Chapter 5

Chapter 5

Nagkaroon ng surprise quiz sa Mathematics. Mabuti na lang at lagi kaming nag-r-review nina Mia kaya nakapasa kami.

Kilig na kilig naman si Mia every time na nagkukuwento siya. Lagi rin siyang nagtatanong if may feelings na ba si Bonnie sa kaniya. I didn't tell her anything. I don't want to ruin their moment on her birthday. That would be a really great surprise.

"Mendiola.."

Natigil ang pag-iisip ko nang tawagin ako ng teacher sa isang subject. She's holding an index card na for sure, akin.

"Let me pick a question for you." Bigla akong kinabahan nang bumunot siya ng papel. "If you would choose one thing, what is it? Love or career?"

Nakatutok ang mata ng classmates ko sa akin. They're all waiting for my answers. Napatayo ako nang maayos.

"I'd choose career, ma'am," I confidently said.

Napatango siya at ibinaba ang kaniyang eyeglasses. "And why? Explain."

Napahinga ako nang malalim. "As of now, I don't have a love life. Or even if I have one, I'd still choose my career over love because on my career, I could make my future stable and I could also earn money. In that way, if I'm ready to enter a relationship, there's no hindrance anymore. And I'm financially stable already. That's all, ma'am."

Umupo ako matapos nila akong palakpakan. I sighed.

"Wow! A very good answer. Wala na akong masabi," sabi naman ng teacher ko at natawa. "Aline Gail Mendiola, a career-oriented woman, I guess?"

Ngumiti naman ako sa sinabi niya. I'm at least contented with my answer.

Mabilis natapos ang class hours. Hinatid naman na ako pauwi ni Ion. Ngayon ang usapan naming pupunta sa mall nearby.

"See you in a bit." Ngumiti siya.

Kumaway ako sa kaniya bago siya umalis. Uuwi raw muna siya para magbihis. Mabilis akong pumasok sa bahay at nag-ayos. Ngayon na kami mag-m-mall ni Ion. I'm wearing my favorite maroon blouse and white pants with a rubber shoes. Ni-braid ko rin ang buhok ko para maayos. Naglagay lang ako ng face powder at lip balm at ayos na.

While I'm waiting for Ion, nanood muna kami ni Nigel cartoon sa living room.

"Where are you going, ate?" Inosenteng tanong niya habang kumakain ng fries.

Ngumiti ako. "Mall with kuya Ion."

"Really? Can I go, too?"

"Nigel, hindi pwede. Okay?" Bumuntong-hininga ako dahil nagpumilit pa siya.

"No, baby. They have date ni kuya Ion mo, okay?" my mom interrupted me.

Nagulat ako nang makitang nasa likod na niya si Ion.

"Mama naman," reklamo ko sa kaniya dahil nang-aasar na naman siya.

Nahihiyang ngumiti sa akin si Ion nang tumingin ako sa kaniya. He's just wearing a plain shirt and ripped jeans. It's simple but it made him more attractive.

"Kidding. Alright, alis na kayo para maagang makauwi." Hinalikan ako ni Mama sa pisngi. "Just be safe, ate."

Nagpaalam na kami ni Ion kina mama. Nigel was complaining before we go. Gusto niyang sumama pero ayaw ni Mama. Muntik pa nga siyang pagbigyan ni Ion. Bata lang pala ang katapat niya. I laughed with that idea.

"So, let's go?" tanong niya.

Tumango ako. "Hey, hindi ka man lang nag-chat na nandito ka na pala."

"Eh," sabi niya at nagkibit-balikat. "I thought you were busy so.."

I just pouted. Nag-drive na ang driver niya. Marunong naman siyang mag-drive pero wala pa siyang student license.

"Natagalan pala ako, sorry."

Napatingin ako sa kaniya na tumitingin sa may bintana.

"Oh? Hindi ko napansin eh," sagot ko.

"Yeah, 20 minutes late. May inasikaso lang saglit sa firm nina Daddy."

Tumango lang ako sa kaniya dahil may nag-pop up na message sa phone ko bigla. Then here's the stranger again. Alam na niyang nag-aaral pa rin ako kasi sinabi ko sa kaniya but I didn't tell him the address of my school. Mahirap na.

He's still a stranger. Although nagkakausap kami.

Kinuwento ko kay Mia na may nakakausap na ako pero ang reaction niya lang, "goods 'yan. Magiging jowa mo rin 'yan."

I even rolled my eyes at her. Iba talaga ang trip ni Mia. Hindi ko na lang 'yon pinansin.

"Who's that?"

Napahawak ako sa dibdib ko dahil sa gulat. Ang lapit ni Ion sa phone ko. Tinitingnan niya 'yon.

"Ah, just a stranger. I met.. online."

Hindi na sumagot si Ion dahil nandito na kaagad kami sa mall. Pinagbuksan kaagad ako ni Ion ng pinto nang makababa siya.

"Thanks, gentleman," sabi ko sa kaniya at ngumiti.

Tumango lang siya. Kumapit ako sa braso niya habang naglalakad kami. Sanay naman na ang mga kaibigan ko na ganito ako.

"Do you want to eat first before we watch?" tanong ni Ion nang makapasok kami.

I smiled. "Hindi pa naman ako gutom. Let's watch first kaya?"

Ngumiti rin si Ion sa akin. Tahimik talaga 'tong lalaki na 'to kaya minsan, dumadaldal ako sa kaniya. Unlike kina Mia na madadaldal, tumatahimik ako.

Well, it depends on the situation.

"So, how are you?" tanong niya. "Hindi mo na ba naiisip 'yong nangyari last time?"

"Okay lang. Hindi ko naman na masyadong naiisip."

"I want to be honest with you. Kung gugustuhin ko, puwede siyang mapakulong. I can tell Dad about it plus the fact that he's on the legal age, he'll be jailed. Iniisip lang kita, I respect you and your decision," sabi niya at bumuntong-hininga.

He's referring to Sam. I can't disagree with him. He's right, pwedeng makulong si Sam. Pero gusto ko na lang tumahimik. Ayaw ko na ng gulo. Lawyer pa naman si Tito Ace, pwedeng sabihin ni Ion ang nangyari but he chose to shut up for me.

Hindi na ako sumagot nang guluhin niya ang buhok ko na inayos din naman niya.

May nakita akong gift shop sa right side ko. Naisip ko kaagad si Mia. Wala pa pala akong regalo sa kaniya. Wala naman akong maisip. Alam ko lang, she doesn't like girly stuffs.

"Tingin muna tayo, Ion," yaya ko sa kaniya. "Bibilhan kong gift si Mia."

"Okay."

Pumasok kami sa loob at naghanap-hanap ng pwedeng iregalo. Na-frustrate ako, puro stuffed toys lang ang nandito. O 'di kaya, mga ayaw naman ni Mia.

Nag-ikot-ikot pa ako every area ng gift shop. Humiwalay sa akin si Ion dahil bibili rin daw siya. Sa huli, music box ang napili ko at kalimba. Mabuti at mayroon niyon dito.

Nasa counter na ako nang tumabi sa akin si Ion. May dala siyang dalawang box. Mukhang pinabalot na niya 'yon. Malaki pa ang isa.

"I'll pay for it," sabi niya.

"Hey, no. Nakakahiya." Binalik ko ang credit card niya sa kaniya.

"Aline.."

Tinitigan naman niya ako. I raised my hands, I surrendered! Nandiyan na naman si boss Ion. Ganiyan talaga siya, gusto niyang sundin ko siya all the time.

"Good girl." Ngumiti siya at ni-pat pa ang ulo ko.

Lumabas na kami ng gift shop. Marami pa kaming nakasalubong na schoolmates namin na inaasar pa kami. Ngumiti lang ako sa kanila. Hindi naman 'yon pinansin ni Ion.

"Ion, ang haba ng pila!" sabi ko kay Ion nang makita ang pila sa cinema.

Tumingin naman siya roon. "We'll wait."

Nagtataka akong tumingin kay Ion. Tinaasan ko siya ng kilay. Nasa bulsa niya ang kamay at tumitingin pa sa relo.

"What?" tanong niya, nakangiti.

"Weird lang na maghihintay ka."

Totoo! Hindi siya naghihintay. He hates it. Gusto niya kasi, madalian. Ayaw niyang nasasayang ang oras niya.

Mas lalo pa siyang ngumiti. "Yeah. Sabi ko naman sa 'yo, babawi ako."

"Whatever, Axion." Tumawa ako sa kaniya.

Ini-snob lang niya ako nang marinig ang name niya. Natawa pa ako lalo. Lalaking-lalaki, ang taray. Pasalamat siya, kaibigan ko siya.

After a few minutes, we're still standing. Umusad ang pila pero kaunti lang. Mukhang blockbuster talaga ang movie na 'to, ah? Eh wala namang ibang choice.

Himala at nakatayo pa nang maayos si Ion. Hindi pa siya tinatamad ngayon. Tinawanan ko na lang siya nang hindi niya alam. Napakasungit.

Pinaupo niya muna ako sa malapit na bench at siya na ang pumila. Halos mamilog ang mata ko sa changes na pinapakita ni Ion. Mukha siyang Ion na pinabait. I meant, he's kind already. Nagbago lang talaga nang I think, medyo-medyo malala?

It's kinda weird for me.

Umalis muna siya sa pila sandali. Umiwas ako ng tingin. Pagkabalik niya, may dala siyang popcorn and drinks. Lumapit siya sa akin at binigay 'yon.

"Thanks." I smiled.

Finally, malapit na kami sa entrance. Dala-dala ang ticket namin, lumapit ako sa kaniya. 30 minutes lang naman siguro kaming naghintay rito. Pero mukhang umeepekto na ang katamaran ni Ion.

His phone rang, he answered it. Nakatingin siya sa akin habang sinasagot 'yon.

"Yeah. I'll be there. Yes, yes. I know."

I got curious. Hindi ko alam kung sino ang tumawag sa kaniya at kung ano ang pinag-uusapan nila. Binaba na niya ang phone at bumuntong-hininga sa akin.

"Dad's secretary called me. May emergency na naman daw sa firm. Kanina pa 'yon bago ako umalis. I need to be there now."

He sighed again, heavier this time. Malungkot ang facial expression niya na hindi makatingin sa akin.

"Okay, okay. I understand, Ion," sabi ko at ngumiti.

"Are you sure? Pero bumabawi ako." Kumamot siya sa ulo niya. "I'll call our secretary. I'm not goi—"

"That's important. Pumunta ka na, okay? Okay lang naman sa akin eh mayroon pa namang next time, 'no." Ngumiti ako.

Sa sobrang tuwa niya siguro, niyakap niya ako. I hugged him back.

"Thanks for understanding. Promise, next time, matutuloy na."

"I'm looking forward.."

Ngumiti naman siya at tumango.

"Let's go, ihatid na muna kita sa inyo."

"Huh? No, dito na lang muna ako. Friday naman na. Uuwi na lang ako mag-isa. I'll book a Grab."

Tumango siya. "Okay, just be safe. Text mo 'ko kapag nakauwi ka na. I have to go."

Nagmamadali siyang umalis. Nalungkot ako pero naiintindihan ko naman siya. And I have no rights to complain. That's his Dad's law firm, hindi niya 'yon pwedeng pabayaan lang while Tito Ace's away.

Umupo na lang muna ako sa bench dahil biglang sumakit ang puson ko. Itinabi ko muna ang foods na binili ni Ion nang mag-vibrate sa bulsa ko ang phone.

That stranger messaged me again. Hindi naman ako nagrereklamo or what. Ang alam ko kasi, pwede pang mag-chat ng iba ang user pero siya, I think, ako lang ang kinakausap niya.

Magaan naman na ang loob ko sa kaniya. Napapatawa niya ako almost all the time. He's cracking a joke for like, always. Hindi naman ako na-c-corny-han.

It's fine for me.

Nagpaalam na ako sa kaniya. I waited for more minutes before the cramp goes away. Tumayo na ako nang kumalma pero nagulat ako nang may maramdamang malapit sa akin.

"Don't move.."

Nanigas ako sa kinatatayuan ko. Nanlaki ang mata ko. Don't tell me, hold up-er ang nasa likod ko? Is it even possible here inside the mall?

Hindi ko siya sinunod at dahan-dahan akong humarap sa kaniya. Nagulat ako nang makita si Chance sa harapan ko.

"I said don't move!"

Pumunta siya ulit sa likuran ko.

"A—Anong ginagawa—"

Hindi na ako nagsalita nang dahan-dahan niya akong tinulak papunta sa restroom. Nagtaka naman ako.

I raised a brow at him when he can't even look at me directly.

"Check mo."

I sighed. Pumasok na lang ako sa loob. I check my face on the mirror. Wala naman ako nakitang mali. Pinaglololoko ba ako no'ng si Chance? Lalabas na sana ako nang may makitang stains sa pwetan ko.

"Bakit kasi naka-white pants ka pa? Alam mo naman yatang mayro'n ka ngayon." Patawa-tawa si Chance.

Napanganga naman ako sa gulat.

I sighed and shook my head many times as I say, "I didn't know."

Tumango siya sa akin. "Sige, wait for me."

Bigla akong tinamaan ng hiya nang umalis siya. Pumasok kaagad ako sa cubicle. Mabuti na lang at walang tao ngayon dito.

That explains the cramps earlier. I wasn't ready!

Maya-maya naman ay may kumatok sa pinto. I opened the door. Bumungad sa akin ang kamay ng kung sino na may hawak na paper bag.

"Magpalit ka muna." Rinig ko ang boses ni Chance sa labas.

Nag-h-hesitate pa akong kuhanin 'yon nang una pero no choice ako, wala akong dalang pamalit. Magiging kahiya-hiya ako.

Denim pants at menstrual pads ang nakita ko sa loob. Nanlaki pa ang mata ko nang may makitang underwear doon. Halos mag-init ang pisngi ko.

He knows my size?

Nagmadali ako at nagpalit na. Nang matapos ako, nakatayo siya sa labas at naghihintay. Nahiya ako nang makitang marami na palang nakapila sa labas. They're looking at me weirdly.

"T—Thanks doon."

"Welcome. Next time, mag-ingat ka na lang. Buti sana kung ako lang ang nakakita. At buti, nakita kita."

Tumango ako. "Sorry, hindi ko talaga alam."

"'Nga pala, what are you doing here? Window shopping? May ka-date?" tanong niya.

"Ah, I was with Ion kaso umalis na so yeah, naiwan ako rito."

"Ion?" kunot noong tanong niya. I nodded.
"Okay, samahan na lang kita. Kanina pa rin ako nag-iikot dito eh. Window shopping." Tumawa pa siya.

Niyaya niya akong lumabas. Nagulat ako nang dinala niya ako sa seaside. Dala niya ang pinamili ko kanina.

Naupo siya sa may buhanginan at tumingin lang sa dagat.

"Upo ka," sabi niya nang hindi nakatingin sa akin.

Nagsapin muna ako sa buhangin bago naupo sa tabi niya.

"Dito ako madalas tumambay after school. Nakaka-relax kasi."

Tumango ako. "Oo nga, relaxing nga rito. By the way, nilagnat ka raw last time. Are you okay now?"

"Yeah, paano mo nalaman?"

"I—I overheard." Awkward akong ngumiti.

Tumango-tango naman siya. "Okay.."

Tumingin lang ako sa nasa harapan ko. This is so relaxing. Walang ingay ng mga sasakyan ang naririnig. Para akong nasa ibang mundo sa mga oras na 'to.

"I want to see my mom," he said all of a sudden.

Napatingin naman ako sa kaniya. Hindi pa rin siya nakatingin sa akin. Nakayuko lang siya. I don't know if he's crying or not.

"Nasaan ba siya?" maingat kong tanong. "Bakit hindi mo puntahan?"

"Sana lang magkaroon ng visiting hours ang langit para mapuntahan ko siya pero wala naman kasi, Aline."

This time, he looked at me. I somehow felt that he has problems. Ngumingiti siya pero hindi ko malaman kung ano ang mali roon. As if, there's a pain behind those smiles. It seems like he isn't the Chance that I used to know. Biglang nawala ang mga tawa niya.

"S—Sorry to hear that."

Ngumiti ulit siya at tumango. "Matagal na siyang wala. Hindi ko na siya nakita. Namatay siya after kong pinanganak. That's why, my dad's still blaming me for what happened. Sana, ako na lang daw ang nawala, hindi si Mom."

"Okay lang ba na magkuwento ako? Kahit pakinggan mo lang ako. Nakakainis kasi, lalaki kong tao, ang dami kong drama sa buhay."

"Ano ka ba? We're humans, too. You have feelings. Normal lang 'yan." Ngumiti ako sa kaniya. "Kuwento ka lang, go on. Makikinig ako, kuya. Promise.."

I even raised my right hand as a sign of promise. Ngumiti naman siya nang marahan doon.

"Bata pa lang ako, sinisi na ni Dad sa akin ang pagkawala ni Mom. Kaya nga, nasa States siya ngayon. Umiiwas sa akin. Kina Lolo ako lumaki, side ni Mom. But now, we're not in good terms. Ewan ko kung ano'ng nangyari."

I felt sad for him. Mabuti pa nga ako at buo pa ang family ko ngayon. Siya, kaya pala mag-isa na lang siya sa apartment kasi ganoon ang nangyari sa kaniya.

"That's why I almost beg for attention and love. Malala pa, sa ibang tao. I had a lot of flings before. Hoping that they'd give me the attention that I wanted since I was still a kid. Pero wala, ako lang din ang nasasaktan sa huli."

Nakinig lang ako sa kaniya. Hindi ko naman din alam ang sasabihin ko.

Tumingin siya sa akin at ngumiti. "Ano ba 'yan? Sa 'yo pa talaga ako nagkuwento. Sorry, nakakahiya."

"It's fine, kuya. Naiintindihan naman kita."

"Salamat." Tumango siya. "Ikaw naman, magkuwento ka rin. Wala ka bang boyfriend sa ngayon?"

Natawa ako nang mahina. Ang mabilis niya magbago ng mood. I thought, he'll cry then now, he's laughing again.

"Wala. Gusto ko munang mag-focus sa studies ko. Wala pa sa isip ko ang ganiyan," sagot ko.

Tumango naman siya nang ilang beses. "Parang si Axion lang." Tumawa pa siya. "Sa bagay, graduating ka. Plus you're still young."

"Yeah. Siguro, I'll make my future stable first before I get myself a boyfriend. Hindi ko alam. Baka wala ring magkagusto."

Tumawa ako kasabay ng pag-alon. Malapit nang lumubog ang araw pero nandito pa rin kami. Gusto ko pa sana siyang ayain manood kaso mahaba na naman ang pila niyan.

"Baliw. Maraming pwedeng magkagusto sa 'yo," sabi niya at tumingin sa akin.

"Oo na lang po, kuya." Tumawa pa ako.

I don't believe in myself that much. Alam kong ilang beses nang may nagkagusto sa akin. That includes Elijah. Hindi sa nag-a-assume ako or what. Halata naman kasi sa kilos niya and he's so transparent. But it doesn't mean na may magkakagusto pa rin sa akin pagdating ng araw. Despite of my physical appearance as nerd, of course.

Nakita kong kinuha niya ang phone at earphones sa bulsa. Ipinasuot niya sa akin ang isang earbud.

"That's my favorite. Losing You by Boy Pablo," sabi niya.

Ngumiti ako bago ko pinakinggan. Sumasabay pa siya sa song. It's good though. Hindi nga lang ako familiar. The waves plus the song, it gives me more relaxing feeling.

I gazed at his side profile. Ngayon ko lang siya natingnan nang ganito kalapit. Nakapikit ang mga mata niya. He has a pointed nose. Medyo makapal ang kilay. Maliit ang bibig pero hindi ganoon ka-pink.

No wonder, maraming nagkaka-crush sa kaniya.

"Kuya," tawag ko sa kaniya. Dumilat siya at tumingin sa akin. "Ano ba'ng feeling ng ma-in love? Is it good?"

"Well, hindi ko pa masyadong na-experience since puro ako flings before. Pero sabi nila, masaya raw. You know they so-called butterfly in the stomach?"

Tumango ako. Love is surely one complicated thing in this world. It's unexplainable. Kaya pala marami ring nasasaktan.

"No'ng bata pa ako, sabi ko sa sarili ko, hindi ako ma-i-in love basta ba sa taong destined na talaga for me," sabi ko nang nakangiti, inaalala no'ng bata pa ako.

Wala pa akong masyadong isip no'n kaya ganoon ang mga nasa utak ko. Well, I was just a kid that time.

"Hopeless romantic?" tanong niya.

Sabay kaming natawa. "Parang gano'n na hindi."

We just stayed there, talking and laughing. Enjoy na enjoy ako habang tinitingnan ang dagat at papalubog na araw. First time ko kasing ganito ka-late sa labas with other person.

"Maganda ka rin naman pala kapag nakangiti. You should always smile, Aline.."

I can't stop myself from smiling with what he said.

Maganda raw ako, sabi ni Chance Gomez.

--

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top