Chapter 14: Good Intentions Gone Wrong







May kasabihan.

Kung sino pa iyong tumutulong, siya pa ang napapahamak.

Iyan ang feeling ko nang marinig ang tanong ni Serena.

Ang kinaiinisan ko pa, sa itsura niya, parang ako pa ang may kasalanan.

"Tinulungan na nga kita, sakin ka pa galit?" Sigaw ko.

Wala na akong pakialam kung masisante ako.

Buwisit na buwisit ako sa reaksiyon niya.

Dapat yata sa kanya ko hinagis ang bust na nasa sahig pa din.

"You don't even know who you're dealing with. I could have handle him."

"Handle him? Eh hindi ka nga makaalpas sa pagkakahawak niya."

"You know what? Why don't you just go?"

"Fine." Padabog akong lumabas ng opisina.

Nanginginig pa din ang kalamnan ko dahil sa nasaksihan.

Pero mas nangibabaw ang inis ko dahil sa sinabi ni Serena.

Pagbalik ko sa desk, hindi na din ako makapagconcentrate sa trabaho ko dahil sa nangyari.

Sa sobrang asar, kinuha ko ang phone at tinext si Mam Miranda.

Pagdating ko sa bahay, nasa bahay na si Kyle.

Nasa kusina sila ni Henry at kumakain ng banana cue.

May 1.5-liter Coke sa lamesa at nangangalahati na ito.

"Are you okay, bae?" Tanong ni Kyle ng makita ang hitsura ko na parang pinagsakluban ng langit at lupa.

Nilapitan ko siya at biglang niyakap.

"Anong nangyari sa'yo, 'te? Tumigil si Henry sa pagnguya.

"Daig mo pa ang nalugi?"

Humiwalay ako kay Kyle at hinila ang upuan.

Kinuwento ko sa kanila ang nangyari sa opisina pati na din ang tungkol sa sinabi ni Serena.

Tinext ko si Mam Miranda para sabihin sa kanya na isosoli ko ang perang binigay niya.

Ang tanong niya, bakit?

Ang sagot ko, bakit hindi?

Sinabi ko din na magreresign na ako.

Hindi ko kailangang ma-involve sa gulong ito.

Muntik ko ding sabihin kay Mam Miranda na ingrata ang anak niya.

Siya na nga itong tinulungan, hindi man lang nagpasalamat.

Hindi ko in-expect ang tawag niya.

Nagsorry siya sa nangyari.

As if hindi pa sapat na tumawag siya from Vancouver kung saan siya nagbabakasyon, nagmakaawa siya sa akin.

Huwag daw akong aalis.

Kailangan niya daw ang tulong ko.

"Mam, naguguluhan po ako."

"Saan?"

"Bakit ninyo po ba pinababantayan ang anak ninyo? Ano po bang meron sa kanila ni Marcus?"

Nagkwento siya.

Pagkatapos ng halos isang oras na call, naintindihan ko kung bakit.

Pero hindi pa din nagbago ang isip ko.

Pinayuhan ako ni Mam Miranda na pag-isipang mabuti ang desisyon ko.

"Are you going to be okay?" Nag-aalalang hinagod ni Kyle ang likod ko.

"Oo naman. I'm sure makakahanap naman ako ng ibang trabaho. Ayoko ng ganito. Kung gusto ko ng drama, hihiram na lang ako ng script sa'yo at babasahin ko."

Tumawa si Kyle.

"Or you can write your own script and make it as melodramatic as you like?"

Nginitian ko siya.

Most Supportive Girlfriend talaga itong dyowa ko.

Wala na akong hihilingin pa.

"O di kaya, Ate, isulat mo na lang ang love story namin ni Kate." Nakabungisngis ang mokong.

Gulat na napatingin kami ni Kyle sa kanya.

"May love story na kayo ni Kate?" Inabot ko ang baso at nagsalin ako ng Coke.

"Medyo."

"That's good news." Inabutan ako ni Kyle ng banana cue at umupo siya sa tabi ko.

"Mabait talaga siya, 'te. Magaling din siyang magdrawing. Pinakita niya sakin yung mga sketches niya. Pwede na siyang maging graphic designer kasi singganda nung mga manga sa TV ang drawings niya." Parang may mga tala sa mata ni Henry dahil kumikinang ang mga ito habang nagkikwento.

"What about Angeline? Have you talked to her?"

"Oo, Ate Kyle. Sinabi niya na gusto niyang manatili iyong friendship namin pero sabi ko, mabuti siguro kung huwag na lang."

"Sinabi mo iyon?" Gulat na tanong ko.

"Oo, Ate. Mahirap na kasi. Ayokong magselos si Cocoy at saktan ako o di kaya si Angeline."

"Anong sabi ni Angeline ng tumanggi ka?"

"Umiyak siya. Pero sabi mo nga, kailangan kong i-enjoy ang buhay ko. At tama ka, Ate, kasi nagi-enjoy ako kasama si Kate at iyong ibang barkada namin."

"Buti naman kung ganun."

Gumaan ang pakiramdam ko sa sinabi ni Henry.

At least hindi ako mag-aalala na baka magulpi na naman siya.

Kapag nangyari iyon, ako na mismo ang sasapak sa kung sinumang manakit sa kapatid ko.

"Siyanga pala, 'te. Pwede ba akong sumama sa kanila bukas? Manonood lang kami ng sine."

"Sinong mga kasama mo?"

"Sina Kate tapos iyong iba naming kaibigan?"

"Saan kayo pupunta?"

"Sa Glorietta, 'te."

"Anong oras kayo aalis?"

"Susunduin nila ako ng alas-diyes."

"May pera ka?"

"Meron, 'te?"

Inabot ko ang Gucci Ophidia shoulder bag na regalo ni Kyle noong birthday ko at kinuha ang pitaka.

Kinuha ko ang three thousand at binigay kay Henry.

"Dagdag mo sa panggastos mo."

"Thank you." Lumapit siya sakin.

"Ang bait talaga ng Ate ko." Niyakap niya ako.

"Binola mo pa ako. Basta nasa bahay ka na ang alas-siyete ha?"

Sumimangot siya.

"Ang aga naman. Nine o' clock?"

"Eight thirty."

"Sige na nga."

Kinuha niya ang plato at baso na pinagkainan at nilagay sa lababo.

"Ako na maghuhugas. Tawagin niyo na lang ako kapag tapos na kayo kumain."

Nagpaalam na siya sa amin ni Kyle.

"Ang nagagawa nga naman ng three thousand." Sabi ko pag-alis ni Henry.

Natawa lang si Kyle.

Maaga palang natapos ang shooting nila kaya nasa bahay na siya.

Pero bukas daw eh baka hindi siya makauwi.

"Bakit?"

"We will go to Batangas for the shoot. It's scheduled for two days so I won't get to see you."

"Basta mag-ingat ka doon ha?"

"Of course." Hinalikan niya ako sa pisngi.

Katatapos lang namin kumain at tinutulungan ako ni Kyle na ilagay sa lababo ang mga plato ng biglang pumasok si Yaya Lita sa kusina.

May naghahanap daw sa akin.

"Sino daw?" Pinatay ko ang gripo at kinuha ang towel na nakasabit sa handle ng oven.

"Serena daw po, Mam."

Nagkatinginan kami ni Kyle.

"Anong ginagawa niya dito?"

"I don't know."

Nagmamadaling lumabas ako ng bahay.

Nakaparada ang pulang Porsche Macan ni Serena sa tapat ng gate.

Binaba niya ang bintana ng makita ako.

"Paano mo nalaman ang address ko?" Hindi ko siya pinagbuksan ng gate.

Hindi na din ako nag-abala na maging magalang.

Pagkatapos ng nangyari kanina, nawala ang kakapiranggot na amor ko para sa kanya.

"Can we talk?"

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top