Chapter 27: To Be Loved
A/N:
T-7 days
If you find a strange symbol in this chapter, blame my cat :)
Enjoy.
xoxo
***
Mula ng maging kami ni Kyle, parang laging may bagong yugto sa buhay ko.
Kung dati ay paulit-ulit ang pagdating ng araw at ang laging laman ng isip ko ay ang maging maayos ang kalagayan namin ni Henry, ngayon ay may nadagdag—saya.
Gumigising ako ng may ngiti at inaabangan na makausap siya.
Masipag siyang mag-text.
Naa-amaze ako kasi alam ko na busy siya palagi pero lagi siyang nakakahanap ng time para sa akin.
Kung dati eh hindi ko naman masyadong pinapansin ang cellphone ko, pagmulat ng mata at pagkatapos magdasal, ang una kong inaasikaso ay ang phone.
Natutuwa akong makita ang text niya na may smiley emoji.
Pakiramdam ko, ang sweet message niya ang nagseset ng araw ko.
Kahit Lunes, hindi ko alintana ang pakiramdam na ang hirap bumangon.
Tatayo ako sa kama na akala mo eh nakainom ng ilang baso ng kape dahil sa punong-puno na ako ng energy.
Hindi ako tinatamad at ready ako sa kung anumang challenge. Char!
Kung dati kasi ay si Henry ang nagbibigay sa akin ng lakas para patuloy na lumaban at sumabay sa agos ng buhay, ngayon ay nadagdag na si Kyle.
Matiyaga din siya dahil kahit pagod sa shooting, lagi siyang pumupunta sa bahay.
Siya na ang personal na nagdadala ng bulaklak at mga pagkain.
Minsan nga ay tinanong ako nina Mang Nelson kung bakit daw wala na masyadong nangangatok sa gate.
Nang makita nila si Kyle na may dalang bulaklak, nasagot na ang tanong niya.
Nasanay na din sila na laging nakikita si Kyle sa apartment.
Noon pa man ay protective na si Mang Nelson sa amin ni Henry kaya ng diretsahan niyang tinanong si Kyle kung kami na, tawa ako ng tawa dahil sa sobrang namula ang mukha nito.
Naiintindihan ko naman kung bakit hindi ito nakasagot.
Sinabi niya sa akin na pinoprotektahan niya ang private life niya lalo na at parte na ako ng buhay niya.
Isa pa, hindi siya sanay sa ganoong klaseng treatment lalo sa mga tao na hindi niya naman lubusang kilala.
Pero ng pinaliwanag ko sa kanya na hindi na iba ang turing sa amin ni Mang Nelson at Aling Ligaya, nabawasan ang pag-aalala niya.
Nagpang-abot sila minsan ni Krista at nanlaki ang mga mata nito ng makita si Kyle.
Palabas pa lang ito ng gate at papasok naman si Krista.
Nang makasakay na si Kyle, hindi niya ako tinantanan ng katatatanong.
"So, totoo pala ang blind item ni Sole?"
Sumama siya sa bahay at pinaghanda ko ng kape.
"Huwag mong kumpirmahin kundi lagot ka kay Kyle."
Inabot niya ang bread knife at hiniwa ang pandesal bago pinalamanan ng keso.
"Naku. Hindi sa akin manggagaling ang confirmation." Kumagat siya sa tinapay at mabilis na humigop ng kape.
"Basta happy ako for you, Mars. At happy din ako para kay Direk. Matagal na siyang walang dyowa at ganoon ka din. Madidiligan na ang mga tigang."
"Sira." Hinampas ko siya sa braso.
Kapag walang shooting si Kyle, pinapasyal niya kami ni Henry.
First time na lumabas kaming tatlo, pumunta kami sa Tagaytay.
Sinama niya kami sa Residence Inn kung saan nagpapicture si Henry kasama ang mga hayop.
Sumakay din kami sa Ferris Wheel pero bago kami sumakay ay hindi pumayag si Henry na di kami picturan ni Kyle.
Pumayag naman si dyowa.
Hinapit pa ako sa bewang tapos pinatong ang ulo sa balikat ko.
Nakadisplay ang picture frame sa gilid ng kama at napapangiti ako kasi sweet talaga siya.
Malambing hindi lang sa salita kundi pati sa gawa.
Minsan ay nagulat na lang ako ng paglabas ko sa gate eh nakaparada ang sasakyan niya sa gilid ng gate.
Maaga natapos ang shooting dahil konti na lang ang mga eksena na sinoshoot.
Isa pa, dahil bumalik na si Neri, tinutulungan siya nito.
Hindi niya nakakalimutang magsabi na ipaalam kay Henry kung may lakad kami.
Ayaw niya daw kasi na mag-alala ito.
Ang kapatid ko naman, ang laging sinasabi eh mag-enjoy lang kami.
Huwag daw siya alalahanin dahil nasa bahay lang naman siya.
Kung may pupuntahan naman sila ng mga barkada niya, nagsasabi siya sa akin.
Kinuha din ni Kyle ang number ni Henry.
Ang sabi niya, in case of emergency daw.
Biniro ko pa nga siya na baka kaya niya hiningi ay para alam niya kung saan ako hahanapin kung sakaling hindi niya ako mahagilap.
Ang banat niya eh may balak daw ba akong pagtaguan siya?
Tawa ako ng tawa kasi seryoso siya.
Sa piling ni Kyle ko naramdaman kung paano ang magmahal at mahalin.
Masarap din pala iyong inaalagaan ka at hindi ikaw iyong lagi na lang nag-aasikaso.
Sinusuklian ko ang kabaitan niya sa pamamagitan ng pag-aalaga.
Nagkaroon ako ulit ng lakas ng loob na puntahan siya sa set.
Sinorpresa ko si Kyle at akala ko eh magagalit siya dahil dumating ako ng walang pasabi.
Pero ng magsorry ako dahil hindi ko siya tinext, sinabi niya na natutuwa nga daw siya na pumunta ako.
Ako daw ang pinakamagandang nangyari sa araw niya dahil umaga pa lang eh kung anu-anong problema na ang dumating.
Sumabog daw ang isang ilaw tapos natapilok si Gabby at kailangang dalhin sa ospital.
Umiinit na nga daw ang ulo niya.
Sabay kaming nananghalian sa bangko sa tapat ng estatwa ni Rizal.
Biniro ko siya na huwag iinit ang ulo dahil papanget siya.
Tumawa siya tulad ng lagi niyang ginagawa kapag nagbibiro ako.
Mababaw lang ang kaligayan nito ni Kyle kaya hindi ko maintindiyan kung bakit ang mga crew niya eh parang ilag sa kanya.
Ang chika pa ng isang PA, ngumingiti lang daw ito kapag nandoon ako.
Habang kumakain, nabanggit niya na matatapos na ang shooting nila sa Carmona sa loob ng dalawang linggo.
"We are going back to Manila to finish the rest of the film."
"Paano iyan? Hindi na pala tayo masyadong magkikita." Nalungkot ako.
Nasanay na kasi ako na isang text lang eh nandiyan na siya.
"I will still come and visit you as often as I can." Hinawakan niya ang kamay ko.
"Pero kung pagod ka, huwag kang magpumilit. Magpahinga ka na lang."
"Don't worry. I can handle myself." Inabot niya ang kamay ko at nilapit sa labi niya para halikan.
"I'm thinking maybe you and Henry would like to come to the house sometimes."
Biglang may sumikdo sa dibdib ko.
Hindi ako nakapagsalita agad.
Pati si Kyle, kumunot ang noo sa reaksiyon ko.
"Why do you look like I just told you the most difficult thing in the world?"
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top