Chapter 1: The Story Of Us

A/N:

Hello.

Nandito po ako ulit para mangulit.

Lahat ng paliwanag tungkol dito, nasa story description :)

Enjoy!

xoxo

***

"I saw you and became empty.

This emptiness, more beautiful than existence,

it obliterates existence, and yet when it comes,

existence thrives and create more existence!"

RUMI

***

Tatlong araw ko ng hindi nakikita si Kyle.

Sinama kasi ako ng boss ko na si Mam Miranda sa convention sa Thailand.

Umalis kami ng Biyernes ng umaga at ngayong Linggo ng tanghali pa lang ako bumalik.

Sa sobrang pagkamiss ko sa kanya, nagdecide ako na sorpresahin siya sa office niya sa RGF.

Sa loob na mahigit isang taon naming pagkakakilala, naging masaya ako.

I'm still happy.

O di ba?

Bumabanat na din ako ngayon ng pa-English-English.

Hindi dahil sa pinupuwersa niya ako o dahil nahihiya siya na hindi ako makasabay sa kanya o sa mga kaibigan namin kapag nagu-uusap.

Ako na mismo ang nag-effort.

Marunong naman kasi ako.

Kaya lang, saan ko naman gagamitin ang English?

Sa palengke kapag bumibili ako ng isda?

Baka bukod sa pagtawanan ako ng mga tindera at tindero eh hindi pa ako makatawad.

Kailangan kasi marunong ding makibagay sa mga tao at lugar.

Isa pa, makabubuti din sa akin kung hahasain ko ang paggamit ng salitang ito.

Iyong bago ko kasing boss, Englisera din.

Ang bastos naman kung kapag kinakausap niya ako eh Tagalog ang sagot ko.

Hindi lang talaga ako sanay.

Nang sabihin ko kay Kyle na naiilang ako sa amo ko, ang suggestion niya eh magpractice kami.

"Hindi mo ako pagtatawanan kung mali-mali ang pagsasalita ko?"

"Why would I laugh at you?" Nasa office niya kami sa bahay.

Nakakandong ako sa kanya at ginugulo ko siya habang nagbabasa ng script sa bagong movie na pinapagawa sa kanya ni Mommy Chato.

Oo nga pala.

Pati ako nakikimommy na din.

Tita ang tawag ko dati pero lagi niya akong tinatama.

Ilang beses niya na ding sinabi sa akin na pamilya na ang turing niya sa amin ni Henry.

Natutuwa nga daw siya kasi sa wakas, may kasama na sa buhay si Kyle at hindi iyong puro na lang trabaho ang inaasikaso.

Ako daw ang dahilan kung bakit laging nakangiti ang anak-anakan niya.

Laking pasalamat niya daw dahil nagtagpo ang landas naming dalawa.

Pero mabalik tayo kay Kyle.

Hindi niya ugali ang magdala ng trabaho sa bahay.

Pero mukhang stressed siya sa bagong project.

Kahit kinukulit ko siya, ayaw niyang sabihin sa akin kung bakit.

Kailangan daw ng masusing pag-aaral ang bago niyang gagawin.

Kapag ganito ang mood niya, hindi ko na siya pinipilit.

Baka mamaya eh mag-away lang kami dahil sa kakulitan ko.

Pero sabi ni Yaya Lita,  maghapon na daw itong nasa office.

Nakalimutan niya na nga maglunch sumbong ni Yaya.

Mukha ngang busy kasi ang mga sagot sa text ko eh kung hindi yes, no o di kaya ok.

Kinatamaran pang buuhin ang salitang okay.

Kapag busy siya, hindi ko siya inaabala pero ayokong nalilipasan siya ng gutom.

Iyon ang gawain niya bago kami magkakilala kaya naman ang payat na akala mo eh walang perang pambili ng pagkain.

Hindi lang talaga siya tabain.

Dahil kahit puro pampataba ang niluluto ko tulad ng bulalo, lechon kawali, crispy pata at kung anu-ano pang malakas sa cholesterol, gifted talaga ang genes ni Kyle.

Ako itong lalong lumalapad ang katawan.

Mukhang nagba-backfire ang plano kong patabain siya.

Nang sinabi sa akin ni Yaya na hindi pa lumalabas ng office si Kyle eh doon na ako tumuloy.

Kumatok ako at nang hindi siya sumagot eh binuksan ko ang pinto.

Kunot-noong nakatingin si Kyle sa binabasa niya.

Nang tawagin ko siya eh parang wala siya sa huwisyo.

Tiningnan ako na parang hindi niya ako kilala.

"Bae, okay ka lang?"

Lumapit ako sa desk at nang magkatapat kami ay hinalikan ko siya sa lips.

"I didn't hear you come in."

"Eh paano ba naman, tutok na tutok ka diyan sa script? Is it really that interesting?" Inagaw ko ang binabasa niya.

"Bae, give it back." Pilit niyang kinukuha pero itinaas ko lampas ulo tapos bigla akong sumalampak sa kandungan niya.

"Agent Alice. The Stripper Assassin." Tiningnan ko si Kyle ng mapanukso.

"At sino naman ang bida sa movie na 'to?" Naintriga akong malaman.

"Si Eugenie Villeneuve." Lalo akong naintriga sa narinig.

Siya ang pinakahot na artista ngayon.

Tinagurian nga siyang pambansang pantasya.

Half-French and half-Pinay, nadiscover siya ng makita ng isang talent scout na nagsusurf sa Siargao.

Twenty-three years old lang si Eugenie.

Ayon kay Henry na mahilig sa social media, kahit bago pa lang si Eugenie sa showbiz, nasa six million na ang followers sa Instagram at Twitter.

Pati nga ako eh nauumay na dahil lagi na lang siyang laman ng mga magazine, diyaryo, TV pati radyo.

Pero mukhang hindi naman nagsasawa ang mga tao sa kanya dahil lagi siyang trending.

Mula ng maging contract star siya ng RGF, medyo nakataas ang alarma ko.

Lagi kasi silang magkausap ni Kyle hindi lang sa personal pero pati na din sa text at sa phone.

Ang dahilan ni Kyle, humihingi lang ito ng mga tip sa acting.

Tip mo mukha mo.

May tiwala ako kay dyowa pero sa ibang tao, wala.

"Kaya ba dinededma mo ako?" Marahan ko siyang hinaplos sa bandang leeg.

Sa loob ng maraming buwan ng magsama kami eh nahuli ko din kung saan ang kiliti niya.

Pero kailangan eh light lang ang pagkakahawak para mas tumayo ang balahibo niya.

"No. It's not that."

"Then what?" Nakakadami na ako ng English words for the day na ako. Quota na.

"You know what? I'm glad you're here because I'm exhausted." Kinuha niya ang script at pinatong sa desk tapos hinalikan ang puno ng tenga ko.

Napakislot ako sa inuupuan dahil ako naman ang nakiliti.

"Mamaya na, Kyle. Hindi pa ako nagbibihis eh. Ang baho ko na." Kunwari ay nagpakipot pa ako eh gustong-gusto ko naman na hinahagod niya ang likod ko.

"What do you think I have in mind?" Pati ang boses niya, mapanukso na din ang dating.

May naramdaman tuloy ako sa puson este sa puso ko pala.

"Puro ka kalokohan eh." Hinataw ko ang kamay niya pero pakiyeme lang.

"Are you hungry?" Bubukas pa lang ang bibig ko para sumagot pero bigla niyang dinugtungan ng for me.

"Dahil ba sa script na iyan kaya ka nagkakaganyan?"

Tinitigan ko ang mga mata niya na kulay gintong bola ng apoy.

"Maybe."

Hindi na ako nakapalag dahil hinalikan niya na ako.

Sobrang lambing ni Kyle lalo na kung kaming dalawa lang.

Pero napansin ko na mula ng maging kami, medyo nagiging showy na siya kahit papaano.

Pinagbubuksan niya ako ng pinto bago lumabas ng sasakyan kahit kaya ko namang gawin.

Hinahawakan niya ang kamay ko kapag naglalakad kami.

Hindi lang talaga siya ma-PDA.

Ayos lang naman sa akin dahil umpisa pa lang, alam ko na kung gaano siya kasikat.

Hindi kami lumalabas na walang humihingi sa kanya ng picture o di kaya autograph.

Malimit naman eh pinagbibigyan niya ang mga ito.

Pero mas lalo siyang naging protective sa personal life niya mula ng magsama kami.

Okay lang sa akin dahil ayoko din na pinagpipiyestahan ang buhay namin.

Mabuti na din na mula ng mag-usap sila ni Sole eh hindi na kami nito binabagabag.

Hindi ko alam kung gaano kami katagal sa office niya.

Tinanggal niya ang butones ng blouse at inalis ang underwear ko pero iniwan ang suot kong palda.

Habang gumagapang ang mga kamay niya sa katawan ko, naisip ko ang script.

Ano bang meron doon?

Pero kung anuman ang nabasa niya, hindi ako magrereklamo.

Masarap ang ginagawa niya sa akin.

Ang kiliti ay naramdaman ko mula sa ulo hanggang paa.

Siyempre, hindi naman pwedeng ako lang ano?

Kailangang patas kami.

At dahil alam ko na ready na si Kyle, saglit lang ay lalong humigpit ang hawak niya sa mga braso ko habang ilang beses niyang nabanggit ang salitang oh baby na parang musika sa pandinig ko.

Napapataas ni Kyle ang confidence ko.

Lalo na kapag sinisigaw niya ang pangalan ko.

Soundproof kaya ang opisina na 'to?

Hinilig ko ang ulo sa balikat niya pagkatapos.

Unti-unti ng kumakalma ang tibok ng puso ng mahal ko.

"Are you ready?"

Inangat ko ang ulo ko hanggang magtama ang mga mata namin.

Bigla na lang kaming nagtawanan.

"For round two?" Mapanuksong tanong ko.

"Are you challenging me?" Nakangiti din siya habang hinihimas ang braso ko.

"May energy ka pa, Direk?" Nilandian ko ang boses ko.

"You're about to find out." Bigla niya akong binuhat at pinatong sa desk.

Ang eksenang iyon ang nasa isip ko habang naglalakad papunta sa office ni Kyle.

Pinagpapawisan tuloy ako.

May nakasalubong akong PA at nang makita niya ako eh bigla siyang nagulat.

Hindi ko na lang siya pinansin.

Patuloy kong binaybay ang hallway papunta sa office ng mahal ko.

Excited na talaga ako na makita siya.

Siya kaya?

Excited din na makita ako?

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top