Chapter 6: Up Close & Personal
Pagpasok ni Neri at Kyle Obregon, napalingon ang mga customers sa loob ng Starbucks.
Ang mga babae, ngumiti dahil nakakita ng isang superstar.
Ang iba naman, nagbulungan at hindi din matanggal ang ngiti sa mga mukha habang sinusundan ng tingin si Kyle.
Lalo akong nawalan ng gana.
Ang akala ko kasi, si Neri lang ang kakausapin ko.
Kasama pala ang mayabang na director.
My bad feelings aside, hindi ko masisi kung bakit ganito ang reaksiyon ng mga babae kay Kyle.
Matangkad pala siya sa personal.
Pero sobrang payat na parang hindi kumakain.
Hindi ko maintindihan kung bakit ang dami naman niyang pera pero daig pa niya ang may sakit.
O di kaya baka maysakit nga siya?
O baka naman nagdadrugs?
Hindi naman kataka-taka iyon di ba?
Maputi din siya at mestisahin.
Mamula-mula ang cheeks at ang tangos ng ilong.
Pero ang tindig niya at ang dating ang malamang ay nakakuha ng atensiyon ng mga customers.
Ang astig niya sa suot na black biker jacket na sa tingin pa lang ay mukhang mamahalin dahil kahit hindi hawakan, parang buttery smooth.
Unzipped ang jacket at pinaresan niya ng light pink shirt na bukas ang top three buttons.
Tight ang dark skinny jeans niya at black din ang ankle-length boots.
In short, para siyang lumabas sa isang fashion magazine.
Lumapit sa sulok si Neri at tumayo ako para batiin sila.
Tama nga ako na she has a warm smile dahil she was wearing one now.
Nang pinakilala niya si Kyle, saka lang nito inalis ang dark aviator sunglasses.
Nagtama ang paningin namin.
Nailang ako bigla.
Magkahalong light brown at green ang kulay ng mga mata niya.
Hazel ba ang tawag doon?
Pero kung ano man ang tamang tawag o kulay, they are so intense na parang tinitingnan pati ang kaluluwa ko.
Bigla kong hinila ang mga kamay ko na parang napaso sa pagkakahawak niya.
Nagulat si Kyle sa ginawa ko pero cool lang ang expression niya.
Pag-upo namin, tinanong ni Neri kung kumain na ako.
"Hindi pa. Hinintay kasi kita."
"Umorder muna tayo." Binuksan niya ang monogram Louis Vuitton handbag pero pinatong ni Kyle ang kamay sa braso ni Neri.
"I'll take care of it."
"Are you sure?" Nakangiting tanong ni Neri.
"Of course." Tumayo na si Kyle.
"Is it your usual?"
"Oo." Sagot ni Neri.
Tiningnan ako ni Kyle.
Madalang pa sa patak ng ulan ako pumunta sa Starbucks dahil mahal.
Pero alam ko kung ano ang oorderin kaya ng magtanong siya, sinabi ko na Green Tea Frappuccino. Yung venti.
"Okay." Nagkibit-balikat siya tapos umalis na.
Mula ng dumating siya hanggang sa pinakilala kami, never pa siya ngumiti.
Ano kayang problema niya?
Nang kaming dalawa na lang ni Neri, sinabi niya na nabasa niya ang script for Mintonette.
Actually si Kyle daw ang unang nakabasa nito at nagustuhan niya.
Interesado sila to secure the rights to make a movie.
"Yun? Si Kyle Obregon? Binasa niya ang script at nagustuhan niya?" Tinuro ko ang counter kung saan nakapila si Kyle at pinipirmahan ang notebook ng isang babaeng high school student.
Tumawa si Neri.
"Bakit hindi ka makapaniwala?"
"Wala lang. Para kasing wala sa itsura niya ang may time magbasa ng mga script ng mga taong tulad ko."
"Mga taong tulad mo?"
"Oo. Mga walang experience sa mga bagay na 'to."
"I see."
"Bakit ang script ko?"
"Bakit naman hindi?"
"Una, ginawa ko lang iyon kasi pinilit ako ng kaibigan ko." Tinaas ko ang hintuturo at nagsimula ng magbilang.
"Pangalawa, sa formatting pa lang, hindi na iyon papasa kasi manual lang lahat."
"Napansin ko nga."
Hindi ko alam pero nagblush ako sa sinabi niya.
Sumakit ang kamay ko sa pagtatype ng script at alam ko na may mga pages na sumala malamang dahil bukod sa ngalay na ako sa pagtatype, malamang duling na din ako dahil inaabot ako ng hatinggabi sa pagtatype.
Gusto ko sanang sabihin sa kanya na wala akong perang pambili ng software para sa script pero pinigil ko ang sarili ko.
Ngayon ko lang siya nakilala.
At kahit parang ang bait niya, mahirap ng magtiwala.
Showbiz people sila.
Malay ko kung mabait lang siya sa akin dahil may kailangan siya?
Bumalik na si Kyle.
Pinatong niya sa lamesa ang mga orders namin at kinuha ko ang green tea frap.
"Here's your Caffe Americano," Inabot niya kay Neri ang drinks.
Ang order niya, espresso.
Umalis siya ulit at may kinuha sa counter.
Pagbalik niya, may dala siyang double chocolate pecan bar, cinnamon Danish na binigay niya kay Neri at banana loaf.
"Pick what you like." Nakatingin siya sa akin.
Inglesera talaga siya.
Kinuha ko ang pecan bar.
Binalot ko sa tissue at nilagay sa bag.
Pasalubong ko kay Henry.
Nagkatinginan sila ni Neri.
"I can get you one more." Sabi ni Kyle na nakatayo pa din.
"Okay na."
"Alright." Umupo na siya sa tabi ni Neri.
"So, what did I miss?"
Inulit ni Neri ang sinabi niya kanina tungkol sa script.
"Good. Do you agree?" Direktang tanong ni Kyle.
"Wala akong idea sa mga ganitong bagay." Pagtatapat ko.
"Okay. Ako na ang magpapaliwanag." Sabi ni Neri.
Kahit pa tinagalog niya, para akong nagbabasa ng libro sa language na hindi ko maintindihan.
Sinabi niya ang tungkol sa option period na ginagawa nila ni Kyle.
Pwede daw itong umabot ng three months, six or one year.
Pero sa kaso daw nila, hindi tatagal kasi wala silang project ngayon at sa script ko sila nakafocus.
Ang target nila ay matapos ang movie in six months or less.
Ang susunod na binanggit ni Neri ay ang option payment.
"This is the tricky part." Sabi ni Neri.
"Bakit tricky?"
Nagkatinginan sila ni Kyle.
Pinatong niya ang kinakain na banana loaf sa platito.
"Spring Rain is an independent film company. Hindi kami katulad ng RGF na multi-million company."
"Pero tulad nila, may budget para sa bawat movie na ginagawa namin."
"Ang ibig mong sabihin ay hindi kasinglaki ng budget ng RGF ang budget ng Spring Rain ganoon ba?"
"You're wrong." Sabi ni Kyle.
Antipatika talaga ang babae na 'to.
Bigla na lang sumasabat kahit hindi naman siya ang tinatanong.
"Which part of it am I wrong?" Nag-English na din ako tutal ito lang naman yata ang alam niyang language.
"RGF does not have a budget for this kind of movie. Spring Rain does."
"What do you mean for this kind of movie?" Nagpanting na ang tenga ko.
Hindi ko talaga gusto ang tabas ng dila nitong si Kyle.
Nakakabwisit!
"A movie about..." Lumingon siya sa paligid para makasigurado na walang makakarinig.
"About lesbians." Bulong niya.
"Kung ganoon eh bakit gusto ninyong gawin?"
Sumilay ang ngiti sa labi ni Neri.
"Dahil iyan ang core value ng Spring Rain. Ang buksan ang pinto para sa mga kuwento tulad ng sinulat mo. We don't really cater to the mainstream. Kaya nga indie kami eh."
"At dahil diyan kaya limited din ang budget ninyo?"
Umikot ang mata ni Kyle sa sinabi ko.
"You don't have to agree if you don't want to." Mataray na sabi niya.
"Kyle..." Pinandilatan siya ng mata ni Neri.
Sa pagkakataon na ito, nauubos na din ang pasensiya ko kay Direk Obregon.
Sila itong may kailangan pero ang yabang-yabang niya.
Kung ine-expect niya na papayag ako ng ganun-ganun na lang sa gusto niya, hindi ano?
Eh di sana sa phone pa lang, umoo na ako kay Neri.
Hindi na sana ako nagbiyahe ng pagkalayo-layo para lang makipagkita sa kanilang dalawa.
Hindi na din ako dapat nagsinungaling sa boss ko na merong emergency sa school ni Henry para lang makapunta ako dito.
"Maria, pasensiya ka na dito sa kaibigan ko. Hindi kasi siya sanay sa mga ganitong negotiation eh."
Bumuntong hininga si Kyle tapos kinuha ulit ang banana loaf.
"I'm just going to be quiet and eat this."
Buti naman.
"Balik tayo sa budget." Sabi ni Neri.
"Okay." Ininom ko ang natutunaw ng frappuccino.
"Kung papayag ka, we will pay you at least at estimate lang ito ha? Fifty thousand pesos.
Nabulunan ako at naibuga ang iniinom.
Kinuha ko ang napkin sa lamesa at pinunasan ang baba.
Dumiretso ng upo si Kyle at tumaas ang kilay.
Hindi ba tumutulo ang laway ng mga showbiz royalty na tulad niya?
"Hindi mo kailangang magdesisyon ngayon. Pag-isipan mong maigi."
"Okay na."
"Okay na." Nagliwanag ang mukha niya.
"Don't you want to consult your agent about this?"
Anong agent ang pinagsasasabi nito?
Agent 007?
Kaya nga tinabi ko ang pecan bar para kay Henry tapos may nalalaman pa siya tungkol sa agent?
"Okay na nga eh." Yamot na sagot ko.
"That's good then." Tuwang-tuwa si Neri.
"Ihahanda namin ang contract pati na din ang final amount for the option purchase. Kung may mga conditions na hindi ka agree, sabihin mo lang and we will make amendments."
"Isa lang naman ang kundisyon ko sa ngayon eh."
"Ano iyon?" Kumunot ang noo ni Neri.
"Ayokong siya ang magdirek."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top