Chapter 19
Chapter 19
"Merry Christmas," rinig ko pang sabi ni Chance.
Hindi ko siya masyadong pinansin dahil mabilis ang tibok ng puso ko.
My eyes widened when my parents saw me. Napatayo sila kaagad. Nakakunot ang mga noo. "Aline!"
Lumapit sila sa akin. Naninigas ako sa kinatatayuan. Para ding na-stiff neck. Hindi makalingon sa iba. Kinakabahan ako.
"You're late but it's fine." Nakita kong ngumiti si Mama sa akin. Mas lalo pa akong kinabahan nang tumingin sila kay Chance. "Join us, hijo."
I looked at Chance who's now smiling at my parents. My forehead creased even more. Hindi na sana ako maglalakad papunta sa table kung hindi ako niyaya ni Chance.
Nagtataka ako nang makaupo. Nakangiti si Mama while my dad is just there, sitting. Wala ba silang sasabihin?
Pabilog ang malaking lamesa. Katabi ko si Chance at sa kabila naman, si Nigel. Sa harapan namin ang parents ko. They ordered already. A lot of foods are here. Nagtaka pa akong hindi kami sa bahay nag-celebrate.
"Ate, you're not touching your foods, ah?" puna ni Mama sa akin.
Kinabahan na naman ako kaya instead na kumain, nagtanong ako, "h-hindi po ba kayo nagagalit?"
Tumingin ako kay Chance na tahimik na kumakain sa tabi ko. Sana naman hindi talaga 'to lasing. Nakita ko pang nangunot ang noo nina Mama sa akin.
"Huh? Bakit naman kami magagalit?" sabi niya pagkatapos subuan si Nigel. "May ginawa ba kayong masama ni Chance? Don't tell me, magkakaroon na kami ng apo ni Papa mo?!"
"No, 'Ma," sabi ko. Kumunot na naman ang noo ko. Gulong-gulo na ako. "C—Chance? Wait, I don't understand."
Narinig kong tumikhim si Papa. Napatingin ako sa kaniya. "Nagpaalam siya sa amin na liligawan ka niya."
My eyes widened and looked at Chance. He's smiling a bit while chewing.
"You did what?"
"Nagpaalam muna ako sa parents mo—" Tumingin siya kina Mama. "—bago kita ligawan." He even shrugged his shoulders.
"Ate." Kinalabit naman ako ni Nigel sa tabi ko. "I like him. He's cool!"
Napanganga ako sa kanila. "So ako na lang ang walang alam?"
Bumagsak ang balikat ko nang makitang tumango sila sabay-sabay. I felt betrayed. Hindi ako makatingin kina Chance. Napasubo ako sa mga pagkain sa harapan.
"So, saan kayo nagpunta ng anak ko, hijo? Chance?"
Kinabahan ako sa boses ni Papa. I didn't look at them but I saw how Chance looked at me on my peripheral vision. Napalunok ako bigla.
"Sa may bay walk lang po at mall, sir," sagot naman ni Chance.
"Okay," sabi ni Papa. "My Aline's already on her legal age but she knows her limits." Tumingin sa akin si Papa at kay Chance. "I hope you know yours too."
Nakita kong tumango si Chance. "Of course po, I know my limitations."
Hinawakan ni Mama ang kamay ni Papa sa ibabaw ng lamesa. Tahimik namang kumakain si Nigel sa tabi namin.
"How old are you?" tanong pa ni Mama kay Chance.
"I'm 19, madam. Senior high school." Chance smiled.
Tumawa si Mama. "Too formal, ah? Just call me Tita. Kapag sinagot ka naman ng anak ko eh ganoon na rin 'yon."
They laughed with that. Kami lang ni Nigel ang hindi natawa. Para akong na-out of place. Hindi nila ako pinapansin.
"'Nga pala, where's your family?" tanong na naman ni Mama. "Hindi ka ba nag-c-celebrate with them?"
Umiling si Chance. "Wala na po si Mommy while my dad's on the US of A. Nasa South naman po ang lolo ko. Ako lang po madalas ang nag-c-celebrate."
Napayuko si Chance doon at tinuloy ang kinakain. I looked away when he caught me staring at him.
"I'm sorry to hear that," sabi ni Mama. "If that's the case, you can join us, right 'hal?" Tumingin pa siya kay Papa. "Minsan lang naman ang holidays."
Papa nodded and smiled. "Of course, pwede naman."
"N—No!"
Sabay-sabay silang napatingin sa akin nang magsalita ako. Tumawa pa si Mama.
"You're here pala?" She laughed. "Oh bakit naman, 'nak? Don't be rude, okay? Minsan lang naman 'to."
"Tama naman ang mama mo, Aline. Okay lang naman sa amin," sagot ni Papa.
I sighed and looked at Chance. "Baka po he's busy for this holiday eh? I'm sure, he needs time for his self."
"Sadly, yes po," Chance answered. Napatingin naman ako sa kaniya. "May gagawin po ako this holiday. Baka next time na lang. I heard from Aline you'll go to Florida. Time n'yo po 'yon sa family n'yo."
"Aw, okay but you can be with us if you want to, ah?"
Chance nodded and smiled. Napabuntong-hininga naman ako. This is more special than last year's Christmas celebration because we're with Chance. Hindi naman sa ayaw ko siyang makasama because of what I've said a while ago. I'm just thinking about his time. Syempre kailangan niya ring mapag-isa minsan. Nakakahiya na.
"It's late, sabay ka na sa amin pauwi, Chance," sabi ni Papa nang matapos kaming kumain sa restaurant.
"You can sleep sa amin. May room sa katabi ni Aline."
My mom laughed when I frowned. Lumabas na kami roon. Hawak-hawak ko ang kamay ni Nigel. May fireworks pa na nakikita ko sa labas. Ang lamig.
"Hindi na po, nakakahiya naman. Saka may motor din po ako," sagot naman ni Chance at ngumiti sa kanila.
"Alright." Tumango si Mama. Tumingin pa sa akin. "Ate, ihatid mo muna ang manliligaw mo. Akin na muna 'yang si Nigel."
"Hintayin ka na lang namin sa sasakyan."
I just nodded and looked at Chance. I smiled a bit when I met his gaze. Nag-init pa ang pisngi ko nang marinig ang asar nina Mama.
"They're cool," sabi ni Chance nang maglakad kami papunta sa motor niya.
Tumango ako. "Hindi mo naman sinabing nagpaalam ka kina Mama."
"Well, surprise!" He smirked.
"Na-surprise talaga ako, I didn't expect that," I told him and smiled. "Kinabahan ako kanina. Akala ko magagalit sila."
"Yeah, they're really cool. Sana all may parents. Akin kasi, iisa na nga lang — parang wala pa."
He even laughed maybe to hide the sadness within him.
I pity him with that. Niyakap ko ang sarili dahil sobrang lamig na. Wala masyadong tao sa labas. Busy for their celebration. I frowned when I already saw his motorcycle.
"Aalis na ako, Aline," he informed me.
I really hate saying goodbyes.
"Okay, mag-iingat ka sa pag-drive." I smiled. "Sure kang hindi ka na sasabay sa amin? Nakainom ka eh."
He shook his head and smirked. "Hindi na. I'm fine, malakas yata 'to." He even raised his one arm and tap it.
Natawa naman ako sa ginawa niya. "Sige na, late na rin eh. Ingat, ah?"
"Ay pinapaalis mo na 'ko, gano'n?"
We both laughed with that.
"Hindi naman, I'm just worried," I said and smiled. "Sige na, kailangan na rin naming umuwi. Nigel's sleepy na."
"Yeah, cute ng kapatid mo." Pinaandar na niya ang makina ng motor. Natigilan naman siya nang ikabit ko ang helmet sa ulo niya. "No doubts, this is the best Christmas for me."
He already left me after he said that. Pumasok na kaagad ako sa sasakyan nang makauwi na. Nang-asar pa si Mama bago pa kami umuwi.
"Akala ko talaga si Ion 'yong suitor mo eh. It turns out, Chance pala."
I just let her. I smiled while thinking Chance and our moments together earlier. He is really making me happy with or without efforts. Natutuwa ako.
--
Days have passed. Today is New Year already. Wala namang bago. Hindi rin naman kami nakapunta kina Lola sa Florida dahil may business trip si Papa kaagad after ng holiday.
While Chance is very consistent on courting me. Tinatawagan or tine-text niya ako kapag free time. Okay lang naman dahil wala na masyadong project na binigay sa amin for this holiday. Ginawa ko na last year pa.
Going back to Chance, kahit na holiday, he didn't stop on me. Hindi niya ako tinigilan. It's almost a month since he started courting me. He's patiently waiting and I admire him more for being patient. Hindi niya ako kinukulit na sagutin siya kaagad. Hindi siya katulad ng iba.
It's Chance Gomez who courts me. I should be proud. I'm proud. Kahit naman hindi siya popular like Eli, wala lang 'yon. Hindi naman ang popularity ang basis. Plus Chance is too ma-effort. Nakakahiya na nga sobra. Ilang beses na niya akong nilibre so I asked my mom to buy him a watch since I don't want to go outside. Natatakot ako sa fireworks. And of course, inasar na naman ako ni Mama.
"Hey, I already received your gift!" Chance told me when he called. "Ang ganda, sorry wala akong gift sa 'yo. Puwede naman na ba 'yong last time?"
I smile while talking. Niyakap ko pa ang unan sa tabi. "Grabe naman 'to, sobra-sobra na 'yong gift na 'yon, Chance. Thank you so much."
"Okay, okay. Thank you rin dito. Happy New Year, Aline. I wish I was there."
Nag-usap pa kami saglit bago ko pinatay ang tawag. Talking to him is killing me but not literally. Nangingiti ako palagi. Natutuwa ako sa kaniya.
Gusto niya pa ngang pumunta rito para makasama ako pero pupunta raw siya sa Batangas, kina Lolo niya. I understand but I want him to come over here, too. Nakakainis tuloy ang sarili ko dahil parang nangyayari na sa akin 'yong sinasabi nila, na na-f-fall na. I'm a bit scared. This feeling is new. A stranger inside me.
After few days, nagulat ako nang tumawag bigla si Akihiro. May number na pala siya sa akin.
"Aline, happy new year!"
"Merry Christmas!"
Maraming boses ang naririnig ko sa background. Natawa naman ako nang batiin din sila.
"Aline, kausapin ka raw ni Manager." boses ni Shaun.
"Akin na, kakausapin ko—"
"Hey, stop it. Ang gugulo ninyo." Natawa ako nang marinig ang boses ni Manager. "Hello, Aline. Sorry napatawag, I just want to tell you that your gallery is done already. Ribbon cutting na later. We'll fetch you again, okay?"
Napatayo naman ako sa gulat. "M—Manager, totoo po ba 'yan?"
"Of course, sorry for the short notice. Gusto kasi ng boys na i-surprise ka." Tumawa pa si Manager.
"Okay lang po. Thank you po, Manager. Thank you so much for this opportunity."
"This isn't possible without your talent, don't thank me. Sige na, I have to hang up. Mag-aayos na kami, ikaw rin."
Manager already ended up the call. Pumunta ako sa salamin. Nakabihis na kaagad ako. I looked a bit different from before. Minus the eyeglasses. Plus make ups. I'm different. I smiled while looking at myself on the mirror. This is my dream. Simula pa lang, bata pa lang ako, ito na ang pangarap ko.
I'm very happy.
Mabilis na dumating sina Manager para sunduin ako. Wala roon sina Mama at Nigel. Medyo nalungkot naman ako pero nalibang ako kina Akihiro.
Sa mall lang daw ang venue. Nandoon na rin malapit ang art gallery ko. It will be opened in public soon!
"I'm not prepared," nahihiya kong bulong sa katabi kong si Sam pagkababa pa lang namin.
He gave me a warm smile. "You can do it. We're here."
Tumango lang ako sa kaniya dahil marami nang tao roon. Manager Lee even smiled and congratulated me. Sumimangot na lang ako nang maalala na wala pala sina Mama.
"Okay ka lang?"
Nagulat ako nang biglang tumabi sa gilid ko si Shaun. He's wearing a semi formal outfit too just like the other members. I smiled and nodded.
"O—Okay lang." Ngumiti pa ako. "Medyo kinakabahan."
"Sasamahan ka naman ni Manager eh. Saka siya ang magugupit ng ribbon para sa 'yo, 'wag kang kabahan," singit naman ni Kelvin at kumindat sa akin.
They gave me a smile for assurance. Napahinga ako nang malalim at tumingin sa paligid. Wala talaga sina Mama. They should be here. They promised last time.
Nang mag-start na, bigla kong naisip si Chance.I hope he's proud of me. As much as I want to invite him here and tell everything about this, I can't. Baka magkagulo sila. Lalo na't hindi ko naman alam ang reason bakit sila magkakagalit, lalo na ni Sam.
I sighed when I saw Manager cut the ribbon. They congratulated me. Pinunasan ko muna ang mga kamay ko bago makipag-shake hands sa iba. I was conscious.
"Congratulations, Ms.—"
"Aline po, Aline." I smiled at Mr. Wilson. Natatandaan ko pa siya. Siya 'yong kausap ni Manager sa exhibit last time.
Pumasok na kami sa loob. Tuwang-tuwa sina Akihiro. Ilang beses pa akong binati. I was smiling ear to ear. Marami nang paintings ko ang nandito galing sa art exhibit. 'Yong portrait lang ni Chance ang nasa bahay.
I'm hesitating if I'll call him or not to come over here. Or I'll just ask how was his day. Sa huli, tumingin na lang ako ng paintings ko na naka-display. Nasa labas ang iba, umiinom ng wines.
Hinawakan ko isa-isa ang paintings ko. Ang sarap sa mata. Ang gaan sa pakiramdam. This is really one of my dreams, to have an art gallery like this. Because of Manager Lee and the boys, it comes true.
Nagulat ako nang may biglang kumalabit sa akin. Nanlaki ang mata ko nang makita si Nigel. He's holding a box.
"Nigel!" Yumuko ako para magtapat kami. Walang reaction ang kapatid ko. "What are you doing here? Ikaw lang mag-isa?"
"Kasama niya kami."
Nanlaki ang mata ko nang makita sina Mama at Papa. They're smiling at me. They looked proud. Niyakap kaagad nila ako.
"We're so proud of you, anak!" sabi ni Mama sa akin. She even kissed me on my cheeks.
"Akala ko, hindi kayo pupunta."
Pinunasan ni Mama ang luha sa mata ko. Hindi ko namalayang umiiyak na pala ako. We laughed when Nigel hugged my legs.
"Hindi naman pwede 'yon." Ngumiti sa akin si Papa. "Nigel, your gift?"
Yumuko ulit ako para kuhanin ang gift kay Nigel. He kissed me on my cheeks and even hugged me. Natawa naman ako.
"Actually, this is the reason why we didn't go to US this new year."
Napaangat ang tingin ko kay Papa. "P—Po?"
"Sinabi ko sa kanila, Aline." Pumasok si Manager at ang Benjamints sa loob. Sabay-sabay pa sila. May hawak pa na wine ang naka-red dress na si Manager Lee. "Surprise!"
Natawa naman ako at tumingin kina Papa. Tinanong ko pa sila kung anong sinabi nina Tita Angel about this. Akala ko busy talaga si Papa kaya hindi kami nakapuntang Florida, turns out because of this pala. I sighed.
There's an after party on the restaurant nearby. Kami-kami lang nina Manager at ng family ko. Walang reaction pa rin ang kapatid ko kahit nilalaro siya nina Akihiro.
"Ilang taon na si Nigel, Aline?" tanong ni Kelvin ang hawak ang pisngi ng kapatid ko.
"Turning 6."
Tumango siya at kinulit pa nila ang kapatid ko. Nasa malaking lamesa kami at katabi ko si Sam at Manager. Nag-uusap-usap sila. Intimidating din si Papa, same sila ni Manager.
"Your brother is cute, same as you."
Nagulat ako nang biglang bumulong sa tabi ko si Sam. Kanina pa siya tahimik, ngayon lang ulit ako kinausap.
Nag-init ang pisngi ko bigla. "Thanks."
Narinig kong tumikhim si Papa. Baka nakita niya na nagbubulungan kami rito. Napaayos ako ng upo nang dumating na ang order.
Nag-usap-usap lang sila after naming kumain. Halos mapatalon ako nang tumingin sa akin si Papa.
"I'll talk to my daughter for a minute," paalam niya kina Manager. Nag-aalalang tumingin si Mama sa amin.
Lumabas kami ni Papa. He's still wearing a black coat under his long sleeves. Kinabahan ako nang humarap siya sa akin.
"'Yong katabi mo kanina, what's his name?" tanong niya.
"S—Sam po. Bakit—"
Tumingin siya. "He's flirting you. Layuan mo siya. May manliligaw ka na, Aline. Pangit tingnan sa babae ang gano'n."
Napanganga ako sa sinasabi niya. Sam is flirting me?
Pasimple pa akong tumingin kay Sam na kumakain. "We're just friends, Papa.."
"Baka hindi gano'n ang tingin niya sa 'yo. Mag-usap kayo ni Chance."
Nagtataka akong napatingin sa kaniya. Umalis na kaagad si Papa. Nagulat naman ako nang makita si Chance sa likuran ko. He's blankly staring at me.
"K—Kanina ka pa ba diyan?"
"Enough to witness everything."
Kinabahan ako sa tono ng boses niya. Naglakad siya palayo sa akin kaya sinundan ko siya. Nakapamulsa siya habang naglalakad. Halos manginig naman ako sa kaba. I don't know why.
Gabi na pala. Halos yakapin ko na ang sarili ko sa sobrang lamig. I looked at Chance who's closing his eyes while walking. Napatalon ako sa gulat nang bigla siyang dumilat at tumingin sa akin.
"Manager mo pala si Manager Lee?" I slowly nodded my head as an answer. "Nakakasama mo pala ang Benjamints yet you didn't even bother to tell me about it."
"C—Chance—"
Tumingin siya sa akin at ngumisi. "Sa bagay, sino nga ba naman ako para pagsabihan mo, 'no?" He even laughed at me. "May Benjamints ka na oh, ano pa ba ako?"
"Chance, hindi gano'n," sabi ko sa kaniya.
Hindi na naman nag-s-sink kaagad sa akin ang mga sinasabi niya. I'm confused. I tried to hold his hand but he moved an inch away from me. My heart ached.
"Aline, alam mo naman sigurong magkaaway kami ni Sam 'di ba?" Tumango ako. "Eh bakit hindi mo pa rin sinabi?"
"A—Ayaw ko lang malaman mo kasi baka mas lalo pa kayong magkagulo. I don't want that to happen, Chance please..."
Tumingin lang siya sa akin at bumuntong-hininga. Lumapit ako sa kaniya nang kaunti. He's still staring at me. Nakasandal siya sa may poste.
"This is a big deal for me. I'm sorry but I'm disappointed."
Mabilis siyang naglakad palayo sa akin. "Chance, I'll explain first. Mag-usap muna tayo!"
Tumakbo ako papalapit sa kaniya pero masyado siyang mabilis. Sumakay na kaagad siya sa motor niya, naabutan ko pa.
"Mag-usap tayo, please?" I pleaded.
Tumingin siya sa akin at napapikit. Yayakapin sana niya ako pero lumayo kaagad siya. I heavily sighed while looking at him.
"I'm sorry, sasabihin ko naman sana sa 'yo. I'm just scared, Chance. I'm so sorry, mag-usap naman tayo oh."
Nakita kong sinabutan niya ang sarili. Mangiyak-ngiyak ako habang nakatingin sa kaniya.
He stared at me. "Sorry pero ayaw ko munang makipag-usap sa 'yo ngayon."
Nagmamadali akong lumapit sa kaniya nang paandarin na niya ang motor.
"Please, talk to me first. Mag-e-explain ako!"
I begged for the nth time for him to talk to me. Ayaw kong may nagagalit sa akin or what. Hindi ako makakatulog. Iisipin ko 'to nang iisipin.
"We'll talk again tomorrow. Aalis na ako."
Magsasalita pa sana ako pero iniwanan na talaga niya ako roon mag-isa. I sighed and tears are starting to roll down on my face. Napaupo ako sa tabi ng poste habang mahinang umiiyak.
Ayaw ko lang naman talagang magkagulo sila kaya hindi ko 'yon sinabi. I didn't know why it's big deal for Chance. Siguro nga, malala ang away nila kaya ganoon.
Tiningnan ko pa ang phone ko. I want to call him. I want to talk to Chance right now but he left me already. Napabuntong-hininga na lang ako.
Nang kumalma ako, tumingin ako sa paligid. Bakit ako nag-iisa rito?
I tried to go back to the restaurant but it's too dark. Kaunti lang naman ang ilaw dito plus malapit nang ma-low battery ang phone ko. Mas lalo lang akong naliligaw.
Nagulat na lang ako nang biglang may sumigaw sa likuran ko.
"Huli ka!"
Lilingon pa sana ako pero bigla akong nahilo at dumilim ang nasa paligid ko.
——
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top