Chapter 08: Pangangamusta
Guys para po mga di mahanap ang username ko ito na po ang bago kong username Lhin_warmheart hindi na po yung lagengnasasaktan_018.
Sorry kung ngayon lang ulit nakapag-updates naging busy at stress kasi mommy author eh kaya pasensya na.
Kaya ito updates na ulit sana magustuhan nyo.. Vote, Comments and Share. Ay makakapagbigay ng sipag, malaking ngiti at saya kay mommy author.. Thank you. 😘 Enjoy 😊😉😘
Shiela POV.
Maaga akong nagising kinabukasan at naghanda na para na para mag-almusal. PAgdating ko sa kusina kung sino pa ang mga iniiwasan ko sila pa ang nakasabay kung kumain kung mamalasin ka nga naman oo. Sabagay ang liit ng bahay na ito para magkaiwasan kami diba.
Imbis na bumalik ay dumiretso na lang ako para di nila mahalata na umiiwas ako dahil sigurado kakanchawan na naman ako ng mga ito.
"Good Morning!"
Pambungad ko sa kanila pero imbis na sumagot ay tumingin lamang sila sa akin na nagtataka.
"Ahm ok ka na?"
Nag-aalangan pang tanong ni steph sa akin. Bakit naman di ako magiging ok?
"Oo nga mommy shi, ok kana? Nung nakasalubong ka kasi namin kagabi mukhang di naging maayos yung pag-uusap nyo ni daddy dyl eh."
Dagdag namang sabi ni abegail na mababakas mo na nag-aalala talaga.
Wag kayong magtaka kung bakit mommy at daddy tawag nya samin, ewan ko ba sa bata na yan sa kanya nyo na lang itanong.
NAkalimutan ko nakasalubong ko nga pala sila nung iwanan ko na si dylan kagabi at ng bubuksan ko na sana yung pintuan ng kwarto namin ng bumukas ito at doon ko sila nakasalubong dalawa.
"Huh? Yun ba? Oo naman ok lang ako ano ba kayo."
Kapanipaniwala waring sagot ko pero alam kong di sila naniniwala sa sagot ko kaya nagmadali na akong kumain.
"Naku bes alam kong di ka ok kaya sabi mo na, ano ba talagang nangyare ah?"
Sa maikling panahon na nagkasama-sama kami dito ay nakilala na namin ang isa't-isa. Sa puntong ito alam nilang nagsisinungaling lang ako.
"Oo nga mommy sabihin mo na ang.....""Sige mauna na ako at malalate na ako marami pa akong gagawin, bye."
Pagpuputol ko sa sasabihin ni abegail dahil kung hindi pa ako aalis sigurado pipilitin nilang sabihin ko ang totoo. Ayaw ko munang pag-usapan ngayon yan dahil hanggang ngayon gulat oa rin ako sa nalaman ko na yun.
==========
Stephanie POV.
Mabilis lumipas ang ilang buwan at sa ilang buwang lumipas na iyon isa lang ang napansin ko naging masaya kami lalo na kaming dalawa ni babes pat hihihi😊😊😉 Oo kami na at wala kayong paki kung paano haha charot..
At isang bagay pa na napansin ko sa ilang buwan na iyon ay talagang iniiwasan ni bes shi si pard's dylan.
Alam kong ayaw pang magkwento ni bes shi sa amin kaya hinayaan na lang muna namin sya dahil magkukwento naman yun paghanda na. Ayaw naman naming pilitin sya kung di pa sya handa.
"Hoy ano pinagpapantasyahan mo na naman ba si pard's?"
Ay shit! Kausap ko nga pala ang tokmol na ito. Masyado ng lumipad utak ko.
"Che! Di ko pinagpapantasyahan yun noh. Ako ang pinagpapantasyahan niyon."
"Sus deny pa eh halata naman. Di pa aminin eh."
"Hoy malaking tukmol na dylan, manahimik ka jan ah kung ayaw mong masiraan."
Oo itong tukmol na dylan na ito ang kausap ko na walang ginawa kung hindi kamustahin itong si bespren, di na lang kasi personal na tawagan pero syempre alam kong di sasagutin ni bespren yun.
"Hoy wala namang ganyanan."
"Kaya manahimik ka jan."
"Pero maiba ako, kamusta na ba talaga sya?"
"Naku pard's marami ng nagbago sa kanya, mas naging matured na at meron pang iba na di namin inisip na mararamdaman namin sa kanya."
"Anong ibig mong sabihin na di nyo inisip na mararamdaman nyo sa kanya mard's?"
"Malalaman mo rin."
"Babes!!"
Dahil doon nawala ang atensyon ko sa kanya dahil sa pagtawag sa akin ni babes pagdating nito.
"Oh babes musta?"
"Ito nakakapagod magbyahe kung saan-saan kami nagpupunta ni madam, daming meetings eh."
"Kawawa ka naman babes, pahinga ka na lang muna jan at kukuha kita ng mamemeryenda."
"Sige babes salamat😊. Sino nga pala itong kausap mo?"
Tanong nito sa akin pagkatayo ko. Di pa nya kasi nakikita yung screen eh.
"Ah yan ba si pard's mo nangangamusta ulit."
"Si pard's pala to. Hoy pard's musta? Long time no talk ."
Sabi nito at kinausap na silang dalawa dahil matagal na din ng huli silang nagusap.
"Oo nga pard's long time no talk haha.
Masyado ka na daw busy ehh wala na tuloy tayong time magusap."
"Oo nga eh pard's alam mo na kaylangan ng magdouble kayod at dahil may future wife na."
Rinig ko pang sabi ni babes, puro talaga kalokohan eh pero syempre kinilig ako hihi.
"TAma pard's kaylangan na para di ka magulpe nyang si mandirigma hahaha."
"Hahahahahaha oo pard's tama ka."
"Tawa ka pa jan ahh!" sabay batok ko dito.
"Aray ko naman babes, jokes lang naman eh. Itong si pard's nagsimula eh."pagpapaliwanag nito.
"Hoy pard's walang laglagan. Hahaha"
😂😂
"Ikaw gusto mo ba talagang masiraan?" pananakot ko kay pard's dylan
"Hahahaah patay ka ngayon sa mandirigmang babes ko."sinamaan ko ng tingin 😠. "Jokes lang babes."
"Hoy mard's wala namang gan.."
Di na nya natuloy ang sasabihin ng marinig naming may papasok at malapad na ngiti ang lumabas sa mga labi ko ng makita ko kung sino ang pumasok haha pagkakataon ko na ito para maasar itong tukmol na ito..
"Hoy bes nandyan ka na pala!" HAlatang nagulat at kinakabahan ang tukmol na si dylan.
"Masyado ka naman yatang good vibes ngayon bes at ganyan ang bungad mo sa akin." di pa makapaniwalang saad nito. Ito talagang si bespren di na nasanay.
"Ano ka ba bes masaya lang ako kasi ito na yung pagkakataon na hinahantay ko whahawhahaha"😁😁 tawa ko na kala mo wala ng bukas haha.
"Babes hinay-hinay lang sa pagtawa baka malagutan ka ng urit nyan."
"Oo nga ano ba kasing pinakain mo dito at nagkakaganto to?"
"Pagmamahal ko lang po mommy shi."
"Siguraduhin mo lang na walang pangloloko at pananakit ang pinakain mong pagmamahal dito ah?" ang bitter talaga nitong si bes at halata namang kinabahan si babes.
"NAku bes bitter mo. Tama na nga yan wag mo ng takutin si babes ko."
"Sinasabi ko lang yung totoo dahil yang pagmamahal na yan walang ginawa yan kung hindi manakit."
"Hugot na naman si bes at ikaw!" baling ko naman kay dylan. "Narinig mo at siguro alam mo na ang sagot sa sinasabi ko sayo kanina. Ano gusto mo pa bang sabihin ko?"
Isang iling lang ang tinugon nya dahil siguro ayaw nyang marinig ni bes ang boses nya. Nakita ko rin ang lungkot at pagkagulat sa mukha nya.
"Sino ba yang kausap nyo at parang ako pa ang pinag-uusapan nyo. Patingin nga?"
At huli na bago namin maagaw ni babes ang laptop ng makuha na ito ni bes. At kitang-kita namin ang pagkagulat sa mukha nya na makikitang di nya ineexpect na si dylan ang nandodoon.
~~~~~~~~~~~~~"~~~~
©Lhin_warmheart
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top