Chapter 11- Emerald And Sapphire







Masama pala akong malasing.

Nagiging engaged ako.

Hindi ako makapaniwala na lumuhod si Kyle sa harap ko at binigay sa akin ang isang bagay na napakahalaga sa kanya.

Well, dalawa.

Ang singsing at ang puso niya.

Nang bumaba kami sa kusina, nandoon na si Henry at tinutulungan si Yaya Lita na maglagay ng mga plato sa lamesa.

Nakahain na din ang sinangag, danggit, suka na may kamatis, pritong itlog at saka kape.

"Bakit ganyan ang itsura mo, Ate?" Usisa ni Henry.

"Bakit? Anong itsura ko?"

"Umiyak ka ba? Ang pula ng ilong mo eh."

Tatawa-tawa lang si Kyle na lumapit sa lababo para maghugas ng kamay.

"Tears of joy." Sagot ko habang hinihila ang upuan sa kabisera na siyang pwesto ni Kyle.

"Tears of joy?" Nagtatakang tanong ni Henry.

"Oo." Tinaas ko ang daliri ko.

"Singsing ni Ate Kyle iyan ah."

"Singsing nga niya."

Saglit lang siyang nag-isip.

"Engaged ka na?"

"Oo."

Nilapitan siya ni Kyle.

"Okay lang sa'yo, Henry?"

"Oo naman, Ate." Naakbayan niya si Kyle sa tuwa.

"Congrats sa inyo."

"May lakad ka ba mamaya?"

"Wala. Bakit? May lakad tayo?"

"Yes, Henry." Sagot ni Kyle.

"We're going to the jeweler to have the ring resized." Umupo na siya sa kabisera.

"At hahanapan ko din ng sapphire ring para wala ng umagaw diyan."

Tatawa-tawang kinuha ni Kyle ang mug niya.

"Sapphire? Di ba iyon ang birthstone mo?"

"Oo." Umupo na ako sa kaliwang bahagi ng lamesa.

Si Henry naman ay umupo sa tapat ko.

Nagpaalam si Yaya Lita kasi titingnan niya daw ang mga damit sa washing machine.

"Palit kami. I will wear emerald and she will wear sapphire."

Naks!

Talagang umaayos na din ang page-English ko dahil sa kapapractice.

"Nakakainggit naman kayong dalawa. Sana makahanap din ako na makakapalitan ng birthstones." Kinuha niya ang bowl ng sinangag at inabot muna kay Kyle.

"Tapusin mo muna ang pag-aaral mo." Paalala ko.

"Oo naman."

"What about Angeline? How is she?"

"I don't know. Since I got punched, we haven't been talking to each other."

"Okay lang sa'yo na hindi kayo nag-uusap?"

"Okay lang naman. Besides, there is someone I have my eyes on."

Bago ito sa pandinig ko.

"Who's the new girl?" Tanong ko.

"Catherine, Ate. Kasection ko siya."

"Is she nice?"

"Oo at saka matalino."

"Baka may sabit na naman ha?"

Tumawa si Kyle.

"Wala, Ate."

"How did you know? Or better yet, how can you be sure?"

"Siya mismo ang nagsabi nung nagkikwentuhan kami. Tsaka ayaw daw muna niya magboyfriend kasi studies ang focus niya."

"That's too bad." Sabi ni Kyle.

Tinaasan ko siya ng kilay.

"I mean, you're both young. It's good that you both know what you want but you should have fun too."

"You mean okay lang na makipagrelasyon habang nag-aaral?"

"As long as they can handle both why not?"

"Okay naman pala kay Ate Kyle eh."

Si Henry naman ang tinaasan ko ng kilay.

"Basta ba hindi mo mapabayaan ang pag-aaral mo, okay lang sa akin. Tsaka huwag kang mambubuntis dahil ako mismo ang sasapak sa'yo."

Napailing si Kyle sa sinabi ko.

Si Henry naman, napakamot sa batok.

Lagi ko itong pinapaalala sa kanya.

Kahit alam ko na hindi ko tuluyang mapipigilan ang kilos niya, at least alam niya ang mga bagay na kinakatakot ko.

Pagkatapos kumain, naligo na kami at naghanda para sa pagpunta sa jeweler na kilala ni Kyle.

Bago kami pumasok sa mall, dumaan muna kami sa ATM para magwithdraw.

Nang magflash ang account balance, nanlaki ang mata ko.

"Bae, are you okay?" Nilapitan ako ni  Kyle.

"Tama ba 'to?"

"What is?" Tiningnan niya ang screen.

Mahigit one hundred thousand ang balance.

"Hindi kaya nagkamali ang payroll department?"

"Why don't you check your paystub?"

"Wala pa ang paystub eh."

"Wait till Monday then."

Nagwithdraw ako ng kailangan ko para sa singsing niya pati na din sa konting pangshopping.

Pero ng makita ko ang jewelry shop, parang kukulangin ang pera ko.

May brand na Cartier ba iyon?

Yung isang singsing, mahigit two-hundred thousand.

Napalunok ako.                

Tiningnan ko ang mga nakadisplay na singsing sa glass case.

Sobrang kinang at ganda.

Pati ang presyo, ang ganda din--kung milyonarya ako.

Napansin yata ni Kyle na hindi ako umaalis sa pwesto ko.

Hinila niya ako sa isang sulok habang si Henry eh abala sa katitingin sa mga kuwentas at relo.

"Bae? We're here for the ring I gave you."

"I know."

"Then why do you look disturbed?"

"Kyle, gusto kitang bigyan ng singsing."

"Then find something you think you like for me."

"Iyon na nga eh. Deserved mo iyong the best."

"But I already have you."

"Bolera ka talaga." Kinurot ko siya sa tagiliran..

"Maria, I'm serious. I don't need anything else. I would be happy even if you put a rubber band or a string around my finger."

"Ganito na lang. Bakit di tayo tumingin tapos kapag may nakita ako na sa tingin ko eh nagrerepresent sa'yo, yun ang kukunin ko."

"What do you think represents me the most?"

"An eagle."

"Why the eagle?"

"Kasi para sa akin, you're a visionary. When you make movies, you visualize what you want people to see. Creative ka at saka maganda ang intuition mo. Sinusunod mo ang instinct mo and most of the time tama ka."

"Is that how you see me?"

"Yes."

"I'm very flattered." Hinalikan niya ako sa ilong.

Tiningnan namin ang iba pang glass case.

Sa pinakasulok ng shop, doon ko nakita ang hinahanap ko.

Black gold din ang band pero ang gitna eh hugis ng ulo ng agila.

Matulis ang tuka at deadly ang dating.

Sa bandang mata doon pwedeng ilagay ang stone.

Ang maliit na bato na kaya ng bulsa ko pero nagpapahiwatig kung gaano ko siya kamahal.

Tinawag ni Kyle ang shop assistant.

Kinuha nito ang singsing at sinukat ni Kyle.

Bumagay naman sa kanya.

Ang astig nga ng dating kasi talagang nakalitaw yung ulo ng agila.

Bagay din sa budget ko na fifteen thousand or less.

Sinukat niya ang mga daliri namin at bigyan daw sila ng two weeks.

Tatawag daw sila kapag ready na for pick-up.

Paglabas namin ng jeweler, may mga lumapit kay Kyle para humingi ng autograph.

Meron ding nagpapicture.

Kung hindi ako ang kumukuha eh si Henry.

May mga fans din na nagpakuha kasama kaming magkapatid.

Mabait ang mga fans niya.

Ayaw nga nilang dumikit kay Kyle kasi baka daw madumihan nila.

Alam din nila ang tungkol sa tweet.

Kinongratulate pa nila kami.

May nagtanong kung kelan ang kasal.

Sabi ko matagal pa.

"Pwede pang magbago ang isip niya."

Nagtawanan sila sa sinabi ko.

May nagsabi pa na bagay na bagay kami ni Kyle.

Pero ang pinakagusto ko sa mga comment ay nang sinabi nila na ang happy namin tingnan.

Iyon naman kasi ang totoo.

Happy ako at mukhang ganun din si Direk.

Lagi siyang nakasmile lately.

Inlababo ba naman sakin?

Ang haba-haba tuloy ng hair ko.

Nagyaya si Henry na kumain kasi gutom na daw siya.

Habang naglalakad, nagulat ako ng bigla na lang may tumawag sa kanya.

Tumigil siya sa paglalakad.

Ang mga mata, biglang naghugis puso.

"Kate." Masayang bati niya sa babae.

Matangkad siya, slim, maputi at makinis ang kutis.

Bagay sa kanya ang gupit na may bangs.

"Sinong kasama mo?"

Ginala niya ang tingin.

Una niyang nakita si Kyle.

"Si Direk Kyle?" Gulat na gulat ang babae.

"Oo. Tsaka Ate ko nga pala."

Pinakilala niya kami.

Nakipagkamay si Kyle at ganun din ako.

Magalang si Kate.

Pinakilala niya kami sa tita niya kung saan siya nakikitira.

"Sige po. Mauna na po kami kasi magogrocery pa."

"Bye." Kumaway si Henry.

Nagpaalam na din kami.

Nang makaalis na sila, hinila ko ang laylayan ng T-shirt ni Henry.

Napaatras tuloy siya.

"Maganda ang taste mo."

Namula ang pisngi ng mokong.

"At mukhang may crush din siya sa'yo."

"Paano mo naman nasabi, 'te?"

"Trust me. Babae din ako."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top