Chapter 9: The Odds Are Sometimes In Your Favour
Naloloka ako sa bago kong boss.
Kung si Mam Miranda eh hindi ako halos pinapakialaman sa mga dapat kong gawin, itong si Serena eh masyadong controlling.
Micromanager daw ang tawag dun sabi ni Kyle.
Diktador siya dahil wala ng ginawa kundi magdikta dito at magdikta doon.
Dapat basahin niya muna ang mga emails bago ko ipadala sa mga recipients.
Kahit may template naman galing sa dating assistant na nagresign, kailangang i-check pa din niya.
Wala namang problema sakin eh.
Kung doon siya masaya, eh di sige.
Ang katwiran ko, at least kung may mali, nacheck niya na bago nasend ang emails.
Ang kinaiinisan ko lang eh mula ng mag-start siyang magwork, lagi niyang binabanggit ang pangalan ni Jordan.
Sino bang Jordan iyon?
Hindi naman siguro si Michael Jordan ano?
Pero tuwing may kailangan siya sakin, lagi na lang niyang sinasabi na I wish Jordan was here.
O di kaya, Jordan knows what to do.
Tang-ina.
Hindi kaya dugo-dugo na ang dila ng kung sinumang Jordan na iyon?
Pero pinipigil ko ang galit.
Dahil kailangan ko ang trabaho.
During the retirement party, kinausap ako ng masinsinan ni Mam Miranda.
Wala nun si Serena.
Nag-CR yata.
Hinila ako ni Mam Miranda sa isang sulok.
Nakangiti siya pero may worry sa mga mata niya.
Nagpasalamat muna siya sa akin.
Very satisfied siya sa performance ko sa loob ng maikling panahon na ako ang assistant niya.
Ang exact words na ginamit niya eh, I'm very professional and have exceptional work ethics.
Lagi daw akong maaga dumarating sa work at hindi niya ako nakikitang nakikipagtsismisan sa mga katrabaho ko.
Paano naman ako makikipagchikahan eh ang dami kong ginagawa?
Minsan nga ay nakakalimutan kong umihi o di kaya ay huminga.
Pagkatapos ng mga papuri (kulang na lang ay pumalakpak ang tenga ko sa narinig), meron daw siyang hihilingin sa akin kung hindi ko mamasamain.
Pwede ba akong tumanggi eh mukhang importante sa kanya na pumayag ako?
So I said yes.
Kahit hindi ko alam kung ano ang pabor na kailangan niya.
Basta ba wala akong papatayin o hindi ako tatalon sa bangin, ayos lang.
Nilingon muna ni Mam Miranda ang mga tao.
Naniniguro na walang makakarinig sa sasabihin niya.
Ako naman, naintriga sa mga kinikilos niya.
Hindi naman kasi siya aligaga.
Ang totoo nga, calm and collected si Mam.
Pero iba siya ngayong hapon.
Parang balisa siya.
Bantayan ko daw si Serena.
Nang palihim.
Siguraduhin ko daw na hindi ito masyadong nagbababad sa opisina.
Alam niya daw na workaholic ito.
Kulang na nga lang daw eh sa office na ito tumira.
Hindi ko daw iyon pwedeng kontrolin dahil walang fix na oras si Serena sa pagpasok kahit pa ang oras niya talaga eh 9-5 din tulad ko.
Pero huwag ko daw hayaan na laging ginagabi.
Naguluhan ako sa part na iyon.
Paano ko naman mapipigil si Mam Bruhilda na huwag magpagabi kung ang pasok ko eh hanggang alas-singko lang?
Magtatanong pa lang ako eh sinagot niya na agad.
Kung okay lang daw na maging 10 am to 8 pm ang shift ko.
Doon medyo naalangan ako.
Biglang nagsisi kung bakit ako umoo agad.
Inisip ko si Henry.
Ako kasi ang naghahatid sa kanya papasok.
Kaya lagi akong maaga sa office kasi 7:30 ang unang klase niya.
"I'm asking too much aren't I?"
"It's my brother, Mam. I drop him off at school."
Bumuntong-hininga si Mam Miranda.
Bigla akong nahiya.
Never pa akong tumanggi sa kanya.
"Gagawa na lang po ako ng paraan, Mam."
Para siyang nabunutan ng tinik sa sinabi ko.
"Maria," Pinatong niya ang kamay sa balikat ko.
"You are a lifesaver. This means a lot to me."
Ngumiti din ako kasi hindi na siya nag-aalala.
Ang akala ko, iyon na iyon.
Pero nagsalita ulit si Mam.
"Can you make sure that a person by the name of Marcus Green doesn't call or visit her?"
Nagulat na naman ako.
Sino naman itong Marcus na 'to?
Mygad!
Si Mam.
Ang daming lihim.
Pati ba naman pagsesecurity trabaho ko na din ngayon?
"Mam, naguguluhan po ako sa mga pinapagawa ninyo sakin."
"I'm sorry, Maria. But if it helps, I already had a meeting with security. They know what to do. Also, I will send you his picture so you know what he looks like. I'll send it on your phone."
Wala na talaga akong kawala.
Next time, magtatanong muna ako bago pumayag.
Nai-stress ako.
Hindi ko namalayan na tinungga ko ang champagne na parang umiinom lang ako ng softdrink.
"I am asking a lot from you but you will know why. Maria, don't worry about your salary. I made arrangements for you. There's also a bonus which I hope is enough to cover the inconvenience I put you through."
"Mam, hindi naman po ako humihingi ng kapalit."
Naks!
May ganung effect pa akong nalalaman.
"No. I insist. This is a big ask and I didn't expect you'll agree."
Pwedeng umatras? Naisip ko.
Bumalik na si Serena at lumapit sa amin.
Mamula-mula ang pisngi niya at merong kakaiba sa itsura niya ngayon.
Nakangiti siya.
Lasing na siguro.
Nag-excuse si Mam Miranda at sinabi na ikoclose niya na ang retirement party.
Iniwan na nila ako ni Serena.
Nang may dumaang server na may bitbit na tray na may lamang bote ng wine, kinuha ko ang bote at tinungga.
Ano bang pinasok ko?
Nagpasundo ako kay Kyle dahil hindi ko kayang magmaneho.
Nakadalawang bote ba naman ako ng wine.
Pagdating niya, nagulat siya kasi hindi naman ako palainom.
O baka hindi lang ako sanay uminom ng merlot?
In fairness tama na ang pronunciation ko ha?
Hindi mer-lot.
Mr.low sabi ni Kyle na binak-dapan naman ni Google.
Natawa ako dahil naalala ko iyong time na inaway ko yung waiter sa Domenico.
Bad trip sakin si Kyle nun kasi gutom na gutom na siya at hindi siya nakakain.
"Are you okay, bae?" Nakaupo ako sa baytang ng hagdan sa labas ng office ng RITC habang hinihintay siya.
Nainitan kasi ako sa loob bukod sa ingay ng mga kaopisina namin.
Medyo madilim sa pwesto ko at pinili ko talaga na umupo doon para hindi ako makita ng mga kasama ko.
Inabot niya ang kamay niya at tinulungan akong tumayo.
Dahil lasing na ang lola niyo, nanlambot ang tuhod ko kaya imbes na patayo eh patagilid akong bumagsak sa dibdib ni Kyle.
"Be careful." Nasalo niya ako sa mga patpating bisig niya.
Pero kahit payat siya, malakas si Kyle.
Kaya niya akong buhatin.
Kinulong niya ako sa braso niya at niyakap ko siya ng mahigpit.
"Mahal kita. Alam mo ba iyon?" Nauutal na sabi ko.
"I love you, too." Sagot niya sabay halik sa noo ko.
Kami lang naman ang nakatayo sa ilalim ng kung anumang puno sa gilid ng building namin.
"Hindi mo ako iiwan?"
"Why would I do that?"
"Baka kasi main-love ka sa iba eh. Tulad ni Eugenie Villeneuve. Sexy, French, mas bata at saka magaling mag-English unlike me who has to check the dictionary."
Tumawa si Kyle.
Iyong tawa na naaaliw at hindi iyong pinagtatawanan ako dahil sa mali-mali o walang sense ang mga sinasabi ko.
"You are so adorable, Maria." Pinindot niya ang tip ng ilong ko.
Sabi niya, favorite niya daw ang ilong ko kasi ang tangos.
"And no, I'm not going to leave you for any woman, sexy, French, mas bata at magaling mag-English."
"Sure ka? Baka binobola mo ako ha?"
"Why would I do that? You're already mine aren't you?"
"Bae, you didn't put a ring on it so I'm not really yours."
Hala.
Saan nanggagaling ang mga salitang ito?
Nakakatulong ba ang pag-inom ng merlot?
O baka naman sinasapian na ako ng magandang ispiritu ni Queen Beyonce. Amen.
"Why don't we do it this way?" Inalis ni Kyle ang isang braso na nakayakap sa akin.
Hinubad niya ang singsing niya na black gold ang band at napapalibutan ng emerald ang kalahati ng singsing.
Iyon ang birthstone niya.
Sabi niya, iyong mga bato ay kasama sa mga minana niya galing sa mommy niya.
Pinagawa niya yung singsing para sa sarili niya for her eighteenth birthday para daw kasama niya ang mommy niya sa mahalagang okasyon na iyon.
"Naku, Kyle. Nagbibiro lang ako." Kinuyom ko ang kaliwang kamay ko ng akmang isusuot niya sakin yung singsing.
Nawala bigla ang pagkalasing ko.
Kahit mainit ang gabi, nanlamig ang katawan ko.
"Maria..." Lalong humigpit ang hawak niya sa kamay ko.
Bukod sa pinagpapawisan ako, gusto ko na ding maihi ng lumuhod siya.
Mygad, Kyle.
Hindi ko keri ang mga pinaggagagawa mo.
"Since I met you, I have only known happiness in my life. Will you be so kind as to wear this ring so I can stay in your heart forever?"
"Yes."
Binukas ko ang kamay ko.
Dahil payat siya, sa hinliliit niya sinuot ang singsing.
Butil-butil ang pawis sa noo ko.
Naghalo-halo na ang emosyon ko dahil sa pagkalasing, kilig at hindi makapaniwala na nangyayari ang lahat ng ito.
Pagtayo niya, niyakap ko siya.
"Paano iyan? Wala ka ng kawala, Kyle Obregon."
Tumawa lang siya.
"It's fine with me. I have no intention of going anywhere without you."
Naubos na ang bala ko.
Hindi na ako nagsalita.
"Shall we go home?"
Tumango ako.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top