako ng naglakad hanggang makarating ako sa isang field na puro damuhan at maraming iba't ibang kulay na bulaklak..
"Ahahaha.. kyaaaah! hahaha!" nakarinig ako ng tawanan at hiyawan ng mga babae sa di kalayuan
Syempre.. babae yun, kaya madali kong mahahanap yun! Malakas ang radar ko pag dating sa mga babae ;)
Sinundan ko yung sound na naririnig ko at nakarating ako sa isang batis..
tapos..
tapos..
O_________________________O Nanlaki ang mata ko.
*__________________________* Kumislap kislap pa.
Alam ko na kung nasaan ako..
Nasa langit na ako!
Tama! Langit na nga to!
Di ko alam kung panu ako namatay.. pero ayos lang.. ang mahalaga nasa langit na ako!
This is paradise! *O*
Bakit kamo?
Eh kasi...
kasi..
waaaaaaaaaaaaaaaah!
Yung batis na napuntahan ko.. maraming nagkalat na sexy na mga katawan. At hindi lang basta sexy.. sexy at HUBAD na katawan ng mga nag gagandahang babae.
Naliligo sila sa batis.. at pag sinabi kong hubad..
Hubad talaga.. kita mo lahat *O*
Maya maya unti unti na silang nagtinginan sa akin..
"Skyler, matagal ka na naming hinihintay.." sabi ng isang magandang babae, ang ganda ng buhok niya, mukha syang mermaid
"Halika dito Sky, dito ka sa tabi namin." sabi naman ng isa pang magandang babae na maikli ang buhok at may malaking hinaharap *O*
Lahat sila inaaya ako palapit sa kanila.
At syempre, sino ba naman ako para tumanggi sa grasya? Mahilig ako sa grasya *O* lalo na yung mga type ng grasya na ganito *O*
Kaya naman lumapit ako papunta sa kanila dun sa batis. Pumalibot silang lahat sa akin.
"Oh mga babes, dahan dahan lang. Lahat kayo mahahawakan ako." eh kasi nag uunahan silang lumapit sa akin, nag aagawan silang maakbayan ko
Pero habang nag aagawan sila sa mga bisig ko, may isang babae akong napansin. Nakatalikod sya sa akin, naka upo sa isang malaking bato dun sa batis. Brown ang buhok nya na medyo kulot pero ang gandang tingnan habang nasisinagan ito ng araw. Ang sexy ng katawan nya, ang ganda ng hubog.. malaman.. parang ang sarap *O*
Bakit kaya hindi sya lumalapit sa akin? Nakatalikod sya sakin at nakatingin lang sa langit.
"Mga babes, teka lang huh, may pupuntahan lang ako. Babalikan ko kayo mamaya." sabi ko sa mga babae ko tapos lumangoy na ako papunta dun sa malaking bato kung saan nakaupo yung babaeng nakakuha ng atensyon ko kanina
"Miss, miss.. hello.. bakit nag iisa ka dyan?" sabi ko pero hindi man lang nya ako nililingon.. hindi rin sya sumasagot..
"Miss, naririnig mo ba ako? Miss humarap ka sakin. Anu bang pangalan mo?" maya maya humarap na sya sa akin, unti unti hanggang sa makita ko ang mukha nya
Mukha syang anghel habang nasisinagan ng araw. Pinaka maganda sa lahat ng babae dito sa batis.
"Ako.. ako si.."
"Sino?"
"Ako si.. KARMA."sagot niya
"Karma?"
"Oo.. ako.. ako si Karma.. ang Karma ng buhay mo.. Bwahahahaha!" pagsabi niya nun biglang nag iba yung itsura nya! nagmukha syang demonyo tapos nagkaron ng black na aura na bumabalot sa kanya!
waaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaah!
Syempre agad akong lumangoy palayo sa kanya pero pag ahon ko sa may pang pang..
Waaaaaaaaaaaaaaaah!
Nandun na sya, nakatayo sa harap ko..
tapos..
tapos..
Biglang may lumabas na batang lalaki mula sa likod nya..
tapos..
"Daddy!" sigaw nung bata sabay yakap sa akin
O____O
"Te-teka! hindi kita anak bata! wala akong anak! wala akong anak!" sigaw ko habang inaalis yung pagkakayakap sa akin nung bata pero bigla akong pinalibutan nung lahat ng babae dun sa batis
Tapos lumapit sa akin yung babaeng KARMA ang pangalan..
tapos..
"Mr. Playboy, you're a dad!" sabi nilang lahat sa akin, sobrang lakas na parang sumabog na ang eardrums ko
Tapos bigla na lang akong nawalan ng malay.
.
.
.
*kurap kurap
Nasaan naman ako ngayon?
"Skyler bro ok ka na ba? buti nagkamalay ka na!" -Tyler
Nasa kwarto namin pala ako. So panaginip lang pala lahat.
Haaaaaaaaay buti naman. Akala ko talaga totoo na yun. Ang samang panaginip nun!
Akala ko talaga totoong meron na akong anak!
Sabi ko na nga ba imposibleng mangyari yun eh! Imposibleng magkaron ako ng anak!
"Teka Tyler saan ka pupunta? anu bang nangyari sa akin?" tanong ko, panu palabas si Tyler ng kwarto namin
"Wait bro.. may tatawagin lang ako.." sabi ni Tyler tapos lumabas na sya
Anu nga bang nangyari sa akin?
Ang alam ko nagkagulo sa Star City.. tapos I was hitting on a girl.. were going to somewhere private together.. tapos..
tapos.. anu nga b--
"Daddy!!! buti gising ka na daddy!!!!" biglang may batang umakyat sa kama ko tapos bigla akong niyakap O___O
What the?
Teka! Oo nga..
A-akala ko panaginip lang din.. pero totoo pala? Totoong may batang humarang sa akin sa may Star City..totoo yun lahat?
E-eto rin yung bata kanina sa panaginip ko ah.
"Lu-lumayo ka sakin!" -ako sabay tulak sa kanya
"Hoy! wag mo ngang saktan ang anak ko!" biglang may babae namang lumapit dun sa bata, e-eto yung nasa panginip ko kanina!
"Ikaw yun! Ikaw si Karma!" sigaw ko dun sa babaeng pinapatahan yung batang nag iiyak
"Hoy! hindi Karma ang pangalan ko! ako si Kyra! Kyra Alvarez!" -sigaw nya sa akin
(a/n: see picture on the side.. yan si Kyra Alvarez >>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>> )
"Wa-wala akong pakialam kung anung pangalan mo! Basta lumayas na lang kayo dito sa kwarto ko! Tyler bakit mo ba pinapasok tong mga to?"
"Bro mag usap nga kayo. Mukhang anak mo talaga yan eh!" -Tyler
what the?
"Hindi ko nga anak tong batang to!" pagkasabi ko nun lalo pang lumakas yung iyak nung bata
what the?
"Hoy ikaw lalaki halika nga dito!" bigla akong hinigit nung babae papunta sa isang corner
"Anu bang problema mo Miss? hindi ko talaga alam ang sinasabi mo! Ako si Skyler Sy! Skyler Sy! ang God ng mga playboys! Hinding hindi ako papalya! Imposibleng magkaron ako ng anak!"
"Imposible? eh panu mo ipapaliwanag si Kysler huh? anak mo sya!"
"Hindi ko sya anak! kakadating ko lang dito sa Pilipinas kaya imposibleng mangyari yun!"
"Mag pa 5 years old na si Kysler this year.. 5 years ago, hindi ba andito ka 5 years ago?"
O______O
5 years ago?
o-oo nga no?
nagbakasyon kami sa mansyon nila Cloud 5 years ago..
pe-pero..
"Oo nandito ako nun! Pero hindi ibig sabihin nun anak ko na yung batang yan no!"
"Anak mo nga sya! Ako na ang nagsasabi sayo!"
"Hindi ko anak yan! Wala kang pruweba!"
"Hindi pa ba prweba na magkahawig kayo? "
"Gwapo nga sya! Pero mas gwapo ako no!"
"Pwes ipa DNA mo pa sya kung gusto mo para lang maniwala ka!"
DNA??? DNA TEST?? mahal yun.. sayang lang pera ko dun..
Isa pa.. kung.. kung handa syang ipa DNA test yung bata..
Malamang sa hindi.. malamang.. sigurado talaga syang anak ko nga talaga yung bata.. Kasi kung niloloko lang nya ako hindi sya papayag sa DNA test.. pero sya pa ang nag suggest so..
Waaaaaaaaaaaah!
Pero hindi! hindi talaga! wala akong anak!
"Teka lang huh? mag ccr lang ako.. I'll talk with you later.." binitawan naman nya ako pagsabi ko nyan
Pumasok na ako sa c.r.
At syempre..
Dito ata ako expert! Sa PAGTAKAS!
Hahahaha! asa pang papapikot si Skyler Sy!
No way!
Kaya naman.. hehehe..
Sanay na kong dumaan dito pag tumatakas ako kay Bryan. May naka ready ng ladder sa labas ng maliit na bintana dito sa c.r. wahahaha! At dumaan na nga ako dun.
"Ayos!" sabi ko pagbaba ko ng hagdan
*calling one of my babes yung may pinakamalapit na bahay
BABE #0271(Philippines) : Hello Sky? It's been a long time since you last called me.. I miss you baby..
AKO: Hey babe, I'm sorry I'm just busy.. I miss you too.. ahm babe, can I spend the night in your house? I'm alone right now, I'm kinda sad.. I badly want someone to be with me right now, can you be with me?
BABE#0271(Philippines): Of course Sky, I'll be waiting..
AKO: I love you babes!
BABE#0271(Philippines): I love you too Sk--
*toot toot
Yes! may pagsstayan na ko for the night! Bwahaha! Bahala kang babae ka! Hinding hindi ako papapikot sayo! :P
.
.
.
.
.
.
Kinabukasan...
Kakadating ko lang sa mansyon nila Bryan pero pagpasok na pagpasok ko sa kwarto namin ni Tyler..
"Skyler +________________+" ang sama na agad ng mukha ni Tyler sa akin, parang nilelaser eyes nya ako
"Oh bro? anung problema?"
"Anung anung problema? saan ka nanggaling kagabi?!"
"Oh bakit? bago pa ba to? lage naman akong nawawala pag gabi at umuuwi na ng umaga ah? Kulang pa tulog ko, tutulog pa ako Tyler mamaya na tayo mag usap." -ako habang pupunta na sa kama pero..
Bigla akong hinarangan ni Tyler =___=
"Tinakasan mo yung mag ina mo kagabi! Gawain ba ng matinong lalaki yun huh Skyler?"
"Sorry ka bro pero hindi ako matino! At hindi ko sila mag ina! Wala akong asawa at lalong wala akong anak!" -ako sabay higa na sa kama
"Skyler!! makinig ka sakin! Hindi tama yang ginagawa mo! Kawawa naman yung bata!"
"Eh hindi ko nga kasi anak yun Tyler!"
"Pero yun ang sabi ng nanay nya!"
"Mas papaniwalaan mo pa ba yung babaeng yun kaysa sakin? ugh! Tigilan mo na nga ako dyan Tyler antok na antok pa ko!" -ako sabay takip ng unan
"Pero Skyler.. Skyler! hoy! makinig ka sakin!" -Tyler na tinatanggal yung unan ko pero hindi ko hinahayaang matanggal nya
Hindi rin ako sumasagot at hindi ko narin sya pinapansin.. :P
Tutulog na lang ako kaysa makinig sa mga sermon nya.
.
.
.
Sa school..
Pauwi na kami ni Tyler, naglalakad na kami palabas ng gate ng..
O_______O
Waaaaaaah!
Hindi ba talaga niya ako titigilan?
"Oh Skyler bakit napatigil ka? baka iwan na tayo ni Bryan bilisan mo nga!" -Tyler
"Ah, ma-mauna ka na Tyler. Su-susunod na lang ako dun. Ma-may naalala kasi ako. Ma-may pupuntahan pa ako eh.."
"Anung may pupuntahan? tsaka kung meron ka man pupuntahan, eh isa lang naman ang labasan dito sa school? eh bakit pabalik ka?"
"Eh a-anu kasi.. ah basta.. dyan ka na Tyler!" -ako sabay nagtatakbo na
Pano kasi..
"Hoy magaling na lalaki, intayin mo ko!" -sigaw nung babae, si Karma!! hinahabol niya ako!
Syempre binilisan ko na ang takbo ko. Dito ata ako sanay.. sa pagtakbo! Ang dami ko ng tinakbuhan no. Kaya hasang hasa na ako dito. Nahagad na ako dati ng lalaking may armalite at nakatakbo pa ako. So chicken na chicken lang para sa akin ang pagtakbo mula sa babaeng to.
Bwisit. Akala ko titigilan na nya ako pero nasundan nya parin ako hanggang dito sa school?
Siguro kasabwat niya si Tyler! Tama! Sigurado sinabi ni Tyler sa kanya ang school namin at kung kailan ang tapos ng klase namin! kaasar!
.
.
.
The next day.. Sa school ulit.
"Skyler seryoso ka ba talaga dyan?" -Tyler habang naglalakad kami papunta sa room namin
"Oo, maluwag naman tong school sa mga transfer student eh. Kahit anung isuot ko wala silang pakialam."
"Pero bro, ang suot mo, pa-pang babae yang suot mo eh! Naka dress ka! Tapos naka wig ka pa! at complete with make up pa huh! Akala tuloy nung iba girlfriend kita!"-Tyler
"Haha.. hindi ko na kasalanan kung mukha talaga akong babae pag ganito ang get up. Hindi ko rin kasalanan kung maganda parin ako kahit ganto ang itsura. "
"Desperado ka na talaga sa pagtakas sa obligasyon mo no? na handa kang magdamit babae para lang makasiguradong hindi ka makakausap at makikita nung babae!"
"Syempre naman no. Hindi ako papapikot sa kanya! Mabuti na to! At marami pa akong paraan para matakasan sya.. teka ivivideo ko nga to."
"Anung ivivideo? para saan?" -Tyler
"Ipopost ko to sa blog ko. Bagong interesting topic to.. "Ways to avoid a crazy, obsessed girl" "
"What the? nakuha mo pa talagang mag ganyan eh no?" -Tyler
"Wag ka ngang maingay. Magsisimula na ako sa pagvivideo."
"Tch.. bahala ka nga sa buhay mo Bro. Pero Bro, hindi ka ba natatakot sa karma?" -Tyler
"Karma? haha.. Kaming mga playboy, hindi kami takot sa karma.. mas takot kami sa wrong sent! Tulad nito, baka magkamali ako ng reply dito sa mga babes ko, sayang din ang isang gabi sa HEAVEN. Kaya wag ka magulo Tyler baka mawrong sent ako. Wag mo muna ko kausapin."
"Haaaaaaaay.. Wala ka na talagang pag asa."-Tyler
"Pareho lang tayo.. wala karin namang pag asa kay Yuri eh.."
"Anung sabi mo?"
"Wala wala... sabi ko manahimik ka na at magvivideo na ako."
"Bahala ka nga dyan! tch!" -Tyler na binilisan na ang lakad, pikon talaga haha
Ako naman nagsimula ng magvideo habang naglalakad..
"Hello there my fellow playboys. It's me again Skyler Sy. Yes I'm Skyler Sy, although I look like a girl right now. Why do I look like this? well I'll tell you later.. But for now, here's a new interesting lesson from me. This time I will teach you about "Ways to avoid a crazy obsessed girl".
Yes that is right! Ever have a girl whose following you all around? A girl so obsessed and crazy about you, that it even gets to the point where she's telling you some ridiculous lies just to get you? like pretending to have a child, and telling you that you're the father? You kept running away from her but then just plain running away won't do, well then.. here are some solutions to your problem. This is Skyler Sy's way number 1. Dress like a girl. I know this is kinda bit crazy and embarassing but I assure you it has 100 % effectiveness. She'll never notice it is you even if you meet each other face to face.. trust me ;) "
Ok ito palang muna. Marami pa kong naiisip na iba pero itatry ko muna to kung effective..
.
.
Pauwi na ulit kami ni Tyler ngayon. Grabe puro loko ang inabot ko kila Cloud eh =__=
Pero worth it naman to kaysa makasalubong ko na naman yung babaeng yun tapos mahuli niya ko no. Mabuti ng sigurado.
Dahil ayaw ako makasabay ni Tyler paglalakad, nauna na sya sa akin.. PSH..
At pag daan ko sa gate..
O___O
Aw.. sya to..
So hinihintay na naman nya ako?
Pero teka.. hindi dapat mag panic..
Tama..
Mukha akong babae ngayon kaya siguradong di nya ako makikilala.
Kaya naman..
*lakad lakad
Dinaanan ko lang sya..
Yes mukhang di ako napansin!
"Miss teka lang!" -sya na hinabol ako
Waaaaaaah! wag mong sabihing nakilala nya parin ako?
"Ba-bakit miss?" -tae ang hirap magpalambot ng boses -__-
"A-ah.. ka-kasi akala ko ikaw yung kakilala ko.. may kamukha ka kasi.. mukhang di pala.. sorry huh.. sige salamat.. makakaalis ka na.."
Woooooooooh.. Buti naman.. Akala ko talaga makikilala na nya ako! Wahaha!
"Ok lang miss. Alis na ako huh?" -ako
*weeeeeeeeeeeeeeeeeeeeesh!
Biglang may bus na dumaan tapos sobrang bilis.. Kasabay pa ng paghangin ng malakas kaya naman..
waaaaaaaaaaaaaah!
Biglang nalipad yung wig ko tapos tumaas yung laylayan ng dress ko kaya naman nakita yung boxer's short ko..
tapos
O________________________O >> yung babae
^_________________________^v >> ako
sabay..
*takbooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooo
As usual tinakbuhan ko sya. Kung saan saan ako nagsusuot. Hanggang sa makarating ako sa may eskinita na medyo tago.
Grabe hiningal ako dun ah! Takte kailangan ko tong ilagay sa blog ko.
*record ulit
"*hingal hingal.. Regarding my tip number 1, make sure to put on your wig tightly and avoid places with strong winds as to not blow up your cover."
Maya maya biglang may tumigil na sasakyan sa may malapit sa akin. Kotse to nila Bryan!
"Skyler! sakay na! wala na yung babae!" -Tyler pagbukas ng bintana nung kotse
"T-talaga?" -ako
"Oo.. kaya sumakay ka na bro!"
"Sa-salamat bro! the best ka talaga! " at dali dali na akong sumakay sa sasakyan
pero pagpasok ko sa loob..
"Well hello there Mr. Playboy ^______^" -yung babae, oo andun sya sa loob -_-
Hinawakan nya ako ng mahigpit sa braso.. hindi na tuloy ako makalabas!
"Tyler!!!!!!" sigaw ko
"I'm just doing the right thing bro.." -Tyler
"I'm just doing the right thing. Tch! traydor ka! How can you do this to me? T___T"
"Just doing the right thing.. just doing the right thing bro.." -Tyler parin
"Bakit hindi ka gumaya dyan sa kapatid mo and do the right thing Mr. Playboy?" -si Karma
Hindi na lang ako umimik . Kinuha ko na lang ang cellphone ko tapos..
*record
"Way number 1 will work perfectly. Siguraduhin mo lang na walang magboblow ng cover mo. For example, wala kang kapatid na traydor na kasabwat nung crazy obsessed girl. Kasi kung meron.. bulilyaso ang way number 1 mo T_____T .. And you'll end up like this."
"Hello ^___^" nakuha pang sumingit ni Karma dun sa video ko at kumaway kaway pa! bwisit!
Bwisit talaga!
"Uwaaaaaaaaaaaaaaaaaaah! sinusumpa talaga kita Tyler!!!!" wala na lang akong nagawa kung hindi sumigaw dun
"Manahimik ka Skyler!" -sigaw naman ni Bryan
Ang malas ko naman talaga oh!
Ah basta! kahit anung mangyari hindi ako papapikot!
Tama! Kahit anung mangyari paninindigan kong wala akong anak!
I'm not a dad! I never want to be a dad! and I never will be a dad!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top