Chapter 2

Chapter 2

May program sa school ngayon. Our club is the one that's assigned on decorating the whole court. Mia is also one of the members. Naiwan si Carlos sa room, nagdadabog dahil hindi siya nasama. Palibhasa, hindi naman siya member ng club namin.

Nagpapalobo si Mia ng balloons nang bigla niya akong tinawag. She even threw some papers to me.

"What?" tanong ko.

Nagdidikit kami ng posters nina Alexander, one of the members too. Maraming busy pero nangungulit lang si Mia sa akin. Buti na nga't hindi pinapagalitan ni President.

"Nandiyan na admirer mo," Mia whispered and even chuckled.

My forehead crinkled with what she said. Nilingon ko ang likod at mas lalong nangunot ang noo ko nang makita ko si Elijah na may dalang paper bag.

Tinulak ako ni Mia papunta kay Elijah. Halos matumba kaming dalawa sa may stage dahil sa ginawa niya. She laughed so hard while walking towards our President.

Just please remind me to ignore Mia the whole time.

Elijah and I are so close to each other right now. To the point that I could even smell his scent. Hindi naman siya makatingin sa akin.

"Ah for you nga pala, Aline."

Saka pa lang siya tumingin nang ibigay niya sa akin ang paper bag. Kinuha ko 'yon sa kaniya at tiningnan ang laman.

My guilt is now slowly eating me. Noong nakaraan ay nagbigay siya sa akin ng bulaklak but I just gave it to Mia and didn't even appreciate it. At ngayon ay magbibigay pa uli siya, guilty-ng guilty ako!

"Para saan 'to?" nahihiya kong tanong. "It's not even my birthday today, Elijah.."

Patingin-tingin lang siya sa paligid. He seems so uneasy na hindi man lang siya makatingin sa akin.

"B-Basta sa 'yo 'yan. Sige, una na ako ha?" sabi ni Elijah at umalis.

Tinitigan ko ang paper bag na binigay niya. Tumaas ang kilay ko at tinanaw si Elijah. Weird. Lumapit naman kaagad sa akin si Mia at naki-tsismis. Siya pa ang unang bumukas ng paper bag.

"Wow, daming foods!" Nanlalaki ang mata ni Mia at parang may glitters. Tuwang-tuwa siya habang na-w-weird-an pa rin ako. "Grabe, sis! Haba ng hair, ah?"

Tiningnan ko ang ibinigay ni Elijah. Mia's right, marami ngang foods. Mostly, sa fast food chain nanggaling. Na-appreciate ko pero it's just... it's seems weird for me na nagpapakita na siya ng motibo or I don't know if he's just generous.

Elijah's from the other section pero nasa circle of friends siya ni Carlos. Sporty 'yon at palaging nangunguna sa school competitions when it comes to sports. Kaya nga nagtataka ako na napansin niya pa ako. Yes, we're on the top section but it's impossible for him to notice me. I'm nothing compared on his popularity on our school. Well, my schoolmates think that I'm some sort of nerd and somewhat snob. Kaya impossible talaga na ligawan ako nitong si Elijah katulad ng sinasabi nina Mia.

I'm not even sure if he really likes me or not.

"'Oy pahingi!" sabi ni Mia habang hawak-hawak ang isang box ng chocolate.

Tumango naman kaagad ako. "Sa 'yo na 'yan lahat. I'm not hungry."

"Buang ka, sayang 'to!" Mas lalong nanlaki ang mata ni Mia. "Saka ayaw mo ba? Sayang pera no'ng tao, baliw!"

I sighed.

Na-guilty ako bigla, kumuha lang ako ng isang cheeseburger at binalik ang paper bag sa kaniya.

"'Yan lang sa 'yo?"

"Yeah, ibigay mo na lang kina Alexander 'yong iba. Marami naman 'yan," sabi ko at kumagat sa burger.

"Okay, ikaw bahala."

Nakangiti si Mia habang papunta kina Amy at Alexander. Nagkagulo naman kaagad sila at inasar-asar pa ako.

"Haba talaga ng hair mo, Aline!" sigaw nina Amy na hawak ang chocolates.

"Jowain mo na 'yon, 'oy!"

I awkwardly smiled at them. Hindi ko rin naman alam ang isasagot ko sa kanila. Kumain na lang muna ako sa gilid. Wala pa talaga sa isip ko ang pumasok sa relationship. Bata pa naman ako. Isa pa, I need to focus on my studies lalo na't graduating na ako.

Nag-focus na lang muna kami nina Mia or ako lang sa pagdidikit ng iba pang decorations. Kumakain lang kasi sa gilid si Mia na inaasar pa ako.

Finally, after a few minutes, natapos na rin kami. Pinag-break muna kami ni President for 1 hour, after that, babalik ulit kami para mag-start na ang program.

Kinakain pa rin nila ang mga binigay sa akin ni Elijah. I don't know pero na-guilty talaga ako pero baka naman kasi iba ang isipin nina Mia kapag tinanggap ko lahat? I sighed, ewan ko lang.

Iniwan ko muna sila sa bench at pumunta sa coffee shop sa labas. I ordered cinnamon roll and frappe. Nagutom ako bigla kahit kumain naman ako. Ibibigay ko na sana ang bayad pero nagulat ako nang may maglapag ng bill sa harap ko.

"Isa na ring latte, miss."

"Coming, sir, ma'am. Will serve within a few minutes," sabi ng babaeng crew.

Nakatingin lang ako sa lalaking nasa harapan ko nang bigla siyang ngumiti sa akin. "Hi, Aline Gail."

"W-What are you doing here?"

"Obviously, nandito ako para mag-order. Nilibre na rin kita."

Natulala ako kay Chance Gomez. He's wearing his uniform pero may dalang bag. Ang alam ko, kami lang ang pwedeng makalabas?

"Don't give me that look," he said after he laughed. "Don't worry, member din ako ng club."

Tumango naman ako sa kaniya. "Okay pero bakit mo naman ako nilibre, Kuya?"

"I told you, pambawi ko 'to. Tara, upo na tayo.."

"Uhm, sige."

Umupo siya sa tabing table niya for two. I sat few tables away from him. I'm a bit tensed and I don't know why.

"Oh hey, Aline!" tawag niya sa akin, tumingin naman ako sa kaniya. "Dito ka na, wala naman akong kasama."

Nag-hesitate pa ako no'ng una pero naupo naman ako sa harapan niya. I'm a very awkward person so I didn't know how to start a conversation lalo na sa kaniya. Medyo naiirita pa rin kasi ako.

"So, how are you? Hindi naman ba sumasakit ang ulo mo?" he asked while tapping the table with his finger.

Binaba ko muna ang bag ko sa tabi at umupo nang maayos bago sumagot sa kaniya. "Hindi naman na, wala na lang 'yon. Nevermind."

"Yeah, sure."

"Member ka rin pala ng club namin?" tanong ko.

"Uh yes, since last last year. Hindi mo lang siguro ako napapansin kasi hindi naman ako officer."

Tumango ako at ngumiti nang kaunti. "Oh, okay."

"Ikaw ba? Nasa higher section ka, right?" tanong niya. Tumango ako, medyo nahiya naman ako nang kaunti. "Classmate mo pala si Axion. We're so close before. Ewan ko anong nangyari ngayon. Focus siya sa studies eh."

Nagulat naman ako sa sinabi niya kahit sinabi naman na 'yob ni Ion.

"Close pala kayo ni Ion?"

"Hey, Chance!"

May mga grupo ng students ang bumati sa kaniya. Mostly girls. I saw him smiled at them and even waved his hand. Sikat din pala ito. Napaiwas na lang ako ng tingin at tumingin sa labas. May students din na nasa labas nitong coffee shop. Mahaba pa naman ang oras na binigay sa amin.

"Ano ulit 'yon, Aline?"

Nilingon ko naman siya nang magtanong. "Ah sabi ko, close pala kayo ni Ion."

"Yes, especially before. Okay naman ba siya ngayon?"

Dumating na ang order kaya inayos na muna namin. Binigay niya sa akin ang order ko habang iniinom niya ang kaniya.

Tumango naman ako. "Okay naman siya. Close din kami no'n. Oo nga pala, bayaran ko na lang 'to."

"Huh?" Iaabot ko na sana ang bill sa kaniya pero ibinalik din niya sa akin. "What? No, libre ko na 'yan sa 'yo, okay?"

"Pero nakakahiya, Kuya."

"'Wag ka nang mahiya, Aline. It's my treat," sabi niya at ngumiti. He looked at me and pinched my cheek. "Ang cute mo naman."

I stared at him for a while. Nagulat ako sa ginawa niya. Siya lang ang lalaking gumawa sa akin niyon! Binitawan naman kaagad niya ang pisngi ko nang makita niya ang reaction ko.

"S-Sorry, nasaktan ba kita?"

Umiling ako. "Uh no, medyo nagulat lang."

Tumunog ang bell sa pinto. Sabay kaming tumingin ni Chance. Pumasok si Ion na may dalang paper bag, 'yong kaninang binigay sa akin ni Elijah. Lumingon-lingon siya sa paligid hanggang sa makita niya ako.

"Aline." Tumingin siya sa akin pati kay Chance. Nangunot naman ang noo niya. Hindi ko mabasa ang reaction niya. "Oh Chance, ginagawa mo rito?"

Hindi sumagot si Chance dahil busy sa pag-inom. Tinaas lang niya ang latte na hawak. Bumaling naman sa akin si Ion.

"Ano pala 'yon, Ion?" I asked on him.

Tiningnan niya ang paper bag at ibinigay sa akin. "Mia went on our room, ibigay ko raw sa 'yo kasi bibili sila ng materials. Kaunti lang daw ang kinain mo kanina so pinapunta ako rito."

"Ay okay, thanks." Ngumiti ako. "Buti nakalabas ka? Are you allowed?"

Pinakita niya sa akin ang ID ni Mia. "Sige na, got to go. Binigay ko lang talaga sa 'yo 'yan." Tinapik naman niya sa balikat si Chance. "Una na ako, bro."

"Sige, ingat, Axion." Sabay silang tumawang dalawa hanggang sa lumabas na si Ion.

I turned my gaze on Ion who's still looking at me. Pabalik-balik ang tingin niya sa akin at kay Chance Gomez. I want to laugh but I would be weird if ever, kaya hindi na lang. Nang makita niyang nakatingin ako sa kaniya, tumango lang siya saka tumakbo na papasok ng school.

"Is there a prob?"

Napatingin ako kay Chance na nilalaro ang latte sa kamay niya. I just shook my head and smiled a bit.

Nang makaramdam na ako ng awkwardness ay tumayo na ako.

"Una na pala ako, tutulong muna ako sa pag-decorate do'n."

"Hindi ka pa tapos diyan, oh," sabi niya at inginuso ang order ko. "Ubusin mo na muna. Kaya naman 'yon nina Emman."

Tumingin ako sa order ko, halos hindi ko pa nababawasan ang cinnamon roll ko. Biglang ayaw ko nang kumain.

"Busog naman na ako eh."

"Not obvious though. You look so thin." Tumawa pa siya.

I blinked with what he said but I just ignored it. Hindi naman ako ganoon kapayat. I'm a bit offended.

"Sige, una na ako. Thanks pala rito, Kuya ha?"

"Welcome. See you, sunod ako mamaya."

Ngumiti pa siya sa akin kaya ganoon din ang ginawa ko. Good thing na naka-ready for take out ang in-order ko. Hindi na ako mahihirapan.

When I entered the school, the program is about to start. Nandoon na rin sina Mia. Nakakabit na lahat ng balloons, stickers and posters. The program isn't even educational but our school made sure that we're prepared for the guests.

Hindi ko lang alam kung sinong guests 'yon. But I'm pretty sure that they're important. They better be.

Bumaba na ang ibang students from their buildings. Mabuti na lang at naayos na nina Mia ang pila kaya hindi masyadong magulo pagkababa nila.

Umingay na nang mag-start ang program. Nandito pala ang Benjamints, sikat na band 'yon ngayon. May iba pang artist na nandito, kaya pala todo lagay ng decors dito sa stage.

"I love you, Kelvin!"

"Shaun, oh my God!"

"Anakan n'yo ako!"

"We love you, Benjamints!"

A lot of girls are shouting even the guys, nakiki-cheer. My lips twitched when I saw Mia that is also shouting for the band. Marami rin pala silang fans dito sa school. I'm not going to disagree. They have talents and of course, looks. Paanong hindi sila sasambahin? Full package na sila para sa isang idol!

Pumunta muna ako sa area nina Mia dahil sobrang ingay roon sa area na pinagbabantayan ko. Inakbayan niya kaagad ako pagkalapit ko sa kaniya.

"Pogi ni Sam oh," bungad ni Mia at tumili pa.

"Sino 'yon?"

"What? Hindi mo kilala?" Umiling naman ako. "Ayon oh, 'yong malaki biceps. Crush ko 'yan eh, pogi pero lahat naman sila pogi."

Tiningnan ko 'yong itinuro ni Mia. Pogi nga pero masyadong matangkad at malaki ang katawan. Hindi ko na lang masyadong tiningnan, baka kung ano pang isipin nitong si Mia.

"Akala ko ba si Bonnie lang?" I asked her and laughed.

"Loyal ako sa sampo! Shh, mag-start na sila."

Tumawa pa ako at hindi na lang kumibo nang magsimula na silang tumugtog. In fairness, masarap sa tainga ang music nila. It's somehow relaxing on my ears.

Mabilis na natapos ang program. I was enjoying so I didn't notice the time. Nakakabitin tuloy ang kanilang performance. Magliligpit na kaagad kami ng decors kasi may meeting ang teachers tomorrow. Inaalis namin ang stickers nang bigla akong tawagin ni kuya Emman, ang president ng club namin.

"Paki-check muna 'yong extension sa back stage. Hindi kasi mautusan mga 'to eh."

Tumango ako sa kaniya. "Sige po, Kuya."

"Ibigay mo na rin 'to sa Benjamints, naiwan nila. Nasa back stage din. Thank you," he said and smiled.

He gave me the sunglasses. Nakita ko 'to kanina sa guy na Sam yata 'yon.

Pumunta ako sa back stage at hinanap 'yong sinasabi ni kuya Emman na extension. Halos naikot ko na lahat sa back stage pero wala akong makita. Lumingon ako sa kabilang part, may narinig akong ingay kaya dahan-dahan kong binuksan ang pinto.

I was shocked when I saw the extension. Nalulunod 'yon sa tubig! Mabilis ko 'yong kinuha kahit nanginginig ang kamay ko. It isn't safe anymore at anytime ay pwedeng sumabog. Pawis na pawis ako habang nililinis ang sahig pero mas nagulat ako nang makita ang madilim na part nitong room.

I saw a guy with a girl. They're kissing each other's lips. Kita ko pang naka-unbutton ang blouse ng babae habang nasa kandungan siya ng lalaki. I became shocked even more when I realized that it was Sam from Benjamints! Napansin nila ako at nakita ko 'yong Sam.

"Fuck!" sigaw no'ng Sam.

Kinabahan naman ako. "S-Sorry."

Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko. Narinig kong pinaalis no'ng Sam 'yong babae. Inis na tumingin ngayon sa akin 'yong Sam.

"What now? The hell, you disturbed us!"

Halos sabunutan niya ang buhok sa inis. Nanlumo naman ako.

"I-Ibibigay ko lang sana 'tong ano, sunglasses mo."

Iniabot ko sa kaniya ang sunglasses pero natigilan ako nang hindi na niya binitawan ang kamay ko.

"Ayaw ko talaga ng nabibitin ako.."

Nagulat pa ako nang hilahin niya ako papalapit sa kaniya. My heart beats fast. I'm so near and I can see his face and even smell his scent. If I were a fan, kanina pa ako kikiligin. Pero hindi nila ako fan kaya ako kinakabahan!

"E-Excuse me."

"Why did you disturb us?"

I saw how he smirked at me. Dahan-dahan siyang lumapit sa akin. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Hindi ko alam ang gagawin!

May biglang kumatok sa pinto. Pumiglas ako sa kaniya pero masyado siyang malakas para makaalis ako.

"Aline Gail?"

Natigilan ako nang may biglang tumawag sa akin. The voice was familiar to me. I just can't recognize it.

"Aline, nandiyan ka ba? Nasaan na raw extension sabi ni Emman?"

Nanlaki ang mata ko at sinubukang gumawa ng ingay pero tinakpan lang no'ng Sam ang bibig ko.

"H-Help—"

My hopes faded away when the noises were suddenly gone. Nanghina tuloy ako. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko nang umpisahan niya akong halikan sa may leeg. Impit akong napatili sa ginawa niya.

May kumatok pa nang ilang beses at gulat ako nang biglang pumasok si Chance sa loob. Nanlaki ang mata niya. Lalabas na sana siya pero mas nanlaki ang mga mata niya nang makita niya akong umiiyak.

"K-Kuya.."

Hinawakan niya sa kwelyo si Sam at hinarap. Nakita ko ang galit sa mga mata niya nang makita si Sam.

"Putangina, gago ka talaga, 'no?!"

I saw how he punched that Sam on his face many times. Napasinghap naman ako dahil doon.

"The fuck, Gomez!" sigaw ni Sam nang hindi na siya makatayo. "What the hell is your problem?"

"Wala akong problema, gago ka! Ikaw ang may problema!" sagot ni Chance at sinuntok pa ulit si Sam.

"K-Kuya, tama na!"

Tulo na nang tulo ang luha ko. Yes, may ginawang masama sa akin si Sam pero ang dami nang pasa sa mukha niya ngayon dahil sa mga suntok ni Chance.

"Shut up! Dapat turuan ng leksyon 'tong lalaking 'to!"

I tried to hold his arms but he just shoved it away. He was fuming mad. Kitang-kita ko 'yon dahil halos visible na ang mga ugat niya sa ulo.

"Stop it!" pigil ni Sam at sinangga ang braso niya. "Wala akong ginagawang masama. We're having fun here!"

Napatingin sa akin si Chance. Napailing na lang ako sa kaniya.

"Bobo mo, Sam! Gago ka, kilala kita!"

Susuntukin pa sana siya ni Chance pero pinigilan ko na. Nanginginig na ang mga kamay ni Chance at masyado siyang malakas.

"Putangina ka, magkita tayo sa office. Tingnan natin kung hindi ka mawala sa band!"

"Fuck you, Gomez!"

Hinila ko na si Chance dahil susuntukin na naman niya si Sam. Pagdating sa labas, siya naman ang humila sa akin. Hindi ko alam kung saan niya ako dadalhin. He didn't even speak.

Maraming nakatingin sa amin kaya napapayuko na lang ako. Hila-hila lang ako ni Chance hanggang sa marating namin ang office.

Office?

"A-Anong ginagawa natin dito?" tanong ko sa kaniya.

Still, he didn't speak. Pinahid ko ang mga luha nang pumasok kami sa loob. Sinalubong kami ng malamig na aircon. Wala masyadong tao dahil lunch break yata ng staffs.

"Just wait there."

Pinaupo niya ako sa may couch habang pumunta pa siya sa main office. Hindi ko alam kung anong gusto niyang mangyari.

Halos blanko na ang isip ko sa nangyari. Nanginginig din ang mga kamay ko. It's traumatizing. Ngayon lang nangyari sa buong buhay ko 'yon. I can still feel how he forcefully kissed me on my neck. Gusto kong pandirihan ang sarili ko sa nangyari.

Naiiyak ako pero halos wala nang luha na lumalabas sa mga mata ko.

I didn't know why it gets to that point. Wala naman akong nagawa sa kaniya but then Sam was that aggressive. Sana pala ay hindi ko na lang sila pinansin.

I clenched my fist. Galit ako sa ginawa niya pero mas galit ako sa sarili ko. I just let him to do that to me. Hindi ko gustong mangyari 'yon pero nandoon na. Nangyari na. The damage has been done already at wala man lang akong nagawa.

Maybe, I'm just too weak.

Napatingin ako sa labas at doon na ako napaiyak. Pinunasan ko ang luha ko nang makita kong pabalik na si Chance.

Napatayo ako. "Anong ginawa mo ro'n?"

Sumandal siya sa pader na katapat ko at huminga nang malalim. Hindi siya tumingin sa akin.

"I told Dean about what happened. Gago 'yong Sam na 'yon eh."

"A-Ano?" tanong ko. "You should've let it pass! Dapat hinayaan mo na lang. Malaking gulo 'to for—"

"What, Aline?" Doon ay nakuha ko ang atensyon niya. He stared at me directly. "Gusto mong hayaan ko lang 'yong nangyari? Really?"

I just nodded my head few times. Halos suntukin na niya ang pader dahil nanginginig pa rin ang mga kamay niya.

"I'm the witness here, hindi kakayanin ng konsensya kong pabayaan lang ang nangyari!"

"Pero.."

"At talagang magiging malaking gulo 'to!"

Lumabas siya sa office. Sinundan ko naman siya.

"H-Hindi mo pa rin dapat ginawa 'yon."

Humarap siya sa akin. Galit ang sumalubong sa akin.

"Bakit?" nagtatakang tanong niya. "Totoo ba 'yong sinabi ni Sam? Ayaw mo bang sabihin ko kasi nag-enjoy ka sa ginawa niya? Nabitin ka ba ha, Aline?"

Natulala ako sa mga sinabi niya. Tinitigan ko lang siya hanggang sa ma-realize ko ang mga sinabi niya.

Nanginig bigla ang kamay ko kaya sinampal ko siya.

"How could you?!" sigaw ko sa kaniya.

"Wala ka sa position ko kaya ganiyan ang mga sinasabi mo, Chance Gomez! Ayaw ko malaman ng parents ko about this kasi ayaw kong mag-alala sila! Hindi mo alam kung gaano ako natakot sa nangyari bilang isang babae then ito ang sasabihin mo, kuya?!"

Nakita ko namang nagulat siya sa ginawa ko. I slapped him hard but I don't feel any guilt right now.

"Kaya nga sinabi ko kay Dean para magawan ng action 'yong ginawa niya," sabi niya. "God, he almost raped you at gusto mo pang hayaan na lang 'yon?"

Wala na akong masabi dahil naglalaro ang emotions sa puso ko. Tulo nang tulo ang mga luha ko at gusto ko pa siyang sampalin ngayon.

"Shut up!"

I left him after I said that. He called me few times but I didn't look back anymore. Naiinis ako. Sobra akong naiinis at naiiyak!

I didn't know na ganoon pala ang maaari niyang isipin sa akin.

--

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top