Chapter 15: The Unexpected Visit
Nakatayo sa sala si Kyle at sinalubong kami ni Serena.
Nagbeso ang dalawa at nag-excuse din siya pagkatapos.
Alam niya yata na importante ang pakay nito.
Ang tingin na binigay niya sa akin, nagtatanong.
Sa tingin ko din siya sinagot na mamaya ko na sasabihin.
Marami din akong tanong.
Una sa lahat ay kung paano nalaman ni Serena ang address ko.
Kahit hindi magsalita, alam ko na nagulat siya ng makita kung saan ako nakatira.
Hindi niya siguro akalain na magkasama kami sa iisang bubong ni Kyle.
Tinuro ko ang sectional pero bago ako umupo ay tinanong ko siya kung gusto niya ng maiinom.
Hindi ko pa din naman nakalimutan ng tuluyan ang manners ko bukod sa automatic na talaga sa akin ang ganito kapag meron kaming bisita.
Kahit bwisita si Serena, nauuhaw din naman siya siguro ano?
"I'm okay. Thank you."
Umupo na siya at sa itsura niya, parang balisa siya.
"Paano mo nalaman kung saan ako nakatira?"
"First of all, I apologize for coming here unannounced." Pormal ang pagkakaupo niya.
Hindi siya nakasandal sa upuan, magkadikit ang mga hita na akala mo eh nasa isang TV show at ini-interview at nakapatong ang mga kamay sa kandungan niya.
Daig pa niya ang isang beauty queen na napakaelegante ng pose.
"So, paano mo nakuha ang address ko?" Kahit inis ako sa kanya, kailangan ko pa ding magpakita ng konting paggalang.
Hindi pa din ako sigurado kung magreresign ba ako o hindi lalo na pagkatapos kong kausapin si Mam Miranda.
"I have access to all the employee files."
"Of course."
Ang lalim ng buntong-hininga ni Serena.
"Bakit ka pumunta dito?"
"I owe you an apology."
Naalala ko iyong moment namin ni Kyle dati.
Noong malimit kaming mag-away.
Hayan. Sa kakaaway namin, kami pa ang nagkatuluyan.
"Maria, I was wrong to behave like that. I was just so confused with everything that happened."
Dapat ba akong magtanong tungkol sa nangyari?
Kung ibang tao siguro siya, gagawin ko.
Pero boss ko si Serena.
Kailangan may boundary pa din ang personal at professional life namin.
Although ngayong nandito siya, mukhang ako lang ang concern sa boundary.
Bahala na nga.
"Serena, ano bang meron sa inyo nung lalakeng iyon?"
Hindi ko mabanggit ang pangalan dahil siguradong magtataka siya kung bakit kilala ko si Marcus.
"I'm sorry but I can't tell you anything. I only came her to apologize for how I behaved."
"Paano kung maulit na naman ang nangyari? Paano kung hindi ako dumating sa tamang oras at may gawin siyang masama sa'yo?" Kahit hindi ko siya lubusang kilala, hindi ko maalis na maging concern.
Paano kung mapatay siya ni Marcus?
Paano kung ako ang maging witness?
Nakakatakot isipin na madadamay ako sa posibleng mangyari.
Nabasa niya siguro ang nasa isip ko.
"You don't have to worry. I took care of everything."
Sa sinabi niya, naalala ko iyong mga movie na napanood namin ni Kyle.
Kapag ganyang ang linya ng mga bida, kabahan ka na.
"Sigurado ka?"
Tumango siya.
Duda ako.
Pero dahil wala naman akong karapatan na mang-ungkat ng kung anu-ano, hindi na ako nagsalita.
Tumayo na siya pero kita ko pa din ang lungkot sa itsura niya.
Parang pasan niya ang daigdig.
"Ba't di ka na lang dito kumain?" Napatingin ako sa wall clock.
Lampas alas-sais na.
Siguradong nakapagluto na si Yaya Lita ng pochero kasi iyon ang habilin ko kanina bago ako pumasok.
"No. Nakakahiya naman. I've bothered you enough."
"Don't worry, Serena. It's okay. Nandito ka na din naman at baka hindi ka pa kumakain."
Bumukas ang bibig niya para tumanggi pero tinaas ko ang kilay ko.
"If you insist."
Sumunod siya sakin papunta sa kusina.
Nandoon na si Kyle at Henry.
Hawak ni Kyle ang mga plato at dala naman ni Henry ang mga baso.
"Hey. Join us." Nakangiting anyaya ni Kyle kay Serena.
Tinuro niya ang upuan sa tabi ni Henry at nagpakilala siya sa kapatid ko.
Parang nakakita naman ng artista si Henry kasi natulala.
Lihim akong natawa.
Pagdating talaga sa magagandang babae eh tulo laway siya.
Nakahain na ang ulam at kanin sa gitna ng lamesa.
Tinanong ni Kyle kung gusto ni Serena ng maiinom.
"I'll take whatever you have."
"Beer is good? We have Stella Artois."
"Sure."
"Pwedeng ako din, Ate?" Nakatingin sakin si Henry.
"Oo pero isa lang ha?"
Tumango siya.
Tinulungan ko si Kyle magbukas ng mga bote.
Inabot ko kay Henry ang beer at binigay niya kay Serena ang isa.
Bago kumain, nagdasal muna.
Si Henry ang naglead kasi toka niya.
Habang kumakain, napansin ni Serena ang singsing namin ni Kyle.
"You're engaged?" Tanong niya sa akin.
"Yes."
"Congratulations."
Pinisil ni Kyle ang kamay ko.
"How did you guys meet?" Napatingin ako kay Serena.
Hindi siya ganito sa office.
Ang totoo nga, hindi kami nag-uusap tungkol sa mga personal na bagay.
Bago nangyari ang insidente sa kanila ni Marcus, hindi kami nag-uusap maliban na lang kung may tanong siya tungkol sa mga pinapagawa niya sa akin.
Kaya naman nakakapanibago na nagpakita siya ng interest tungkol sa buhay namin.
"She wrote the script for Mintonette."
"You did?" Gulat na tanong niya sa akin.
"Oo. Binili nila at doon kami nagkakilala."
"She didn't like me in the beginning."
Natawa ako.
Bihira din mag-open itong si dyowa.
Siguro nga close talaga sila ni Serena kung ganito siya magkwento.
"Why don't you like, Kyle?"
"Burgis kasi siya."
Nagtawanan kami.
Si Henry naman, nagtanong kung ano ang ibig sabihin ng burgis.
"Burgis means sosyal or usually ginagamit sa mga mayayaman." Si Serena ang nag-explain.
"Ah. Kaya pala." Tatango-tango siya.
"What changed then?" Tumingin siya sa amin ni Kyle.
Parang kinikilig pa nga si lola.
"We had a truce." Sagot ni Kyle.
"A truce?" Naiintrigang tanong ni Serena.
"Oo. Ako ang nagpropose ng truce. Sabi ko, kung titigilan niya ang pagpapaalala na yaman niya, titigilan ko din ang pagpapaalala ng kahirapan ko."
Tumawa siya sa sagot ko.
Nagkatinginan kami ni Kyle.
Tama nga siya.
Hindi naman pala taong bato itong boss ko.
"The truce worked then?"
"Yeah." Kinuha ni Kyle ang kamay ko at ang higpit ng pagkakapisil.
Iyong tipong nagsasabi na huwag ko siyang iwanan kahit anong mangyari.
Kinausap niya din si Henry.
Tinanong kung saan siya nag-aaral at kung anong course nito.
Pati ang mga hilig, tinanong din.
Nang mabanggit ni Henry na mahilig siya sa basketball, doon ko nalaman na player pala siya noong college.
"I wanted to pursue it but..." Bigla siyang tumigil.
Nakita ko ang lungkot sa mga mata niya.
"Minsan po laro tayo."
Napatingin si Serena kay Henry.
Ang kapatid ko naman, inosenteng-inosente ang hitsura.
Nahalata din kaya niya ang lungkot ng magsalita si Serena?
"Oh my god. It's been years since I played. I may be rusty."
"Okay lang po." Excited na sabi ni Henry.
"Pwede namang for fun lang."
Ngumiti na ulit si Serena.
"Sure. Let me know when and I'll be there."
"Sige po."
"Can I make a tiny request?" Nakatingin siya kay Henry.
"Ano po iyon?"
"Huwag ka ng magpo sa akin. Parang ang tanda ko na tuloy."
Namula ang mukha ni Henry.
"Sige po...ay sorry."
Nagtawanan na lang kaming lahat.
Pagkatapos kumain, nag-stay si Serena for dessert.
May ginawang leche flan si Yaya Lita at paborito niya pala ito.
Nakuwento niya na noong nasa California siya, malimit siyang pumunta sa Filipino stores para lang bumili ng leche flan.
"My mom used to make it when I'm home."
Nahalata ko na may bahid ng pagkamiss ang salita niya.
Nang magpaalam na si Serena, hinatid ko siya sa gate.
"Thank you for a wonderful dinner, Maria."
"You're welcome."
Umikot siya papunta sa driver's side pero hindi agad binuksan ang pinto ng sasakyan.
"Tell Henry I'm looking forward to playing basketball."
"Sure."
Binuksan niya ang pinto at pumasok na siya.
Kumaway ako ng pinaarangkada niya ang sasakyan.
Nang makaalis na si Serena, may narealize ako.
Mabigat ang dinadala niya.
Kahit hindi niya sabihin, kahit nakangiti siya, kita ang alalahanin sa mga mata niya.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top