Chapter one
jhanell Pov.
Mula nung nakalipat kami sa lugar ng tito ko so far so good ay naging tahimik ang buhay ko. Dahil kahit papaano ay umepekto naman ang hindi ko pagpapahalata o pagpansin sa mga multong nasasalubong ko. naisaulo ko na kasi ang pag kakaiba ng isang buhay na tao sa kaluluwa. At nag iingat ako parati sa loob man o labas ng bahay namin o kahit sa school na pinapasukan ko ngayon na doon ako karamihan nakakita ng kaluluwa.
"Oh nak mag iingat ka sa daan huh! lalo na at hindi mo pa memoryado ang daan dito!" pag papaalala ni mama sa akin bago ako pumasok sa school.
"Oo mama! Punta na po ako!" paalam ko at saka humalik sa pisngi ni mama.
Pagkatapos kong makapag paalam ay nag lakad na ako. At himala yata wala man lang ako nakikitang multo ngayon di tulad dati paglabas ko pa lang ng bahay may nakikita na agad ako.
Siguro natupad na ang hiling ko sa panginoon na hindi na makakita pa ng multo.
Parang lumakas naman ang loob ko ng araw na ito at masayang naglalakad. Feels like peace na kasi. At sana nga naman!.
Habang naglalakad ako ay may naaninag akong tao sa may dulo ng kalsadang nilalakaran ko hanggang sa papalapit na kaming mag kasalubong. Titig na titig ako sa kanya dahil napansin kong parang malungkot siya at tipong nawawalan na ng pag asa sa buhay.
At napansin siguro nito ang paninitig ko kaya tinitigan din ako nito na ikinakunot ng noo ko. Bigla akong nakaramdam ng kaba ng bigla bigla na lang nag iba ang sa mood nito. Bigla itong parang natuwa ng makita ako.
Napaatras ako ng magsimulang lumapit ang guwapong lalakeng kung titignan ay kasing edaran ko lang.
"hmm bakit?" wala sa tinig na tanong ko sa lalake.! Hindi ko kasi ma explain ang kabang nararamdaman ko sa dibdib.
Huminto ito at ngumiti ng maluwang sa akin. Tuwang tuwa.
"Salamat naman at pinakinggan na ng diyos ang dalangin kong may makakita sa akin kahit na isa akong kaluluwa!" ani nito na ikinalaki ng mata ko.
Akala ko tahimik na ako pero hindi pa pala. At ang nakapag tataka kakaiba ang lalake sa lahat ng multong nakikita ko. Hindi ko kasi nahalatang isa na lang pala itong kaluluwa kanina kaya tinitigan ko.
Bigla akong napatakbo ng mabilis sa tinuran nito. nananalangin na sana hindi ako masundan ng guwapong multong yun.
Hingal na hingal na umikot ang paningin ko at ng mapag tantong wala ang lalakeng multo sa paligid ay agad siyang bumili sa canteen ng soft drink at nilagok iyon.
Ngunit laking gulat ko ng makita muli ang multong guwapo sa harap ko.
"Wag kang matakot sa akin!" ani nito sakanya.
Sasagot na sana ako ng mapag tantong maraming tao sa canteen na kinaroroonan ko baka masabihan pa ako ng baliw. Pero sa di malamang kadahilanan ay ni hindi ako nakaramdam ng anumang takot ng makita ang lalakeng multo.
hindi ko pinansin ang guwapong multo at nagpatuloy sa paglalakad ng hindi nag papahalata sa mga taong nasa paligid ko.
Nang kami na lang dalawa ng multo sa paligid ay lakas loob akong humarap sa guwapong multo at may sinabi rito.
"Pakiusap huwag mo sanang ipagkalat sa mga katulad mong multo na nakakakita ako ng kaluluwang tulad mo. Ayoko kasi ng natatakot ako!" pakiusap ko sa guwapong lalakeng multo naman.
"sasang ayon ako kung gagawin mo ang hihilingin kong gawin mo?" pag bibigay kondisyon ng lalakeng multo sa akin.
"Huh?!" tanong ko ulit. At sabi na nga ba may kapalit yun ee. At tiyak na hihilingin rin nito na tulungan ko siya para matahimik ito.
"uunahan na kita! kung ang hihilingin mo ay tulungan kita para matahimik kana pasensya na wala akong kakayahang gawin yun!" ani ko at nagsimulang maglakad pero sunod pa rin ng sunod ang multo sa akin.
"hindi naman yun ang hihilingin ko sayo eh!"
"Kahit ano pa yan!" pinal na sabi ko at nag tatakbo para makalayo sa multong iyon hanggang sa di ko na namalayang nakalabas na ako ng paaralan.
ni hindi ko nga alam kung saan ako napadpad. Dapat nag ingat ako. Nakaramdam ako ng hindi ko maipaliwanag. Biglang mag sitayuan ang balahibo ko.
Mangiyak ngiyak akong nag usal ng panalangin na sana naman ay hindi mangyari ang kinakatakutan ko.
Wala sa sariling napahinto ako at parang may kung anong humihikayat sa akin na lumingon sa likod. Nanlaki ang mata ko ng makita ang isang batang babae na walang mata at duguan. Naka puti ito ng bistida at nakaharap kung saan ako naroroon.
Napako ako sa kinatatayuan at hindi alam ang gagawin. ito nanaman katakot takot na ayoko ng maramdaman sa buong buhay ko.
Pinilit kong makagalaw at nag tagumpay naman ako. Agad akong kumaripas ng takbo kahit pa hindi ko na alam kung saan ako makakarating basta makalayo lang ako sa batang iyon.
Tuloy tuloy na rin sa pag tulo ang luha ko. panay rin ang lingon ko sa likod at napasigaw ng makitang sinusundan pa rin ako ng batang babae. Napansin ko ring ang mga paa nito ay hindi nakatung tong sa lupa.
"Wahhhh mama!!!" tili na may kasamang iyak ko.
Nakakita ako ng inabandonang lugar at tuloy tuloy na pumasok doon. Sa di inaasahang pangyayari ay napaupo akong tinakpan ang mga mata ko ng makita ang karamihan sa mga multong nakikita ko sa bawat pag lipat namin ng bahay.
Kung noon ay hindi gaanong nakakatakot ang mga mukha ng mga multo ngayon masisindak ka sa mga itsura ng mga ito. Sobrang nakakatakot. Hagulgol lang ako ng hagulgol hanggang sa may narinig akong isang boses na pamilyar sa akin.
"Tama na ! bakit kailangan niyo siyang takutin!!!" malakas na sigaw ng isang pamilyar na tinig.
"dapat lang sakanya yan!! Binigyan siya ng lakas para makakita ng tulad natin pero anong ginagawa niya iniiwasan niya ang kapalaran niya!!" galit na galit na sigaw rin ng boses ng isang babaeng bata.
kahit takot na takot ay nagawa kong mag taas ng ulo at muli ulit na yumuko ng makita ang mga mukha ng mga multo na nakakatakot.
"Wala tayong magagawa kung ayaw niya!! at hindi rason na ayaw niya tayong tulungan para takutin niyo na lang siya ng ganyan!! bigyan niyo siya ng panahong makapag isip!!"
"Panahon!!! panahon na naibigay na namin at umaasa kaming tulungan niya pero hindi pa rin siya nakikinig sa hinanaaing namin!!!
"palibhasa hindi niya alam ang nararamdaman ng isang tulad natin!! na ang hangad lang ay katahimikan"5
"hangad niya rin ang katahimikan!!!"
"bakit ba ipinagtatanggol mo ang katulad ng isang ito na duwag hindi kayang harapin ang kapalaran niya!! hindi ka rin ba naiinis sa tinuran niya kanina sayo huh!!!"
"wala akong karapatang mainis dahil ako ang humihingi ng tulong sakanya!! sana ganoon din kayo pasasaan ba't matatapos rin ang mga paghihirap natin!"
"madali lang sayong sabihin yan dahil wala ka sa katayuan namin kenji.. ikaw may pag asa pang mabuhay kami wala na!!! kaya katulad niya hindi mo rin alam ang nararamdaman namin!!!"
Nanginginig na ako habang pinapakinggan ang mga pag uusap ng mga multo sa paligid. wala akong lakas loob na gumalaw man lang. Ito ang pina ka worst na nangyari sakanya. Para na siyang aatakihin sa sobrang takot.
Maya maya ay nakaramdam siya ng dalawang kamay na humawak sa braso niya. Hindi iyon hangin lang kung hindi mga kamay, kamay na mula sa isang buhay na tao.
"miss anong nangyayari sayo?!" rinig kong pag alog sa akin ng isang boses lalake. Wala na rin akong naririnig na pag aaway mula sa paligid. ang tanging naririnig ko lang ay ang boses ng kaharap ko ngayon.
Kaya nagkatoon ako ng lakas ng loob na Alamin kung ano ng nangyayari. dahan dahan kong inangat ang ulo ko at makita ang mukha ng isang lalake. Medyo nagulat ako doon kay napayuko ulit ako.
"Miss!!! may problema ba?!" tanong ulit ng lalake sa akin. "May maitutulong ba ako sayo!"
Kailangan ko ng makalabas dito. pero hindi ko alam kung papaano kaya naisipan ko na lang na mag patulong sa lalakeng kaharap ko.
"puwede mo ba akong tulungang makalabas dito!" sagot ko pero nanatiling nakayuko.
"sige! pero ano ba talagang problema" tanong ulit nito.
"wala! kailangan ko lang ng tulong para makalabas dito" sagot ko.
"sige tara!" yaya sa akin ng lalake at naka handa na para alalayan ako.
Hindi na ako nagdalawang isip na tumayo at sumiksik sa mga braso nito para hindi ko muling makita ang mga multong nasa tabi tabi lang na nakatunghay pa rin.
Alam kong nalilito ngayon ang lalakeng tumutulong sa akin pero hindi na ulit ito nag tanong pa bagkus inalalayan na lang akong makalakad. Nanghihina pa rin kasi ako sa sobrang takot.
Nang maaninag ko na ang liwanag mula sa labas ay agad akong humiwalay dito.
"Maraming salamat!" ani ko lang at kumaripas ng takbo.
"Teka-" tawag nito pero hindi ko na pinansin.
Kailangan ko na kasing makalayo sa lugar na ito para hindi na ako masundan pa ng mga kaluluwa sa bahay ng tiyo. Doon na nga lang ang bukod tanging lugar na nagiging kumportable ako mawawala pa. Baka hindi ko na kayayanin at may magawa akong hindi maganda.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top