Chapter 14
Chapter 14
"Nagustuhan mo ba?" nakangiti niyang tanong sa akin.
I blinked my eyes while looking at him and next to the stuffed toy. Kumunot ang noo ko nang ma-realize na siya ang nagbigay niyon sa akin.
Si Chance Gomez.
"Aline—"
"I—Ikaw nagbigay nito?" Nakakunot noo kong tanong.
He nodded his head few times while he's still on smile. Nairita na naman ako. I really don't understand him. Noong nakaraan, halos pandirihan niya ako. And now, ngingiti-ngiti siya sa akin.
Ang gulo niya!
The wind suddenly blew hard, making his hair disheveled. Lumapit naman ako sa kaniya para ibigay pabalik ang stuffed toy.
"Sa 'yo na 'yan."
I was about to leave him when he suddenly held my hand. I immediately removed his hand on me because I suddenly felt an electricity while he was holding my hand a while ago. Humarap naman ako sa kaniya. Nakakunot ang noo niya ngayon.
"I gave this to you. Bakit mo ibabalik?" he irritatedly asked.
At siya pa ang may ganang mainis?
Really, Chance? Really?
Ako naman ang nangunot ang noo. "Why did you even give me such gifts when you don't even know me huh?"
I want to roll my eyes at him but that's rude. Mabuti pa nga ay iniisip ko pa rin ang nararamdaman niya kahit papaano.
It's so unfair!
"Aline, just forget about it.."
"Hindi ba sabi mo kalimutan na natin ang isa't-isa?" tanong ko. Umiling naman siya. "What are you saying? Sinusunod ko lang ang sinabi mo!"
Nagulat pa ako nang hawakan niya ang kamay ko. He's so transparent right now. Halos makita ko na nga ang patulong luha niya. Para siyang nagmamakaawa na hindi ko maintindihan.
Umiling naman siya. "You don't understand me."
"Talagang hindi kita naiintindihan," sabi ko sa kaniya. "Last time, sabi mo magkalimutan na tayo. Sinunod kita. Ngayon naman, lalapit-lapit ka na parang walang nangyari. I really don't understand you!
"Hayaan mo na ako, please lang."
Aalis na sana ako ro'n pero pinigilan na naman niya ako. This time, inis na akong humarap sa kaniya.
"Whether you like it or not, we'll talk. Sasama ka sa akin," sabi niya at hinila ako.
I tried to let go of his grip but he's too strong. Hindi ako makabitiw sa kaniya. "B—Bitawan mo ako."
"Ano ba?!"
Pumipiglas pa ako sa kaniya pero hindi niya ako bitawan hanggang sa mapunta kami sa parking lot.
"Sakay," utos niya sa akin. I just shook my head many times.
Ayaw kong sumama sa kaniya. Ayaw naman na niya akong makasama dahil sa sinabi niya last time. Ano pa ba ang ginagawa ko rito?
I'm just fooling myself here!
"Sakay sabi. Huwag mong hintayin na buhatin pa kita—"
Inis akong sumakay sa motor niya. I rolled my eyes while looking at his back. I could even smell his scent because of our closeness. Hindi ako natutuwa sa ideyang magkalapit kaming dalawa.
"Sasakay rin naman pala," sabi niya pa.
Umikot pa ang mata ko. Isinuot ko na ang helmet. Kung hindi ko lang siya pinagbibigyan, hindi ako sasama. Naiinis ako sa ugali niya. I think, I really need a subtitle to understand him clearly.
"Hold this." Inabot niya sa akin ang ibinigay na stuffed toy. Inis ko 'yong kinuha sa kaniya. I made a face — buti na lang hindi niya nakita nang lumingon.
He started driving his motorcycle. Ayaw kong kumapit sa likuran niya kaya sa likod na lang na part ng motor niya ako kumapit. Halos mapunit na ang noo ko kakukunot sa buong biyahe.
I hate it!
Napatingin na lang ako sa paligid. It somehow made me calm. Palubog na rin ang araw. Hindi ko alam kung saan kami pupunta. I'll just escape after this. I really don't want to talk to him.
I don't know how many times I rolled my eyes while I'm with him. Naiirita ako sa kaniya. Hindi naman ako ganito dati. This Chance Gomez is really giving me a roller coaster of emotions. At hindi 'yon nakakatuwa. Gusto kong ibuhos lahat ng emosyon kong tinatago dati pa kahit nito pa lang kami magkakilala.
I don't know how he changed me for a bit even with a short period of time. He changed me but not for the better — but for worse!
Nakakainis!
"Where are we going?!" malakas kong sigaw dahil baka hindi niya ako marinig.
"Maghintay ka lang."
Again, I rolled my eyes. Hindi ko na rin alam sa sarili ko. Hindi naman ako ganito dati kina Mia. Iirap. Maiirita. Magsusungit. Usually, ngiti, tango at tawa lang ang reaction ko dati not until I met this guy in front of me.
I don't know what's happening to me.
Naaghintay na lang ako na makarating kami sa kung saan. I'm just bothered. Baka kidnap-in na ako nito sa galit sa akin. At ibenta ang internal organs ko. Nakakainis pa at nag-ditch ako. Okay lang naman dahil Festival day pero ngayon lang ako naka-attend sa Christmas part niyon.
"Ang tagal naman," sabi ko. Nagiging impatient na ako rito sa sobrang tagal. Wala na nga kami sa highway. Hindi na rin familiar ang daan. "Saan mo ba ako dadalhin? I can call the police!"
"Just wait!" sigaw niya pabalik.
My nose crinkled when I smelled something bad. Hinanap ko 'yon pero masyadong mabilis si Chance sa pag-drive. Maya-maya, tumigil na finally ang motor niya. Puro damuhan lang ang nakikita ko kaya inis na tumingin ako sa kaniya.
"Mag-uusap lang, dito pa?" I asked, calmly. Kalmado pa ako nito kahit gusto ko na siyang sampalin. "Mukhang malayo na 'to sa city!"
"We're in Pampanga." Nanlaki naman ang mata ko. Tumawa siya. "Joke lang. Nasa city pa rin tayo, lumayo lang. Naubusan ng gas 'to," sabi niya at mahinang sinipa ang motor. Tumingin pa siya sa paligid. "Maghahanap pa tayo ng gasoline station."
I rolled my eyes. "Hindi ako nakikipagbiruan. Saka ikaw na lang maghanap. It's getting late, uuwi na ako!"
"Hindi ka makakauwi. Walang sasakyan dito."
Kunot noo akong napatingin sa kaniya. Napapadyak na lang ako sa inis.
"Ano walang gasoline station?" tanong ko.
He sighed. "Wala. Maghintay na lang muna tayo na may dumaang sasakyan—"
"Seriously?"
Halos maupo na ako sa may lupa dahil sa pagod. Dumadagdag pa sa stress ko ang kasama ko.
"Hindi ba tayo mag-uusap? Late na oh," sabi ko at tumingin sa wrist watch.
He's wasting my time!
Lumapit naman siya nang kaunti sa akin. "Baby, are you mad?"
Dahan-dahan akong napatingin sa kaniya. Hindi siya nakangisi or what. Kinilabutan ako sa sinabi niya.
"B—Baby?" pag-uulit ko sa sinabi niya. "Hindi ako katulad ng mga babae mo. Stop that."
That's weird. Okay. Para siyang baliw sa mga pinagsasabi. Nag-iinit na ang ulo ko sa kaniya. Hindi naman ako ganito.
"Wala akong babae. Ikaw lang naman ang gusto ko," sabi niya at ngumiti.
Seriously? He's too straight forward! Kahit ako ay hindi kayang sabihin ang feelings ko!
"Eh who's that Patrice?"
"She's not special. Siya lang naman ang may gusto sa akin," sabi niya nang nakasandal sa motor. "Bakit? Nagseselos ka ba?"
I looked at him. "Malamang, hindi. Why would I be jealous?"
Tumawa naman siya at umayos ng tayo. "Oo nga naman. Hindi mo nga naman pala ako gusto." Tumingin pa ako sa kaniya pero hindi siya nakatingin.
Natahimik kaming pareho. Gustong-gusto ko nang umuwi. Talking to him is useless right now.
"You were with Sam last time.."
Napatingin ako sa kaniya. He's not looking at me. Nakatayo ako habang siya, nasa motor at nakaupo na. Hindi man lang ako inisip. How rude.
"And so?"
"Hindi mo ba naaalala ginawa niya sa 'yo? Wala na lang ba 'yon?" nakakunot noong tanong niya sa akin.
Hinarap ko naman siya at bumuntong-hininga. "Of course, naaalala ko. Galit ako sa ginawa niya pero tao lang din naman ako. I can forgive him—"
"May gusto ka ba sa kaniya?" Umiling naman ako. There's no point for explaining myself to him. Baka sarado na naman ang isip niya. "Nagseselos ako, Aline. Can you at least do something for that?"
I just stared at him. Hindi ko alam kung ano ang dapat na sabihin sa kaniya. Napaka-straight forward niya to the point na hindi ko na alam ang sasabihin. Nangangapa ako. 'Yong inis ko kanina, hindi ko na maramdaman ngayon dahil sa sinasabi niya.
"Bahala na." He shrugged. "You know what, 'yong mga araw na hindi kita pinansin. Ang hirap," sabi niya at umiling-iling nang nakangisi. "Para kong pinipigilan sarili kong huminga. I tried to be with Patrice and other girls but every time that I'm with them — ikaw pa rin ang naiisip ko.
"I don't understand it. Ang bilis-bilis kong mahulog sa 'yo, Aline. I didn't see anything special on you at first not knowing, nahuhulog na pala ako." Nakita kong napatingala siya at napapikit. Hindi na naman ako nakapagsalita. Nakikinig lang ako sa kaniya. "Ang sakit palang marinig sa 'yo mismo na hindi mo ako kilala."
"Wala ka man lang sasabihin?" Natahimik ako at nakatingin lang sa kaniya. Umiling ako. "Tara na, uwi na tayo — ay, wala nga palang gas. Putsa."
Tumawa pa siya nang mahina pero hindi ko na 'yon pinansin. Napayuko ako habang iniisip ang mga sinabi niya. Parang natutunaw ang puso ko sa mga 'yon.
"I've been waiting
really struggling
since forever
to make you smile.."
Napatingin ako sa kaniya nang bigla siyang kumanta. His eyes are closed. Nagulat naman ako nang biglang may tumulo sa mukha niya.
"Umiiyak ka ba?"
"Ha? Hindi—" Napatigil siya at tumingala. "Wrong timing, umaambon!"
Napakunot ang noo ko nang makitang isa-isang pumapatak ang tubig mula sa itaas. Looks like, history is repeating its self huh?
"Come here!" sabi niya at sinenyasan akong lumapit sa kaniya.
I saw him removed his long sleeves at ipinatong niya 'yon sa mga ulo namin. He's just wearing a sleeveless shirt now. I quickly looked away. Masyado kaming malapit sa isa't-isa. Baka marinig niya ang tibok ng puso ko.
"Baka hindi na tayo makauwi," sabi niya after a few minutes. Umusog ako nang kaunti palayo sa kaniya. "Dito ka, mababasa ka diyan!"
Huminga ako nang malalim. I have no choice but to be near dahil kung hindi ay mababasa naman ako. I don't want that.
"What? Hindi pwede, pagagalitan ako!," sabi ko naman. Nag-panic na ako kaya sinaway niya ako.
"Umuulan na nang malakas. Wala pa akong gas. Wala ring dumadaang sasakyan oh. Pa'no tayo makakauwi niyan? There's no signal, too!"
Napakunot ang noo ko at maingat na kinuha ang phone. Mabuti at pwede naman 'tong mabasa. Halos maiyak ako nang makitang wala ngang signal.
"This is your fault. Hindi na ako makakauwi!"
Naiiyak na talaga ako. Gusto ko nang umuwi pero nandito pa rin kami. Malala pa, umuulan at mababasa ako nang sobra nito. I might have a fever at hindi makapasok!
"Ssh, just be calm. Makakauwi rin tayo," sabi niya.
"Teka nga," kunot noong sabi ko. "Did you plan this? Sabihin mo nga!"
"Yeah, ako kasi ang rain God," he said with sarcasm.
I rolled my eyes. Naiiyak na akk rito. Gustong-gusto ko nang umuwi sa amin. Magsasagot pa ako ng hand outs!
This is also my fault! Kung sana ay talagang umayaw ako ay hindi mangyayari 'to!
Naghintay pa kaming tumila ang ulan. Nilalamig na ako pero okay pa naman dahil may masisilungan kami. I'm just worried for Chance, giniginaw na kasi siya.
He's shaking now. Hindi ko alam kung nagkukunwari lang siya kaya hindi ko muna pinansin. Pero nag-alala na talaga ako nang tawagin niya ako. Ginaw na ginaw siya dahil nanginginig ang katawan.
"Okay ka lang?" tanong ko kahit obvious naman na hindi.
"N—Nilalamig ako," sabi niya nang hindi siya nakatingin sa akin. His voice is shaking, too. "I—I need a hug." Hindi ko siya pinansin sa sinabi niya. Baka nagkukunwari lang talaga 'to. "Aline, I'm not joking."
Tumayo ako para ayusin ang position namin. Inayos ko ang long sleeves niya para matakpan siya nang maayos. Nilalamig pa rin siya.
"Ang lamig.."
He's still shaking. I started to become worried while looking at him. Nag-panic na ako dahil hindi ko alam ang gagawin. Malakas pa rin ang ulan. Mas lalo pa akong nag-panic nang halos humatsing na siya sa tabi ko. Kahit nahihiya, ginawa ko ang sinabi niya. I gently hugged him while caressing his arms. Dumikit pa ako sa kaniya para kahit papaano mainitan naman siya.
We just stayed there like that while the rain is still pouring. Naiinip na ako kahihintay na tumila. Uwing-uwi na ako pero nag-aalala ako sa kasama ko. Tahimik lang siya pero kumalma naman ang panginginig.
Napapikit na lang ako habang nasa tabi pa rin niya. I'm not comfortable doing this to him but this is for his sake. Hindi ko naman siya niyayakap dahil sa gusto ko lang. Kailangan niya rin para mainitan.
"Hala, diyos ko po! Mga bata talaga ngayon, oo!"
Napadilat ako ng mata nang may nagsalita. My eyes widened when I saw an old woman, looking at us weirdly.
"Diyos ko, may ginagawa ba kayong milagro diyan? Umuulan pa man din!" sabi niya pa.
"H—Hindi po," sagot ko. "Nawalan po kami bigla ng gas tapos naabutan ng ulan." Napatingin naman ako kay Chance. "'Yong kasama ko po, nilalamig na kanina pa."
"Gano'n ba?" tanong niya. Tumango naman ako. "Hali kayo, sumunod kayo sa akin. Tumuloy muna kayo sa bahay."
Walang salitang sumunod si Chance. Nakatingin ako sa kaniya dahil namumutla na siya. Nakita kong pinayungan kami ng matanda at nakakapit sa braso ko.
"Nako! Ang malas n'yo naman!"
I agreed with her. Napakamalas.
Naglakad pa kami roon kahit maputik. Wala namang imik si Chance sa tabi ko. Nilalamig pa rin yata siya.
Maya-maya, may natanaw na ako na maliit na kubo. Halos nasa gitna 'yon ng damuhan. It's a nipa hut.
Pinapasok naman niya kami sa loob. "Tuloy kayo."
Nilibot ko ang tingin sa loob ng kubo. Maganda at malinis kahit maliit lang. Hindi ako sanay sa ganito pero malamig daw sa mga ganito. May nakita pa akong maliit na bata na natutulog sa may maliit na higaan doon.
"Dumito muna kayo hanggang umuulan pa. Nobyembre na rin kasi ngayon kaya mabagyo na," sabi niya habang sinasara ang mga bintana. "Nako, buti pa nga at nakita ko kayo, kung hindi — manginginig kayo sa lamig."
"Oo nga po eh. Salamat." Ngumiti pa ako.
Inalalayan ko namang umupo si Chance dahil para siyang nanghihina. He's not talking or even looking at us. I believed he's still shivering right now although he's more calm unlike earlier.
"Ano ba ang nangyari riyan sa kasama mo, hija?" tanong niya nang nasa baywang ang mga kamay.
"Naulanan po kasi kami. Nilalamig siya."
Tiningnan ko naman si Chance. I'm worried.
"Hala, sige at magbanlaw muna kayo sa banyo." Tinuro niya sa labas. May CR doon na gawa sa bato. "Nag-init na ako ng tubig para mainitan kayo. Pagkatapos, kakain na tayo."
Ngumiti naman ako sa kabaitan niya. "Salamat po—"
"Lourdes. Lourdes ang pangalan ko."
"Salamat po, lola Lourdes.."
She just nodded and smiled at me. Mabuti at may mabait na taong tumulong sa amin. Nauna na akong nagbanlaw at nagpalit. Pinahiram naman ako ng maisusuot ni lola Lourdes.
I'm worried about Chance's condition. Tahimik lang siya. Sana naman, okay na siya. Nang matapos ako, sumunod naman si Chance.
"Sure kang kaya mo?" tanong ko. Mahina siyang tumango.
Nakatingin lang ako sa kaniya habang papunta siya sa CR sa labas. I waited for him for few minutes. Patingin-tingin ako sa labas dahil baka matumba siya ro'n. Mahirap na.
I sighed in relief when I saw him already. Nakaayos na rin siya. Umupo siya sa tabi ko at ngumiti.
"Don't worry about me."
Tiningnan ko siya at ngumiti. Siguro na-f-feel niyang nag-aalala ako sa kaniya. Lumabas naman si lola Lourdes na galing yata sa kusina nila.
"Mainit na sabaw para sa inyo nang mainitan." Nilapag niya ang mangkok. Tinulungan ko pa siyang ayusin 'yon. "Kain na kayo, huwag mahiya."
Ngumiti naman kami sa kaniya. "Salamat po," sabi naman ni Chance.
Kumain na kami. It's already late. I think it's around seven already. After naming kumain, nakipagkuwentuhan pa sa amin si lola Lourdes.
"Taga saan ba kayo? Ano ulit pangalan mo, ineng?"
"Aline po, siya naman si Chance," sagot ko at tinuro ang katabi ko. "Sa Manila po kami. Ewan ko nga po kung saang lugar 'to. Naligaw po yata kami. Wala pang signal."
"Manila lang pala. Medyo malapit lang," sabi niya. "Wala talagang signal dito kaya pahirapan ang pagtawag. Hayaan ninyo't bukas na bukas, pupunta tayo sa Bayan. May signal doon at gasolina nang makauwi na rin kayo."
Nagpasalamat naman kami sa kaniya. Tumulong pa kami sa pagligpit. Maya-maya, nagising na 'yong batang lalaki. Ang cute niya, lumapit kaagad siya sa akin.
"Apo ko 'yan, si Adrian."
"Hello, Adrian!" Nakipag-apir ako sa kaniya pero ngumiti lang sa akin at pumunta kay Chance. Nilaro naman ni Chance ang bata.
I hope he's now okay.
"Ilang taon na po siya?" tanong ko.
Umupo naman si lola Lourdes sa harapan namin. "Magtatatlong taon. Wala na siyang mga magulang. Iniwan na sa akin."
Malungkot akong nangiti at tumingin kina Adrian at Chance. Naglalaro silang dalawa. Nagkukuwentuhan naman sina lola Lourdes kaya lumabas muna ako para magpahangin kahit malamig na.
Naupo ako sa may wooden chair sa labas at napatingala. Sinilip ko pa sina Chance. I suddenly smiled while thinking. Biglang pumasok sa isipan ko ang mga sinabi niya sa akin kanina. Naalala ko kung paano ko siya niyakap.
It's still raining and I'm worrying a lot. I'm sure, hinahanap na ako ng parents ko dahil wala pa ako sa bahay. Hindi naman ako usually na-l-late ng uwi or nag-s-sleep over. I want to call or text them pero wala namang signal dito.
"Bakit ka nandito sa labas?"
I was shocked when Chance suddenly came and sat down beside me. He also smiled at me.
"Nandito ka rin naman." I laughed and averted my gaze. "Wala, nagpapalamig. Thinking."
"But it's cold. By the way, tinatawag na tayo. Magpahinga na raw tayo para maaga tayong makaalis bukas."
I nodded at him. Sumunod naman ako sa kaniya papasok. Nakita ko namang naglalaro pa rin si Adrian.
"Tama na ang laro, Drian. Matutulog na sila," sabi ni lola Lourdes. Tinuro naman niya ang kuwarto. "Pasensya na kayo at iisa lang ang kuwarto namin. Magtabi na lang kayo. May mga unan at kumot na riyan."
"S—Salamat po."
Nagkatinginan kaming dalawa ni Chance. I'm hesitant to sleep there dahil magkatabi kami ni Chance kung sakali. Nauna na siyang pumasok sa loob.
"Pasok ka na," Chance said.
I heavily sighed as I enter the room. It was small ngunit kasya naman siguro kami.
Nakahiga na siya at nakatakip na ang mukha ng kamay. Dahan-dahan akong humiga sa tabi niya. Malamig din sa loob kahit walang air con. Hinarangan ko naman ng unan sa gitna namin.
"What are you thinking?"
I looked at him. Akala ko, tulog na siya. "Wala. Matulog na tayo, Chance. Maaga pa tayo bukas."
"Chance?"
Bumangon pa siya para makita ako nang maayos. I slowly nodded my head. His forehead creased like there's something wrong with what I've said.
"Chance lang? Wala nang kuya?" tanong niya.
"Bakit kita tatawaging kuya?" tanong ko. "Eh hindi naman tayo magkakilala. Right?"
"Come on, Aline. Akala ko tapos na tayo diyan?"
"Let's sleep na. Goodnight, Chance," I said, calmly.
I don't want to argue with him anymore. I'm too tired to do that.
Niyakap ko na lang ang binigay ni Chance na stuffed toy bago siya talikuran at pumikit.
--
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top