Chapter 7

Chapter 7

I started making paintings. Usually, landscape at abstract ang ginagawa ko. Vacant namin ngayon for two hours kaya naisipan kong mag-paint muna rito sa may field. Wala namang naglalaro.

Kinukumusta ako palagi ni Manager Lee like almost every hour. Alaga na raw niya kasi ako kaya kailangan niya akong i-check from time to time which is kinda weird for me now. Pero hindi naman ako nagrereklamo.

It's good though.

9 AM na yata pero mainit na kaagad. Mabuti na lang nandito ako sa lilim ng puno. Medyo mahangin.

"Wow, nice!"

Napahawak ako sa dibdib nang may biglang magsalita. Halos mahulog ang salamin ko sa gulat. Hindi ko pa nakikita ang mukha niya dahil natatakpan ng araw. Bigla siyang umupo sa tabi ko.

"K—Kuya!" tawag ko kay Chance.

"Oh, bakit parang nakakita ka ng multo?" tanong niya, natatawa.

Umiling ako. "Nagulat lang ako."

Tinamaan na naman ako ng hiya sa harapan niya. I remembered what happened last time. Gusto ko pa ngang bayaran ang mga nagastos niya pero for sure, hindi naman niya 'yon tatanggapin. Nakakahiya!

"Ang gaganda naman nito. Marunong ka palang mag-paint?" Tumango ako.

Tiningnan niya ang paintings ko. Tinitigan niya pa isa-isa. Ngingiti pa minsan sa akin.

Tiningnan ko lang din siya and few minutes, may naisip ako.

"Kuya, vacant mo ngayon?" tanong ko.

He looked at me and smiled. "Yes, katulad ninyo. Bakit?"

"Ah ano, can you be my model for my portrait? Kasi puro landscape ang nandito eh.."

Kumurap-kurap siya nang ilang beses. Kinuha ko ang ilang brushes dahil baka marumihan 'yon sa lapag. Actually, pwedeng-pwede siyang model. Wala lang kasi sina Mia ngayon kaya hindi ko naisip na gumawa rin ng portrait.

"Sure! Hindi ako tatanggi, galing mo pa naman." Ngumiti naman ako sa kaniya. "Paano ba pose ko? Ganito?" Humiga siya sa may damuhan, umikot pa. Sabay kaming natawa sa kalokohan niya.

Ngumiti ako. "It's better if ganito, kuya."

Humiga ako paharap sa kaniya at sinupport ang ulo gamit ang kamay. It's somehow comfortable.

"Ganito ba?"

He did exactly what I'm doing right now. He's lying right in front of me and we're only few inches apart. Ang lapit niya sa akin na nararamdaman ko na ang paghinga niya. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko.

"Ganito?" tanong niya pa.

"G—Ganiyan nga, kuya."

Umalis na ako sa tabi niya at kinuha ang brushes sa tabi ko. Naghanda na ako ng acrylic paints at panibagong canvas. I started from the scratch. Gagawin kong detailed ang painting na 'to dahil special — that's because it's portrait.

I started painting him. Nakatingin lang din ako sa kaniya. Tinititigan ko ang bawat parts ng mukha at katawan niya para detailed talaga. Muntik pa nga akong magkamali dahil ngingiti siya minsan.

He's distracting me.

"Kuya, don't smile muna," sabi ko nang mapansing ngumingiti pa rin siya.

"I'm sorry. I can't stop it.."

Ngumiti siya pero maya-maya, sumeryoso na. Lumapit pa ako nang kaunti sa kaniya para makita ko nang mas maayos.

Hindi ko alam pero parang may nagwawalang kung ano sa tiyan ko. Nagugutom na yata ako. Rinig ko pang tumatawa si Chance habang nag-b-blend ako ng paint. Hindi ko na lang muna siya pinansin.

After a few minutes, I finally finished my portrait. Mabuti at hindi siya masyadong magalaw. Inaayos ko na ang mga gamit ko nang biglang dumating si Elijah.

"Aline, sama ka sa akin?" he said with a smile.

Nakatingala ako sa kaniya dahil nakaupo pa rin ako. Nakita ko namang nag-offer sila ng kamay pareho sa harapan ko. Tiningnan ko silang dalawa. I hesitated at first but I chose to stand up on my own.

"Bakit, anong mayro'n?"

Kumamot siya sa batok niya. "Ano kasi—sabay na tayo mag-register 'di ba sa Festival days? Next week na 'yon eh."

Bigla kong naalala ang Festival days ng school namin. One week kaming mag-c-celebrate nito. Mostly, sports and other contests ang nandoon. Marami ring booths at palaro. I became suddenly excited!

"Bakit kailangan pang mag-register?" Napatingin ako kay Chance na nakasandal na ngayon sa puno. "Hindi naman player si Aline at hindi n'yo rin kailangan magsabay. You can register without her, dude."

Tumingin sa akin si Elijah nang nagtataka. Umiling na lang ako sa kaniya. Huwag na sana niyang patulan.

"Bro, sino ka—"

Hindi na naituloy ni Elijah ang pagsasalita dahil hinila ko na siya pero bago pa kami makaalis, nagsalita pa si Chance.

"Nangawit ako para sa painting na 'yan tapos iiwanan mo lang ako para sa lalaking 'yan? Seriously, Aline Gail?"

My face crumpled and turn around to see him. Hindi siya nakatingin sa amin pero alam kong galit siya.

"K—Kuya, I'll just pay you," sabi ko. "Magkano ba?"

"Aline." Lumapit siya sa akin. Magkaharap na kami ngayon. Tumitingala ako sa kaniya dahil matangkad talaga siya. "Kung ang iniisip mo ay pera ang bayad para doon, you're wrong. Gusto ko lang naman ng kasama. Diyan ka na sa lalaki mo."

Umawang ang bibig ko sa sinabi niya. What was that?

Umalis na siya harapan namin. Hindi ko naintindihan ang huling sinabi niya pero pakiramdam ko, galit talaga siya sa akin. I became guilty.

"Sino ba ang lalaking 'yon? He's a brat!"

Bumuntong-hininga ako. "Just don't mind him, Elijah.."

Sumama na lang ako kay Elijah sa pag-register sa library. Siya na ang nag-fill up ng forms para sa akin dahil marami akong dala. Kukuhanin niya pa nga sana pero hindi ko na ibinigay.

Uwian na at hindi na muna ulit ako sumabay kina Mia dahil susunduin daw ako ni Papa. Nadaanan ko pa sa mga bench sina Chance at kuya Marco. I saw kuya Marco smiled but his friend just ignored me. Seriously, I don't get him. Lalapit na sana ako sa kaniya para mag-apologize pero may kinakausap siyang babae.

I heavily sighed.

Days have passed. Nangangalahati na ako sa paintings ko. 25 lahat ng gagawin ko. Finishing na lang ang kulang sa mga 'yon at ready nang ipakita kay Manager Lee. Nagulat pa ako isang araw sa sinabi niya.

"You can live here sa house. Gusto mo bang bigyan kita ng keys? Okay naman na kina Sam. I can ask your parents if you want to."

Nagulat naman ako roon. "P—Po? I'm sure hindi po papayag sina Mama diyan. Pwede naman po ako rito sa bahay lang."

"Are you sure about that? Well, hindi nga naman talaga sila papayag. Just call me if you need me, susunduin ka namin ng boys.."

She ended the call after few minutes. Hindi ko kaagad 'yon pinansin kasi biglang may nag-pop up na chat. The stranger again. I still don't know him or even his name. Pati ang akin, hindi niya alam.

Nagulat ako nang bigla siyang mag-ask for meet up. Hindi kaagad ako naka-reply sa kaniya. Bigla akong kinabahan. He's still a stranger, what if something bad happens if we meet? At sabi ni Mia, pwede naman daw chat-chat lang.

I don't know why he is demanding to meet up with me.

I will consult this to Ion first. Ayaw kong magsabi kina Carlos, lalo na si Mia. Madaldal ang mga 'yon at kung ano-ano na naman ang iisipin ni Mia.

"Ion?" sabi ko after ko siyang contact-in for two times.

"Aline? Why still up?"

Nangiti ako kahit hindi niya nakikita. Mukhang tinatamad na naman siya based on his voice. Baka nga tulog na 'to eh.

"Wala, may itatanong lang sana ako. Natutulog ka na ba?"

"Yeah, I'm sleeping already. Sleep talking." Natawa kami parehas sa sinabi niya. "Ano pala itatanong mo?"

"Ah, remember the one I'm messaging last time?"

Sinusuklay ko ang buhok ko habang kinakausap siya. Na-i-imagine ko ang mukha ni Ion na inaantok. Natatawa na lang ako.

"The one you met online? Anong mayro'n?"

"Ano kasi, he's asking for meet up. Eh stranger siya pero syempre gusto ko rin naman siyang maging friend," sabi ko.

Rinig kong tumikhim siya. "For me, ayaw kong makipag-meet ka sa strangers lalo na nakilala mo lang through internet but as you've said, you want him to be your friend. It's up to you, if you'll meet up with him, just tell me. Kapag may napansin kang kakaiba, tawagan mo kaagad ako."

"Sure ka? Puwede akong makipag-meet?"

"Yes, saka hindi mo naman need magpaalam sa akin." Tumawa siya. "I'm not your parent or even your boyfriend."

Mahina ang boses niya kaya hindi ko masyadong narinig ang ibang mga sinabi niya.

"Wala lang, nag-ask lang ako for your opinion. Sige na, tulog ka na ulit. Goodnight, Ion. Thanks!"

"Alright, welcome. Night," sabi niya at pinatay na ang tawag.

I sighed when I read the conversation again.

Stranger

I just want to know you more

pero kung ayaw mo, it's ok

Me

I'm thinking of it pa eh

Stranger

Sige wait ko decision mo

Goodnight :)

Me

goodnight, sleep well!

I didn't expect that he would really ask for a meet up. Akala ko kasi, hanggang chats lang kami. Gusto pa raw niya ako makilala pa talaga. Ako rin naman but I'm hesitating. Malay ko bang pwede siyang kidnapper.

Friday when I decided to meet him. After class hours daw. Magsusuot ako ng floral dress dahil 'yon ang sinabi ko para na rin makita niya kaagad ako.

"Just call me, okay?" sabi ni Ion sa akin nang ihatid niya ako sa mall.

Sinundo niya ako sa bahay. Inasar na naman ako ni Mama dahil akala niya, may date kami ni Ion. Hindi niya alam, ginamit ko lang si Ion.

I'm sorry Ion and Mama, babawi ako!

"Sayang, ngayon na sana ako babawi pero may ka-meet up ka naman. Hindi bali, next time."

Ngumiti ako sa kaniya. "Next time po. Ingat sa pag-drive, Ion ha?"

"I will but for now, si Manong Greg ang driver." Tumango siya. "Ingat ka rin. Tawagan mo ako kaagad."

Kumaway na ako sa kaniya habang paalis ang sasakyan nila. Humarap na ako sa mall at tumingala sa may rooftop.

Nandoon na kaya siya?

Hindi ako nagmadali sa pag-akyat dahil maaga pa naman. Baka obvious din na excited akong ma-meet kung sino man siya.

Bigla akong kinabahan nang nasa rooftop na ako. Mukhang madali naming makikita ang isa't-isa rito kasi wala masyadong tao.

Sabi niya, naka-polo siya na black. Patingin-tingin ako baka sakaling nandiyan na siya. I waited for few minutes before I saw someone wearing a black polo. Matangkad. Nagulat ako sa nakita.

Bago pa siya makalapit sa akin umalis na ako sa kinauupuan ko pero halos manigas ako sa kinatatayuan nang may biglang humawak sa kamay ko.

"Hold up 'to, 'wag kang gagalaw."

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. This is what I'm talking about!

"Where do you think you're going?" sabi pa nito. "Nakita na kita. Hindi mo na kailangang tumakbo, Aline."

Nanlaki ang mga mata ko at lumingon sa kaniya. Mas lalo pa akong nagulat nang makita si Chance sa harapan ko.

"I—Ikaw?" tanong ko.

Ngumisi siya. "Yes, I'm the stranger. You look good wearing that floral dress huh?"

Ngumisi pa siya lalo nang makita ang reaction ko.

"Alam mo ba na ako ang kausap mo?"

"Oo, nalaman ko after kita makita sa mall last time. I saw you using your phone at nakita ko ang conversation natin." Nakapamulsa siya at nakangisi sa harapan ko.

"But you didn't tell me—"

"Gusto ko ng challenge, Aline."

Hindi ako nakapagsalita nang hilahin niya ako. Same as last time, dinala niya ako rito sa seaside. Wala akong karapatang magreklamo sa tanawing nakikita ko.

"Alam mo na pala na ako 'yong kausap mo, hindi mo sinabi. Nakipag-meet pa ako sa 'yo."

I hated that idea. He should tell me about it especially I'm the one who's involved. Nakakahiya pa naman, kung ano-ano ang pinagsasabi ko roon!

"Hey, sasabihin ko naman." Lumingon siya sa akin. "Nainis lang ako sa lalaking kasama mo last time. Agaw moment."

"Huh?" takang tanong ko.

Umiling siya. "Nothing. Ang mahalaga ngayon, kahit stranger ako, makikipag-meet ka pa rin pala sa akin."

Ngumiti ako nang kaunti sa kaniya. Though I still can't believe that he is the stranger that I'm talking to!

"I can call the police naman if you're a criminal." Tumawa pa ako. "'Nga pala, hindi ka na ba galit about sa nangyari last time?"

"Not anymore. Actually, nairita lang ako bigla. Hayaan na 'yon, okay?"

Tumango na lang ako sa kaniya at tumingin sa dagat.

"Wait."

Umalis muna siya sandali. Pagkabalik niya, may dala na siyang fries and sundaes. Bigla akong nagutom.

"I know, babayaran mo 'yan pero no, libre 'yan," sabi niya at tumawa.

"Babayaran ko nga talaga dapat."

Tumawa kaming parehas. Kumain na lang kami nang tahimik. Maya-maya, tumayo siya at pinagbabato ang dagat.

"Hey kuya, what are you doing?" tanong ko.

Nahihiya pa rin ako sa kaniya. Plus the fact na siya pala 'yong kausap ko. Marami akong sinabi roon na hindi ko pa sinabi sa iba. Nakakahiya talaga! Feeling ko, wala na akong mukhang maihaharap sa kaniya after this.

Binigyan niya ako ng bato. "Palayuan ng pagbato."

Ngumiti ako at kinuha ang bato sa kaniya. Sabay kaming bumato sa dagat. Sumimangot ako nang mas malayo ang bato ng kaniya.

"Daya!" sabi ko.

Tinawanan lang niya ako at bumato pa ulit sa dagat. Hindi ko naman inaasahan ang sunod na ginawa niya. Bigla niyang hinawakan ang kamay ko nang mahigpit. Lumapit pa kami sa dagat. Nababasa na ang mga paa namin.

Nagtataka akong napatingin sa kaniya. Nanikip na naman ang dibdib ko.

Wait, why?

"6 na. Let's pray?" yaya niya sa akin. Tumango ako at nagdasal.

But instead na mag-focus ako sa pag-pray, I focused on our intertwined hands. His hand was so cold. After mag-pray, binitawan niya ang kamay ko pero ramdam ko pa rin ang pagkahawak niya roon.

"May show pala ro'n?"

Tumingin ako sa tinuturo niya. May show nga. May fire dancing na nagaganap sa kabilang part nitong seaside. Medyo maraming nanonood. Karamihan, kumakain.

Pumunta siya roon kaya sinundan ko na lang. Ang ganda at ang gagaling ng girls na sumasayaw. May couples din doon na may hawak na mga flowers habang umiikot sa gitna ng apoy. Sumasayaw.

"May bagong dating, sabitan n'yo ng bulaklak!" sabi ng matandang lalaki roon. Siya yata ang leader.

Binigyan kami ng babae ng flowers. Isinabit 'yon sa leeg namin. It reminds me of Hawaii.

Niyaya nila kaming sumayaw. Nahihiya pa ako pero hinila ako ni Chance sa gitna. Kasabay namin ang ibang couple. Couple?

That is when I realized that we're dancing together with some couples. Pang-couples lang pala dapat ang naririto!

Binaliwala ko na lang 'yon. Napansin ko namang hinawakan niya ulit ang kamay ko katulad ng ginagawa ng ibang pair. Nangiti ako sa kaniya nang tumingin siya sa akin.

"Just go with the flow," bulong niya sa akin.

May tumutugtog ng ukulele at percussion sa tabi. Sumasabay sa pagsayaw ng alon ng dagat at sa apoy. Nakaka-relax. Padilim na rin ang paligid.

"Liwanag sa dilim
Marikit na tanawi'y aangkinin
'Di masabi ang pagtingin
Nangungulila sa mga yakap at 'yong lambing
Oh, dinggin mo naman aking hiling.."

Mabagal lang ang pagkanta niyon ng babae sa harap. It's surprisingly relaxing! Sumasabay pati sa pag-ihip ang hangin.

My heart suddenly sank when I looked at Chance. He's also looking at me. Naninikip ang dibdib ko dahil sobrang bilis ng tibok ng puso ko. May nagwawala rin sa loob ng tiyan ko. Mabilis na yata akong magutom ngayon.

"Aline.."

Hindi ako makasagot sa kaniya. Tiningnan ko lang siya at ganoon din ang ginawa niya. I shouldn't do this but I'm already doing it right now. Suddenly, I became confused.

We stayed like that for more minutes. Ang awkward para sa akin pero tiningnan ko lang siya. Both of us didn't move to look away from each other's eyes. We just danced and stayed there. Walang tumitigil. Kahit ako na naiilang sa kaniya, hindi tumigil.

May mali na yata sa akin.

"U—Uwi na tayo," sabi ko na lang.

I'm not feeling well.

Hindi na kami nakapagpaalam doon dahil parang nagmamadali rin siya. Hindi siya tumitingin sa akin habang inaalalayan niya akong sumakay sa motor.

I'm thinking that he's mad right now. Late na rin eh.

He didn't talk for the whole ride and so do I. The November's wind is cold especially pagabi na. Niyakap ko na lang ang sarili.

Nagpahatid ako sa bahay nina Mia since sasalubungin naming tatlo nina Carlos ang birthday niya. It's a pajama party. Hindi naman na nagtanong si Chance.

"Thanks for today, kuya. Ingat!" I casually said to him.

Tumango siya at pinaandar ang motor. "Welcome. Ingat din."

Umalis na siya kaagad. Nangunot ang noo ko sa kaniya. May problema kaya 'yon?

I didn't think of that anymore when I entered Mia's house. Wala ang parents niya ngayon kasi nasa business trip pa at inaasikaso ang plans bukas for her birthday. Malaya na naman si Mia sa mga kalokohan niya ngayong gabi.

"Mag-drunk call kaya ako kay Bonnie?" she said out of the blue and chuckled.

Binatukan siya ni Carlos. "Baliw. Lasing ka ba?!"

"Duh, Carla. Edi magpapakalasing!"

Inirapan pa siya ni Mia. Nangisi naman siya nang tumingin sa akin.

"Ikaw naman, sis. Hindi ka na nagkukuwento ha!" Umirap din siya sa akin.

Inayos ko ang pajama bago tumabi sa kanila. "You're always busy with Bonnie eh. Hindi na nga tayo nagsasabay."

Tumawa siya at hinampas pa ako. "Selos ka na niyan? Sorry na, feeling ko kasi crush na rin ako ni Bonnie eh." Kinikilig na tumili siya.

I smiled when I remembered that. Oo nga pala, bukas na ang surprise ni Bonnie kay Mia! Bigla akong kinabahan and at the same time excited for Mia.

"By the way, kumusta na kayo ng ka-chat mo ah?" tanong niya nang matapos tumili.

Nagpaluan pa sina Carlos at Mia bago kumuha si Carlos ng chips sa baba. Nag-utusan pa ang dalawa.

"Ka-chat?" takang tanong ko.

Umirap siya ulit. "'Di ba sabi mo, nakaka-chat mo na?"

Nagkunwari akong hindi 'yon alam. Inasar-asar niya pa ako. Dumating na ang chips na dala ni Carlos. Nag-unahan pa kami sa pagkuha. We'll watch a movie tonight. Gusto namin ni Carlos, horror pero ayaw naman ni Mia kaya romance na lang ang pinanood namin.

While watching, nagulat ako nang biglang mag-vibrate ang phone ko. Akala ko sina Mama pero may tumatawag sa Messenger ko. Naka-on pala ang internet ng phone ko.

Halos mabitawan ko ang phone nang makita na tumatawag si Chance. Tumingin muna ako kina Mia na nasa baba bago sinagot ang tawag.

"Nakauwi na ako. Enjoy. Goodnight.."

He ended the call after he said that. My forehead creased. He's acting strange right now huh? Nagtaka na naman ako sa kaniya. Hindi kaya galit siya sa akin? Pero ano namang ginawa ko?

Because of that, para akong lutang habang nanonood. Bigla akong nawalan ng interest kahit horror na ang movie.

I sighed. What's wrong with me?

--

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top