Of Hit-and-Miss #45

Sana katulad ng buwan ay hindi ka nag-iisa,
Sana katulad ng buwan ay may bituin kang palaging kasama,
Sana katulad ng buwan ay magningning ka kahit madilim ang kapaligiran,
Sana katulad ng buwan ay nandyan ka kahit takpan ka ng mga ulap,

Sana katulad ng buwan ay manatili kang nandyan kahit abala ang lahat at hindi man lang mapansin ang iyong presensya,

At sana katulad ng buwan ay maghihintay ka sa pagkakataon na muli kang masilayan ng lahat.

-14112016SJE

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top