Chapter 22: Heart To Heart
Sonnet XVII
I do not love you as if you were salt-rose, or topaz,
or the arrow of carnations the fire shoots off.
I love you as certain dark things are to be loved,
in secret, between the shadow and the soul.
I love you as the plant that never blooms
but carries in itself the light of hidden flowers;
thanks to your love a certain solid fragrance,
risen from the earth, lives darkly in my body.
I love you without knowing how, or when, or from where.
I love you straightforwardly, without complexities or pride;
so I love you because I know no other way than this:
where I does not exist, nor you,
so close that your hand on my chest is my hand,
so close that your eyes close as I fall asleep. "
― Pablo Neruda
***
Nasa sala kami ni Henry at tinutulungan niya akong magtupi ng mga sinampay ng tanungin niya ako tungkol kay Kyle.
"Kayo na ba, Ate?" Tumigil ako sa pagtitiklop ng maong niya.
"Saan naman galing ang tanong na iyan?"
"Eh kasi, laging may delivery ng roses at saka pagkain."
"Bakit mo naman nasabi na galing sa kanya ang mga iyon?"
"Alangan namang kay Ate Krista?"
May katwiran siya.
Mula kasi ng sabihin ni Kyle na gusto niyang manligaw, lagi siyang nagpapadala ng bulaklak.
Malapit na ngang maging flower shop ang bahay namin dahil sa dami ng flowers na dumarating.
May rosas, mums, lilies at kung anu-ano pa.
Pati sina Mang Nelson, nagtataka na din dahil non-stop daw ang pagkatok sa gate ng mga delivery people.
Kapag alam ni Kyle na pagod ako sa work, bigla na lang may darating na food delivery.
At ang ino-order niya eh ang gusto kong kainin.
Kaya pala lagi niyang tinatanong kung may craving ako o kung ano ang gusto ko.
Ang card sa mga bulaklak, K lang ang nakalagay.
Tama nga naman si Henry na hindi galing kay Krista ang mga iyon.
Tinitigan ko ang kapatid ko na tahimik na nagtutupi ng jersey shirt niya.
Matalino siya at laging kasama sa top ten sa klase.
Wala din namang problema kung sasabihin ko sa kanya ang tungkol sa panliligaw ni Kyle.
May kasunduan pa nga kaming dalawa na maging tapat sa isa't-isa lalo na pagdating sa lovelife.
So far, isang babae lang ang nabanggit niya sa akin—si Angeline.
Crush niya iyon mula first year high chool kaso torpe si Henry.
Isa pa, may boyfriend na si Angeline kaya lalong hindi siya makaporma.
Mukhang pareho pa yata kami ni Henry ng lovelife kasi ganyan din ang simula namin ni Del.
"Okay lang ba sa'yo na nanliligaw siya sakin?" Inabot niya sa akin ang shirt at pinatong ko sa ibabaw ng mga damit niya.
"Gusto mo din ba siya?"
"Hmmm....oo."
"Eh bakit hindi mo pa sagutin?"
"Bakit ka nagmamadali?"
"Kasi baka mapagod si Direk. O di kaya baka maagaw sa'yo ng iba. Ang hot pa naman niya."
Hinataw ko siya ng hawak na tuwalya.
"Hot pala ha?"
"Totoo naman, Ate. Kapag nasa set tayo, naririnig ko ang bulong-bulungan ng mga extra. Sabi pa nga nung isa, ang yummy daw ni Direk Kyle. Kaso suplado."
"Hindi siya suplado."
"Alam ko, Ate. Buti na nga at suplado siya para wala kang karibal."
"Gusto mo ba siya para sa akin?"
"Mukha namang seryoso. Anong nakita niya sa'yo?"
"Sira!" Tinampal ko ulit siya ng tuwalya at tinamaan siya sa braso.
"Alam na ni Direk na ganyan ka? Baka kapag nakilala ka niya, magbago ang isip niya."
"Loko." Kinuha ko ang mga damit niya na nakapatong sa arm rest.
"Ilagay mo nga ito sa aparador para makatapos na tayo."
"Pero Ate, approve sa akin si Direk. Mukhang happy ka din naman eh. Di ba iyon ang mahalaga?" Pumasok na siya sa kuwarto niya at naiwan akong nag-iisip.
Hindi na ako malimit dumalaw sa set dahil sinabi ko kay Kyle na ayokong pagpiyestahan ng mga reporter lalo na iyong mahaderang si Sole Musni.
Okay lang naman sa kanya.
Malimit kaming mag-usap sa text at kapag break niya, tumatawag siya sa akin.
Pati mga kaopisina ko, tinatanong kung bakit daw blooming ako.
Buti na lang at hindi nagpapadala ng bulaklak si Kyle sa office ayon na din sa request ko.
Madami din kasing tsismosa sa department namin.
Kapag nalaman nila na nanliligaw si Kyle, siguradong headline ako sa buong kumpanya.
Ayoko ng ganoon.
Bago dumating sa buhay ko si Kyle, tahimik lang ako.
Hindi ako mahilig makipagchismisan sa mga katrabaho ko dahil bukod sa abala ako sa trabaho, ano naman ang mapapala ko sa mga tsismis?
Isa lang talaga ang kaclose ko.
Ang malapit ng magretire na si Mommy Lucing.
Siya ang nakita ni Kyle na kausap ko ng sunduin niya ako para isama sa Carmona.
Minsan sa lunch, tinanong niya kung bakit lagi daw akong nakangiti.
Kahit daw stress kami dahil ang daming deadline, relax na relax daw ako.
Twelve years na akong nagwowork sa kumpanya namin.
Mula ng unang araw ko sa work, nakagaanan ko na siya ng loob.
Biyuda na siya at nasa Canada ang dalawang anak na lalake.
Parang anak ang turing niya sa akin lalo na at wala siyang anak na babae.
Nang malaman niya na wala na akong magulang, pamilya na ang turing niya sa amin ni Henry.
Dalawang taon na lang at balak niya ng magretire.
Pinagtapat ko sa kanya ang tungkol kay Kyle.
Kinilig si Mommy sa sinabi ko.
"Mukha naman siyang mabait."
"Talaga pong mabait iyon."
Nang banggitin niya ang tungkol sa pamilya ni Kyle, binaba ko ang hawak na kutsara.
Ewan ko pero parang tumabang bigla ang panlasa ko.
Hinawakan ni Mommy Lucing ang kamay ko.
"Alam mo, hija, sa tingin ko eh seryoso naman siya sa'yo. Alam niya ang estado mo sa buhay. Kung issue sa kanya ang status ninyo, hindi ka naman niya siguro pupursigihin di ba?"
"Okay kami ni Kyle pero hindi ko pa nakikilala ang pamilya niya."
"Naku. Baka kapag nalaman mo ang tungkol sa kanila, ayawan mo si Kyle."
"Bakit naman po?"
"Hayaan mo na lang na si Kyle ang magkuwento sa'yo. Ang masasabi ko lang, kayo ang importante. Kung mahal mo din siya, tatanggapin mo ang good, bad at ugly."
Pinagpatuloy niya ang pagkain.
Tuluyan ng nawala ang gana ko.
Nang dumalaw si Kyle sa bahay isang gabi, wala si Henry dahil birthday ng barkada niya.
Mga alas-diyes na daw siya uuwi at ihahatid siya ng mga kaibigan niya sa bahay.
Pinayagan ko tutal bakasyon naman.
Nag-offer si Kyle na magtake out pero sinabi ko na ipagluluto ko siya.
Puro na lang kasi take-out at delivery ang kinakain niya.
Namalengke ako at bumili ng sangkap para sa kaldereta.
Humiram ako ng pressure cooker sa asawa ni Mang Nelson na si Aling Ligaya dahil gusto ko malambot ang karneng baka.
Bumili din ako ng mango ice cream dahil paborito pala ito ni Kyle.
Nagtext siya ng maiparada ang sasakyan sa gilid ng gate.
May inuman sa labas at nakipagkwentuhan kami saglit kina Mang Nelson.
Pagpasok sa bahay, hinalikan niya ako sa pisngi.
Amoy mint ang hininga niya at mukhang bagong ligo kasi basa pa ang buhok.
Niyakap ko siya.
Mahigit isang linggo na din kami ng huling magkita dahil tinatapos nila ang mga eksena ng volleyball match.
"Somebody misses me." Hinawakan niya ang baba ko.
Ang mga mata niya na ay dark ang shade.
Napalunok ako kasi parang pumapasok sa kaibuturan ng kalamnan ko ang tingin niya.
"Namiss nga kita." Hinilig ko ang ulo sa dibdib niya.
Kalmado ang tibok ng puso niya at para akong hinehele sa duyan ng tunog nito.
"I miss you too."
Hinaplos niya ang pisngi ko at pumikit ako.
Ang mga araw na hindi kami nagkikita ay napakahaba.
Kahit pa lagi kaming magkausap sa phone at sa text, iba pa din na kasama ko siya.
Kahit mula ng sabihin ni Mommy Lucing ang tungkol sa pamilya nina Kyle ay naga-alinlangan ako kung sasagutin ko siya o hindi, ngayong yakap ko siya at pinakikinggan ang pagtibok ng puso niya, alam ko na kaya kong sumubok.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top