Chapter 20: The Talko
A/N: Happy Sunday everyone.
Grabe na ang quarantine ano?
Kung anu-ano ang nakikita kong linisin?
I should find blind folds (and maybe do something useful with it?) ;)
xoxo
***
Binuksan ko ang gate at nakitang nakasandal si Kyle sa pinto ng magara niyang sasakyan.
Suot niya ang itim na leather jacket, puting T-shirt at black boots.
Nangangalumata siya at bakas sa mukha ang pagod.
"Anong ginagawa mo dito?"
"Can I come in?" Dumiretso siya ng tayo.
Nilakihan ko ang pagkakabukas ng gate para papasukin siya.
Patay na ang ilaw ng ibang unit dahil lampas alas-onse na ng gabi.
Ako na lang yata ang gising dahil balisa ako sa blind item.
Tumayo siya sa gilid at hinintay na isara ko ang gate bago sumunod papunta sa apartment.
"Bakit gabing-gabi eh napasugod ka? May problema ba?" Nangibabaw sa akin ang pagtataka.
Hindi ko inasahan na darating siya lalo pa at diyes oras na ng gabi.
"Can we talk?"
Binuksan ko ang pinto sa bahay at pinapasok ko siya.
"Umupo ka muna." Tinuro ko ang sofa bago nilock ang pinto.
"Kumain ka na ba?"
"I did." Nakapatong ang mga kamay niya sa hita at parang sinisilihan ang puwet niya.
"I'm sorry to come unannounced." Pabulong na sabi niya.
Tulog na si Henry at mula sa sala ay dinig ang malakas na paghilik niya.
"Buti at gising pa ako. Bakit nandito ka? Tapos na ang shooting?" Umupo ako sa tabi niya.
Bukod sa good morning text na pinadala niya, hindi na kami masyadong nakapag-usap.
May big scene daw siya na iso-shoot.
"We just finished."
"O? Eh bakit hindi ka na lang magpahinga?"
"I wanted to talk to you about what came out this afternoon sa show ni Sole."
Kaya pala tulad ko eh mukhang balisa siya.
"Napanood mo ba?" Tinitigan ko siya. Salubong ang kilay niya at akala mo eh makikipagsuntukan.
"No. I only watched it when one of the staff showed me the clip."
"Dahil diyan pinuntahan mo ako?"
"Yes. I know you're not used to these things. I wanted to make sure you're alright."
"Ang sweet mo naman."
Ngumiti si Kyle.
"Okay lang ako."
Kahit hindi, ayokong dagdagan pa ang iniisip niya.
Alam ko na minsan inaabot ng mahigit dose oras ang pagso-shooting nila.
Sa nakikita ko ngayon, pagod na pagod siya.
Maitim ang eyebags niya at ang lalim ng wrinkles sa noo at gilid ng mata.
Para tuloy ang tanda-tanda niya na eh isang taon lang naman ang agwat namin.
"I want to clarify some things."
"Kyle," Hinawakan ko ang kamay sa hita niya, "hindi na kailangan."
Umiling siya.
Kita ko sa kanya na gusto niyang magpaliwanag kaya nakinig na lang ako.
"Not everything she said was untrue."
"Alin doon?"
"I'm really happy. You make me happy."
Nagulat ako.
Anong pinagsasasabi ng tao na 'to?
Di kaya nahihibang na siya dahil sa pagod?
Kapag magkasama kami, ako ang laging bangka.
Mabenta sa kanya ang mga jokes ko.
Gustong-gusto ko na naririnig siya na tumatawa kasi most of the time, seryoso at seryoso lang ang alam niyang expression.
Para siyang si Darth Vader na hindi nagbabago ang itsura.
"I look forward to your visit on the set. I anticipate if you're bringing me food and if yes, I think of what you're going to bring. My job is not easy but having you around makes it enjoyable."
"Kyle, diretsahin mo na ako. Huwag ka ng magpatumpik-tumpik pa."
Kinabahan ako.
Kaibigan ang tingin ko sa kanya.
Pero hindi ako manhid.
Kung dati ay diretso siya kung tumingin sa akin, ngayong gabi, parang nahihiya siya.
"Maria, I'm trying to tell you that I like you."
"Lasing ka ba?" Inamoy ko siya pero amoy pabango naman.
"I'm not drunk."
"Naguguluhan kasi ako eh. Kanina, laman tayo ng blind item tapos ngayon sinasabi mo na may gusto ka sa akin. Naloloka ako sa'yo."
"I felt this way about you for a while now. I kept it to myself because I don't want you to freak out. Besides, we are making a movie and I don't want to compromise anything."
"Bakit nagbago ang isip mo?"
"I want to take my chances. With you. I want to be happy again." Kinuha niya ang mga kamay ko at hinawakan ng mahigpit.
"You're a wonderful person. You make me laugh and I haven't felt that way in a long time. But I want to do it right by asking if you'll let me."
"Pwedeng pag-isipan ko muna?"
Kung nagulat siya sa sagot ko, hindi niya pinahalata.
"Of course."
"Sa totoo lang, hindi ko inexpect na gagawin mo 'to."
"Ang alin?"
"Ito. Ang sumugod ng gabing-gabi para magsabi ng nararamdam mo."
"I was worried."
"Saan naman?"
"That Sole will ruin my chances if I didn't talk to you."
"Bakit naman?"
"I thought, maybe after what you saw on TV, you won't want to see me again. She said some hurtful words, most of them untrue. I know she's doing it for the ratings but I don't want lies to get in the way of what I feel for you."
"Alam mo, Kyle..." Hinawakan ko ang kamay niya, "hindi ko siya kilala pero ikaw kilala ko. Mas maniniwala ako sa sasabihin mo kesa sa babaeng iyon."
"Thank you." Huminga siya ng malalim.
Kung kanina ay parang ang bigat ng nakapatong sa balikat niya, ngayon ay relax at nakangiti na siya.
"On the drive here, I was so angry."
"Huwag kang magalit. Mas alam mo ang kalakalan ng showbiz kesa sa akin."
"It helps to clear the air." Bigla siyang naghikab.
"I'd better get going so you can rest." Tatayo na siya pero hinila ko siya paupo ulit.
"Magdadrive ka pa eh mukhang pagod ka na?"
"I have to. How else am I going back to the hotel?"
"Dito ka na lang matulog. Sa sofa ako, doon ka sa kama ko."
"No. I disturb you already. It's not fair."
"Tama na ang mga fair-fair na iyan. Huwag ng matigas ang ulo mo. Baka mamaya may mangyari sa'yo, kargo konsensiya ko pa."
Nagkatinginan kami.
"Are you sure it's okay?"
"Oo naman. Ako ang nagsuggest di ba?"
"Why don't I sleep on the sofa?"
"Eh paano ka makakatulog ng maayos?"
"If you want me to sleep here then that's my condition."
Mukhang hindi na magbabago ang isip niya.
"Sige. Wait ka lang diyan at kukuha ako ng kumot at unan."
Pumasok ako sa kuwarto.
Kahit hindi dapat, bigla akong napasayaw na parang lukaret.
Giniling-giling ko pa ang bewang ko na akala mo ay spaghetting pababa ng pababa.
"Maria, are you alright?"
"Yes." Tumigil ako sa pagsasayaw at mabilis na naghanap ng punda at kumot.
Ang bilis ng tibok ng puso ko.
Pati ang pisngi ko,uminit dahil sa impromptu dance number.
Hindi din maalis ang ngiti sa labi ko.
Ano ba ang ginagawa mo sa akin, Kyle?
Kinuha ko ang isang unan at inamoy ko muna bago pinalitan ang punda.
Buti at amoy shampoo dahil nakakahiya naman kay Kyle.
Wala pa namang extra na unan para ipahiram sa kanya.
Kumuha din ako ng kumot at binitbit ko palabas ng kuwarto.
Pagbalik ko sa sala, nakahiga na siya sa sofa at tulog na.
"Echosera ka. At gusto mo pang mag-drive ha?" Pinatong ko ang unan sa sofa at kinumutan ko siya.
Hindi ko na siya gigisingin dahil mukhang knockout na.
Dahan-dahan akong umupo at pinagmasdan ko siya.
Ang haba pala ng pilik mata niya.
Kahit nakapikit, cute pa din siya.
"Hindi ko alam kung ano ang pinakain ko sa'yo pero ako na yata ang pinakamasayang babae sa mundo."
Hinipo ko ang gilid ng pisngi niya.
Ni hindi man lang siya gumalaw.
"Good night, Kyle." Pinatay ko ang ilaw at pumasok na ako sa kuwarto.
Bago matulog, tinext ko si Henry para sabihin na nasa sala si Kyle.
Ayokong magising siya at magulat kapag nakita na may natutulog sa sala.
Paghiga ko, wala na ang galit na naramdaman ko dahil sa blind item.
Malinaw na ang lahat sa akin.
May feelings para sa akin si Kyle.
Hindi naman siya mahirap mahalin pero ayokong madaliin ang lahat.
The last time na nainlove ako ng todo, nasaktan ako ng sobra.
Kahit matagal ng nangyari ang sa amin ni Del, kapag naiisip ko siya, magkahalo ang sakit at saya na nararamdaman ko.
Ayoko sanang maulit ang ganun.
Dahil sa experience na iyon, sinabi ko sa sarili ko na kung iibig ako ulit, sisiguraduhin ko na handa kong ibigay ang lahat para mapaligaya ko sinuman ang taong iyon.
Hindi ko inexpect na isang Kyle Obregon ang darating sa buhay ko.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top