Chapter 22
Chapter 22
Pagkabukas ko ng pinto ng sports car, bumungad sa akin ang nakayukong si Chance.
"Ang bilis mo namang dumating, Coco?" sabi niya. He thought that I was kuya Marco. Inangat niya ang ulo. Nakita ko kung paano nanlaki ang mata niya nang makita ako. "A—Aline, why are you still here?"
I wiped my tears away to see him clearly. "Hindi ko pala kayang iwan ka."
Naramdaman kong inalalayan niya ako papasok sa loob. He's not talking, he's just staring at me. I can't even stop my tears from falling. Hindi ko alam kung bakit.
I'm even sobbing!
"Bakit ka.. umiiyak?"
Pinunasan ko nang ilang ulit ang mga mata ko bago ako tumingin kay Chance. Nag-aalala ang mga mata niya habang nakatingin sa akin. Nakasandal lang siya sa upuan.
"I—I don't know. Hindi ko alam. Nakakainis ka!" sabi ko sa kaniya, umiiyak pa rin.
"Stop crying, hindi kita mapatahan," mahina niyang sabi sa akin.
Umiiyak pa rin ako na hindi ko alam ang exact reason kung bakit. Naiinis ako na nalungkot na hindi ko maintindihan. This guy beside me is giving me a rollercoaster of emotions.
Napansin kong uminom na siya ng gamot niya. I made sure that there are no traces of tears on my face first before I look at him.
"Now tell me, what's bothering you?" tanong niya, nakatitig sa akin. "Bakit ka umiiyak?"
"Hindi ko nga alam!" I said and sighed. "'Di ba pinaaalis mo ako kanina? I just have this feeling na hindi dapat kita iwanan so I came back to you." Umiling pa ako ng ilang beses. Hindi nakatingin sa kaniya. "Ayaw kitang iwanan, Chance."
"Aline.."
He held my hand tight as I look at him. Napabuntong-hininga ako habang binababa ang tingin sa mga kamay namin.
"Wala akong masabi." Tumawa siya kaya umangat ang tingin ko.
Nangisi ako nang may mapansin. "You're crying."
Kaagad siyang umiling at umiwas ng tingin sa akin. Mas lalo pa akong ngumisi.
"Hindi ah," sagot niya.
"Why are you crying, Chance?"
Binitawan niya ang kamay ko saka umayos ng upo. Inayos ko rin ang sarili ko habang nakatitig pa rin sa kaniya.
"Hindi naman ako umiiyak." Ngumisi siya. "I just feel.. empty."
I became silent with what he said. I don't know on how to comfort him. I just want to cry. Ni hindi ko nga mapatahan ang sarili ko, siya pa kaya?
We just stayed silent for more minutes. Tahimik akong umiiyak patalikod sa kaniya. Hindi ko alam kung umiiyak din ba siya or what.
Maya-maya, inayos niya ang upuan ng sasakyan. Nakahiga na siya ngayon.
"Nilalamig ka ba?"
Tinitingnan ko lang siya habang nakahiga. Hindi ko alam ang gagawin sa kaniya ngayon. Late na rin. Hindi pa ako nakakauwi.
"Hindi naman." Nakita kong bumuntong-hininga siya. "I'm just thinking about my dad. Nasaan na kaya siya ngayon? Is he even happy there, kung nasaan man siya?"
Umiwas ako ng tingin. "Siguro. Who knows?" Tumingin ulit ako sa kaniya. Napahinga ako nang malalim. "You know what, Chance? Gusto ko talagang magalit sa ginawa mo. Hindi mawala sa isip ko. I'm sorry but what you did earlier really makes me feel bad."
I saw him smiled at me. "I know kaya nga siguro deserve ko rin 'to — to be miserable."
"No one deserves to be miserable, Chance. May nagawa ka lang na kasalanan, puwede pang magkaroon ng chance na matama mo lahat ng 'yon," I told him without looking at him. "At sa nangyari sa Dad mo, lahat naman tayo mawawala rin in the end eh. We just need to accept that.."
Hindi siya sumagot sa akin. Nakatingin lang siya sa bintana. I suddenly felt awkwardness between us. I just closed my eyes intently when I remembered the scenario a while ago. Hindi ko makalimutan. Hindi maalis sa isip ko kung paano niya ako hinalikan.
I felt my cheeks blushed. Umiwas ako ng tingin sa kaniya at baka mapansin niya pa 'yon.
Nagulat ako nang maya-maya, may kumatok sa may bintana. Nagulat ako nang makita si kuya Marco sa labas. Pinagbuksan naman kaagad siya ni Chance ng pinto sa likuran.
"Gabi na, bro. Ano pang ginagawa n'yo rito?" tanong kaagad ni kuya Marco pagkapasok niya. Ngumiti siya sa akin. "Ikaw ha!"
"Iuwi mo na kami, 'Co."
Nakita kong kumunot ang noo niya kay Chance. "Hindi ka na ba marunong mag-drive ngayon?"
Ako na ang sumagot, "may lagnat kasi si Chance, kuya. Pwedeng ikaw na lang mag-drive pauwi?"
Tumango naman si kuya Marco sa akin. "Gago, p're. Baka inaatake ka na naman ng sakit mo!"
My forehead creased after I heard that from kuya Marco. Nagpalit naman sila ng upuan ni Chance kaya pumunta ako sa likuran kasama ang bag ko. Inalalayan pa ako ni Chance na parang wala siyang sakit.
He's just so stubborn.
"Kanina ka pa nilalagnat?" Kuya Marco asked.
"Ngayon lang din," sagot naman ni Chance.
Tahimik lang kami buong biyahe. Walang nagsasalita sa amin. Si Chance, minsan inuubo pa kaya napapatingin ako sa kaniya. I'm worried.
Mabilis kaming nakarating sa apartment kung saan nakatira si Chance. Nagkakahiyaan kaming tatlo, especially si Chance tahimik din dahil may sakit.
Umakyat na kami sa floor ni Chance. Medyo magulo sa loob dahil may mga kalat sa lapag. Nakita ko pang umangat nang kaunti ang labi ni Chance doon at tumawa.
"Aline, you should go home. Baka hinahanap ka na sa inyo.."
I diverted my gaze at Chance when he spoke. "How about you? Okay ka na?"
"Ako na bahala sa kaniya," sagot naman ni kuya Marco at ngumiti sa akin. I sighed and nodded.
"Sure ka ah? Kailangan ko na rin kasing umuwi eh, baka pagalitan pa ako ni Mama."
Ngumiti si kuya Marco. "Sige, ingat ka, Aline!"
"Marco, ihatid mo," sabi naman ni Chance.
"He's tired. Ako na lang, kaya ko naman," sabi ko at ngumiti.
"No, no. Hatid mo na, p're." Tumingin si Chance sa akin. "Late na, hindi ka namin pwedeng pabayaang umuwi mag-isa."
"Oo nga. Let's go, Aline."
Tatalikod na sana ako para sundan si kuya Marco pababa nang magsalita pa si Chance sa likod ko.
"I already lost my dad, I can't afford to lose you anymore so please be safe and careful." Nakita ko pa sa salamin na nahiga siya sa couch. "Mag-iingat ka palagi, Aline.."
Natulala ako sa sinabi niya. I didn't even have a chance to answer him because kuya Marco already called me again. I sighed as I look up at his floor.
"'Wag ka nang malungkot. Okay lang 'yan siya. Malakas naman 'yang kaibigan ko," sabi ni kuya Marco.
Napatingin ako sa kaniya at nilingon ulit ang apartment ni Chance habang hindi pa kami nakakalayo nang tuluyan.
I don't want to leave but I need to.
"May gusto ka ba kay Chance?"
Tumingin ulit ako sa kaniya. Natahimik ako. My mouth slightly opened but didn't bother to utter even a single word as an answer.
"Aline.."
"I—I don't know, kuya," sagot ko at bumuntong-hininga.
"Hindi mo alam pero may feelings ka?" sabi pa niya.
"Kuya." — 'yon lang ang nasabi ko dahil hindi ko alam kung paano siya sasagutin.
I know for myself that I like Chance. I really like him but I don't think that I could say that to someone. Especially, magkaibigan si Chance at kuya Marco. Ayaw ko namang paasahin si Chance sa walang kasiguraduhan.
I sighed. "Hindi ko talaga alam, kuya. Ang alam ko lang—" Napahinto ako nang tumingin siya saglit. Ngumiti ako. "Everytime na magkasama kami, masaya ako."
"At magiging masaya si Chance kapag nalaman niya 'yan so 'wag ka na mag-alala ro'n."
Tumango lang ako sa kaniya at ngumiti. Nag-alala akong baka sabihin niya kay Chance ang sinabi ko pero siguro alam naman na 'yon ni Chance. Well, I'm always happy when we're together. Impossible na hindi niya pa 'yon mapansin.
Napapabuntong-hininga na lang ako habang nasa biyahe. I'm still thinking about Chance. Sana okay siya ngayon lalo na wala pa siyang kasama sa apartment.
Mabilis naman kaming nakarating sa amin at nagpasalamat ako kay kuya Marco sa paghatid niya sa akin. Good thing, hindi ako pinagalitan ni Mama. I also told her the news about Chance's dad and she felt sad for it. She understands why I was late.
I heavily sighed.
--
"Are you okay?"
Tumango lang ako kay Ion. Ni hindi nga ako makangiti sa kaniya nang maayos.
Hindi ako masyadong nakatulog no'ng gabi kaya halos lutang ako nang nasa classroom. Math ang first subject kaya katabi ko si Ion. I didn't even notice his presence because my mind is busy thinking about Chance, wherever I go and whatever I do. Nag-aalala ako.
Sabi niya, simpleng lagnat lang 'yon but I have this strange feeling about that. It bothers me. Kaya pagkatapos na pagkatapos ng class namin, kahit hindi ko pa tapos ang pending quizzes — lumabas na kaagad ako at dumiretso kina Chance.
Umakyat kaagad ako sa floor niya. Sumisilip pa ako sa loob pero wala naman akong makita.
"Chance? Kuya Marco?"
Kumatok at tinawag ko pa sila nang ilang beses pero wala pa ring sumasagot. Alam kong hindi sila pumasok na dalawa kaya I'm sure, nandito sila.
"Chance, open the door please?" sabi ko pa at kumatok sa pinto.
"Cha—"
"Ay si Chance ba hanap mo, beh?"
Napatingin ako sa babae. She looks familiar. Parang siya 'yong landlady na kinausap ni Chance before no'ng una niya akong dinala rito.
Tumango naman ako. "O—Opo. Nandito po ba sila?"
"Ay wala!" sabi niya at nilapag ang hawak na hanger sa may upuan. "Nako, sinugod sa hospital, inatake raw ng ulcer niya. Sumasakit ang tiyan! Mabuti nga't tinulungan namin dalhin sa hospital kaninang alas-otso!"
Nanlaki ang mata ko sa narinig. Kinabahan naman kaagad ako. I looked at my wrist watch, it says 1 PM already. He's there for several hours yet he didn't even bother to tell me about his condition!
Nanghina ako bigla.
"Hospital? S—Saan pong hospital?"
"Sa St. Uriel, doon sa banda ro'n pang kanto sa dulo," sabi niya at may tinuro. "Alam mo ba 'yon? Hala sige nga, samahan na lang kita."
May inayos lang siya saglit saka kami umalis. Nagsasalita siya nang nagsasalita pero hindi ko naman masagot nang maayos. Ang bagal pa niyang maglakad. I want to go to that hospital immediately to see and check him. Mas lalo lang akong nag-aalala sa kaniya.
Bawat paglakad ko, kinakabahan ako kung ano nang condition ni Chance. Hindi rin naman kasi niya sinabi sa akin. Kung hindi pa ako pupunta sa kanila, hindi ko pa malalaman ang nangyari.
Mas lalo akong kinabahan nang nasa loob na kami ng hospital. Ano na kayang nangyayari sa kaniya?
"Nurse, ano'ng room ni Chance? Chance Gomez?" nagmamadali kong tanong sa nurse.
May tiningnan lang siya sa lists at sinagot ako, "room 143."
"Thanks!"
Tumatakbo akong hinanap ang room ni Chance. Ang bilis na ng tibok ng puso ko sa kaba at takot sa kaniya.
Pagkakita ko ng room, sabi ng nurse sa labas na huwag daw munang pumasok sa loob dahil kinakausap pa sila ng doctor. Mas lalo lang akong kinakabahan.
"Kumalma ka lang, beh. Gusto mo sumunod ka rin kay Chance sa hospital?"
Tumingin lang ako sa landlady nina Chance nang magsalita siya. I didn't notice her.
"Mauna na muna ako't maglalaba pa ako. Paki-kumusta na lang ako kay Chance ha?"
Tumango naman ako. "Opo, salamat din po sa pagsama. Ingat kayo."
She just nodded and left me. I became more worried this time. Nanghihina pa ako dahil wala akong kasama sa labas para maghintay.
Pabalik-balik ako sa pinto ng room at sa upuan. Nagulat naman ako nang biglang lumabas ang doctor saka ako tiningnan. Pumasok naman kaagad ako sa room pero natigilan ako nang may marinig akong tawanan.
"You're crazy, Chance!"
Natulala ako habang nakikita ko ang isang babae. Magkaharap sila ni Chance. Matangkad. Maputi. Maganda ang boses. Nakatalikod siya pero I'm sure maganda rin ang mukha niya.
"Akala ko hindi na aatake eh," sabi ni Chance saka ngumisi.
Nagtawanan pa silang dalawa habang nasa gilid lang ako — hindi pa rin napapansin ni Chance dahil busy siya sa kausap niya. I can also see that he's happy.
Nakaramdam ako ng kaunting sakit sa dibdib ko kaya napaiwas ako ng tingin. Rinig na rinig ko rito kung paano tumawa si Chance habang kausap 'yong babae sa tabi niya.
I'm wondering, who is she?
Halos gusto ko nang takpan ang tainga ko para hindi sila marinig, tumakas na lang bigla o sigawan sila para tumigil na sila but yeah, I don't have any rights to do that. Sino ba naman ako?
I looked at Chance, he's still not looking at me. Parang nadudurog ang puso ko na hindi ko malaman. I hate this strange feeling of mine.
"Oh Aline, nandito ka na pala! Uwian n'yo na?"
Napatingin ako sa dumating, si kuya Marco pala. He's holding a basket. It's probably foods for Chance.
"Ah oo, kanina pa," sabi ko at pilit na ngumiti.
"'Sensya na nga pala, hindi kita natawag—"
"A—Aline."
Tumingin ako kay Chance. Gulat siyang nakatingin sa akin. He's not expecting me to come here based on the way he looks at me.
I suddenly want to leave this place.
"Kanina ka pa?"
"Oo, kanina pa." I smiled and whisper, "Hindi mo nga ako napansin."
"By the way, Chance. I have to go na. Kinukumusta ka rin ni Mama. Magpagaling ka, okay?" sabi ng babae. Nagulat pa ako nang halikan niya pa si Chance sa pisngi. Napaiwas kaagad ako ng tingin.
"Ikumusta mo na lang din ako kay Tita." Tumawa pa si Chance na parang walang sakit. "'Co, pahatid na lang si Vienne."
Tumayo si kuya Marco saka sinundan 'yong babae. Ngumiti pa siya sa akin pero hindi ko magawang ngitian pabalik. I just quickly looked away.
Natahimik ako lalo nang kaming dalawa na lang ni Chance sa loob. I just fixed the foods that kuya Marco bought a while ago to keep myself busy and away from awkwardness.
"Aline, hey." Napapikit ako nang magsalita si Chance malapit sa akin. "Are you still mad?"
Umiling naman ako habang inaayos pa rin ang mga pagkain niya. Gusto na lang kaagad umuwi or magpalamon sa lupa. I don't know what I'm feeling right now.
Nagulat ako nang hinawakan niyang bigla ang wrist ko. "Pansinin mo naman ako oh.."
I stared at him for a while. I looked away immediately when I saw his pleading eyes. Nanghina na naman ako bigla.
"Pinapansin kita, Chance," sabi ko at kinuha ko ang kamay sa kaniya para ayusin ulit ang nasa table niya. Actually, maayos na 'yon, ginugulo ko lang ulit para doon ako naka-focus.
"Hindi kaya."
"Ewan ko sa 'yo," sabi ko at tumingin sa kaniya. "Doon ka na sa babae mo kanina."
"What, babae? Si Vienne?" tanong niya, nakakunot ang noo.
I just shrugged my shoulders. I don't want to speak anymore. Sana hindi ko na lang sinabi 'yong kanina.
"Nagseselos ka ba?"
Lumingon kaagad ako sa kaniya saka umiling. "Hindi, Chance. Hindi ako nagseselos. Why would I be in the first place?"
"She's just my cousin, okay? Pamangkin ni Mommy. There's nothing to worry about."
Hindi ako makapaniwala sa sinabi niya. Akala ko, ex niya 'yon or something. Kung ano-ano pang naisip ko kanina. Nakakairita pa ang pagtawa niya. Nakakainis!
"P—Pinsan mo lang?"
"Yup." He nodded and smiled. "Ikaw lang naman babae ko eh."
Napakunot ang noo ko. "Stop acting that you own me. Hindi mo ako girlfriend."
Umupo na ako malayo sa kaniya. Hindi naman na siya umimik lalo nang pumasok si kuya Marco sa loob. Na-guilty ako bigla sa sinabi ko.
Ano bang nangyayari sa akin?
"May prayer meeting ba rito? Ba't ang tatahimik ninyo?"
Napalingon ako kay kuya Marco nang bigla siyang magsalita. I forced myself to smile at him, without looking at Chance. Pero nakikita ko sa gilid ng mata ko na nakatingin siya sa akin.
"Kuya, alis na rin pala muna ako," sabi ko at tumayo.
Kumunot naman ang noo niya. "Ang bilis naman. Nag-usap na ba kayo ni Chance?"
"B—Bukas na lang siguro, kuya." Ngumiti ulit ako. "He also needs to rest. Una na muna ako. Try kong pumunta bukas."
"Sige, ingat ka na lang. Hindi na kita mahatid, babantayan ko pa si Chance dito eh," sabi niya habang kumakamot sa ulo.
I just smiled at him and prepare my things.
"'Co, pahinging apple."
Narinig kong nagsalita si Chance kaya lumabas na muna ako pero hinabol pala ako ni kuya Marco sa labas.
"Aline!"
Nilingon ko siya — hinihingal. Nangunot ang noo ko katitingin sa kaniya. "Ano 'yon, kuya?"
"Okay lang ba kayo ni Chance?" he asked. Natigilan naman ako.
"O—Oo naman po. Okay kami," sabi ko at pilit na ngumiti.
Tumango naman siya saka ngumiti. "Ah okay, sige pero pwedeng humingi ng favor? Wala pa kasing magbabantay kay Chance eh so pwede ikaw muna pumunta sa apartment niya?"
"Sure, kuya. Ano bang gagawin do'n?"
"Ano sana, pakikuha ng mga damit ni Chance sa loob." May kinuha siya sa bulsa niya at binigay sa akin. "Ito susi. Sorry sa abala ah? Kailangan ko rin kasing gawin school works ko."
I smiled. "No problem. Sige, punta na muna ako para mahatid ko na kaagad."
"Sige, uy salamat ah? Ingat ka na lang."
Ngumiti at tumango ako sa kaniya bago umalis. I also feel his hands — tapping my shoulders. Tumingin ako sa susi na hawak ko. Para akong lutang habang naglalakad papunta kina Chance. Nasa isip ko pa rin ang sinabi ko sa kaniya kanina.
Nagalit kaya siya? Nasaktan?
I'm feeling guilty right now because of what I said but I'm not sorry. Totoo naman kasi 'yon. He's acting like I'm his girlfriend when it's not even true. I know what I've said earlier is rude for him but that's the truth. Hindi niya naman ako girlfriend.
Halos sabunutan ko na ang sarili ko sa daan dahil hindi ko maintindihan ang sarili ko. Kanina, alalang-alala ako kay Chance nang malaman kong nasa hospital siya pero I don't know. Bigla akong nainis kanina. It's kind of weird.
Nang nasa apartment na ako ni Chance, may napansin akong mga tao sa tapat ng pintuan. Hindi ko na sana papansinin 'yon nang makita ko ang lolo ni Chance.
"Lolo Gen?" tawag ko sa kaniya.
Lumingon naman siya sa akin nang nakakunot ang noo. Kasama rin pala niya ang tita ni Chance. May dala silang jar na alam ko na kung ano.
"Oh Abby, ikaw pala 'yan. Nasaan ang apo ko? Kanina pa kami katok nang katok dito, walang sumasagot."
"'Pa, si Aline 'yan. Hindi Abby," natatawang sabi ni Tita Flory kay Lolo Gen.
Tumawa rin si Lolo. "Ah, 'nga pala! Nasaan si Chance, Aline?"
"Nasa hospital po eh. Inatake raw ng ulcer niya kanina lang pong umaga. Ngayon ko lang din po nalaman kaya kukuha ako ng damit niya," sabi ko at nag-aalangang ngumiti.
"Putragis na batang 'yan, oo! Hindi nagsabi sa akin!" sabi ni Lolo Gen saka lalong kumunot ang noo niya. "May susi ka ba, hija?" Tumango ako. "Hala nga't buksan mo, kumuha ka na ng damit ng batang 'yon. Matigas ulo niyan eh. Nakaraan ko pa sinabihan na huwag magpalipas ng gutom!"
Hindi ko na narinig ang ibang sinabi niya dahil nabuksan ko na ang pinto ni Chance. Kumuha kaagad ako ng mga damit niya. Nagmadali ako lalo na nang mahawakan ko ang underwear niya.
Nang matapos ako sa pag-p-prepare ng mga gamit niya, nakita kong inaayos nila ang paglagay ng jar — abo ng Dad ni Chance. Naka-cremate.
"Okay naman daw siya, 'Pa," sabi ni Tita Flory habang hawak ang phone. Tinawagan siguro nila si Chance.
"Batang 'yan talaga—" Napatigil si Lolo sa pagsasalita nang mapansin niya ako. Natulala na pala ako sa jar nang hindi ko napapansin. "Sa Daddy 'yan ni Chance." Tumingin siya sa akin. "Pwede ka bang makausap, hija?"
Tumango naman ako. "S—Sige po."
"Flor, i-ready mo na van doon. Pupunta tayong ospital maya-maya," sabi pa ni Lolo Gen sa Tita ni Chance. Umalis naman muna 'yon. "Umupo ka, huwag kang kabahan. Ako lang 'to." Tumawa pa si Lolo pagkasabi niya niyon kaya natawa na rin ako.
"Medyo kinakabahan nga po ako." Sabay kaming tumawa.
He stopped laughing and sat down beside me. Nangiti naman ako. "Alam mo naman na sigurong wala na ang Daddy ni Chance, 'di ba? Nito lang sila nagkaayos ni Bernard, nawala pa siya. Alam mo ba, Angeline — ah este, Aline. Mahal ka ng apo ko." Ngumiti siya sa akin. "Mahal ka niya na hindi ka niya iniwan dito kahit kailangan siya ng Daddy niya."
Kumunot naman ang noo ko sa sinabi niya. I don't understand what he's saying right now. Mas lalo lang akong naguguluhan.
"A—Ano pong ibig ninyong sabihin?"
Ngumiti pa siya lalo, malungkot. "No'ng namatay si Bernard, kinailangan ng kompanya niya sa America ng mag-aasikaso ro'n pero pinili ng apo ko na huwag umalis at manatili sa 'yo kahit alam niyang pabagsak na ang negosyo nila. Alam kong mahal ka ng apo ko, hija. Mahal na mahal ka ni Chance.."
--
Lutang ako palakad-lakad sa hallway kinabukasan. After ng pag-uusap namin ni Lolo Gen, hindi na ako mapakali. My mind is clouded on what he said. I'm confused. Gulong-gulo ako. Dumadagdag pa sa stress ko kung paano tatapusin lahat ng school requirements.
Nakakapanghina.
Nagyaya sina Mia na mag-mall pero hindi na ako sumama. I know that they're already upset, especially si Ion na hindi ako halos pinapansin. Sila, nag-c-celebrate na dahil tapos na ang exams pero ako, hindi pa rin tapos. Ngayon lang ako nagkaroon ng problem na ganito when it comes to school stuffs. Ano nang nangyayari sa akin?
Pupunta na sana ako sa library para mag-review nang madaanan ko ang room nina Chance. I looked around to see him but I didn't see him nor kuya Marco. They're still not present today.
I still don't want to go to the hospital because of what happened last time. Nahihiya na ako na hindi ko alam.
"Sinong hinahanap mo, 'nak?"
Napalingon ako sa tabi ko — may teacher. May dala siyang envelope. Nahihiya akong ngumiti sa kaniya saka sumilip ulit sa loob. Nginingitian ako ng mga lalaki. Ngumiwi lang ako.
"Ah Chance Gomez po sana," sabi ko.
Her forehead creased when I mentioned his name. "Ah si Chance? He's absent. Nasa hospital daw sabi ni Soriano. Marami ngang kulang 'yan eh."
Tumango naman ako. I followed her to her office when she told me to do so. The office was quite big for the four teachers inside.
"Good morning po," bati ko sa kanila. They just smiled at me.
Busy.
"Ito mga kulang niya," sabi niya at iniabot sa akin ang isang index card. "Wait, pinsan ka niya or what?"
"I'm his friend po," sabi ko saka tiningnan ang index card. Medyo marami ang kulang ni Chance pero madali lang naman gawin. "Pwede po bang ako na lang gumawa nito? 'Wag n'yo na lang pong sabihin sa kaniya."
Kumunot ang noo niya saka naupo sa swivel chair. "I won't tolerate my students to be irresponsible but on Chance's condition right now, pagbibigyan ko. But I highly doubt it, sure ka bang kaibigan ka lang niya?" She smirked and shook her head. "Sobrang bait mo para sa isang kaibigan para gawin lahat ng 'yan. Tsismosa na kung tsismosa pero anong mayro'n sa inyo ni Chance?"
"M—Manliligaw ko po siya." Nahihiya akong ngumiti saka yumuko.
Tumawa siya at tumango. "I knew it! Okay, too much information. Good luck na lang sa paggawa niyan. Marami-rami rin 'yan."
"Okay po. Thank you so much po."
Aalis na sana ako nang bigla niya pa akong tanungin ulit.
"By the way, 'nak. What's your name?"
I smiled. "Aline po."
Tumango lang siya kaya umalis na ako ro'n. Tinitigan ko ang index card na hawak. I heavily sighed while looking at it. Hindi ko alam kung bakit ako nag-volunteer na ako na lang ang gagawa nito. Hindi pa rin naman ako tapos sa school works ko. Siguro pambawi na lang din kay Chance?
Hindi mawala sa isip ko kung anong reason kung bakit nag-stay pa rito si Chance. I mean, does he love me that much to the point that he can sacrifice their business for me? Nanghihina ako habang iniisip 'yon. Hindi ko kayang isipin nang matagal.
I think I'm not deserving for his love.
I feel like I'm pushing him away.
I'm not worthy enough for him.
Do I really deserve him?
——
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top