Chapter 24-Therapy In Action







Ang pakikipagkita sa isang counselor proved to be a very good decision.

Maraming bagay na kailangan kong i-process.

Hindi ko akalain na may significant side effects pala sa pagkatao ko ang pag-aaway ng mga magulang ko dahil sa pera.

Tinanong ako ng counselor kung sa kabila daw ba ng pagiging mahirap eh masaya naman ako.

Oo ang sagot ko.

Sa katunayan, natuto akong maging kuntento sa kung ano ang meron kami.

Hindi din ako maaksaya di lang sa pagkain kundi pati sa pera.

Kaso lang, medyo kuripot ako.

Nandoon kasi iyong takot na baka wala kaming makain bukas.

Pinag-usapan din namin ang trauma dala ng biglaang pagpanaw ng magulang ko.

Napakalaking responsibilidad nga daw ang naiwan sa akin dahil ng panahon na iyon ay hindi pa naman ako isang adult.

Hanga nga daw siya sa akin dahil nagawa kong alagaan si Henry ng maayos.

Pati ang relasyon namin ni Kyle, napag-usapan din namin.

Isa daw ito sa napakalaking pagbabago sa buhay ko dahil sa marami kaming pagkakaiba.

Tinanong niya kung nahirapan akong mag-adjust sa sitwasyon.

Ginamit niya ang term na rags-to-riches para magkaroon ako ng comparison.

Kinumusta din ako ng counselor kung paano ko hinahandle ang kasikatan ni Kyle.

Kailan daw ako nakakaramdam ng insecurity at jealousy?

At kung nangyayari iyon, pinag-uusapan daw ba namin?

Kumusta daw ang communication namin ni Kyle?

Nasasabi daw ba namin sa isa't-isa ang bawat saloobin in a safe manner?

After every session, pinag-iisapan ko ang mga sinasabi ng counselor.

Lagi niyang pinapaalala ang kahalagahan ng communication at self-care.

Masusubok ang lahat ng natutunan ko sa therapy isang gabing umuwi si Kyle pagkatapos ng final shooting day for Agent Alice.

Maghahatinggabi na ng dumating siya pero gising pa ako.

Meron kasi akong naisipang isulat at dahil inspired, hindi ko namalayan ang oras.

Nagtext siya na malapit na siyang dumating.

Pagkatapos i-save ang document, bumaba na ako para salubungin siya.

Ang ine-expect kong makita ay isang Kyle na masaya.

Pero ang sumalubong sa akin ay daig pa ang nalugi.

"Okay ka lang?" Tanong ko pagkatapos naming magkiss.

"Can we talk?" Hinawakan niya ako sa siko at niyaya sa kuwarto.

Pagkasara ng pinto, umupo siya sa armchair at tinuro ang kandungan niya para doon ako umupo.

"Anong nangyari, Kyle? Hindi pa natapos ang shooting?"

"It's done."

"Eh bakit parang ang lungkot mo?"

Kinuwento niya sa akin ang naging usapan nila ni Eugenie.

Habang nakikinig sa kanya, naisip ko si Dr. Santos.

Sa mga session namin, lagi niyang sinasabi na para maging successful ang communication, maramdaman ng kausap ko na I have their full attention, hindi ako nang-iinterrupt at maipadama ko ang empathy—iyong nilalagay ko ang sarili ko sa sitwasyon.

Ang hirap.

Masakit sa tenga at sa puso ko na marinig na hanggang ngayon pala eh hindi pa din nakamove on ito si Ateng Sole.

Tama iyong kanta ni Billy Joel.

Honesty is such a lonely word.

Pero may understanding kami ni Kyle umpisa pa lang ng relationship namin—na magiging open kami sa isa't-isa lalo na at hindi naman ordinaryo ang sitwasyon namin.

Showbiz person siya.

Non-showbiz naman ako.

Napagkasunduan namin na hangga't maaari, magkaroon ng normal na buhay kung anuman ang ibig sabihin noon para sa amin.

Kaya naman inaalagaan ko siya.

Siya naman, tinutulungan ako sa mga gawaing bahay.

Nagtatrabaho kaming dalawa para sa kinabukasan namin ni siyempre, ni Henry.

Oo at nandoon na pinapamper niya ako hindi lang sa pagmamahal kundi pati sa mga material na bagay pero masaya daw siyang gawin iyon para sa akin.

Mabait din siya kay Henry at tinitreat niya ito kapag maganda ang grades.

Binibilhan niya ito ng bagong sapatos, gadgets o di kaya damit.

Tumutulong din siya sa allowance ni Henry para naman daw makapag-enjoy ito kapag kasama ang mga barkada at si Kate.

Nasasaktan ako dahil nakikita ko na affected si Kyle sa sinabi ni Eugenie.

Guilt.

Iyon daw ang nararamdaman niya.

Kung alam lang daw niya na ganito ang mangyayari, hindi niya itutuloy ang pagdidirek sa Agent Alice.

Kung may idea lang daw siya, di sana eh hindi siya masyadong mahigpit kay Eugenie.

"Pero, bae. Iyon na nga eh. Hindi mo naman alam. Wala kang dapat ikaguilty dahil wala ka namang kasalanan. Ginagawa mo ang trabaho mo bilang direktor. May responsibilidad ka hindi lang kay Eugenie kundi na din sa buong RGF lalo na kay Mommy Chato."

Biglang nagliwanag ang mukha niya ng marinig ang pangalan ng nanay-nanayan niya.

Sumandal siya sa upuan at humilig naman ako sa dibdib niya.

Pinaglaruan ko ang butones ng leather biker jacket na suot niya.

Kahit maghapon sa trabaho si Kyle, kapag dumarating siya sa bahay, ang bango pa din niya.

Nakadikit na yata sa balat niya ang amoy ng French cologne na Replica ang brand.

"How do you do it, bae?"

"Ang alin?"

"Not get lost in the crazy world I'm in?"

Dumiretso ako ng upo at tiningnan ko siya.

"Kaya nga ako nagthe-therapy di ba?"

"I mean, even before you started seeing a therapist, nakita mo na kung anong meron sa mundo ko. Ang daming tao, maingay, magulo. Kahit nasa likod ako ng camera, ang daming intriga. I am amaze that you're still with me."

Tinaas ko ang palasinsingan.

"Sineseryoso ko 'to, Kyle."

"Me too."

"Hindi ko tinitingnan ang dami ng tao, ang ingay at ang gulo. Ang mahalaga sa akin, tayo. Ikaw, ako, si Henry pati si Maico at Rico. Ang pamilya natin ang focus ko. Iyon lang ay sapat na para i-guide ako sa dapat kong gawin."

"Do you get scared?"

"Saan?"

"That something or someone will tear us apart?"

"Subukan nila." May tono ng pagbabanta sa boses ko.

Hinawakan ko ang mga kamay niya.

Most of the time, confident si Kyle sa sarili niya at sa kakayahan bilang director.

Sa mga ganitong pagkakataon, alam ko na nababagabag siya.

"Huwag mong sisihin ang sarili mo sa nangyari kay Sole at Eugenie. Hindi talaga sila meant to be."

"I don't like it."

"You don't like what?"

"Being blamed for the failure of their relationship."

"Bakit?"

"Kung alam ko lang, I would have said no to making this movie. Feeling ko, it was torture for Eugenie."

"Pero hindi mo naman alam ang nangyayari. Isa pa, you didn't cause the pain. Si Sole ang may kasalanan dahil hindi pa din siya makaget-over sa'yo."

Bumuntong-hininga si Kyle.

"Hindi ka ba nagseselos?"

"Minsan."

"Minsan?" Inangat niya ang ulo at hinigpitan ang hawak sa bewang ko.

"Tao ako ano? May pulso. May pakiramdam."

"How come you seem to handle it well?"

"Kyle, noong maging tayo, hinanda ko ang sarili ko sa mga bagay na dadanasin ko. Bukod sa napakalayong estado natin sa buhay, di hamak din na mas may itsura ka sa akin. Sa mata mo pa lang, makalaglag panty na."

Natawa siya.

"Sinabi ko sa sarili ko na kung gusto kong tumagal sa relasyon na 'to, dapat tatagan ko ang loob ko. Dapat handa ako sa mga babaeng at tao na magkakandarapa sa'yo. Sikat ka, mayaman, maganda at kaakit-akit. Pero alam mo ba kung ano ang lamang ko sa kanilang lahat?"

"Ano iyon?"

"Ako ang gusto mo."

"That is true." Hinalikan niya ako sa sintido.

"I don't know how long I can stay sane if I don't have you." Hinawakan niya ng mahigpit ang mga kamay ko. Tumitig siya sa akin. Parang bolang ginto ang kulay ng mga mata niya.

"You are my anchor, Maria. You keep me in my place. Because of you, I do not fear that I will drift away. Because of you, I will always have a place to come home to."

"At lagi mo iyang tatandaan lalo na kung may mga bata at seksi na aali-aligid sa'yo."

"Yes, Ma'am." Tinaas niya ang kamay na akala mo ay nanunumpa.

Humiga ako ulit sa dibdib niya.

Panatag na ang tibok ng dibdib niya.

Nang magsalita siya ulit, kahit hindi ko nakikita ang mukha niya, alam ko na masaya siya.

"I love you, Maria."

"I love you too, Kyle."

"Come see the world with me."

"What?" Napaupo ako sa sinabi niya.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top