Chapter 06: Special na araw
Shiela POV.
Lumipas ang isang taon at ganon parin ang mga trabaho namin ang nagiba lang ay ang samahan naming lima naging malalapit kami sa isa't-isa at hindi lang basta naging malalapit kung hindi parang isang pamilya ang turingan naming lima sa isa't-isa. Kahit malayo ako sa pamilya ko nagkaroon naman ako ng pangalawang pamilya dito at kahit paano nababawasan ang lungkot ko at pangungulila sa pamilya ko..
"Hoy malungkot ka na naman jan!"
"Ikaw talaga dylan ang hilig mong manggulat!"
"Mukha ngang di ka nagulat eh."
"Paanong di magugulat nasanay na ako sayo!"
"Ganon? Pero bakit nga ba ang lungkot mo jan?"
"Wala!"
"Ano nga? Sabihin mo na dali di kita titigilan."pangungulit nito.
Sigurado di talaga titigil mangulit yan hanggat di ko sinasabi sa kanya kung bakit kaya para tumigil lang sya sasabihin ko na.
"Namimiss ko lang yung anak ko."malungkot na sabi ko dito.
"Di ba lagi mo naman syang nakikita at nakakausap sa video call, bakit namimiss mo pa rin sya?"bigla akong natahimik sa sinabi nya dahil tama sya pero agad akong nakaisip ng dahilan.
"Syempre iba yung nakakasama mo at nahahawakan mo talaga sya."pangangatwiran ko.
"Tama ka, naiintindihan kita pero alam kong di yan ang problema mo. Dahil ba sa asawa mo?"paninigurado nito.
"Huh? Hindi ah bakit mo naman nasabi na dahil sa kanya?"gulat pero agad akong nakabawi para di nya mahalata.
"Alam mo kahit isang taon mahigit pa lang tayong magkakasama kilala na kita noh? Alam ko pagkakaiba pagmalungkot ka at masaya ka."kilala na nga niya ako.
"Oo na tama ka na! Ang totoo tama ka talaga dahil sa asawa ko kaya malungkot ako."
"Bakit hanggang ngayon ba madalang na lang syang tumawag sayo?"
"Oo"
"Buti pa kalimutan mo muna yang asawa mo, sumama ka na lang sa akin. Samahan mo ako day off naman nating dalawa."
"Huh? San tayo pupunta?"
"Basta halika na!"
Di ko alam kong saan kami pupunta, pero sumama na din ako para makalimot may tiwala naman ako kay dylan kahit isang taon mahigit pa lang kaming magkaibigan. Alam kong di nya ako papabayaan na mapahamak.
********
Dylan POV.
Pumunta kami sa isang amusement park at kitang-kita ko sa mga mata niya ang pagkamangha at saya.
"Dylan totoo ba na nandito ako? Di ba ako nananaginip?"di makapaniwalang sabi nya
"Hahaha ikaw talaga hindi! Totoo na nandito ka."natatawang sabi ko dito.
"Totoo nga!"natawa na lang ako ng makita ko na kinurot nya ang sarili nya para malaman na di talaga sya nananaginip.
"Ikaw talaga, halika na nga tara doon tayo."
Habang nandito kami ay naggagala lang kami at nalibot na nga yata namin ang buong amusement park eh dahil sa saya ng nakikita ko sa kasama ko. Namili din kami ng mga pwedeng biling souveniers at itong kasama ko halos puno na ng mga souvenier hahaha. Kahit paano nabawasan yung lungkot nya.
"Uy dylan alam mo kanina pa ako mapapaisip kung bakit ba tayo nandito?"nagtatakang sabi nito pero di pa naaalis ang ngiti sa mukha.
"Di ba pwedeng gusto lang kitang sumaya?"
"Pwede naman pero pwede naman na patawanin mo lang ako gaya ng ginagawa mo pagmalungkot ako ahh. Pero ngayon dinala mo pa ako dito para pasayahin lang, sigurado ako di lang yun ang dahilan?"seryosong sabi nito.
"Ang totoo tama ka di lang yan ang dahilan, dahil ang totoong dahilan birthday ko ngayon eh!"
"Seryoso? Bakit di mo sinabi sana nilutuan na lang kita sa bahay!"
"Ayoko!"
"Bakit ayaw mo ba ng luto ko?"nakita kong naging malungkot ang mukha nito.
"Hindi sa ganon! Gusto ko lang na makasama ka ng solo kahit sa special na araw na ito!"pagkasabi ko noon halatang nagulat sya.
"H-huh? G-ganon ba di mo naman sinabi eh pero sana sinabi mo para sana nabilan kita ng regalo."nagtatampong sabi nito.
"Ano ka ba di na kaylangan ng regalo, dito lang sa gala natin masaya na ako eh."
"Talaga? Buti naging masaya, special ang araw na ito sayo kaya dapat maging masaya ka."
"Oo naging masaya ako dahil sayo."
"Huh? Naku ikaw nga nagplano nito eh."
"Basta naging masaya ako okey? Buti pa tara uwi na tayo hapon na din oh?!"
"Ah sige pero punta muna ako sa comfort room ah."
"Sige lagay ko na rin ito sa sasakyan!"pagkasabi ko noon ay tumango na lamang ito bilang tugon.
Ilang minuto na akong naghahantay sa sasakyan pero wala pa din sya kaya napagdesisyonan ko ng puntahan pero laking gulat ko ngwala sya doon. San kaya nagpunta yun? Agad-agad kong kinuha ang cellphone ko ng magvibrate ito, sinagot ko agad ng makitang pangalan nya ang lumabas.
"Hello?"
("Hello nasaan ka na?")
"Huh? Ikaw ang nasaan pinuntahan kita dito sa may CR pero waka ka dito?"
("Pumunta ka dyan? Pero nandito na ako sa tabi ng sasakyan.")
"Okey sige pupunta na ako jan"pinatay ko na agad yung tawag at pumunta na doon sa parking area.
Nang makarating ako sa parking area ay agad kaming umalis, tahimik lamang kami sa byahe at itong kasama ko ay nakatulog na pala sa sobrang pagod siguro.
********
Shiela POV.
Nagising ako nang dahil sa tapik sa aking braso kaya minulat ko ang mata aking mata ng makita kung sino yun at walang iba kung hindi si dylan.
"Nandito na tayo sa bahay."bungad nito sa akin na natatawa pa.
"Ayy! Sorry nandito na pala tayo!"kaya pala nakatulog ako sa byahe.
"Oo kaya bumangon ka na jan at mauna na doon ako na lang ang magdadala ng mga binili natin."
Di na ako nagdalawang isip na tumanggi dahil gusto ko ng umuwi dahil nakakapagod gusto ko ng magpahinga. Kaya pagdating ko sa bahay ay tahimik siguro pumasok na si bes at si pat at si abegail naman ayun tulog. Dumeritsyo agad ako sa banyo para maglinis ng katawan at ng matapos ako ay lumabas na ako naabutan ko pa si dylsn na nilalapag yung mga pinamili ko.
"Saan ko lalagay itong mga ito?"
"Dito na lang sa ilalim ng higaan ko!"at nahiga na at pumikit
"Sige mauna na ako."
"Sige salamat ulit!"
"Ako dapat ang magpasalamat dahil sinamahan mo ako sa special na araw para sa akin."sabay halik sa noo ko pagkatapos sabihin yun.
Nagulat ako sa ginawa nya pero di na ako nakapagreact dahil sa antok ko kaya pinili ko na lang matulog..
--------+----------
Author's Note:
Hanggang jan na lang muna, sana nagustuhan nyo. Maguupdate na lang ulit ako pagsinipag hehe.. Kung may reaksyon man kaya sa story ko just comment okey! More good comment, more updates! Kaya comment ng comment..
Guys don't forget to VOTE, COMMENT and SHARE. Thank you..
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top