Chapter 05: First Day

Shiela POV.

Ito na talaga ang pinaka unang araw ng trabaho ko kaya maaga akong gumising pero paglabas ko sa kusina nauna na palang gumising sa akin si Dylan at partida nakaluto na sya ng pagkain. Grabe talaga itong taong ito eh, swerte lang talaga ng mapapangasawa nya. Mabait na, masipag, napaka maalalahanin, napaka maasikaso at mapagmahal pa san ka pa diba?

"Agang nagising ah?"

"Oo eh excited much lang hahaha joke! Tara kain na!"

"Sarap na naman ng ulam ah, mukhang tataba ako nito dito ah?!"

"Maganda nga yun eh para magkalaman-laman ka naman. Ang payat-payat mo eh!"pangaasar nito.

"Tse! Kumain ka na nga lang jan!"

"Seryoso yung sinabi ko, kumain ka lang hanggat gusto mo, gusto mo pagluluto pa kita basta kakain ka lang ng marami."

"Sus naku nga! Tigil-tigilan mo ako Dylan ah?!"

"Ito naman seryoso nga!"

"Talaga? Gagawin mo yun?"

"Oo nga promise!"

"Sige, tuparin mo yan ah."

Pagkatapos naming kumain ay hindi pala magkulitan pala habang kumakain hahaha peace. Pagkatapos naming kumain nagasikaso na ako ginawa ko na ang mga routine ko at sinout na ang uniform. 'Woww' lang talaga ang nasabi ko dahil ang ganda nya. Nakita ko naman si abegail na nakabihis na rin at wow ulit dahil bagay na bagay sa kanya at Bago pa kami malate dahil sa pagpantasya sa damit na ito ay lumabas na kami at naabutan namin na silang tatlo.

"Oh dumating na pala kayo? Kamusta?"bungad sa mga ito.

"Woowwww Just Wow!"si patrick

"Bagay na bagay sa inyo mga sister!"masayangsabi ni steph.

Sa mantalang si Dylan ayun speechless hahahaha, siguro na love at first sight to kay abegail haha. Sa bagay maganda si abegail at mabait maliban nga lang sa pagiging parang isip bata nya.

Nang mga makarecover na sa kagandahan namin yung tatlo ay umalis na kaming tatlo para pumasok na. Kanya-kanya kami ng mga trabaho at ang mga trabaho namin ay driver si dylan yun sa gabi naman si patrick, housekeeping si naman ay si abegail sa gabi si stephanie at ako naman ay sa laundry pagwala namang lalabhan pwede akong tumulong sa housekeeping. Kung tinatanong nyo sa pagluluto kumg sino wala sa amin dahil may sarili silang chef, yaman noh? Mamaya ma nga tayo magchikahan at magsisimula na ako, marami-rami din tong lalabhan ko.

************

Abegail POV.

Hay grabe di pa rin ako makaget over sa reaksyon nila kanina hahahaha at si kuya Dylan halatang na love at first sight kay mommy shi hihihi kenekeleg ake. Naku kung wala lang talagang pamilya si mommy shi ako ang magiging kupido nila para maging forever sila hahaha dahil 'ShiLan' natics yata ito. Pero dahil may sariling pamilya na si mommy shi hindi sila pwede kaya magiging kupid muna ako sa dalawa kila ate steph at kuya pat dahil nakikita ko na may spark sa kanilamg dalawa hehehe..

"Hoy!!"

"Ayy pusang kalabaw!" Sino ba itong nanggugulat na ito.

"Meron na bang pusang kalabaw ngayon? Pero yung mukha mo nakakatawa Hahahah!"pangaasar pa nito.

"Kuya dylan naman eh!"natatawa na ring sabi ko rito.

"Hahahaha seryoso ka kasi jan eh!"

"Syempre nagtatrabaho ako dito eh baka magkamali ako kuya at ikaw bat di ka magtatrabaho kuya?."

"Ah naihatid ko na kasi si madam magpapasundo na lang daw sya."

"Ahh kaya pala nandito ka kuya!"

"Oo eh si shiela nasan?"

"Oyy hinahanap nya."pangaasar ko dito at pagsundot pa sa tagiliran nito.

"Oy ano ba? Ito naman hinahanap lang eh."

"Umamin kana kasi kuya may gusto ka noh?"

"Wala noh! Sige na nga alis na ako jan ka na."

"Oyy umiiwas hahaha!"

"Bahala ka jan."

"Hahaha pikon!"

Ayaw pa kasing umamin eh di ko naman sasabihin. Nang tuluyan na ngang umalis si kuya dylan pinagpatuloy ko na ang trabaho ko at baka magkamali pa ako.

************

Dylan POV.

Grabe muntik na ako doon ahh, halata na bang may gusto ako sa kanya pinipigilan ko naman eh dahil alam kong may pamilya sya at di ko pwedeng sirain yun. Dahil di ko pinangarap manira ng pamilya pero grabe lang kahit anong pilit kong wag humanga sa kanya di ko mapigilan. Di naman kasi sya mahirap gustuhin eh mabait sya, maasikaso, maganda, masipag at mapagmahal.

Bakit ko nalaman na mapagmahal sya? Nalaman ko na mapagmahal sya dahil sa paguusap palang nila ng asawa nya sa cellphone ay halatang mahal ma mahal nya ito. Dahil doon alam ko na sa sarili ko na wala akong pag-asa pero paghanga lang naman siguro ito di naman siguro masama kung humanga ako sa kanya kahit may pamilya na sya diba?

Daldal ako ng daldal dito di pa pala ako nakakapagpakilala sa inyo, pasensya na kinabahan lang ako kanina baka kasi mabuking ako eh hehe..

Ito magpapakilala na ako. Ako mga pala si Dylan Canlas turning 21 years old. Di ko na kaylangan sabihin ugali ko, siguro naman nasabi na sa inyo ni shiela yun kahit paano diba? Kahit yun manlang hehehe..

Baka naguguluhan kayo kung bakit nagtatrabaho na ako dito sa ibang bansa 19 years old pa lang ako ay napilitan na akong magibang bansa dahil sa may malubhang sakit ang tatay ko. Mahirap lang kami kaya di namin alam kong paano namin tutustusan ang mga pangangailangan nyang mga gamot. Kahit ayaw ng nanay ko na magibang bansa ako dahil sa murang edad ko pero walang nagawa dahil ako lang naman ang aasahan na magtrabaho dahil ako ang panganay at maliliit pa ang mga kapatid ko. Sa unang kontrata ko ay naging one and half years lang dahil di naging sapat yun kaya nagibang bansa ulit ako at ngayon isang taon mahigit na ako dito sa pinagtatrabahuhan namin ngayon at isang taon at kalahati ay uuwe na ulit ako..

Sa tagal ko ng nandito masasabi ko lang na napaka hirap magisa, may mga kasama naman ako dati pero kaiba ang mga ugali at buti na lang ngayon may mga makakasama na ako ulit pero mababait na.

********

Shiela POV.

Grabe nakakapagod ang dami nito pero buti na lang at nangangalahati na ako. Dahil nauuhaw ako pupunta sana ako sa kusina kaso naabutan ko yung dalawa na naghaharutan kaya napilitan akong bumalik na lang syempre noh ayaw ko naman sirain yung moment nilang dalawa hehe. Kinikilig tuloy ako sa kanilang dalawa, sino sila? Sila ay si abegail at dylan bagay sila diba? Naku buti pa tapusin ko na ito at maghahapon na kaylangan ko ng maisampay yung iba.

Nang matapos ako ay sakto lang sa oras ko, natapos ko ng lahat kaya bukas wala na akong lalabhan tutulong na lang ako maglinis ng mansyon. Nang makapagpahinga ako ay umuwi na ako para makapaglinis na ng katawan at makatulog na dahil nakakapagod ang araw na ito.






Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top