Chapter 1
Habang ako ay naglalakad papunta sa aking paaralan ay feeling ko mahihimatay na ako sa daan.
Sino ba kasing may gustong pumasok sa paaralan na lalo naman ngayong Monday? Mabuti nalang meron ako earphone at cellphone na dala na puno ng kanta niya.
Feel na feel ko naman yung kanta na may nalalaman pa akong papikit pikit with matching sabay pa sa kanta na alam ko namang yung boses ko ay parang sirang plaka. Oo aminado naman ako na sintunado ang boses ko. Habang tinatahak ko ang eskwelahan huli ko ng namalayan na natalsikan pala ako ng putik na galing sa kanal.
"What the heck? Kuya may mata ka naman ata. Sa itsura mo palang halatang mamboboso kana, pakitingin tingin naman sa dinadaanan mo pwede?" Ang ganda ng araw araw ko sobra. Kulang nalang mamatay ako sa tuwa. Jusko nag mo-moment na nga ako eh bakit ba kailangan pang sirain ng lalaking paniki kung manamit yung araw ko.
Natatanaw ko na yung paaralan ko. Hindi naman malaki at hindi rin ito maliit. Ang ganda naman ng first day ko ano po? Hindi ko na tinignan yung listahan ng mga section dahil andami masyadong tao dun at tsaka alam ko naman na kung ano ang section ko. Matalino akong estudyante kahit urat na urat ako kapag pumapasok sa eskwelahan. Alam ko naman kasing pahalagahan ang pinambabayad ng mga magulang ko kaya dapat may pang sukli ako sa lahat ng sakripisyo nila.
Oo nga pala ako si Maricarl De Guzman. Kasalukuyang pumapasok bilang Grade 8 student sa paaralang Xymon High. 13 years old. Sabi nila maganda daw ako. Maputi, Hindi ganoon katangkad at itim ang buhok.
Nakita ko na ang silid na kinabibilangan ko at umupo sa pinaka dulong upuan. Hindi naman akong loner at madami din akong kaibigan kaso badtrip lang talaga ako ngayon dahil ang dungis dungis ko dahil sa mamang paniki kanina. Nasira tuloy mood ko makipag kwentuhan dami ko pa sanang ikwewento lalo na tungkol kay Darren my loves.
Nagulat ako ng biglang lumapit sa akin yung kaklase kong lalaki. Fan din siya ni Darren kaya magkasundong magkasundo kami. Pangalan niya ay Andrei Alvarez. "Omg! Alam mo naba?!!!"
Sabi niya.
"Alam ang alin?" Sagot ko.
"Hindi ako makapaniwalang hindi mo alam ang chismis!" Saad naman niya. Ano ba kasi yun hindi niya nalang ako diretsuhin ano po?
"Usong kumalma. Ano ba kasi yun dadating na si ma'am." Iritadong Sagot ko. Pwede naman kasing straight to the point diba?
"Si Da--" Ayan tuloy nagbell na at kinakaylangan nya ng bumalik sa upuan. Ngayon ko lang din napansin kung bakit mukhang excited na excited ang mga ibang kaklase ko. Ano ba kasing meron?
Pagdating ng teacher ko humiyaw ang mga classmates ko. Like seriously? Nahihibang naba sila? Napansin ko ding may dalang lalaki si Ma'am kaso nakatalikod siya kaya di ko maaninag yung mukha niya. Lol ang weird lang.
"Okay class, meron kayong bagong kaklase. Sana maging mabait kayo sa kaniya, okay?" Sabi ng adviser namen. "Puwede ka ng pumasok." dugtong niya
At sa kaniyang pagpasok tila bang slow motion ang nasa paligid ko. Halos laglag panga akong hinarap siya. Ang bilis ng tibok ng puso ko.
Hindi ako makapaniwala sa nakikita ko ngayon. Totoo ba talaga ito? Nananaginip ba ako? Patay na ba ako at ito ang paraiso? O to the M to the G.
Mukhang gaganahan ata akong pumasok ngayong buong taon ah.
- - - - - - - - - - - - - - - - -- - - - - - -
Hindi ako expert sa pagsusulat at tsaka first time ko po ito.
Sana magustuhan niyo. Maraming Salamat.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top