Chapter Two
Hi guys ngayon na lang ulit nakapagupdate. Sana magustuhan nyo..
Shiela POV
"Mommmmmieeee" iyak na tawag ng anak ko sa akin.
"Bakit anak ko?"paiyak wari na tugon ko sa anak ko.
"Didididi"
Yun nga at pinadede ko na nga ang anak ko. Sya ay si Vince James Laxamana, 1 years old pa lamang sya.
Napakakulit at napakabibong bata.
Habang dumedede ay nakatulog na sya kaya ito na ang oras para gumawa ng gawaing bahay. Isa lamang akong housewife dahil walang magaalaga sa anak at saka maliit pa sya kaya di maiwan, kaya ang nagtatrabaho lamang ay ang asawa ko. Pero dahil sa hirap ng buhay kaylangan ko din magtrabaho para maibigay ko ang mga pangangailangan ng anak ko.
Kaya ng umuwe ang tiyahing ko dahil naghahanap ng magiging katulong nya sa bahay nila sa ibang bansa ay nagdesisyon ako na ako na lang at pumayag naman ang asawa ko dahil kailan din namin ito.
**************************************
Nandito ako ngayon sa bahay ng tiyahing ko dahil inasikaso namin yung mga papeles sa pagalis ko at sa wakas ay natapos na din kami sa pagaasikaso. Dahil grabe lang isang buwan kami nagaasikaso. Oo libre lahat sila na gumastos kaya napaka swerte ko, diba chance na yun papalagpaain ko pa ba?.
At napapitlag ako ng marinig ko ang boses ni tiyah.
"Ano shiela handa ka na ba? Baka umatras ka kung kaylan tayo aalis?"-si tiyah
"Po? Hindi po tiyah kakayanin ko po!" Lakas loob na sabi ko kay tiyah..
"Oh sya! Sige na umuwe ka at magpahinga may isang linggo ka na lang."-si tiyah
"Opo sige po tiyah, salamat po uli."-ako
Pagkasabi ko noon ay agad akong umuwe para makapagpahinga. Sigurado nandoon na ang aking asawa at naghihintay na.
**********
Sa bahay.
Nakarating din sa wakas gustong-gusto ko ng magpahinga, pagud na pagod ako ngayong araw. Nangmakapasok ako sa loob naabutan ko ang aking asawa sa sala na nanunuod ng tv. Lumapit ako rito at nahiga sa kanyang hita.
"Oh nandyan ka na pala. Kumain ka na ba, gusto mong kumain?"-sya
"Mamaya na lang napapagod pa ako. Gusto ko lang muna magpahinga."
"Okey, mabuti pa nga magpahinga ka muna."-sya
"Yung anak mo nga pala?"
"Nandoon sa kwarto natutulog na."-sya
Tumango na lamang ako sa pagsangayon at pagkatapos magpahinga ay nagbihis na. Pagkatapos magbihis ay pumunta na ako sa kusina para kumain.
"Dhie kumain ka na?"tanong ko rito na busy parin sa kapapanoud ng tv
"Oo sinabayan ko na yung anak mo kanina."sagot naman nito ng di naaalis ang tingin sa tv.
Kaya nagsimula na akong kumain. Nang matapos ako ay umupo ako sa tabi ng asawa ko. Dahil busy sya sa panunuod ipapakilala ko na lang sya sa inyo. Sya si Vicente Laxamana ang ama ng anak ko, ang napakamapagmahal na asawa at anak. Sweet, mabait din sya silent type sya yung tipong di mo alam kong anong iniisip nya pagtahimik dahil di nanan sasabihin sayo pero mahal na mahal ko sya kahit ganon sya..
Nang matapos na syang manuod ay napagdisesyonan na naming dalawa na matalog na para may lakas para bukas dahil magbobonding kaming magpamilya. Isang linggo na lang ang natitira na magkakasama kami ng buo.
**********
Kinabukasan.
"Handa na ba ang lahat ng dadalin?"tanong ko sa mag-ama ko.
"Oo nandito na lahat."-asawa ko.
Nang malamang ayos na ang lahat ay agad agad kaming umarang kada papunta sa resort na pupuntahan namin. Sa resort lang kami pupunta para magswimming buong pamilya dahil tatlong taon din ako mawawala sa piling nila. Habang dumadating yung araw at palapit ng palapit ay mas lalo akong kinakabahan at natatakot kung kaya ko bang mawalay sa kanila ng ganon katagal?!
F
A
S
T
F
O
R
W
A
R
D
Dumating na ang araw na kinakatakutan ko ito na ang simula na malalayo na ako sa pamilya ko lalo na sa anak ko. Parang ngayon di ko na kayang iwan ang anak ko. Pano kung mapabayaan sya, pano kung lumaki syang di maganda ang ugali dahil wala ako sa tabi walang magsasabi sa kanya na mali yan at tama yan. Yan ang mga tanong na pumapasok sa isip ko habang nandito kami sa NAIA airport.
"Mhie wag kang kabahan nandito lang kami ng anak mo"pagpapalakas ng loob sa akin ng asawa ko.
"Kaya ko ito para sa anak natin at sa atin!" Pagsisinungaling ko para di nya makita na kinakabahan ako.
"Basta lagi kang magiingat doon ah, wag mong papabayaan sarili mo at lagi kang tatawag sa amin ng anak mo."pagpapaalaka nito
"Oo kayo din ng anak mo magiingat lagi, wag mong papabayaan ang anak natin ahh. Palakihin mo syang mabuti."
Isang boses ang nagpakaba ng husto sa akin."Shiela tinatawag na ang flight natin halika na"pagtawag sa akin ni tiyah.
"Oh sige na basta wag mong kakalimutan ang mga sinabi ko ah. Mamimiss ka namin." Sabay halik sa aking labi. "I love you mhie!". Salitang lalong nagpaiyak sa akin.
"Yung anak mo ah. Mamimiss ko din kayo, i love you too dhie."sabay halik dito at sa anak namin habang umiiyak.
Nandito na nga kami sa loob ng eroplano at maya maya lang ay lalapag nadin ito. Habang naghihintay na lumapag ito ay naiisip ko ang pamilya kong naiwan sa pilipinas Namimiss ko na agad ang mag-ama ko lalo na ang anak ko..
Kakayanin ko ba ito? Ilang oras pa lang akong nawawalay sa kanila na ngungulila na ako pano pa sa loob ng tatlong taon na pamamalagi dito at malayo sa kanila. "Diyos ko gabayan nyo po ako at patatagin ang loob para sa pamilya ko. Gabayan nyo din po ang pamilya kong malayo sa akin"pagdadasal ko sa aking isipan.
Dahil sa aking pagiisip ng kung ano-ano sa aking isipan ay di ko namalayan na kaylangan na pala naming bumaba. Kung di pa ako tawagin ni tiyah ay di ko malalaman.
"Uy shiela halika na kaylangan na nating bumaba!"si tiyah na medyo natatawa pa sa akin.
"Ay! Opo tiyah, pahumanhin po!"kinakabahang sagot ko kay tiyah.
"Naku! Wag kang kabahan shiela, kaya mo yan ahmm?!"pagpapalakas ng loob ko ni tiyah.
"Opo tiyah!"
-----------------
Hanggang dito na lang muna sana nagustuhan nyo ang munting handang ni author. Hanggang sa muli..
Guys pls don't forget to VOTE, COMMENT and SHARE.
Thank you!!!!!!
_lagengnasasaktan_018
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top