Chapter 20
Chapter 20
Nagising ako sa may parang bodega. Medyo madilim at mabaho. Nilibot ko ang tingin sa paligid. My forehead creased when I saw a baseball bat.
Tatayo na sana ako pero biglang sumakit nang sobra ang ulo ko. Mabigat. I can't almost move my head. I winced in pain.
Kinapa ko ang phone sa bulsa pero low battery na 'yon. Tinatakpan ko pa ang ilong dahil mabaho. Hawak-hawak ang ulo, tumayo ako. Napahinto ako nang may makitang papel sa paanan ko.
With trembling hands, I reached for it and read it. Tumingin kaagad ako sa paligid nang mabasa 'yon.
Leave Sam alone!
'Yon lang ang nakalagay sa papel pero bigla akong kinabahan. Umalis ako kaagad doon. Ang sakit-sakit ng ulo ko at halos hindi ako makakita nang maayos.
My vision was blurry while walking.
Naghanap muna ako ng convenience store na malapit. Luckily, I found one. It's 24/7. I charged my phone there. Nagulat naman ako nang makita ang mukha ko sa salamin. I have bruises on my face!
Kaya pala tumitingin sa akin ang nasa cashier kanina. I glanced at the wall clock, it's already 11 PM. I started panicking. Mabuti na lang at may nabili akong concealer doon at tinakpan ko ang mga pasa.
I'm thinking that someone did this to me but who could possibly be? Nakatulog ako. Hindi ko nga alam kung sino 'yong kumuha sa akin. I want to know!
Kinuha ko sa bulsa ang papel na napulot ko kanina. Sam? As in Samson that I know from Benjamints? Hindi kaya, obsessed fan ni Sam 'yong kumuha sa akin?
She's probably a girl if ever!
Tumingin-tingin pa ako sa paligid. I need to be aware and safe now. Kailangan ko nang mag-ingat. Hindi ko pa naman nakita ang mukha no'n. I wasn't thinking. Isa pa, wala na siya nang magising ako. Hindi ko alam kung ano ang ginawa niya sa akin kaya sumakit nang sobra ang ulo ko.
"Miss, okay ka lang ba?"
Napasigaw ako nang may kumalabit sa akin. Napaatras pa ako. Napaayos naman ako ng upo nang makita ang lalaki na nasa cashier kanina.
"M—Marami kang pasa."
Tumingin muna ako sa kaniya bago magsalita. "Okay lang."
He was wearing a red polo, probably their uniform. He looks like a geek. Inosente tingnan. Naamoy ko rin ang pabango niya rito.
"Sure ka ba?"
Tumango lang ako sa kaniya at ngumiti. I turned my back on him when he didn't speak anymore but I still feel his presence behind me. I awkwardly put the concealer on my face. Tiningnan ko pa ang sarili ko sa salamin ng phone ko. Halos hindi 'yon matakpan.
Hinahawakan ko pa ang bawat pasa sa mukha ko. I have 3 to 4 bruises on my face. They're all obvious. Masakit pa rin ang ulo ko. Parang may nag-d-drill sa loob.
Bakit naman kaya may gagawa ng ganoon? Dahil ba nakikita niya kung sino man siya na medyo close kami ni Sam? Is that girl jealous or what?
I sighed while composing myself. I made sure that the bruises aren't visible first before going out of the store. I stopped when someone hold my arm. Nagulat naman ako nang makita 'yong lalaki kanina.
"G—Gusto mo bang ihatid na kita?" sabi niya.
May dala na siyang bag ngayon. Napansin ko namang may babae sa may cashier. She's looking at me. Nangunot pa ang noo ko nang bigla siyang ngumisi.
"Miss?"
Napatingin naman ulit ako sa lalaki. He's raising his brows right now, waiting for my answer. I gently smiled at him.
"Hindi na, nakakahiya. Kaya ko naman," sagot ko naman.
Isa pa, he's a stranger. I need to be careful. Mukha namang mapagkakatiwalaan siya but I don't want to trust him. Baka kung ano ang gawin nito sa akin.
Nakita ko namang tumango siya. "Ganoon ba?" Tumango rin ako. "Sige, mag-iingat ka na lang baka mapaano ka pa eh."
I just shrugged my shoulders when I saw how he looked at the girl on the cashier who's still looking at me. Medyo naasiwa naman ako. Parang kilala niya ako sa way ng pagtingin niya.
"Sige, thank you. Ingat ka rin," I said with a smile.
Tumalikod na ako para maghanap ng taxi nang biglang may nagsalita sa likuran ko.
"Ingat!"
I looked at my back and I saw the girl on the cashier, waving at me. Her voice was familiar pero hindi ko na lang 'yon inintindi. Ngumiti rin ako pabalik sa kaniya. Pinapapasok naman siya no'ng lalaki kanina sa loob.
I hailed a cab after I saw one. Nasa 15% pa lang ang phone ko nang bunutin. Baka mag-alala na sina Mama at pagalitan ako dahil late na late na.
Tama nga ako dahil sa gate pa lang, kitang-kita ko na si Papa. Naka-fitted white shirt lang siya at boxers. Halatang matutulog na at hinihintay na lang ako. Nakaupo siya sa may maliit na hagdan papunta sa may main door. Halos mangatog ang tuhod ko palapit sa kaniya.
"P—Papa," I called him out.
"Saan kayo nagpunta ni Chance? Bakit bigla kang nawala?"
Hindi na ako nagulat sa way ng pagsasalita niya. Itinago ko pa nang kaunti ang mukha ko, baka makita niya ang mga pasa ko rito. My knees are trembling while he's talking behind me. Plus the cold wind, it made me shiver.
"Hindi ko po kasa—"
Before I could finish, he hugged me. Doon ko nakita sa may pintuan si Mama. She's smiling while looking at us.
"Pasensya ka na sa Papa mo, kauuwi mo pa lang pinagagalitan ka na." Kumalas siya sa yakap. "I trust you, okay? Magpahinga ka na."
Tumango lang ako sa kaniya dahil wala akong masabi. Iniinda ko pa rin ang sakit ng ulo ko. Buti hindi sila nagtanong. Dinala pa nila ako sa kuwarto ko. My mom kissed me on my forehead before she turned the lights off on my bedroom.
——
For the remaining days of holiday, Chance didn't talk to me or even visit me at all. Hindi na ako nagtaka pero bigla ko siyang hinanap. Na-g-guilty tuloy ako sa ginawa ko.
Sa ulo ko naman at sa nangyari, wala pa rin akong idea kung sino ang gumawa sa akin no'n. Sumasakit pa rin ang ulo ko pero minimal na lang. Mabuti na lang at hindi nagtatanong sina Mama about sa pasa ko na hindi naman na visible.
Semestral break has already ended. I was walking on the hallway when I saw Chance talking to kuya Marco. Nagtagpo ang mata namin pero natakot ako kaya iniwas ko kaagad ang tingin sa kaniya. Hinawakan ko nang mahigpit ang strap ng bag ko pero nagulat ako nang may humila nang kaunti sa akin. Nagulat ako nang makita si Chance.
"C—Chance.."
He's casually standing in front of me na parang walang nangyari last time but he has dark circles under his eyes. Siguro lagi 'tong nagpupuyat. Ayaw ko sanang aminin pero na-miss ko siya at ngayong nagkita na ulit kami, natuwa naman ako. We didn't meet for couple of days din.
Hindi siya sumagot at nakatayo lang siya roon. Nakapamulsa habang nakatitig sa akin. I want to cry and beg him to talk to me. Nalulungkot ako sa sitwasyon namin ngayon.
"Mag-usap tayo mamaya," sabi niya at iniwanan na niya ako roon.
Sabay-sabay silang umalis ng mga kaibigan niya. Ngumiti lang sa akin si kuya Marco. Bagsak ang balikat ko nang pumunta sa room. Sinalubong naman ako nina Mia at Ion.
"Sis, 'musta holiday?" tanong kaagad ni Mia, hindi pa ako nakakaupo.
Magkatabi kami ngayon ni Ion dahil first subject namin ang Math pero sana wala pa munang lecture. Parang hindi pa kasi enough ang rest ko this holiday.
I answered Mia, "Okay naman, as usual. Nothing more special except sa kasama namin nag-celebrate ng Christmas si Chance."
Inalog kaagad ako ni Mia at nanlalaki ang mata niya. "Seriously?!" Tumango ako habang inaayos ang gamit sa bag. "OMG, sana all! Nag-out of town kasi sina Bonnie kaya hindi sila nakasama."
"Wait, si Chance kasama n'yo no'ng Christmas? Why?" tanong naman ni Ion, nakakunot ang noo sa amin. I just nodded my head on him. Bigla akong nakaramdam ng hiya sa kaniya.
"What hindi mo alam?" Mia asked him. Bumaling naman siya sa akin. "Hindi niya alam?"
"What?" Nakakunot pa rin ang noo ni Ion.
"Sayang, bro," sabi ni Mia at umiling-iling sa kaniya. "Nililigawan ni Chance si Aline, last year pa." Tumingin na naman siya sa akin. "Baliw 'to, bakit kasi hindi mo sinabi?!"
I sighed and faced Ion who's looking at me with a confused look. "Mia's right, n-nililigawan nga ako ni Chance. Sorry, hindi ko kaagad sinabi, Ion."
Napayuko ako. Na-guilty naman ako. Axion is one of my close friends but yet, I didn't even bother to tell him about Chance and I.
Hinawakan naman niya ang baba ko at inangat 'yon. Nagtaka ako sa ginawa niya pero hinayaan ko lang.
"It's fine, okay?" He gave me an assurance smile. "At least, ngayon sinabi mo na. Okay lang sa akin."
Ngumiti naman ako sa kaniya. Napatingin ako kay Mia nang magsalita. "Better luck next time, Ion." Tumawa pa siya at inirapan ako. "Weh, doon ka na sa Chance mo! Magsama kayo habang buhay!"
"Team Ion nga ako eh," sabi pa ni Mia pero hindi ko na narinig.
"Huh?"
She rolled her eyes. "Wala!"
Umalis na si Mia sa tabi namin at bumalik sa upuan niya. Natawa na lang kami ro'n.
"By the way." I looked at Ion when he suddenly spoke after a minute. "I missed you."
Hindi kaagad ako nakapagsalita sa sinabi niya. Hindi naman siya usually nagsasabi ng feelings niya or what eh. Weird.
"N—Na-miss din kita, Ion," sabi ko.
He just smiled on me. Dumating na ang subject teacher pero lutang ako at hindi makapag-focus. I'm thinking about Chance and my friend beside me. There's something weird about Ion that I couldn't figure out. Ewan ko ba.
Natigil na lang ako sa pag-iisip nang sawayin ako ni Ion. Natawa pa siya.
Nang mag-ring ang bell, kaagad akong lumabas. I'm excited to see Chance but I'm feeling nervous. Baka galit pa 'yon sa akin. Kinakabahan ako lalo.
Naroon na kaagad siya sa may botanical garden. Pagkakita niya sa akin, walang salita niya akong hinila papunta sa may parking lot. I didn't complain anymore when he gave me his helmet. Mabilis ang pagpapatakbo niya ng motor. Para akong nakasakay sa ride.
"Dahan-dahan!" sigaw ko, baka hindi niya marinig dahil sa bilis niya at ingay.
He didn't answer me but he slowed down. I sighed in relief after that. Wala akong idea kung saan kami pupunta. Hindi niya sinabi at hindi rin naman siya nagsasalita.
He's still mad, I guess?
Ilang minutes na pero nasa motor pa rin kami at nag-d-drive pa rin siya. Nagtaka ako nang papunta na kami sa South, hindi naman na ako nagtanong dahil baka masungitan niya pa ako. Maya-maya, huminto kami sa may parang maliit na burol doon. We're on Tagaytay.
"Ano'ng ginagawa natin dito?"
"Usap," sagot naman niya habang inaayos ang helmet.
He looked at me before he walked away. Halos nasa dulo na siya ng burol, sinundan ko naman siya. Nalula ako, nasa bangin pa kami malapit. May fear of heights pa naman ako. Napausog ako nang kaunti at napapikit.
"Chance, I'm sorry," I started. Binuksan ko ang mga mata at tumingin sa kaniya.
Nagulat ako nang hawakan niyang bigla ang kamay ko. He stared at me and smiled a bit. My forehead creased.
"Okay na 'yon. I understand your reasons, Aline," sabi niya at ngumiti.
Mas lalo pang nangunot ang noo ko. "A—Are you sure?"
"Yeah." Tumango siya at hinawakan pa ulit ang kamay ko. We started walking slowly here. Natatakot naman ako dahil baka mahulog kami pababa. "And I realized na ang babaw ko lang siguro nang magalit ako. I should focus on us, on you not on that issue." He looked at me with sincerity. My body almost shivered when he gently kissed my hand. "Ako dapat ang mag-apologize sa 'yo. I'm sorry."
"Wala ka namang kasalanan." Ngumiti ako. "In fact, I'm the one to blame here—"
He puts his index finger on my lips. "Shh. Huwag mong isipin 'yan, okay?" Napatango na lang ako. "Come, maganda rito."
I thought, he's still mad at me. Mabuti na lang at hindi na. Kung galit pa siya if ever, I'm sure, mahihirapan ako nito.
I smiled while looking on our intertwined hands. Dinala niya ako sa may mini farm doon. Maraming fruits ang nakatanim. May butterflies pa nga sa loob na parang na-trap sa may net.
"Aline, tikman mo 'to. Maraming fruits oh."
May inabot sa aking isang hindi familiar na fruit si Chance. I hesitated to take it but he told me that it is clean. I laughed with his explanation.
Halos lahat ng tanim doon ay tinikman namin. Lahat ay puro fruits. They're all sweets.
"I wish to have a farm like this." Ngumiti si Chance habang tumitingin sa paligid ng farm. "Daming tanim oh. Ayos din naman kasi rito sa Tagaytay magtanim eh."
"Kaninong farm ba 'to?" tanong ko sa kaniya habang lumilibot pa kami sa loob.
Ngumisi siya. "Actually, hindi ko alam."
"What, seriously?"
"May tao ba diyan?!" Nanlaki ang mata ko nang may marinig na boses ng matanda.
Hinila kaagad ako ni Chance palayo roon. Mabilis ang pagtakbo namin para makalayo lang doon. Chance is laughing while I'm nervous. I hope we don't get caught! Marami pa naman kaming nakaing prutas sa loob ni Chance!
Tumatakbo pa rin kami nang hawak-hawak niya pa rin ang kamay ko. Tumigil kami sa may tapat ng isang abandoned mansion na malapit na sa may burol kanina.
"Grabe, nakakapagod!" Tumatawa pa rin si Chance.
Sumisilip pa ako sa likod namin at baka nasundan kami ng may ari yata ng farm. Kinabahan ako ro'n.
"You're crazy, akala ko kilala mo 'yong may ari ng farm kaya pumasok tayo!" sabi ko sa kaniya.
He grinned. "Akala ko rin eh."
Pumasok siya sa loob ng mansion. Nanlaki ang mata ko sa ginawa na naman niya. That's trespassing again!
"Chance, lumabas ka diyan!" I hurriedly told him. "Baka nandito 'yong may ari, lagot tayo!"
He's not listening to me. Ngumingisi-ngisi lang siya habang naglalakad pa rin sa loob. Lumingon ako sa paligid at baka may makakita sa amin. Wala na akong nagawa kundi pumasok nang pumunta pa si Chance sa second floor ng bahay.
"Hey!"
Medyo nakakatakot sa loob dahil wala masyadong ilaw. Lumang-luma ang bahay na 'to. Mukhang pinabayaan na at wala nang nakatira. I looked for Chance on every room but I didn't see him.
Madilim talaga sa loob, halos kakaunti lang ang light na pumapasok. Hindi ko pa rin mahanap si Chance pero nakarinig ako ng isang instrumental music from somewhere. I followed the sound and that lead me to the last room. I found Chance there.
"Chance, umalis na tayo rito—"
"This is used to be our house before," biglang sabi ni Chance. He's not looking at me. He's facing the window while sitting on the bed. "Dito kami nina Dad at Lolo nakatira pero simula no'ng umalis si Dad papuntang US, napabayaan na 'to. Ito pa ang bahay nina Dad before mawala ang Mommy ko." This time, lumingon siya sa akin. "I miss them, Aline."
Lumapit ako sa kaniya at tinapik ang balikat niya para naman kumalma siya. I didn't know that he has this side.
"May bahay pala kayo rito sa Tagaytay, I didn't know.."
He just nodded on me. Tumayo siya at may inayos sa may table, doon pala nanggagaling ang sounds. Antique na 'yon. Lumang-luma nang tingnan. Nagsindi pa siya ng maliit na kandila ro'n.
"Can we dance together?" tanong niya.
Lumapit siya sa akin at kinuha ang kamay ko para hawakan. He's also holding my waist with his cold hands, I could feel it through this uniform I'm wearing.
I awkwardly smiled. "H—Hindi ako marunong."
"Don't worry, nandito lang ako. I'll teach you."
We started swaying slowly while the music is playing. Na-r-relax ako sa ginagawa namin. Mabagal lang ang pagsayaw. He isn't smiling but I feel that he's happy so am I.
"I'm sorry about what happened last time. I was mad and I didn't listen to your explanations," sabi niya. "Nainis lang talaga ako and yeah, I was jealous on Sam. Halos lagi mo kasi yata siyang kasama."
Ngumiti ako. "Ano ka ba? There's nothing to worry about Sam and I. Magkaibigan lang naman kami no'n."
"Well, doon din naman tayo nagsimula."
Hinampas ko nang mahina ang braso niya. We both laughed after that.
"Pero seryoso, baka ligawan ka no'ng gagong 'yon." He sighed. "Ang bait mo pa naman, matalino," sabi niya at ngumiti. Nailang ako nang titigan niya ako sa mukha. "And of course, maganda."
"Bolero." I laughed to hide the awkwardness.
"I'm not."
He come near me while we're still dancing there. Lumapit siya sa akin nang lumapit. Nakatitig siya sa akin. Ang bilis na ng heart beat ko sa ginagawa niya. My heart almost melt when he kissed my forehead. Akala ko ay kung ano ang gagawin niya. Ngumiti pa siya sa akin.
"Ano'ng iniisip mo?" tanong niya bigla.
"Wala."
Hindi pa rin ako maka-move on sa ginawa niya. Halos matulala ako.
"Wala?" Tumawa siya nang kaunti. "Puwede ba 'yon?"
"Oo naman. Everytime that I'm with you, there's nothing to worry or to think about. I feel safe with you, Chance."
Napapikit ako matapos sabihin 'yon at halos gusto ko nang magpalamon sa lupa. Hindi ko alam kung saan nanggaling 'yon at bakit ko nasabi.
Nagulat ako nang yakapin niya pa ako. Nanigas ako sa kinatatayuan. Iniisip ko pa kung ano ang gagawin ko. Baka magkamali na naman ako.
"Yes, you are. You are safe with me, Aline."
After he said that, I didn't hesitate to hug him back. Chance is where I belong to. He's my safest place.
——
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top