Chapter Three
Nandito na kami ngayon sa bahay ng tiyah ko dito sa USA. Ngayon ko din makikilala ang mga makakasama kong tatlo. Habang naghihintay sa mga kasama ko pinaliwanag muna sa akin ni tiyah ang mga dapat ko o naming gawin. May kanya-kanya kaming gawain para daw di kami mahirapan.
"Hon they are here!."ang asawang kano ni tiyah/madam.
"Okey hon let them in."
Matapos sabihin ni tiyah/madam yun ay agad tinawag ng kanyang asawa ang mga magiging kasama ko.
Nagsipasukan na nga sila dalawang lalaki at dalawang babae. "Akala ko tatlo lang, bakit apat sila?"sabi ko sa isip ko.
"Ohh why they are four? I thought their just three?"gulat na tanong tiyah/madam sa kanya asawa.
"Ahm sorry hon I forgot to tell you that she's the girl who mom tell to us, that well look to our son."sya pala ang magaalaga sa anak nila tiyah. Sabagay mukha naman syang mabait.
"Oh! So that's her. Okey! Where's your folder?"si tiyah.
Doon sa folder na yun nakikita ang mga information tungkol sa amin na kaylangan malaman ng magiging amo namin kung baga pinaka profile namin yun. Pagkakuha ni tiyah/madam sa mga folder nila ay binasa lamang ito ni tiyah at Pagkatapos ay pumunta kami sa gilid ng kanilang napakalaking bahay ay este mansyon na pala sa laki nito.
Nakita namin roon ang isang bahay na sakto lang ang laki at pumasok kami roon. Napaka ganda parin nito kahit sakto lang ang laki at simple lang. May dalawa itong kwarto, kada kwarto ay may cr. Meron din ito sala at kusina, sa kusina ay mayroon din cr. Sa likod naman nito ay may labahan at sa tingin ko dito siguro kami tutuloy..
"Dito kayo titira habang nandito kayo. May dalawang kwarto yan yung isa para sa inyong mga babae at yung isa sa inyong dalawa na lalaki. Bahala na kayo sa paghahati nyo sa pagkain nyo, gamit? Wala na kayong proproblemahin dahil kompleto na ang gamit dito. Kaya sige bahala na kayo basta ayoko ng nag-aaway dito intindi?"mahabang litanya ni tiya sa amin.
"Opo naiintindihan po namin".sabay-sabay naming sagot.
"Oppss muntik ko ng makalimutan Madam ang itawag nyo sa akin."
"Opo madam."sabay naming lima.
Tumango lamang si madam at iniwan na kaming lima dito sa bahay na ito.
Ilang minuto ang nakalipas at nagtitinginan lang kaming tatlo dahil nagkakahiyaan at nagkakailangan pa kami. Hanggang sa binasag na ng isang babae ang katahimik at nagpakilala ito.
"Ok walang mangyayari kong magtitinginan lamang tayo dito. Ako nga pala si Stephanie Mae Castro at kayo?"pakilala nito.
"Ako naman si Patrick Mendoza!"sya yung palangiti kanina pa at panay tingin kay stephanie bayun.
"Ahm ako naman si Dylan Canlas!"may ngiting pakilala nito.
"Ako naman si Abegail Calma hehe."bibong-bibong pakilala nito. Mukhang bata pa sya ah.
Nagulat ako ng makitang nakatingin silang lahat sa akin at hinihintay na sabihin ko ang pangalan ko. Dahil sa pagtingin ko sa mga mukha nila ay di ko namalayan na ako na pala ang magpapakilala, grabe nakakahiya.
"Ah? Ahm ano ako nga pala si Shiela Magtanong"kinakabahang pagpapakilala ko.
Nangmatapos na kaming magpakilala ay nagsipasok na kami sa mga kwarto namin at nagayos na ng mga gamit namin.
"Grabe akala ko masusungit kayo di nakan pala."natatawang saad ni Abegail.
"Bakit mo naman nasabi? Ako masungit ako di mo lang alam." Pananakot ni Stephanie.
"Grabe ka naman ate Stephanie wag ka namang ganyan. Ate shiela ikaw din ba masungit?."kinakabahang tanong nito.
"Medyo lang pero di ako nangangain." Paliwanag ko dito
"Okey lang yun kesa naman dito kay ate stephanie hehehe."-si abegail
"Ah ganon ahh?!"si stephanie
"Ate shiela ohh!"pagsusumbong nito
"Tumigil na nga kayo buti pa magpahinga muna tayo, napapagod pa ako eh."
Sumang-ayon naman sila at mga nagsihiga na din sa mga higaan nito.
Nahiga nadin ako sa pagod sa pagbyahe ilang oras din kaming nasa eroplano eh. Mamaya ay nakatulog na din ako..
************
Dylan POV.
Pagkatapos magayos ng gamit ay lumabas muna ako ng kwarto dahil di pa ako dinadalaw ng antok kahit pagod sa byahe kaya nagpunta na lang ako sa sala nadatnan ko si patrick na nanonood ng tv.
"Uy pre anong palabas yang pinapanood mo?"tanong ko rito
"Ah Starwars pre."sagot nito ng di inaalis ang tingin sa tv.
"Maganda yan, napanood ko na yan nung nasa pinas pa ako."
"Talaga pre, ako di pa eh."
"Sige pre, panoodin mo maganda yan. Maghahanap lang ako ng makakain sa kusina."
"Sige pre."
Pagpunta ko sa kusina ay di ako makapaniwala talaga na para lang kaming may sariling bahay kumpleto na ang gamit pagkain lang ang poproblemahin namin. Pero ng buksan ko ang mga kabinet nito walastik may mga pagkain pang nakaimbak. Siguro pagnaubos na namin ito doon lang kami binili ulit.
Dahil may mailuluto naman ay nagluto na ako dahil nagugutom na ako.
************
Stephanie POV .
Nang magising ako ay nakaamoy ako ng amoy pagkain kaya agad akong tumayo at lumabas ng kwarto dahil nagugutom na ako at lalo akong nagutom ng maamoy ko yung pagkain na yun. Tinignan ko yung orasan alas sais na pala, grabe bilis ng oras ah, tulog pa rin si shiela at si abegail wala na sa higaan nya. Makalabas na nga at makakain.
"Oh gising ka na pala stephanie kain na?"pag-aya sa akin ni patrick. Nandito na pala silang tatlo, si patrick, dylan at abegail.
"Sino nagluto?"tanong ko sa mga ito.
"Si pareng dylan, ang sarap pala magluto nito eh."si patrick papuri nito kay dylan.
"Si Shiela?"si dylan
"Ah tulog pa eh baka masyado yatang napagod sa byahe kaya di ko na ginising."
"Ahh sige tiran na lang natin."si dylan
"Uy parang wala ng bukas kung kumain ka ah?"haha pang-iinis ko dito kay abegail.
"Anyo bha ashte eshtehphaniee nakhakhainish kha khamohh."si abegail di na makapagsalita dahil sa puno ng pagkain yung bibig.
"Uy don't speak when your mouth is full!"pagbabawal ko dito at nagpeace sign lang ito kaya kumain na rin ako.
************
Sa Pinas.
Vicente POV.
Kamusta na kaya yung asawa ko na yun doon di pa rin sya tumatawag nagaaalala na ako.
"Dadddi dedede"
"Ito na anak sandali lang ahh"
"Whaa huhuhu whaaaa huhuhu whaaaaa huhuhu"
"Ito na anak sige na dede na"
Salamat at tumigil din, sigurado ako namimiss na nya yung mamhie nya kahit ako isang araw palang syang wala namimiss ko na sya. Ano na kayang nangyare don bakit di pa tumatawag? Nakarating na kaya sila doon ng tiyahing nya?
Mabuti pa magpahinga muna ako at bukas ko na lang hahantayin ang tawag nya at malalim na ang gabi baka bukas tumawag na rin yun..
------------------------
Hanggang dito na lang muna mga readers sana nagustuhan nyo ang munting handog ni author. Salamat..
Pasensya na nga pala sa mga wrong grammars at wrong spelling di naman kasi magaling si author sa english eh. English karabaw lang alam ko eh hehehe..
Guys don't forget to VOTE, COMMENT and SHARE, thank you..
_lagengnasasaktan_018
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top