Chapter 6
Chapter 6
Hinatid na ako ni Chance sa labas ng subdivision. Past 6 PM na siguro nang makarating ako sa bahay.
"Hey, bakit nagpalit ka?" Mama asked after I kissed her on her cheek. Nakatingin siya ngayon sa suot ko.
"Stains po," sagot ko naman.
"So." Ngumiti si Mama at tumingin pa nang maigi sa akin. "How's your date?"
"N—Nino po?"
"'Di ba, you were with Ion? May iba ka pa bang kasama?"
Nakagat ko ang labi ko bigla. Oo nga pala, I was also with Ion earlier and Mama knows about it.
"Okay lang po pero hindi kami nag-date, 'Ma."
Inasar-asar niya pa ako kaya pumunta na ako sa room para mag-half bath. Nagulat na lang ako nang may makitang message request sa Messenger ko.
Chance J. Gomez
Aline, this is Chance.
Nakauwi ka na ba?
I accepted his request after I read it.
Me
yes, Kuya.
thanks for your company
Chance J. Gomez
You're welcome, next time ulit
I just reacted heart on his chat dahil tinawag na ako ni Mama for dinner. Nagtaka ako kung paano niya nahanap ang account ko. Sa bagay, madali lang naman hanapin 'yon. It's not even private kaya malamang ay sinearch na lang niya.
Mondays used to be normal for me not until Elijah suddenly approached me while I'm with Mia and Carlos at the cafeteria. Abot tainga pa ang ngiti niya.
"Libre na kita?" tanong ni Elijah sa akin habang nakaupo kami nina Mia sa may cafeteria.
Lunch break na ngayon at bigla kaming nakita nina Eli dahil nasa harapan pa ang table namin. Nagkatinginan kami ni Carlos nang tumabi si Bonnie kay Mia. Nag-blush naman ang kaibigan ko.
"'Wag na, Elijah," sagot ko at nahihiyang ngumiti. "Nakakahiya naman sa 'yo."
"Hindi, I insist. Minsan lang naman eh."
I took a deep breath. Tumingin pa ako kina Mia na nang-aasar na naman ang tingin. Napatango na lang ako kay Elijah. Wala na akong nagawa.
"Sige, what do you want? Kayo, ano'ng gusto n'yo?"
Tuwang-tuwa si Eli kaya nilibre na niya kami lahat. We're all undecided about our finds kaya ay bumili na lamang siya ng isang box ng pizza and also some sodas for us to drink.
"Hindi mo ba nililigawan 'tong si Aline, Eli?" sabi ni Mia sa gitna ng pagkain namin.
I heard Carlos' laughter.
Napaangat ako ng tingin kay Mia. Bigla naman akong nabulunan. Elijah immediately handed me a glass of water.
"Okay ka lang?" tanong ni Eli. Tumango naman ako.
"Sweet, bro," komento ni Bonnie.
Ngayon ko lang napansin na halos nakaakbay na sa akin si Elijah. Tinanggal naman niya ang kamay sa likuran ko nang makita niyang napansin ko 'yon.
"Ano, Eli?" sabi na naman ni Mia. "Baka fling-fling lang 'yan, ha? Ligawan mo 'yan!"
Napailing na lang ako sa kabaliwan ng kaibigan ko. Kung ano-ano na naman pinagsasabi ni Mia.
"This isn't fling," sabi ni Elijah at tumingin sa akin. "Liligawan ko si Aline kung papayag siya."
I awkwardly smiled at him. I don't know what to say. It seems like I'm in a hot seat right now because of the topic. Naririnig ko lang ang pang-aasar nila sa akin. Siguro, namumula na ako ngayon.
I just excused myself. Nagkunwari akong pupunta sa bathroom ng school. I need to escape, I can't take the awkwardness there anymore.
Naghilamos na lang ako at nag-isip-isip doon. Liligawan daw ako ni Elijah kung gusto ko? Ngayon pa lang, I want to say no. Ayaw kong magpaligaw at hindi pa ako ready for relationship. So it's a no. Big no.
I'll just hurt him so might as well turn him down.
Masasaktan lang siya kahit hindi ko man sadyain. I don't think that he knows that I'm not yet ready to be committed with anyone especially right now. Hindi ko lubos maisip na magkakaroon ako ng boyfriend or kahit manliligaw man lang. That's out of this world for me.
Although I also felt before that he has feelings for me and Mia kept on bothering me about it, it hits really different when it is came from Elijah himself.
It's awkward and bothering for me.
Mabilis na namang natapos ang last period. Hindi ko rin kasabay sina Mia. May date yata sila ni Bonnie. Si Ion naman, busy dahil may practice sila. No choice ako kundi umuwi mag-isa.
Nagmadali na akong lumabas dahil parang uulan. Hindi pa nga ako nakakarating sa labas ng gate nang bigla ngang umulan.
Wala pa naman akong payong!
I just decided to wait at the waiting shed for the mean time while the rain is still pouring. Ni-secure ko ang mga gamit lalo na ang painting na isinauli na ni Ma'am. Kaunti na lang din ang mga estudyanteng naghihintay, iba kasi sa kanila may mga payong at service. Isa pa, late kami palagi pinauuwi.
Naghintay pa ako ng ilang minutes doon. Malakas pa rin ang ulan. Halos mabasa na ang loob ng sapatos ko. Napatingin ako sa relo ko, it's already past 1 PM. Kaya pala nagugutom na ako. Ni-text ko na lang si Mama na ma-l-late akong umuwi.
Nang hindi ko na makayanan ang gutom, dahan-dahan akong naglakad patawid sa convenience store. Bumili lang ako ng isang donut. Hindi pa ako nakakakain nang may biglang may tumakip sa ilong at bibig ko. Bigla naman akong nahilo dahil doon.
--
Nagising ako sa isang room. This is quite big for a room. Inikot ko ang mata sa paligid. This isn't familiar. Pilit kong iniisip kung napuntahan ko na 'to pero wala akong maalala.
What if I was kidnapped? God, huwag naman sana!
Medyo mahilo-hilo ako nang tumayo. Naka-uniform pa rin ako at nasa tabi ko ang bag. Halatang lalaki ang may ari ng room na 'to. I should panic right now pero nagtataka ako na hindi pa.
Naglakad-lakad pa ako. Ang laki ng room na 'to. Black and cream ang theme. Maraming books sa paligid. Napatigil ako nang may makitang isang frame sa isang table. Kinuha ko 'yon.
My forehead creased after I saw something on the frame.
"B—Benjamints?"
As if on cue, the door opened.
"So, you're now awake.."
Nanlaki ang mata ko sa nakita. Halos nanginig ang katawan ko nang makita si Sam na nakatayo malapit sa pintuan. He slowly came near me and I started to panic. My heartbeat became so fast.
Is this a nightmare?
"'Wag kang lumapit. Don't, please." My voice was shaking in fear.
Hindi pa rin siya tumigil sa paglapit sa akin. Paatras naman ako nang paatras. Nang matumba ako, hinila kaagad niya ako palapit sa kaniya. Nasaktan ako nang kaunti. So, hindi ito panaginip?
I hope this is just a dream!
Palapit nang palapit ang mukha niya sa akin. Bumilis na naman ang tibok ng puso ko. Pero nagulat ako nang inayos niya ako ng tayo. Akala ko kung ano na naman ang gagawin niya sa akin.
"A—Anong ginagawa mo rito?" tanong ko.
I suddenly remember the thing that he did to me last time. I want to hit or even punch him right on his face but I just can't do it right here. Baka kung sakali ay mapatay niya pa ako sa kaniyang sariling room.
I would be doomed if ever!
I saw him smirked a bit. "Obviously, this is our place. Benjamints' place."
Napanganga ako nang kaunti sa gulat. So, totoong ito na ang place ng Benjamints?
"Look, I came here in my own room to apologize. I'm sorry about what happened last time. I took drugs because I was devastated, I'm sorry.."
My mouth opened more with what he said. Napakurap pa ako nang ilang ulit.
Nakayuko siya. Hindi muna ako nagsalita. I felt his sincerity for apologizing. Although he did something bad on me, it doesn't mean that he is really evil. Tao lang ako. Who am I to not forgive him?
I'm just going to let it all on karma.
"Galit ako sa ginawa mo." Napaangat siya ng tingin sa akin. "But it doesn't mean I can't forgive you. 'Wag mo na lang ulitin. Lalo na sa iba."
Nakita kong ngumiti siya nang kaunti sa akin at tumango.
"Hala, 'oy. Gising na pala siya!"
Napatingin ako sa may pintuan. May nakasilip doon na mga lalaki. Ayon yata ang Benjamints.
"I can see all of you, guys. 'Wag na kayong magtago," rinig kong sabi ni Sam.
Nagtawanan ang dalawa sa kanila. Sabay-sabay silang pumasok. They're all four. Hindi ko naman masyadong kilala.
Ngumiti kaagad sa akin 'yong dalawang nauna. 'Yong isa naman tumango lang. At 'yong naka-earphones, wala. He just ignored me as if I'm not here in front of them.
May problema kaya ang isang 'yon? Or he's just a snob?
"Hi, ano'ng name mo?" tanong ng isa. He has a brown hair. Medyo maliit siya compare sa apat.
"Aline po. Aline Gail Mendiola."
I awkwardly smiled at them. Nanlalamig ang mga kamay ko. Nasa harap ko ngayon ang Benjamints!
"Ako naman si Kelvin." Ngumiti siya at nakipag-shake hands pa sa akin.
Nakita kong pinunasan pa no'ng isa ang kamay niya bago iabot ang kamay sa akin. "I'm Akihiro Yohasai."
He's half Japanese based on his appearance and name. Yeah, he's cute. Ngumiti naman din ako sa kaniya.
Lumapit pa sa akin ang isa. "Shaun. Shaun Vielle."
Tumango at ngumiti ako sa kaniya. They looked cool and neat. Idol material talaga. Kaya marami silang fans eh.
"And I'm Sam.."
Lumingon ako sa likod at nakangiting Sam ang bumungad sa akin. We shook our hands together.
"At 'yon naman si Zidge," sabi ni Kelvin at itinuro 'yong naka-earphones. Tinawag nila 'yon. Tumango lang.
"Don't mind him. Ganiyan talaga 'yan, tahimik," sabi naman sa akin ni Akihiro.
Gulat ako nang ang galing niya sobrang mag-Tagalog. I believed that he's here for a long time.
"Ah by the way, ano nga palang ginagawa ko rito? Akala ko kasi na-kidnap na ako since—"
"I'm sorry about the scheme, darling. I'm the mastermind."
Napatingin ako sa dumating na babae. Ang tangkad niya sobra. She looks like a model. She's wearing a corporate attire. Ang lakas ng dating niya. And yeah, she looks cool with those tattoos. She's so intimidating!
"Siya si Manager Lee. Manager namin," bulong sa akin ni Kelvin.
I looked at her with amusement. She's just so beautiful. Mas bagay siyang maging model instead of manager.
"We didn't kidnap you. Ako ang nakaisip no'n para sumama ka sa amin. Sorry for that, kailangan lang," sabi niya at naupo sa may couch doon.
"You're here to sign a contract, by the way. Pambawi na rin namin sa 'yo, especially ni Sam."
Pansin kong tumingin si Manager Lee kay Sam nang masama.
"I don't think that you know how to sing or to play instruments but I saw your painting. It has potential, you have potential. I can consult that to my friends. For now, I want to have you an exhibit for your paintings, kapag nagustuhan nila, you'll have your own art gallery. And that would be the start of your career as an artist, Aline.."
My forehead creased with what she said. Her words didn't sink in on my mind right away. It's too much for me to get it! Isa pa, I was fascinated by her beauty.
"Magkakaroon po ako ng exhibit?" I unbelievably asked.
Tumango siya. "Yes, art exhibit so if I were you, mag-s-start na akong mag-paint ng marami pa starting tomorrow. The exhibit would be on next next week. Saturday."
"Wow, congrats!" sabi sa akin nina Akihiro. Ngumiti naman ako sa kanila.
Biglang kumalam ang tiyan ko. Nahiya ako bigla sa kanila dahil ang lakas ng tunog niyon. Natawa naman silang lahat except doon kay Zidge na naka-earphones pa rin.
I suddenly want to hide on the couch because of what happened. Nakakahiya!
"You're starving already. Aki, ipaghanda n'yo!" sabi naman ni Manager Lee.
Niyaya ako nina Kelvin sa labas. Ang ganda at ang lawak din pala. It looks like a condo but bigger and better. Naupo naman ako sa may table pati sina Sam.
"Ano, kakain din kayo?" tanong ni Akihiro habang nag-p-prepare sa may kitchen. "Alis kayo diyan. Si Aline lang kakain eh!"
Kumamot sa ulo si Kelvin. "Damot mo, bro! KJ!" sabi niya pero hindi pa rin umaalis sa tabi ko.
Tahimik ang tatlong katabi ko pa, lalo na si Zidge. Na-awkward-an naman ako bigla dahil intimidated ako sa presence nilang lima. Lalo na sa mga tahimik.
"So, Aline. Ilang taon ka na ba?"
Humarap ako kay Kelvin nang magtanong siya sa akin.
"I'm already 18 po," sagot ko naman.
"Ay, same pala tayo eh! Akala ko pa naman magiging ate kita!" sabi niya at nag-pout. "Ito kasing mga nandito, mga gurang na. 21 or 20 ang age nila, ako pinaka-cute at bata rito—"
"What are you saying, Kelv?" Kunot noong tanong ni Sam na natatawa.
"Shut up, Kuya!" sabi ni Kelvin, emphasizing the kuya.
Inilingan na lang siya ni Sam. Ni-serve na ni Akihiro ang meal ko. Nangiti ako nang makitang Filipino dishes ang mga 'yon.
I didn't know that he cooks, too.
"Thanks po," sabi ko at ngumiti.
Nawala na naman ang mata niya nang ngumiti. "You're welcome. Kain ka lang diyan, don't mind them."
I started eating slowly dahil na-c-conscious ako dahil nakatingin sila sa akin habang kumakain. The food is good though.
"Hoy, Benjamints! Umayos-ayos kayo, come here. You're disturbing her oh, kumakain 'yong tao," sabi ni Manager galing yata sa living room. "Lalo ka na Sam, alis! Hindi ka pa nga nakakabawi. Stop taking drugs!"
Kumamot naman sa ulo si Sam. Si Manager Lee naman, pinagbabatukan sina Kelvin.
"Don't worry about Sam, Manager. Loyal 'yan kay Celeste!" sigaw ni Akihiro at tumawa.
Hinabol pa ni Sam si Akihiro. Natawa na lang ako sa kanila pero tumigil ako nang napatingin sa akin si Zidge. I'm about to smile when he quickly looked away. Feeling ko naman ay napahiya ako.
"Don't mind them, just eat there," sabi naman ni Manager Lee. Tumango at ngumiti ako sa kaniya bago ulit kumain.
After that, ililigpit ko na sana ang pinagkainan pero pinigilan niya ako. "No, sina Aki na diyan. We'll going to talk. Follow me."
Sumunod na lang ako sa kaniya. Pumasok kami sa isang room na obviously, office niya. Malaki rin 'yon at maraming books. May malaking frame pa sa gitna. Mukha niya. May picture pa roon ang Benjamints. Napatigil ako nang may mapansin ako.
"Chance?"
Nandoon si Chance sa may frame. Ngiting-ngiti siya roon while he's holding a guitar guitar. Magkakatabi sila ng Benjamints.
"Oh, you know him?" biglang tanong sa akin ni Manager sa likuran ko.
"F-Friend ko po," sagot ko.
Nakita ko namang ngumiti siya. "He was a former member of Benjamints. He plays guitar before but then something happened between them, ni Sam. I didn't know what happened, basta lagi na lang silang nag-aaway. And one day, Chance decided to leave the band for good. It was two years ago."
I knew it! That's the explanation of what happened last time! Galit na galit si Chance noon. I thought ang reason lang niyon ay sa nakita niya, may ibang reason din pala.
"You know what, Sam was about to leave the band too after what happened. He knows that it was his fault. Kaya lang, alam ko kung ano'ng pinagdaraanan niya. So Benjamints and I forgave him and gave him another chance. Sana lang itigil na niya ang pag-d-drugs. Alam kong nalulungkot siya sa pagkawala ng girlfriend niya but it doesn't mean, he won't take care of himself anymore. He's also an idol."
"N—Namatay na po ang girlfriend niya?" 'Yon lang ang talagang pumasok sa isip ko sa lahat ng sinabi niya.
"I don't know. Hindi pa nila nahahanap ang bangkay after the disaster happened." She took a breath. "Anyways, hindi 'yan ang focus for now. So here's your contract." Nilabas niya ang mga papel at iniabot sa akin. "That's for two years. You can secure your future with that. Well, it's up to you if you accept it."
Binasa ko nang mabuti ang nasa papers. It's good for two years pero pwede pa ring humaba depends sa amin ni Manager Lee. I'm new to this kaya hindi ko alam kung anong gagawin.
"I'm only giving you a day to think about it. We're running out of time, Aline. Isa pa, it will bloom a career for you. Ikaw rin," sabi niya at ngumisi. "'Yan na ang pambawi ng Benjamints sa 'yo. Nasa 'yo pa rin naman 'yan kung tatanggapin mo."
"I'll accept it po," sabi ko.
Maybe I don't have to think about it anymore. I want a career like this. And I want my future to be secured. Isa pa, passion ko rin naman ang pag-p-paint. I can paint while earning money.
Gulat na napatingin sa akin si Manager. "What? Are you sure about that? It's not having a boyfriend huh?"
"Yes po, manager. Sure na po ako."
"Really? Aren't you gonna consult this on your parents first?"
I shook my head and smiled a bit. "No need po. I'm sure, ito rin ang gusto nila para sa future ko. They will surely support me."
Tumango-tango naman siya at pumalakpak. "Alright, alright! Let's go!" she said with full of excitement.
Natawa naman ako.
"Boys, listen," sabi niya nang makarating kami sa living room. Nakatingin lang sa amin sina Kelvin. "Aline already accepted the offer. So we'll go outside to buy her materials. Go, fix yourselves! Move!"
Tuwang-tuwa sila nang marinig 'yon. Binati naman nila ako. Pumunta na sila sa room pagkatapos para mag-ayos na.
"There's no turning back, Aline.."
Tumango at ngumiti ako kay Manager Lee. Hindi ko naman siguro pagsisisihan 'to.
Mabilis silang natapos magbihis. Pumunta na kami sa loob ng van. Katabi ko sa loob sina Akihiro at Kelvin. Driver naman si Shaun, beside Manager Lee. Nasa likod naman si Sam at Zidge.
"Sumama pa si Zidge, tahi-tahimik niyan," sabi ni Akihiro sa tabi ko.
Tumingin ako sa kaniya. "Tahimik din si Shaun." Ngumiti ako.
"Nako, si Shaun? Tahimik?" sabi ni Kelvin. "Tahimik ka raw, Shaun?" Tinapik naman ni Kelvin ang balikat ni Shaun. "Tahimik lang 'yan sa ngayon kasi una pa lang. Shy type kunwari si kuya mo Shaun."
We all laughed upon hearing that from Kelvin. Nakitawa rin sina Manager at Shaun.
Mabilis kaming nakarating sa isang art supplies shop. I'm so excited! Pinapili naman kaagad ako ni Manager Lee ng mga kailangan ko. Usually, isang brand lang ang binibili for paints and canvas. Halos iilan lang ang pinili ko. Naghihintay sina Manager sa counter nang matapos ako sa pamimili.
Kumunot ang noo niya nang makita ang cart. "Kaunti lang 'yan. Wait me there."
"Hayaan mo na 'yan si Manager. Bossy talaga."
Ngumiti lang ako kay Shaun. Medyo nagulat dahil nagsalita ulit siya.
Nang bumalik si Manager Lee, dalawang cart na ang tulak niya. Kaagad naman namin siyang tinulungan. Ang daming nandoon. Puno lahat ng cart. Halos lahat yata ng brands ng art materials, nandoon na. Pwede na ako maging wholesaler nito sa sobrang dami.
I can't believe it!
"Manager, ako na po magbayad. Marami 'yan—"
"No, I'm your manager already so susunod ka sa akin," sagot niya at iniabot ang credit card sa cashier.
I just let her to do that. Napabuntong-hininga na lang ako. Nginitian naman ako nina Kelvin. After that, tinulungan ko sila sa pagbuhat ng mga pinamili namin. Halos 10 plastics ang mga 'yon, may isa pa ngang box.
Hinatid na nila ako pauwi. I said my gratitude to all of them especially kay Manager Lee.
"Bye, Aline! Next time ulit!" sabi ni Kelvin.
"Treat kita minsan, ah?" sabi pa ni Akihiro.
Ngumiti na lang ako. "Kahit '1wag na, kuya."
Tumawa naman siya sa akin. Nagpaalam na rin sa akin sina Sam. Tumango at ngumisi naman si Zidge. Hindi pa rin siya nagsasalita.
"It's an honor to meet you all, Benjamints, Manager," sabi ko at ngumiti. Ngumiti naman sila sa akin at tumango.
"Take care, Aline," Manager said before I go outside of the car.
Kumaway na ako sa kanila. Hinintay ko na muna silang umalis bago ako pumasok sa loob bitbit ang art materials. I told my mom about what happened at tuwang-tuwa naman siya roon. But of course, I didn't tell her the reason why. Mahirap na 'no.
I don't want to stress my parents out.
Nang umakyat ako sa room. Ni-check ko ang mga art materials. Tuwang-tuwa naman ako dahil ang dami no'n sobra. Parang lifetime supply na ang mga 'to.
I still can't believe on what happened earlier. Masyadong naging mabilis ang mga pangyayari. I'm still doubting it until now.
I really can't believe it!
Bigla namang nag-ring ang phone ko kaya natigil ako sa pag-iisip. May tumatawag. Unknown number.
"This is Sam. Save my number. I'll see you next time.."
Hindi na niya ako pinasagot. Bigla niya na lang pinatay ang tawag. My forehead creased with what I heard.
Magkikita raw kami next time.
Next time?
--
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top