Chapter 16

Chapter 16

My mind is still clouded with what happened earlier. Kaya nang magpaalam na si Chance sa akin after niya akong ihatid, halos ayaw ko nang umalis doon. Ilang beses ko pa siyang binati.

"It's really a happy birthday for me." Ngumiti pa siya.

Umalis na siya roon, pagkauwi ko. Tumawag naman kaagad sa akin si Manager Lee.

"Manager, hello?"

"Hello. I heard gusto mo raw sumama sa event ng Benjamints for this Christmas?" sabi niya.

Napaisip naman ako. 'Yon pala ang sinabi ni Sam last time. Humiga naman ako habang kausap siya.

"Yes po, Manager. Sam told me about that," sagot ko naman.

"That is cancelled, sorry," she announced. "But if you want to come, may event naman ang boys for this week. Actually tomorrow na 'yon. After a few days or weeks, baka next na ang gallery mo."

"Okay po, sige. Pupunta po ako."

"Alright, we'll fetch you tomorrow morning. Be prepared."

She ended the call. Na-excite naman ako dahil makikita ko ulit ang Benjamints mag-perform. Ang gagaling kasi talaga. Best band for me.

Maaga naman kaagad ako natulog kahit Friday naman. Pero nagulat ako nang makita si Mama pagkagising ko — she's standing beside my bed.

"Ate, wake up. May bisita ka!"

"Huh?" I asked while rubbing my eyes.

"Bangon na muna. Mag-prepare ka rin, they're waiting for you," sabi niya pa.

She already closed the door. Hindi na ako nakasagot. Sumilip ako sa baba, nagulat naman ako nang makita ang Benjamints, together with Manager. I hurriedly composed myself.

Nag-mouth wash pa ako. Nahihiya ako sa kanila. I'm not confident enough. I don't trust my morning face. Alam kong susunduin nila ako nang maaga pero I didn't know na ganito kaaga!

"Good morning," bati kaagad ni Akihiro nang makababa ako.

Binati naman kaagad ako ng Benjamints. Nahihiya akong napangiti sa kanila. Nakaupo na sila sa may couch namin doon.

"M—Morning." I smiled. Napatingin naman ako kay Manager. "Manager, kain muna kayo?"

"No, no. We already ate." Ngumiti pa siya. "We just came here to fetch you." Bumaling naman siya kay Mama na nakatingin lang sa kanila. "Madam?"

"Ah, o—of course."

Manager nodded and smiled. "Alright, compose yourself first, Aline. We'll wait you inside the car."

Tumango naman ako sa kaniya. Pumunta muna sila sa loob ng sasakyan. Nakita ko pang ngumiti sa akin sina Sam bago pumasok sa loob.

"They're intimidating, grabe! Lalo na 'yong Manager mo," sabi kaagad ni Mama nang umalis sila.

"Yes po, 'Ma," I agreed. "Kapag kasama ko sila, halos hindi ako makapagsalita."

Tumawa naman siya habang sinusuklay ang buhok ko. "Ako rin kanina. Sige na, hurry up. Magbihis ka na. Take care, ah?"

I gave her a peck on her cheeks. Dali-dali akong nagbihis dahil naghihintay na sila. Nagpaalam na kaagad ako kay Mama.

"I love you, ate. Ingat!"

I just smiled at her dahil nasa loob na ako ng sasakyan nila. Hinatid niya pa ako roon.

"Cool din ng Mommy mo, ah?" sabi naman ni Akihiro.

"Oo nga, kainggit. Na-m-miss ko na tuloy si Mommy ko," singit naman ni Kelvin.

Lumingon ako sa kanila at ngumiti. "Cool din naman siguro ang inyo eh."

"Yeah." Akihiro nodded. "'Yong nanay-nanayan naman namin dito, ang sungit-sungit!"

"What are you saying, Aki?" Tumingin pa si Manager kay Akihiro. "Gusto mong palabasin kita rito?"

"I told you," bulong naman ni Akihiro sa tabi ko.

Ganito ang laging scene sa loob ng sasakyan. Magkukuwentuhan for a while. Mang-aasar si Akihiro at bigla nang tatahimik. I thought Sam will talk to me but he didn't. Nakapagtataka na hindi niya ako kinausap sa buong biyahe dahil siguro hindi naman kami magkatabi sa upuan. Nasa tabi siya ni Zidge ngayon. They're talking.

After almost an hour of waiting, we finally arrived. Magtatanong pa sana ako pero inunahan na ako si Sam.

"We're in Tagaytay," he told me. "Mini concert plus photoshooting."

"Wow, seryoso?" tanong ko naman.

"Yes.."

Tumango naman siya sa akin. Inalalayan niya akong bumaba. My eyes widened while scanning the area. May naka-set up na roon. Nakakalula ang ganda. Doon yata sila mag-p-photoshoot.

"Ang ganda!" sabi ko pa.

I saw Sam nodded and smiled. "Yeah. Just wait there for a while."

Tumingin naman ako sa kanila habang nag-p-prepare na for their photoshoot. Nag-picture muna ako ng trees doon dahil magaganda plus the scenery. Minsan lang kasi kami mag-out of town dahil busy sina Mama.

Nagulat ako nang maya-maya, nag-chat sa akin si Chance sa Messenger.

Chance

Hi, miss.
Where you at?

I smiled when I saw his chat. Naupo naman ako sa may wooden chair doon.

Me

hello, nasa tabi-tabi lang ako.

Chance

Hindi ko alam yang tabi-tabi na yan
Baka nasa Mars yan ah? Hahahahaha

Me

no, don't worry
but I'm an alien loool

Chance

Wow, a pretty alien
Aline = Alien
Hahahahha

Me

haha funny
sige na, I'm kinda busy e

Chance

Oh busy pala hahaha sorry
Okay, have a good day
Baby

I hid my smile. Napatingin pa ako sa paligid ko kung may nakatingin. Nagpaalam na ako kay Chance after that. Mag-s-start na raw kasi ang concert ng Benjamints.

Naglakad lang kami dahil malapit lang naman. Nasa open area 'yon at may kalakihan. It's fine for a mini concert.

"You don't have to worry for your ticket. You're VIP," biglang sabi ni Sam sa tabi ko. Inaalalayan niya ako papasok doon.

I smiled. "Thanks. Makakanood din ako ng concert n'yo!"

Tumango lang siya at ngumiti dahil pinapaayos na sila ni Manager. Busy rin si Manager sa kanila.

"Enjoy watching, Aline," sabi ni Manager, ngumiti pa.

"I will surely enjoy po."

She smiled and left me there. Nasa may unahan ako dahil wala pa namang manonood. Nakapila pa lang. Mini concert lang nila 'to pero marami na kaagad ang fans nila na nandito what more if concert na talaga?

After a few minutes, their performance has started. Tumatalon-talon pa ang mga katabi ko. Sumisigaw pa sila.

"I love you, Benjamints!"

I smiled. Bigla akong naging fan girl na naman. Halos makisigaw na rin ako sa ibang fans na nandito. Napangiti pa ako lalo nang tumingin sina Sam sa akin.

"Reach for your heart,
Singing out
Barely breathing
Couldn't figure out
But I know, you'll be mine
You'll be mine.."

I'm smiling while watching them. Nakakatuwa talaga silang panoorin. Kung wala lang akong ibang gusto, may magugustuhan na ako isa sa kanila and I think, that would be Shaun? Ang cool niya kasi. Tahimik lang pero alam mong mabait.

Matagal pa ang naging performance nila. Nakatayo lang kami pero hindi naman nakakapagod. I really love their songs.

"Hey, can I steal you?"

Someone pulled my hands gently. Nagulat ako pero hindi ako makagalaw dahil hinihila ako nito. Napalingon ako sa Benjamints, hindi sila nakatingin, busy sa pag-p-perform.

"S—Sino ka?"

The feeling of his touch is familiar. I want to look at him but I can't. Maraming tao sa unahan. Nababangga pa kami.

Hila-hila lang niya ako hanggang sa makaalis kami roon. Nagulat naman ako nang makita ang naka-hoodie na si Chance.

"H—Hey," sabi ko. Nagtaka naman ako sa kaniya. "What are you doing here?"

He shrugged. "Para makasama ka?"

"Pa'no mo naman nalaman na nandito ako?"

"I tracked you," sabi niya at ipinakita ang phone.

Nanlaki naman ang mata ko sa kaniya. Seriously? "Is that even possible? Nakakagulat ka!"

"Well, possible 'yon. Nagawa ko nga eh." Tumawa pa siya. "I just stole you, gusto kitang makasama eh. Did I surprise you?"

"Sobra!"

"That's my purpose. Surprise!"

Ngumiti naman ako sa kaniya kahit nililingon ko ang stage. Baka hanapin nila ako. I just informed Manager that my stomach is hurting. Nakakahiya naman kasi.

"Nagkaayos na kami ni Lolo," he told me. Napatingin naman ako sa kaniya. "Ipakikilala kita sa kaniya. Let's go?"

Nagulat naman ako. Nakita ko pang ngumisi siya. "Huh? No, nakakahiya! Kinakabahan ako, Chance."

"It's fine saka mabait naman 'yon, promise." Ngumiti pa siya. "Gusto ka raw niyang makilala eh." He shrugged his shoulders.

"Sure ka diyan? I'm nervous..."

"Don't worry, I got you," he said and winked. "Nasa Batangas lang sina Lolo. Commute na lang tayo."

I just nodded my head although I'm a bit hesitant. Sumakay lang kami ng jeep at tricycle. After almost an hour, tumigil 'yon sa isang color blue na bahay. It was huge and beautiful!

"'Lo!" tawag ni Chance habang nasa gate na kami.

May lumapit naman doon na babae at ngumiti kay Chance. Pinagbuksan kami ng gate. "Nandito si Chance, 'Pa!" sabi niya. "Oh, buti umuwi ka? Belated happy birthday pala ah?"

"Thanks, biglaan lang," sabi naman ni Chance sa kaniya.

Pinapasok muna kami sa loob. Pinsan yata ni Chance 'yong kaninang babae. Maputi rin katulad niya. Matangkad. She even smiled at me.

Maganda ang loob, parang mansion pero simple lang. I roamed my eyes and smiled. Nangiti rin sa akin si Chance.

"Lolo, nandito na kami," Chance announced. Sumisilip pa siya sa loob.

Niyaya niya ako na pumunta sa may table doon. Pinaupo niya pa ako.

"Kinakabahan ako," I told him.

Ngumiti siya sa akin. I felt his hand touched my hands. He gently squeezed it. Gumaan naman ang pakiramdam ko kahit nahihiya ako sa paghawak niya.

Maya-maya, dumating na ang lolo niya. Nag-bless si Chance kaya ganoon din ang ginawa ko.

"'Lo, si Aline po. Nililigawan ko," sabi ni Chance.

Nagulat naman ako sa sinabi ni Chance. He's really serious about it. Tumango lang ang lolo niya kaya lalo pa akong kinabahan. Umupo pa siya sa harapan namin.

"Kuhanin mo muna sa kusina 'yong niluto ko. Pumunta ka na rin sa kuwarto, kuhanin mo 'yong susi," utos naman niya.

Chance looked at me and smiled. Ayaw ko sanang magpaiwan pero nakakahiya naman. Ito ang perfect time para mag-earphones at gumamit ng phone para mawala ang awkwardness but that would be rude so no, thanks.

Narinig kong tumikhim ang lolo niya. "Nililigawan ka raw ng apo ko?"

"Opo. O—Okay lang ba 'yon sa inyo?"

Nakakakaba kasi, halos lahat ng drama series na napanood ko, ayaw sa kanila ng parents ng isa. Nakakatakot ang ganoon.

"Aba, oo naman. Ramdam ko namang mabait kang bata."

"Salamat po." Ngumiti ako.

"Kaya may ipapakiusap sana ako sa 'yo," sabi niya at sinabi sa akin ang gagawin.

Bigla naman akong kinabahan at napatingin kay Chance na pababa ng hagdan. He's smiling at me, widely. Binigay niya sa lolo niya ang iniutos. May pie pa siyang nilapag sa lamesa.

"Chance, apo," tawag ni Lolo sa kaniya. "Hindi mo siya pwedeng ligawan." Tumingin pa siya sa akin.

Natawa naman si Chance. "Bakit naman po, 'lo? May problema ba?"

"Wala naman." Umiling pa si Lolo. "Kaya nga lang, hindi pwede dahil magpinsan kayo."

Iniwas ko ang tingin kay Chance. Natawa pa siya.

"You can't fool me, Lolo! Hindi ko naman kamukha si Aline!"

I prevent myself from laughing at him. He even sat beside me kaya mas lalong gusto kong tumawa.

"Second cousin mo siya eh syempre. Aba, teka nga. Hindi ka ba naniniwala sa akin?" sabi pa ni Lolo. "Bawal kang manligaw sa pinsan mo!"

His forehead creased. Napatingin pa siya sa akin. Napaiwas naman ako. Ang hirap magpigil ng tawa.

"Sus, hindi 'yan totoo." Tumawa pa siya.

"Diyos ko, apo! Ang hirap mo talagang lokohin, ano?" sabi naman ng lolo niya at tumawa.

Umiling naman sa akin si Chance at ngumisi. "Prankster."

The supposed to be prank was a fail!

Natawa na lang ako. Pinakain na kami ng pie ni Lolo niya. Nahihiya pa ako dahil halos si Chance na ang magpakain sa akin.

"Ako na, hindi naman ako paralyzed," sabi ko naman sa kaniya.

Nahihiya kasi ako dahil nandiyan ang lolo niya. Mas lalong nakakahiya sa kaniya. Muntik na akong matawa nang maalala ang sinabi sa akin ng lolo niya kanina. I-prank daw namin si Chance na magpinsan kaming dalawa.

His grandpa's cool, I think.

Na-miss ko na tuloy sina Lola. Nasa ibang bansa kasi sila kasama nina Tita. Hindi na dumadalaw sa amin.

"Ano'ng sinabi ni Lolo sa 'yo?" tanong niya sa akin.

"Wala naman, 'yon lang daw na i-prank ka namin."

"Apo, 'wag kang mag-alala. Hindi ko sinabi sa kaniya na sobrang kulit mong bata. Hindi ko rin sinabi na nakahubad kang matulog. Wala akong sinasabi. Wala talaga," sabi ni Lolo and he even smirked.

Trip niya talaga ang apo niya. I laughed with that idea.

Chance scratched his neck. "'Lo naman, oh!" Tumingin pa siya sa akin. "That's not true. No'ng bata lang ako!"

Tumawa naman si Lolo. "Oh siya, saglit lang.."

Umalis muna siya sa harapan namin. Natawa pa ako sa reaction ni Chance.

"Don't believe him," sabi niya pa. Tinawanan ko na lang.

Bumaba naman ang lolo niya at ibinigay sa akin ang photo album. Chance was about to get it ngunit inilayo ito ni Lolo.

"'Wag kill joy, apo."

I laughed at them. Lumayo ako nang kaunti kay Chance dahil baka kuhanin niya 'yon. I stopped for a moment when I saw a picture of my grandma when she was still young. Alam ko 'yon dahil may picture ako sa wallet na kagaya nito. Kinuha ko ang wallet at picture ni Lola. Nagulat naman ako nang siya nga talaga 'yon.

"Hey, bakit may picture ka ni Lola Goyang?"

Tumingin ako kay Chance. "Well that's because she's my grandmother."

Napakunot naman ang noo niya at kinuha ang photo album at ang picture ni Lola sa akin. He looked at me with a confused look.

"'Lo, halika rito," sabi niya. "Si Lola Goyang, lola raw ni Aline."

Napatingin naman bigla si Lolo niya sa akin. "L—Lola mo?"

I slowly nodded my head at him. Napatayo siya nang maayos nang makita 'yon. Naglakad siya palayo sa amin. Pumunta siya sa may antique na piano roon.

"Si Lola Goyang, I know her but not personality," sabi naman ni Chance sa akin. I looked at him. Nakatingin lang siya sa lolo niya. "Lagi siyang kinukuwento ni Lolo sa akin no'ng bata pa ako. First love niya raw kasi. They both loved each other before but then they separated ways. They broke up."

Napakunot naman ang noo ko. "B—Bakit daw?"

I didn't know about that matter! Ngayon lang!

"Dumating si Arthur sa buhay namin." Napalingon ako kay Lolo niya nang nagsalita. Nakatalikod lang siya sa amin. "'Pinagbawalan pa kami ng mga magulang niya. Syempre, bata pa kami no'ng mga panahon na 'yon. Pinaghiwalay kami. Kahit gaano namin kamahal ang isa't-isa, hindi pa rin kami nagkatuluyan."

Narinig ko ang pangalan ni Lolo Art. Mabait si Lolo lalo na sa amin na apo niya pero hindi ko alam na ganoon pala ang nangyari sa kanila. It saddened me.

"S—Sorry po."

"'Wag, hija. Wala ka namang kasalanan." Ngumiti pa siya sa akin. "Sige na, Chance. Ipasyal mo muna si Aline sa spring."

Hinila na ako paalis doon ni Chance pero I don't know, bigla akong naawa sa kanila. My grandmother and Chance's grandfather suffered because of love before. Kung nagkatuluyan naman sila, wala ako rito ngayon.

"'Wag mo na munang isipin 'yon.."

I just heaved a sigh and didn't speak anymore.

Nagulat naman ako nang tumigil kami, nandito na kaagad kami sa sinasabi ni Lolo ni Chance na spring. It was a hot spring.

"I'm sad about their story," I said as I sigh again.

"Wala, gano'n talaga eh." Nagkibit-balikat pa siya. "Gusto mong maligo?"

Umiling naman ako sa kaniya. Bigla akong nawala sa mood sa nalaman. Feeling ko, may kasalanan din ako. Malungkot ang Lolo ni Chance dahil sa nangyari.

"Hindi naman malamig ang tubig, sige na!" Tumawa pa siya. "Please, Aline. Baby?"

I looked at him. Ngumisi naman siya.

"Why are you calling me that?"

"Na ano?" Ngumisi pa siya lalo.

I rolled my eyes. "Baby."

"Yes, baby?" Inirapan ko pa siya. Tumawa naman siya roon. "Joke lang. Well, gusto ko eh and I feel that you like it, too. Right?"

Umiling lang ako at binasa siya ng tubig galing sa spring. Tumawa na naman siya. Napasigaw naman ako nang tumalon siya at hinila ko. Nabasa tuloy ako!

"Ayaw mo pang maligo, ah?"

"Sinama mo ako!"

Tinawanan na naman niya ako. Binasa niya ako ng ilang beses kaya ganoon din ang ginawa ko. Umahon ako nang may mag-ring sa phone ko. Si Sam ang tumatawag.

"H—Hello?"

Lumayo ako nang kaunti kay Chance. Busy naman siya sa pagligo roon.

"Manager told me that your stomach hurt earlier that's why you're nowhere to be found right now. Are you fine now?"

"Yes. Okay naman na 'ko. Sorry, bigla akong nawala."

"It's fine, we understand but I just don't understand that you're with Gomez," he told me.

Nanlaki naman ang mata ko sa gulat. "A—Alam mo, Sam?"

"I saw him. I have to hang up. Bye."

Tinawag ko pa siya pero pinatay na niya. Nag-aalala akong binitawan ang phone. Sam knows about it! Bigla naman akong dinalaw ng kaba. Baka sabihin niya kina Manager. Nakakahiya 'yon dahil nagsinungaling ako.

"Si Sam 'yon, 'no?" Nagulat ako nang biglang tumabi sa akin si Chance. Nakaahon na pala siya. "I hate it but I'm jealous. Kasama nga kita pero siya ang kausap mo."

He walked out. Napaawang ang bibig ko sa ginawa niya. Tinawag ko pa siya pero hindi siya lumilingon. Baka maligaw pa ako rito!

Ayaw ko namang sabihin sa kaniya na may connection kami nina Manager dahil baka magalit siya. Though, I don't know their pasts, I want to respect them. Baka magkakagalit pala sila at hindi ko alam.

"Hey, Chance!"

"Wala, doon ka na kay Samson!" sabi niya pa.

"Bakit ka ba kasi naii—"

Napatigil ako sa pagsasalita nang bigla akong madulas sa may bato. Napaaray ako dahil nagkaroon kaagad ng cut sa may tuhod ko.

It's bleeding!

"Aline!"

Tumakbo naman kaagad sa akin si Chance. Pinaupo niya ako sa may bato. He tried to touch my knee but he just shook his head.

"O—Ouch."

It hurts so bad because of what happened. I saw him panicked. Hindi niya alam ang gagawin. Nagulat naman ako nang bigla niya akong buhatin.

Bumalik kami sa kanila. Alalang-alala naman siya sa akin. Sumulabong kaagad sa amin ang Lolo niya.

"Sabi ko ipasyal mo lang, Chance. Bakit mo namsn sinugatan?"

Hindi sumagot si Chance dahil busy maghanap ng kung ano. "'Ta, pagamot naman si Aline."

"Ha? Ano'ng nangyari?" Lumabas naman sa kuwarto 'yong babae kanina. Tita pala ni Chance, I can't believe it. She's just so young.

"Nasugatan sa may spring," sagot naman ni Chance.

Nilapitan naman ako ng Tita niya at ngumiti. Ngumiti rin ako pabalik kahit mahapdi ang sugat ko sa tuhod.

"Relax, pamangks. Nasugatan lang, hindi nanganganak." Tumawa pa ang Tita niya habang ginagamot ang sugat ko.

"I'm worried here!"

Ngumiti naman ako kay Chance. "This will be fine, okay? Sugat lang naman 'to."

Tumango naman si Chance sa akin. Kumalma naman siya. Tapos tinapik pa ni Lolo ang balikat niya.

--

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top