Chapter 23
Chapter 23
"Sure ka bang gagawin mo lahat 'to?"
Binalik sa akin ni Mia ang index card pagkatapos niyang basahin 'yon. We're here at the botanical garden. She was asking me about that several times already and I just answered her that I'll do it.
Bumuntong-hininga ako. "Oo nga. Kaya ko namang gawin 'yan eh. And isa pa, graduating na rin si Chance. Hindi pwedeng bumagsak siya."
"Pero gaga, last year na rin naman natin 'to sa junior high, graduating na rin. May mga kulang ka pa. Saka maiintindihan naman 'yan ng teacher nila," sabi niya nang nakakunot ang noo. "Sure ka ba talaga?"
"Oo nga, Mia. Kaya ko naman, don't worry." I smiled.
Tumango siya. "Okay, ikaw bahala. Grabe, ang bait mo talaga, 'no? Kung naging lalaki ako, liligawan din kita para gawin mo requirements ko!"
"Gusto mo gawan din kita?" biro ko.
"Hindi na, 'no. Joke lang!"
Sabay kaming tumawa na dalawa habang nag-p-paint ako. Halos lahat kasi ng kulang ni Chance, nasa Arts kaya hindi na ako masyadong nahihirapan sa paggawa. Well, this is for him naman.
"Wait, alam ba niya na gagawin mo 'yan?"
I stopped from painting as I look at her. "Hindi eh. Hindi ko na pinasabi."
"What?! Dapat sinabi mo. Ano 'yan surprise?" sabi niya. "Sabihin mo dapat para alam niyang nag-sacrifice ka para sa kaniya."
"Mia, hindi naman natin kailangan sabihin sa tao na nag-sacrifice tayo. The important thing is we helped them on our own way. Nakatulong tayo, hindi na mahalaga kung sinabi man natin or hindi. Nasa kanila na 'yon kung ma-a-appreciate nila 'yong ginawa natin," sabi ko habang nag-p-paint pa rin.
She didn't speak so I looked up at her. She's staring at me, eyes wide open. Nakanganga pa halos ang bibig saka biglang pumalakpak.
"Wow, grabe!" Pumalakpak pa ulit siya. "Grabe, ang serious no'n ah. First time 'yan, sis!"
Tumawa ako. "Hindi naman. Wala, gano'n lang naisip ko. Sacrifice nga kasi hindi naman 'yon dapat pinagsasabi sa iba kasi nga nagsakripisyo ka para sa isang tao and it means, they're important to you." I even shrugged my shoulders.
"Hindi ko maintindihan pero uy, importante si Chance sa kaniya," asar niya sa akin saka ako kiniliti.
"Syempre naman," sagot ko kaya mas lalo niya pa akong inasar-asar.
"Aline?"
Natigil kami sa pagkukulit nang may tumawag sa akin. I was slightly shocked when I saw kuya Marco in front of me. He's now on his uniform.
May possibility kaya na pumasok na rin si Chance? Nandito na ulit siya?
"Pumasok ka na pala, kuya?" sabi ko sa kaniya habang nililigpit ang ginagawa ko.
"Ah oo, may bantay naman na si Chance eh. Saka dumalaw na sina Elson sa kaniya kanina." Tumango ako. Napansin kong tinitingnan niya ang hawak ko kaya tinago ko 'yon kaagad. "Uy ano 'yan?"
"Ay requirements namin 'to." Siniko ko si Mia pero parang tulala siya kay kuya Marco. "'Di ba, Mia?"
"H—Ha? Oo, pogi siya—" Tumingin siya sa akin habang nanlalaki ang mata. "I mean, requirements nga 'yan. Tama!"
I almost laughed in front of them but that would be awkward. Sabi na nga ba, napopogian na naman siya kay kuya Marco. Lagot 'to kay Bonnie.
Tumango naman si Kuya. "Okay. Ay pinapasabi pala ng Lolo ni Chance na pumunta ka raw do'n sa hospital. Una muna ako, punta ako library," sabi niya saka umalis pero biglang bumalik ulit. "At sabi rin 'yon ni Chance. Miss ka na raw niya kaya pumunta ka."
My mouth almost fell to the ground when I heard that. Did I hear it right? Miss na raw ako ni Chance? Halos sampalin ko ang sarili dahil feeling ko namumula ako.
Nilingon ko si Mia na nakatingin sa akin. Nang-aasar na naman kahit hindi pa nagsasalita.
"Crush mo si kuya Marco, 'no?" Inunahan ko na kaagad siya dahil alam kong mang-aasar siya.
Her forehead creased that made me laugh for a while. "Hindi, 'no! Mas pogi pa kaya si Bonnie ro'n."
Tumawa pa ako. "So inamin mo ring pogi si Kuya?"
"Aline—" Tinarayan niya ako saka ngumisi. "Pero in fairness, lahat silang mag-f-friends ang popogi eh, 'no?"
"Sinong pogi?"
"Ay pwet ng kalabaw!" sigaw ni Mia. Natawa naman ako. "B—Bonnie, nakakagulat ka! Anong ginagawa mo rito?"
"Ano pa? Edi susunduin ka," sabi niya saka nakangiting bumaling sa akin. "Aline, hiramin ko na muna ulit 'tong kaibigan mo ah? Pag-uusapan namin 'yong about sa pogi na sinasabi niya."
I nodded and laughed while looking at them. Inakbayan pa ni Bonnie si Mia habang naglalakad sila.
"Wala lang 'yon, love. Ikaw 'yong pogi!"
Tumawa lang ako saka umiling sa kakulitan nila. Hindi na nakapagpaalam sa akin si Mia. Kinabahan siguro dahil baka mag-away sila ni Bonnie. I looked at my painting, it's almost done. Malapit ko nang matapos ang requirements ni Chance. It's only 1 in the afternoon, I still have time to finish it before I go to the hospital.
I sighed after few hours, I finally finished it. Bukas ko na lang 'to i-s-submit. Nilagay ko muna 'yon sa locker saka na ako umalis sa school. I've been thinking about Chance the whole day. About din doon sa sinabi ni Lolo Gen sa akin last time. Sa tingin ko, sinabi niya 'yon sa akin dahil may kailangan akong gawin for that. I'm just not sure about it but I'm really anxious. Feeling ko kasalanan ko na hindi pumunta si Chance sa USA.
Bumuntong-hininga ulit ako for the nth time. Gulong-gulo ako habang naglalakad. Sumasakit pa ang ulo ko. Hindi rin kasi ako masyadong nakatulog kagabi because of Chance.
What should I do?
Sumakay na lang ako sa jeep para mabilis akong makarating sa hospital. My heart beat is now fast again. This is the feeling when I'm about to see Chance. Kinakabahan ako and at the same time, na-e-excite.
Nang nasa hospital na ako, pumunta kaagad ako sa room ni Chance pero sa tapat pa lang — I stopped from walking when I saw his grandpa and auntie together with his friends outside. Ma-d-discharge na si Chance. Nanlaki ang mata ko nang mapansin ako ni Chance kaya mabilis akong tumakbo palayo ro'n. I don't know where I'm heading to, the important thing is, I'm away from Chance — from awkwardness.
Hindi ko napansin na nakarating ako sa rooftop ng hospital. Hinihingal ako. My heart is pounding so fast that it could jump outside my ribs right now. It became faster even more when my phone rang — tumatawag si Chance. I keep on rejecting his call but he also keeps on calling me.
Ano ba talagang nangyayari sa akin?
I wiped my tears away. Naluluha na pala ako because of frustration and everything. In the end, sinagot ko si Chance. I tried not to cry but I can't.
"Where are you? Bakit mo ako tinakbuhan?" bungad niya kaagad sa akin.
"Wala, umalis ka na. Magpahinga ka na sa inyo."
Halos pigil ko ang hininga habang kausap siya. I'm even biting my lips to prevent me from sobbing but I really couldn't help it.
"Wait, umiiyak ka ba?" he asked. I didn't answer him so he called me again. "Please answer me. Are you crying? Nasaan ka?"
I sighed. "Just please.. umalis ka na lang."
Hindi siya sumagot ng ilang minuto and I think that's the time for me to compose myself. Pinunasan ko kaagad ang mga luha ko pero iyak pa rin ako nang iyak.
Seriously, what's happening to me?
"Sabi na nga ba't nandito ka." Nagulat ako nang biglang magsalita si Chance. "You keep on running away from me huh?"
Bumilis na naman ang tibok ng puso ko. Feeling ko malapit lang siya, hindi nga ako nagkamali dahil paglingon ko — nakita ko siya sa may pintuan ng rooftop. Hindi niya pa binababa ang phone niya.
"C—Chance.."
"Bakit mo ba ako pinapaalis? Bakit mo ako nilalayuan?" tanong niya sa phone. Rinig na rinig ko ang nginig sa boses niya. "What's the problem?"
"Wala, wala. Please, lumayo ka na lang. Umalis ka na sa harapan ko," sabi ko, umiiyak pa rin. "I can't take this anymore. Everytime na nakikita kita, naaalala ko ginawa mo sa akin. Pakiramdam ko, Chance, binaboy mo ako!"
"Lalapit ako. Pag-usapan naman natin 'to oh. Babawi ako, please. I'm sorry."
Lumapit siya nang kaunti kaya napaatras ako. Mas lalo akong naiiyak sa ginagawa niya.
"We're only meters away from each other but I feel like we're miles apart. Hindi man lang kita mahawakan," sabi niya pa.
"Hayaan mo na ako, please. Hindi ko na kaya. From now on, stop courting me. Itigil na natin ang lahat ng kung anong mayro'n sa atin."
Tumalikod ako sa kaniya saka tumakbo. Nagulat ako nang bigla niyang kuhanin ang kamay ko. He's now hugging me from the back. Mas lalo akong naiyak.
"Leave me alone, please lang. Let me go!"
Pilit akong kumakawala sa kaniya pero malakas siya at mahigpit ang yakap sa akin. I just started crying again.
"Please, don't leave me. I'll be good this time. Hindi na 'yon mangyayari ulit just please forgive me."
Naramdaman kong may tumulo sa uniform ko kaya alam kong umiiyak na siya. I don't want to look at him right now. Baka magbago ang isip ko at yakapin ko siya pabalik.
I didn't answer him but when I faced him, I made sure that there's no tears on my face anymore.
"Hindi na talaga mangyayari ulit 'yon," sabi ko. "I'll forgive you but I'll never forget about what you did to me. Good bye, Chance."
Finally, nakawala na ako sa kaniya. Tumakbo ako nang mabilis palayo sa kaniya. Mabibigat ang mga paa ko pero thankfully, hindi na niya ako nasundan. Rinig ko pa ang pagtawag niya sa akin pero hindi ko 'yon pinapansin.
I'm still crying and they're looking at me but I don't care. I also have the rights to cry and to have feelings. Iyak ako nang iyak at hindi ko 'yon mapigilan. Tumigil ako sa isang coffee shop. Siguro iisipin ng iba na dapat maglasing ako matapos ang isang heart-breaking moments pero hindi, I'd rather drink a coffee than go to a bar and drink some hard drinks there. Hindi ko kaya 'yon.
Habang umiinom ako ng kape, napansin kong tumatawag si Chance. I just turned off my phone so he can't call me anymore. Natulala ako habang iniisip siya. Nagsinungaling ako sa kaniya. Ang totoo niyan, hindi ko naman na-feel na talagang binaboy niya ako. I'm ready to forgive him. I'm ready to forget everything he did to me but I've been thinking about this lately. Iniisip ko na kaya sinabi sa akin ni Lolo Gen 'yon dahil gusto niyang pumunta si Chance sa America para ayusin niya ang business nila ro'n.
I heavily sighed. It hurts when you sacrifice almost everything for someone. Magaan na mabigat sa pakiramdam. Masakit. Habang kausap ko si Chance kanina at yakap niya ako — I want to hug him back. I want to tell him the reason why I'm doing this to him. Gusto kong bumalik sa kaniya at bawiin lahat ng sinabi ko pero nagawa ko na eh. Nasabi ko na sa kaniya.
Ganito pala kapag nakakasakit, doble pa ang sakit nito sa akin.
Pinunasan ko ang luha nang tumulo uli 'yon. I badly want to forget about what happened a while ago but I can't. I really can't do that immediately. Sana nga lang magkaroon ako ng amnesia para makalimutan ko na kaagad 'yon. Mabangga ng isang ten wheeler na truck para matakasan ko ang ginawa ko or worse than that.
I feel like I'm the most evil person in this world for what I did to him.
I don't know what to do anymore. Gustong-gusto kong saktan ang sarili para sa ginawa ko kay Chance. Sobrang sakit sa puso habang inaalala ang mga nangyari kanina. I feel so stupid for saying those words to him. I wish I didn't do that, I'm just regretting everything I did but I know that it's for Chance. Para sa kaniya rin naman 'yon para umalis na siya at pumunta sa US. I hope he understands me.
Pero paano naman niya ako maiintindihan kung hindi ko sinabi sa kaniya ang dahilan? Hindi na siguro. Ayaw ko nang sabihin pa. I know him, alam kong gagawa at gagawa siya ng paraan para hindi mangyari 'yon.
Para saan pa ang pagtataboy ko sa kaniya? Kahit ayaw kong gawin 'yon, kailangan eh. Lolo Gen didn't say directly that I should avoid Chance and make him leave the country for their business but I feel like, I really need to do that.
Sino nga ba naman kasi ang dahilan kung bakit nananatili pa rito si Chance?
I'm concerned about him and their business. Paano kung malugi 'yon nang dahil lang sa kagustuhan ni Chance na makasama ako? If I let that happen, I would be selfish! Kahit na gustong-gusto kong makasama si Chance ay hindi pwede kasi may responsibility siya!
I really hope that he will understand my reasons someday.
——
Maaga pa lang s-in-ubmit ko na ang requirements ni Chance but I made sure first that he wasn't there before I submit it. Saturday ngayon kaya kuhaan lang ng grades sa school. Hindi pa ni-r-release ang amin kaya wala pang kukuhanin. Wala naman na akong problems sa requirements ko dahil nagawa ko na 'yon. Pati ang art gallery ko, hindi ko maasikaso. I called Manager Lee for that and she understands it.
Kahapon, nagkulong lang ako sa kuwarto magdamag pagkauwi. My parents didn't know about what happened and I don't want to tell them about that. Kakausapin lang nila si Chance at magkikita kami. Mas lalo lang akong mahihirapan.
Pagkauwi ko sa bahay, nagtaka kaagad ako nang may makitang kotse sa labas. Hindi naman 'yon amin. I was shocked even more when I saw Chance. Nasa couch sila nina Mama at Nigel, nag-uusap sila. Nakita kaagad ako ni Chance. He smiled but there's something wrong with that smile.
"Nandito ka na pala. Chance is waiting for you." Ngumiti si Mama.
Hindi ko pinansin ang sinabi ni Mama. I'm staring at Chance, he's staring back at me but he looked down after a while. Nawala na ang ngiti niya.
Nilapitan ko siya saka bumulong, "what are you doing here?"
"Mag-usap naman tayo oh. Hindi pwedeng gani—"
"Wala na tayong dapat pag-usapan, Chance," I whispered again. "Umalis ka na. 'Wag mo nang pahirapan sarili mo."
"Aline.."
Humarap ako kay Mama. "'Ma, alis na raw po muna si Chance. May binigay lang siya sa akin." Tumingin ako kay Chance. Nanghihina ako. "'Di ba, aalis ka na?"
"O—Opo, Tita," malungkot na sabi niya.
My heart almost tear apart while looking at him like that. Gusto ko siyang yakapin. I badly want to hug him right now pero mas lamang ang pride ko at iniisip ko rin siya — ang para sa kaniya.
If I hug him right now, I'd just give him false hopes again and I don't want that. Ayaw kong umasa siya na may patutunguhan pa kami.
Sa sitwasyon namin ngayon, hindi na ako umaasa pa.
"Gano'n ba? Okay. Take care, hijo." Ngumiti si Mama. "Sayang, gusto sanang makipaglaro ni Nigel."
Tiningnan ko naman si Nigel na walang reaction na nakatingin kay Chance. Hindi ko alam kung anong dapat maramdaman. O dapat pa ba akong may maramdaman?
"Next time na lang po siguro," sabi niya saka tumingin sa akin.
"Alright. Ate, ihatid mo muna ang manliligaw mo." pang-aasar pa ni Mama.
I intently closed my eyes when I heard that word from my mother. When I opened my eyes, I immediately saw Chance.
"Sige na, umalis ka na. Ingat."
Isasara ko na sana ang gate nang bigla pa siyang humarang doon. Kumunot ang noo ko sa ginawa niya.
"What are you doing—"
"Wala na ba talaga, Aline?" he asked.
I quickly looked away when our eyes met for the nth time. Hindi ko kayang tumingin sa mga mata niya nang ganito kalapit.
"Please, 'wag ka nang makulit," sagot ko. "Umalis ka na. We'll talk again next time, okay?"
I took a deep breath.
Sinara ko na ang gate kahit na nandiyan pa siya bago pa ako makapasok sa amin, narinig ko pa siyang nagsalita.
"Thank you. I hope you forgive me. Aalis na ako, baby.."
Nanghina ako sa huling sinabi niya. Lumingon ako pero nakaalis na ang sasakyan niya.
Where did he get his car?
Umakyat na lang ako sa room ko para mag-isip-isip sa kung ano ang dapat gawin. Sana nga ganoon lang kadali gawin ang lahat ng naiisip ko pero involved ako rito — si Chance. I don't want to hurt him but that's the only way to make his life better. Ngayon lang naman siya masasaktan. In the end, he'll forget about me and he'll find someone new, way better than me.
Hindi na ako nagulat nang the next day, nandito ulit si Chance. He brought flowers and some chocolates this time. I'm not into those things but I appreciate it but as usual, I pretended that I was mad at him.
Kumakain ako ng lunch habang tinitingnan ko sila Nigel na naglalaro ng video game sa living room. Umiwas kaagad ako ng tingin nang tumingin sa akin si Chance. Baka kung anong isipin niya.
"Ate, why don't you join them?"
Lumingon ako kay Mama nang tawagin ako. Nakita niya siguro na tapos na akong kumain. Tumango lang ako sa kaniya. Nakita ko naman na nakatingin din sa akin si Chance habang papunta ako sa kanila.
"Dito ka na, Aline," sabi ni Chance nang sa tabi ako ni Nigel umupo. Gusto niya akong tumabi sa kaniya mismo.
I immediately shook my head. "Dito na lang."
Tumingin na lang ako sa nilalaro nila saka kumuha ng popcorn. Nakikita ko pa rin sa gilid ng mata ko na nakatingin si Chance sa akin. Tahimik naman sa gitna namin si Nigel na naglalaro lang.
"Mag-usap naman tayo.."
——
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top