Chapter 3

Chapter 3

I didn't talk to Chance for few days. As if I need to talk to him. Hindi ko rin siya halos nakikita. Kapag nasasalubong ko siya sa hallway; it's either liliko ako or yuyuko para hindi niya ako makita.

Hindi ko pa rin malimutan ang nangyari last time pero kailangan ko 'yong gawin. Nakakapagod ding isipin kahit traumatized na ako roon. It's somehow a good thing because my parents didn't know about that matter. Pinapasabi ko kay Ion na huwag nang sabihin pa ni Chance ang nangyari para wala nang gulo. I hope ma-suspend na lang ang Sam na 'yon sa kanilang band.

"Milk tea."

I looked at Ion when he gave me a milk tea. Pinatong naman niya 'yon sa table.

"Okinawa?" tanong ko. Tumango naman siya.

Today's Saturday, I asked Ion to meet up with me para huwag na niyang ipaalam pa ang nangyari. Ayaw ko na ng gulo. Isa pa, maraming fans ang Benjamints, baka i-bash pa ako ng mga 'yon.

"What are you thinking right now? Pwedeng malaman?" Ion asked.

Natawa ako nang mahina. He looked so innocent. "Wala, about pa rin sa nangyari."

"I won't force you to forget that, Ali. Pero kapag kailangan mo ng magpapagaan ng loob mo, nandito ako. Nandito kami."

"Thanks."

"I'm your friend, 'di ba?" Tumango naman ako. "Nandito lang ako palagi para sa 'yo, alam mo naman 'yan. Cheer up."

Ngumiti naman ako sa kaniya. I'm so lucky to have a friend like him. He's a very good friend.

Pagkatapos naming kumain ng snacks, hinatid na niya ako pauwi. Pinilit ko pa siyang pumasok sa loob pero nahihiya raw siya. I didn't force him anymore. Mayroon pa namang next time.

--

Days have passed. Malapit na ang birthday ni Mia and as usual, I'm invited. Unfortunately, it's a pool party. I don't have enough self confidence to wear a swimsuit in front of many people. Naiilang ako.

Nakakahiya!

"Hindi ako mag-t-two piece or one piece! Ayaw nina Mommy! Eh pool party nga eh!" Nagulat ako sa sigaw ni Mia.

I sighed. "Ayaw ko rin mag-swimsuit. I'm shy.."

Nagulat naman kami nang biglang lumapit sa amin si Carlos na may hawak na make up kit. Naka-eye shadow pa siya with glitters.

"Hoy Mia, am I invited sa party mo?" maarteng tanong ni Carlos habang hawak ang makeup brush niya.

Sinampal naman siya ni Mia. "Oo, bakla! Kaso bawal baklita ro'n eh. Sayang, dami pa namang pogi ro'n!"

Tumayo si Carlos at yumakap kay Mia. Doon na ako natawa nang makita ang reaction ni Mia.

"Alam mo, Mia." Tumikhim pa siya. "Lalaki naman talaga ako dati pa eh, nagpapanggap lang akong gay. Tingnan mo, may abs pa ako oh!"

I can't stop myself from laughing while looking at them. Ang kukulit lang talaga nila. Binatukan pa ni Mia si Carlos at ayon, nag-away na naman sila. Tumigil na rin naman na sila nang mag-3rd period na.

Halos makatulog na ako sa room. Hikab ako nang hikab. Nakita ko pang ngumiti sa akin at umiling si Ion. Natawa na lang ako. Hindi rin pala alam nina Mia, hindi ko na rin pinasabi. Iniisip ko pa rin ang nangyari kaya hindi ako makatulog nang maayos.

"Miss Mendiola," tawag ni Sir sa akin bigla. Akala ko tuloy, nakatulog na ako. "Excused ka. Labas."

Kahit na nagtataka ako, sinunod ko si sir at lumabas dala ang bag ko. Nakita ko pang lumipat si Mia sa upuan ko.

My forehead creased when I saw kuya Emman on the hallway. Sinalubong kaagad niya ako nang makita niya akong papalapit sa kaniya.

"Bakit po ako excused, Kuya? May gagawin ba?"

He just smiled at me and didn't talk, he walked away instead. Sinabayan ko lang siyang lumakad. Ako lang excused at hindi kasama si Mia, ano kayang gagawin?

Hawak ko nang mahigpit ang strap ng bag ko. Bigla akong kinabahan nang lumingon siya sa akin.

"I'm sorry pala, Aline.."

"H-Ha? For what?" takang tanong ko.

"About what happened last time." Nakita kong nagkibit-balikat siya. "Sana pala hindi na lang kita inutusan kung gano'n din ang mangyayari."

Sinundan ko lang siya nang sinundan. Binagalan lang namin ang paglalakad.

"A-Alam mo rin?"

Nagulat ako. Sino kayang nagsabi sa kaniya? Nalaman ko rin nang sabihin niya. "Sinabi ni Chance eh. Actually, nandoon siya sa loob. Hinihintay ka. Usap daw kayo."

Tinuro niya ang library.

"Dito na 'ko, may klase pa ako. Excused ka naman." Ngumiti pa siya at kumaway. "Sorry ulit, ah? I'm also responsible of what happened. Guilty ako. Sige, usap muna kayo ni Chance."

I just nodded my head on him kahit hindi ko lubos na makuha ang mga sinabi niya. I just went inside the library. Nandoon nga si Chance pero nasa second floor siya. He's asleep.

So, ito ang reason kung bakit ako excused? I think I'm just wasting my time here.

I think it's rude if I wake him up so I'll just wait for him. Inaantok din naman ako pero buti na nga lang, hindi ako nakatulog kanina. Mukhang ngayon pa ako makakatulog.

Nagbasa muna ako habang hinihintay siya. Halos walang pumapasok sa isip ko. Naka-focus ako sa sasabihin ko sa kaniya pagkagising.

I suddenly remembered the way I slap and talk back on him last time. Somehow, na-g-guilty rin naman ako. Kahit papaano ay senior ko siya. Mas matanda siya sa akin. I shouldn't have done that kahit galit pa ako.

"Alam mo bang baliktad na 'yang binabasa mo?"

"Ah!"

Nabitawan ko ang libro sa gulat. Napatingin ako sa harapan ko, he's now awake. Papikit-pikit pa siya habang sinasalo ang baba.

"K-Kanina ka pa gising?" I asked.

"No, tinitingnan lang kita.."

Hindi kaagad ako nakasagot sa kaniya. Gusto ko siyang sungitan pero bagong gising pa lang siya. Nakakahiya pa rin naman.

"Bakit mo pala sinabi kay kuya Emman—"

"I just used it as an excuse, sinabi ko na rin para naman may concrete reason. Right?"

"Ano?" Tinaasan ko siya ng kilay.

Napaayos naman siya ng upo. "'Wag mo 'kong tinatarayan."

"Huh?" Nangunot ang noo ko. Kumuha siya ng libro at pinatong sa mukha niya. "I thought we'll talk? Babalik na lang ako sa room, sayang atten—"

Nagulat ako nang hinawakan niya ako sa kamay at hinila para hindi ako makaalis. Tinanggal niya ang libro sa mukha.

"You're not mad anymore?" tanong niya.

Napatingin lang muna ako sa kaniya at sa kamay niyang hawak ang kamay ko. Binitawan naman niya 'yon. Labag sa loob kong bumalik sa upuan.

"Galit pa rin ako pero sabi mo, mag-uusap tayo so here I am," diretso kong sabi.

"Nag-uusap na nga tayo, 'to naman. 'Wag ka nang magsungit diyan. It doesn't suit your face, you know?"

Tumawa pa siya sandali pero nang makita niyang ganoon pa rin ang reaction ko, tumigil na siya.

"So ayon nga, sorry. Sinabi na pala sa akin ni Ion. Don't worry, hindi ko na tinuloy pero I made sure na nakarating kay Manager Lee."

"Manager Lee?" takang tanong ko.

He nodded. "Manager ng Benjamints. Matatauhan din 'yang Sam na 'yan."

Hindi ko na siya kinibo dahil wala naman akong masabi. Tumingin pa siya sa akin.

"Sorry sa mga nasabi ko last time. Wala 'yon. I just got carried away.."

I felt his sincerity when he said that. Tumango naman ako.

"Okay lang, sorry din. Nasampal kita, masakit ba?"

Bigla kong naalala uli 'yon. First time kong may nasampal. Never pa akong nanakit physically sa isang tao. Nagawa ko 'yon at mas matanda pa talaga sa akin!

"Masakit, sobrang sakit. Namumula pa nga eh."

Nanlaki ang mata ko at dali-daling lumapit sa kaniya. Hinawakan ko ang mukha niya at hinarap sa akin. Nangunot ang noo ko nang wala naman akong nakitang pamumula sa pisngi niya.

"Joke lang." Napalayo naman kaagad ako. Tawa siya nang tawa. Ako yata ang namumula ngayon. "Hindi, hindi naman masakit. Pero solid, first time kong masampal."

Nahihiya akong ngumiti. "First time ko ring may masampal, sorry."

Tumango naman siya. "Baba na tayo. Kanina pa nakatingin dito ang librarian. Baka kung ano nang iniisip no'n."

Nailing na lang ako sa kaniya habang tumatawa siya. Bumaba na kami at uwian na rin pala.

"How 'bout you? Excused ka rin ba?" tanong ko.

Umiling naman siya. "Hindi, alam mo na. Cutting."

"What? Nag-cutting ka?!"

"Aline!" Kumamot pa siya sa ulo niya. "'Wag mo naman isigaw. Baka nandiyan mga tropa ko, isumbong pa ako."

Tumabi muna kami sa isang bench dahil maraming students sa daan.

"Tropa mo, isusumbong ka?"

"Oo eh. Tatampo mga 'yon, hindi ko sinama sa pag-cutting. Parang mga bakla ang mga gago."

Ngumisi lang ako at tumuloy na kami sa paglalakad. Hirap na hirap siyang ayusin ang nabuhol na strap ng bag niya. Kaya lumapit ako at inayos 'yon.

"Thanks," sabi niya at ngumiti.

"Nag-cut ka pala dahil sa 'kin." Bumuntong-hininga ako. "Pwede bang bumawi?"

Nahiya ako bigla. Pwede namang kausapin niya ako after class pero nag-cut classes pa siya. Sayang din 'yon.

"Hindi," seryosong sabi niya. "Ako ang babawi!"

Halos makalas ang mga buto ko nang bigla niya akong hilahin palabas. Sumisiksik kami sa mga estudyante. Ang daming tumitingin nang masama sa akin.

"Excuse me po. Excuse us."

Wala siyang pakialam sa mga nababangga namin basta makalabas lang. Wala kaming tigil sa pagtakbo kaya hingal na hingal kami sa gate.

"S-Sorry." Hinihingal pa siya. "We need to rush. Baka closing hours na nila ngayon."

"Saan ba?" tanong ko.

He didn't answer me. Sinenyasan niya pa akong sumunod sa kaniya papuntang parking lot. Nakita kong sumakay siya sa motor.

"Let's go!"

Nag-hesitate pa akong lumapit. "Ah, sasakay tayo diyan?"

"Yeah." Ngumisi siya. "Bakit? Are you scared?"

I slowly nodded my head. He smirked even more.

"Come here, madali lang sumakay."

Inalalayan niya ako sa pagsakay. Tumawa pa siya dahil halos sumigaw ako nang mag-shake nang kaunti ang motor.

"Kapit ka lang mabuti, ah?" Tumango ako at pilit na ngumiti. "Here we go! This will gonna be fun!"

Halos magwala ang puso ko nang mag-start na siya. I can almost name him as a reckless driver. Parang lumulutang ang kaluluwa ko. I didn't know where's the right body part na hawakan siya dahil nanginginig ang kamay ko sa nerbyos.

"That was so fun!" sabi niya nang makababa na kami.

Binigay ko sa kaniya ang helmet. Wala akong nakikitang fun doon. I could die there!

Nasa harapan namin ang isang ice cream parlor. Kumunot ang noo ko sa kaniya. "Ah kuya, hindi mo naman sinabing mag-a-ice cream tayo. Mayro'n naman sa school, lumayo pa tayo."

"Mas masarap dito, trust me." He even winked at me.

Pumasok kami sa loob. Binati kaagad siya ng isang crew doon.

"Long time no see, Chance!" Nag-fist bump pa sila. "Tagal mong hindi pumunta rito. Ngayon ka na lang ulit nagdala ng chic dito ha, ikaw talaga!"

Napatingin sa akin 'yong crew kaya nahihiya akong ngumiti. Ngumiti rin naman siya pabalik. Tinawanan lang siya ni Chance. Pinaupo niya ako habang nag-o-order siya.

"Caramel," sagot ko nang tanungin niya ako kung anong flavor ang akin.

After few minutes, dala na niya ang in-order. Vanilla ang kaniya.

"Favorite mo 'yan?" tanong ko.

Tumango siya. "Ito laging in-o-order ko rito."

Napatango na lang ako. I can't even speak. I'm too shy to utter a word. Biglang naging awkward ang paligid. Wala masyadong customer dito, halos kami lang din.

My forehead creased when I saw him laughing at me. May wall sized mirror kasi sa harapan kaya kitang-kita ang reflection niya.

"Why?" tanong ko.

"Ang kalat mo kasing kumain. Tingnan mo."

Pinunasan ko na kaagad ang ice cream na nasa bibig ko. Baka siya pa ang magpunas no'n dahil hawak na niya ang tissue. That'd be awkward.

"Hoy, p're!" tawag niya ro'n sa crew. "Init ngayon dito ah? Walang aircon?"

"Nasira, papaayos pa raw."

Napakamot sa ulo si Chance. "Malulusaw 'to oh."

Pinakita niya ang isang container ng ice cream. Caramel flavored din.

"Kainin mo na," sabi ko.

"Eh para sa 'yo nga 'to."

"H-Hindi ko naman mauubos—"

"Hindi bali na, bilisan na lang natin para hindi na matunaw."

Wala na akong nagawa nang sinabi niya 'yon. Binilisan ko nang kumain. Nagpaalam naman kaagad si Chance sa lalaking crew.

"Sige, p're. Ingat. Helmet, don't forget."

"Gago." Tinawanan naman siya ni Chance.

Sumakay na kami sa motor niya. Aayaw na sana ako kaso no choice. Hindi ko rin alam pauwi sa place na 'to. Pinadala niya naman sa akin ang ice cream na binili.

"Kapit ah?" Tumango ako. "Turo mo na lang sa akin bahay n'yo."

He started to drive again. Pero maya-maya, biglang umulan nang malakas. Narinig ko pang nagmura siya. Mas lalo niya pang binilisan ang pag-drive. I secured my things well, baka mabasa. Water proof naman 'tong bag ko. Hindi ko lang alam ang kaniya.

Nagtaka ako nang tinigil niya sa hindi ko alam na place.

"Anong ginagawa natin dito, kuya?"

Hindi siya sumagot. Mabilis lang niyang ni-park ang motor at inayos 'yon. Pumasok kami sa isang apartment. Umakyat kami sa 3rd floor, doon yata ang kaniya.

"Wala man lang warning 'yong ulan!" inis niyang sabi. "Magbihis ka muna, baka magkasakit ka pa."

Tumingin siya sa akin. "Pasok ka."

"Ah hindi, dito na lang."

Nahihiya ako sa kaniya. Baka nakakaistorbo na ako.

"Diyan ka magbibihis?" tanong niya at tumawa pa. Umiling ako. He brushed his hair with his fingers. "Don't worry, wala naman akong gagawing masama. If that's your concern, mabait ako."

Natawa ako nang mahina. Pumasok ako sa loob. It's studio type. Black and white ang colors sa loob. Malinis din, halos wala akong makitang kalat. Amoy na amoy ang pabango niya.

"Wala kang kasama rito?" I asked while looking at the every corner of his place.

"Wala eh. Ako lang mag-isa."

He smiled but there's something on his smile. Hindi na lang ako nagtanong pa. May problema kaya siya?

"Maligo ka na muna para makapagpalit ka na."

"Ah sige." Tumango ako. "Saan?"

Tinuro niya sa akin ang CR. "Gusto mo pa ba ng warm water? Malamig eh."

"Hindi, kuya. Okay na 'to, thanks."

Ngumiti siya. Sinarado ko na ang pinto. Nag-init ang pisngi ko nang makita ang underwear niya. Maya-maya naman ay kumatok siya sa pinto.

"Ay Aline, may damit ka ba pamalit?"

Tatango lang sana ako pero hindi niya pala ako nakikita. "PE uniform."

Mabuti na lang, nasa locker 'yon at kinuha ko. Wala naman na akong problema sa undies dahil always ready ako.

Pagkalabas, ni-check ko kaagad ang bag ko kung nabasa sa loob. Wala namang nabasa, except sa pera na nasa bulsa ko. Naabutan ko pa si Chance na may sine-serve sa lamesa.

"Ouch," reklamo niya nang mapaso.

"Ako na diyan, kuya."

Tinulungan ko siyang i-serve ang soup. Nakita ko namang kumuha siya ng kutsara sa may kusina.

"Are you done?" tanong niya. Tumango ako. "Ako naman maliligo, ah? Kain ka na lang diyan."

Ngumiti lang ako sa kaniya at dahan-dahang hinipan ang soup. Perfect 'to dahil umuulan ngayon. Habang kumakain, ni-chat ko sina Mia kung may assignment or activity ba. Mabuti naman at review lang.

Busy ako sa paggamit ng phone nang may biglang dumila sa paa ko. Nanlaki ang mata ko at halos tumalon ako sa upuan. May pusa!

"Takot ka sa pusa?"

Kinuha ni Chance ang pusa at hinaplos 'yon. The towel is hugging his body so I quickly looked away. He's even topless.

"M-Medyo. Nagulat ako, biglang may dumila sa paa ko."

"Hay nako, Princess." Natatawa siya habang nilalaro ang kaniyang pusa.

Takot ako sa kahit na anong animals. That's why I don't have any pets at home. Muntik na kasi akong habulin ng ostrich no'ng nasa zoo kami. Natakot na tuloy ako hanggang ngayong lumaki na ako.

Pagkatingin ko sa kaniya, I sighed in relief when he's already wearing a shirt and shorts. Tumabi siya sa akin at humigop ng soup.

"Hindi ba maalat?" tanong niya.

"Sakto lang."

The next few minutes is just silence. Walang ingay na naririnig, ulan lang. Halos mapaso na ako ng soup dahil gusto ko nang ubusin 'yon, ang awkward kasi. But then he broke the silence between us when he suddenly spoke.

"Ang tahimik mo pala, 'no?" Natatawang sabi niya. "Parang si Princess lang ang kasama ko rito eh."

"S-Sorry, ganito lang talaga ako. Madaldal ako kapag close friend ko ang kasama ko."

Tumango-tango siya. "Let's be friends, then."

"Huh?"

"Friends na tayo, payag ka ba? I don't know if magkakilala lang tayo or what. Gusto kong kapag may nakakita sa atin, you'll introduce me as your friend. And gusto kong maging close tayo para maging madaldal ka rin.."

Natawa ako nang malakas sa sinabi niya. Wala kasing preno. Dire-diretso.

He looked at me with amusement. "Woah! Ngayon pa lang kita narinig tumawa nang ganiyan. I'll take that as a yes. We're friends already."

We shook our hands together. Ngumiti ako sa kaniya. Pagkatapos naming kumain, nagyaya siyang maglaro dahil hindi pa naman tumitila ang ulan.

I'm somehow shy because I'm at his place. Bagay na hindi kaaya-ayang tingnan sa isang babae. But do I have a choice? It's still raining plus I'm not quite familiar on this place. Baka maligaw pa ako.

"Ano ba 'yan? Matatalo mo na ako rito!"

Tumawa ako at kumuha ng popcorn. Naglalaro kami ng video game at natatalo ko na nga siya. Paano ba naman kasi, puro pagkain ang inuuna.

"Shit!" sigaw niya. Tumawa na naman ako kasi hindi na naman siya naka-score sa game.

Nagulat naman ako nang lumapit na naman sa akin bigla 'yong pusa niya, si Princess. Hindi ako gumalaw dahil ang uncomfortable sa feeling. Dinidilaan pa niya ako sa kamay. Nabitawan ko tuloy ang joystick.

Patingin-tingin sa amin si Chance at sa laro. Maya-maya, sumigaw siya. Kinuha niya si Princess sa lap ko.

"Panalo tayo, Princess! Talo si Aline!"

"May daya ba 'yon, kuya?" I said, accusing him. Eh kasi naman, hinayaan niya lang sa akin ang alaga niya!

"Wala kaya." Tumawa pa siya. "I'm just a good player."

I just laughed at him. Niligpit ko na ang mga pinagkainan namin. Huhugasan ko na sana 'yon pero pinigilan niya ako.

"'Wag na, ako na diyan mamaya," sabi niya. "Wala nang ulan. Ihatid na kita sa inyo, baka hinahanap ka na."

Uminom muna siya ng tubig at nag-ayos bago kami bumaba.

"Punyeta ka talaga, Chance! Nagdala ka na naman ng babae?!"

Sumalubong sa amin ang nasa mid 40s na babae. I just awkwardly smiled at her. Hindi niya 'yon pinansin dahil nakatingin siya kay Chance.

"Master, hindi! Kaibigan ko lang siya," sagot naman ni Chance na kumamot sa ulo.

"Mabuti," sabi ng babae at lumakad na palayo. "Anak ko na lang ligawan mo, 'oy!"

Umiling-iling na lang si Chance.

"Landlady 'yon dito. Napaka-bossy masyado. Pinipilit pa akong ligawan anak niya, hindi ko naman type."

Tumango ako. "Ah, nagdadala ka pala ng.. mga babae rito?" I almost couldn't say it!

"Oo, dati. Mga kaibigan ko lang din, ma-issue lang si Master. Baka kung anong isipin mo eh."

I just laughed with what he said. I didn't know what to say. Nagpahatid na lang ako sa kaniya sa labas ng subdivision dahil malalagot ako nito kay Mama. Nakakahiya rin.

"Thanks, kuya. Ingat!"

Tumango siya at ngumiti. Pagkarating ko sa bahay, nagsinungaling pa ako kay Mama na galing ako sa practice. Hindi naman na siya nagtaka pa na nagpalit ako ng uniform.

--

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top