Chapter 12

Chapter 12

"Ready ka na mamaya?" tanong ni Mia sa akin.

Naka-indian seat kami lahat paikot sa may activity center. Maya-maya na kami mag-g-ghost hunting. Nagkukuwento pa muna sina kuya Emman about horror stories bago kami mag-start.

"Yeah. I'm excited," I answered and smiled.

Inirapan naman niya ako. "Ano'ng nakaka-excite diyan? Ngayon pa nag-hunt saka natapos ang Halloween. So scary!"

Tinawanan ko na lang siya nang kumapit sa braso ko. Hindi pa kami nag-s-start dahil hindi pa masyadong madilim. Kami-kami lang ding members ng club ang nandidito.

"Doon sa building na 'yon, sa may Acacia — may nag-suicide daw diyan dahil binu-bully dati," kuwento ng Vice President, si ate Elle. "Laging nagpapakita sa CR!"

"Hey, that's true! Sobrang bilis ng takbo namin dati no'ng nakita namin nina Dollie!" sabi naman ni Amy.

Todo kapit naman sa akin si Mia. Nakikinig lang ako.

"Ito pa, naalala n'yo 'yong anak ni sir Cruz? 'Yong teacher na namatayan ng anak dito?" sabi pa ng isa. "Grade 7 'yon no'ng namatay doon sa may Science lab. I forgot exactly what happened before pero lagi raw 'yong may dalang bola."

"Kinikilabutan ako," bulong pa ni Mia.

"Nakita na 'yon ng mga classmate ko. Maliit lang siya. Batang-bata tingnan. May salamin pa!"

Sumingit naman ang isa, "may nakasalamin din palang multo?"

Nagtawanan naman sila. My forehead creased with what I heard. Familiar ang sinasabi nila. Hindi kaya 'yon 'yong nakita ko last time? No way. It's impossible. It's probably just a coincidence.

"Padilim na, let's start!" aya ni kuya Emman.

Pinagpagan ko ang suot na skirt at tumayo na. Hinila ko na si Mia pero umiiling lang siya sa akin.

"Natatakot ako. Ayaw kong sumama!"

"Isusumbong kita kay Bonnie, sige ka." Ngumisi ako.

Ngumiti naman siya sa akin at kaagad na tumayo. She held my arms tight.Takot na takot si Mia. Paakyat na kami ng building nang may biglang tumawag sa amin.

"Wait!" The voice was familiar. "Can we still join?"

"Ate Pat!" sigaw ni Mia sa tabi ko.

Lumingon ako sa likuran namin. My forehead creased when I saw Chance together with a girl. She's undeniably pretty. She's also petite. Halos magkasing-tangkad lang sila ni Chance.

"Oo naman, mag-s-start na kami. May dala ba kayong flashlight?" sagot ni kuya Emman.

Nakita ko namang tumango si Chance at ipinakita ang flashlight na hawak. Ngumiti pa siya roon sa babae.

"Si ate Patrice 'yan, grade 12 din."

Sumagot ako kay Mia, "hindi ko naman tinanong."

Inirapan naman niya ako. I just chuckled.

Naglakad na ako palayo kasama sina Amy. Hawak-hawak ko ang flashlight at iniilawan ang daanan.

"Ito naman. Selos ka lang yata eh," sabi ni Mia nang makalapit siya sa akin.

I just ignored her at sumunod na lang sa iba. Chance is really ignoring me. Ganoon na lang din ang gagawin ko. Ayaw ko namang ipagsiksikan ang sarili ko sa kaniya. Why would I do that, anyway?

I'm not like that.

Maya-maya, nagsigawan sila nang may makitang anino sa tabi ng pinto. Nagtakbuhan pa sila kayo halos ako na lang ang natira. Kumunot ang noo ko habang inaayos ang pagkasara ng pinto.

"Hello, ate!"

Napahawak ako sa dibdib nang makita ko 'yong batang lalaki na nakita ko last time. Ganoon pa rin ang suot niya. Nakangiti pa.

"H—Hey, ano'ng ginagawa mo rito? Nag-g-ghost hunt ka rin?" tanong ko sa kaniya.

Medyo madilim pero nakikita ko pa rin kung paano siya ngumiti at umiling. "Hindi po. Hinahanap ko po 'yong bola ko matagal na. Hindi ako makakauwi nang wala 'yon."

"Bola?" Tumango naman siya. "Gusto mo samahan kitang maghanap? Saan mo ba 'yon huling nakita?"

"Talaga, ate? Sa may activity center po. Naiwan ko po 'yon doon." He even smiled at me.

Ngumiti rin ako at pinisil ang pisngi niya. He's cute. He looks like Nigel a bit. "Let's go, hanapin na natin."

Sabay kaming bumaba ng building. Hinahawakan ko pa ang kamay niya dahil baka mawala pa siya. He's just so small and cute.

"Hindi ka natatakot? Ang dilim oh."

Ngumiti naman siya at umiling. Sinamahan ko lang siya hanggang sa makarating kami sa activity center. Hindi ko na nga nakita sina Mia. Saan na kaya nagpunta ang mga 'yon?

Nag-ikot kami roon. Halos lahat ng sulok, hinanap na namin pero wala kaming makita.

"Parang wala naman dito. Nandito ba talaga 'yon?" tanong ko pa sa kaniya.

"Dito ko 'yon huling nakita, ate.."

Naghanap pa kami kahit sa mga bleachers. May mga bola pero wala naman doon ang kaniya.

"Wala naman dito—"

"Ito ba hinahanap mo, bata?"

Napalingon ako at nagulat nang makita halos lahat ng member sa club namin. Mia's also standing there. Her eyes were wide at tila gulat na gulat sa nakikita.

What's happening?

"That's mine!" Napatingin ako sa batang katabi ko nang sumigaw siya.

He's now looking at Chance who's holding a ball. That's the ball that I saw last time!

"Ibabalik ko sa 'yo 'to kapag binalik mo siya sa amin," sagot naman ni Chance.

"Akin na sabi 'yan eh!"

Nagpalipat-lipat ang tingin ko sa kanilang dalawa. Sinesenyasan ako ni Mia na lumapit sa kaniya pero nakatayo lang ako roon.

"Ibalik mo na siya sa amin kung gusto mong makuha ang bola mo."

Hinawakan naman niya ang kamay ko. Ang lamig. "Kaibigan ko siya. Sasama siya sa akin!"

I don't know why they're scared. Mangiyak-ngiyak na si Mia habang nakatingin sa akin.

Nagulat naman ako nang tumakbo si Chance palapit sa amin at hinila ako palayo. Hinila rin ako ng bata palapit sa kaniya.

"Sasama siya sa akin!"

"Hindi pwede dahil multo ka. You're already dead. Stop it!"

Napakunot ang noo ko kay Chance. Hindi ko pinapansin ang malakas na paghawak niya sa kamay ko.

"H—Hindi totoo 'yan!"

Hinagis ni Chance ang bola papunta sa kaniya. Maya-maya, nawala na 'yong bata. Napanganga ako sa gulat. Chance suddenly looked at me. He let go of my hands at lumapit doon sa Patrice.

Kaagad akong nilapitan nina Mia. Inalalayan pa nila akong tumayo.

"Okay ka lang?" Tumango naman ako.

"Grabeng ghost encounter 'yon, Aline. Nahawakan at nakasama mo 'yong multo. Hindi ka natakot?" sabi naman ni Amy habang nakatingin sa akin.

"I didn't know.."

Totoo, ngayon lang nag-sink in sa akin na siya nga ang batang tinutukoy nila kanina sa kuwento. I got scared a little bit. Ngayon lang ako natakot nang mawala siya. Muntik na niya akong isama!

After that, the officials decided to bless the whole school. Hindi na namin masyadong pinagsabi sa iba ang nangyari dahil baka ma-bothered pa ang ibang students. Baka may magpa-transfer pa.

It's haunting me. Hindi ako makapaniwala until now. I know it's impossible because I felt his hands. Nahawakan ko siya! Ngunit sa mga sinabi ng ibang students ay naguguluhan din ako.

Is he really a ghost?

I'm still thinking about it when Manager Lee called me.

"Hello po, Manager?" bungad ko sa kaniya.

"Pupunta kami diyan ng boys. Wait us there sa school."

"Mana—"

Magsasalita pa sana ako nang bigla niyang patayin ang tawag. I sighed and looked at Mia.

"Una na muna ako."

"Saan punta, sis?" tanong niya.

I shrugged. "Diyan lang."

Hinalikan niya ako sa pisngi after that. Hindi na ako nagsabi kay Mia dahil magpapakuwento lang 'yan. I have no time.

Mabilis akong naglakad kaya hindi na ako nagtaka nang may nabunggo ako.

"Are you blind?"

Napaangat ang tingin ko. Nakita ko si Chance na nakatayo sa harapan ko. His forehead is creasing but his reaction changed when he saw me.

"I—I'm sorry," sabi ko na lang.

Tumango siya at umiwas ng tingin. Naglakad na ako palayo dahil nagmamadali ako. Talagang ginawa niya talaga ang napag-usapan namin noong nakaraan.

He's true to his words but I don't like it.

Pero nagulat ako nang bigla siyang magsalita. "Mag-iingat ka."

I stopped from walking. Lumingon ako sa kaniya pero wala na siya roon. Tinitigan ko pa ang lugar kung saan siya nakatayo kanina. Tumalikod na ako at nagsimulang maglakad ulit palayo.

Napangiti ako. Kahit ginawa niya ang sinabi, sinabi niya pa rin ang mga 'yon. Gusto niya akong mag-ingat. He cares for me, too.

"Long time no see!" Nakipag-apir sa akin sina Akihiro nang makasakay ako sa van nila.

They're complete now. Nandoon na si Zidge pero as usual, tahimik. Pero nagulat ako nang ngumiti siya sa akin. I smiled back at him.

"Did I disturb you earlier?" tanong ni Manager Lee sa akin.

Umiling ako. "Hindi naman po. Festival days naman po ngayon. Walang ginagawa."

She just nodded and smiled. Tumahimik na kami nang nasa highway na. Hindi ko alam kung saan kami pupunta ngayon. It's either they'll buy me clothes or we'll go to the mall. 'Yon ang usual na ginagawa namin.

Maya-maya lang, bumaba na kami. Nasa harapan kami ng isang building. Hindi ko alam kung saang place 'to. Hindi naman ako umaalis masyado.

"May music recording ang Benjamints ngayon. I want you to watch them while doing it." Ngumiti pa si Manager.

Tumingin ako sa loob. Mukha ngang recording studio ito. Hindi pa ako nakakapunta sa ganitong place. Ang cool ngang tingnan.

"Sino po ba ang vocalist?" tanong ko.

"Originally, Shaun and Chance. Nawala lang si Chance. Pianist si Kelvin. Akihiro for drums. Zidge is sometimes for percussion or electric guitar. While Sam is the new vocalist of the band."

Natigilan ako nang marinig ang pangalan ni Chance. Vocalist siya kaya maganda ang boses niya for sure. Hindi ko pa siya naririnig kumanta. I wonder why he left the band.

Napatingin ako sa studio. Ang linis tingnan. Nag-s-start na nga sila para sa recording. Napakinggan ko na ang boses ni Shaun. Malamig. It relaxes anyone but I didn't hear Sam's voice yet.

Pumunta muna sa loob si Manager Lee para ayusin. Siya rin siguro ang musical director ng Benjamints.

Mabilis silang natapos. They just consumed 1 and a half hour doing the recording. Bigla nila akong naging fan girl. I really love their music. It's so calming and relaxing. Si Shaun pala ang nag-c-compose niyon.

"Ang bilis n'yo," sabi ko sa kanila at ngumiti.

Inaayos na lang nila ang instruments na ginamit. After that, lumabas na sila para mag-break.

"May fan girl kami rito eh." Akihiro smiled at me.

"Next time, sama ka sa mall shows namin, Aline," sabi naman ni Kelvin.

Tumango ako. "Sure!"

"Talagang pupunta si Aline. She needs to be there, too." Nagulat ako nang biglang sumingit si Manager. "Actually, that's tomorrow. We'll fetch you, mag-ayos ka. We'll go to mall after this."

Nag-ayos na si Manager doon. Tinitingnan ko siya habang naglalakad. She really looks like a model. I wonder why she didn't go for a model instead of being a manager.

Bossy si Manager Lee pero understandable naman 'yon dahil manager siya. Minsan nga, inaasar-asar na lang siya nina Akihiro.

"I finally saw you again."

Napahawak naman ako sa dibdib dahil sa gulat nang tumabi sa akin si Sam. Nawala tuloy ang pagtingin ko kay Manager.

"Oo nga eh. Kanina n'yo pa ako kasama. Hindi mo yata ako napansin?" sabi ko sa kaniya.

He shrugged and smirked a bit. "I was busy singing there." Tinuro niya pa ang studio.

I laughed. Yes! I finally heard his voice again!

"You're a good singer, ah? Ngayon ko lang narinig ang boses mo."

"Well, I'm the vocalist together with Shaun. I should sing well, right?"

"Of course." Ngumiti pa ako.

"'Uy, nag-uusap sila. Kailan ulit date?" singit naman ni Akihiro.

Nakita ko namang kumunot ang noo ni Sam habang nakatingin kay Akihiro.

He glared at him. "Wrecker." Tumingin naman siya sa akin. "Don't mind him."

Tumango at ngumiti naman ako sa kaniya. Pumasok sina Kelvin sa loob at umupo sa tabi namin.

"So, Aline. Kuwento ka naman about you. I don't know you personally eh," sabi ni Akihiro at ngumisi.

"Magkuwento?" tanong ko at nag-isip. "Mag-ask na lang kayo about sa akin."

"Sige, kahit ano, ah?" Tumango naman ako. "Virgin ka pa ba?"

I awkwardly smiled after he asked me. Binatukan naman kaagad siya ng tatlo.

"You don't need to answer him," bulong ni Sam

"Joke lang eh!" sabi pa ni Akihiro. "May naging boyfriend ka na ba?"

I looked at them and smiled. Medyo nahihiya ako. They're all intimidating. They're Benjamints!

"W—Wala pa. Gusto ko munang tapusin ang pag-aaral at unahin ang career ko eh." Nagkibit-balikat pa ako.

Ngumisi naman si Kelvin. "Nice, NBSB ka pala. Ako rin eh — NGSB naman. No girlfriend since birth. Ako lang ang mabait dito eh."

"Sino'ng niloko mo?" pambabara naman sa kaniya ni Akihiro. Natawa ako.

"Mabuti 'yan. 18 ka pa lang naman," sabi ni Shaun. Ngumiti ako sa kaniya. Bihira lang siya magsalita.

"And Gomez won't allow him to have a boyfriend."

Napatingin ako kay Sam nang banggitin niya si Chance. My forehead crinkled.

"Gomez? As in si kuya Chance?" tanong ni Kelvin. Tumango naman si Sam.

"Anong mayro'n?" tanong ni Akihiro.

Hindi ako makapagsalita. Tumingin sa akin si Sam.

"I sensed something about him. I saw them few times before. I don't know," he said and shrugged.

Mas lalong nangunot ang noo ko. "N—Nakita mo kami?"

"Yes, at the mall. Baywalk."

Ah, I remember it. Kasama ko nga no'n si Chance pero hindi ko alam na nakita pala kami ni Sam that time.

"So, naiisip mo na pwedeng may feelings si Chance kay Aline, gano'n?"

Kelvin's words hit me. Gusto ko nang umalis doon dahil ayon na naman ang topic. He's right. I still don't believe Chance's confession last time ngunit sabi niya ay may gusto siya sa akin.

Could it be true?

"I still remember the time that he punched me so hard. I know that he's still mad at me but I really sensed something." Tumingin naman siya sa akin. "I think, he likes you. Is it true?"

His speculations are true but I can't tell it. Ayaw ko nang sabihin 'yon. Hindi ko na gustong balikan ang nangyari last time. Nanlulumo ako sa tuwing naaalala. That's the reason why Chance and I aren't friends anymore.

"Para ka namang babae, Sam. May pa-sense-sense ka pa diyan," sabi ni Akihiro at tumawa.

"Baka nagkakamali ka lang."

Napalingon kaming lahat kay Zidge nang magsalita siya. Nasa kaniya na ang focus ngayon. Napahinga ako nang maluwag.

Lumapit naman sa kaniya si Akihiro at inalog ang balikat niya nang kaunti.

"Bro, it's a miracle! Nagsalita ka na!" sabi ni Akihiro na tuwang-tuwa. "Buti hindi napanis 'yang laway mo. Kelvin, tawagin mo si Manager. Mag-c-celebrate tayo, nagsalita na si baby Zidge!"

"Ayaw ko nga," sabi naman ni Kelvin. Inirapan siya ni Akihiro.

Zidge glared at Akihiro. "Stop it, ang OA mo."

Natatawang umupo pabalik si Akihiro sa upuan niya.

"You guys really love to ruin the moment," sabi ni Sam sa tabi ko.

"Balik naman tayo kay Aline," sabi ni Akihiro nang matapos sa pagtawa.

I sighed. Akala ko pa naman, makakalusot na ako.

"Wala ka pang boyfriend, right? So, syempre hindi naman pwedeng mawalan ng crush. Alam ko, crush mo si Sam!"

Sumama naman ang tingin ni Sam. "I want to try boxing, Aki. I'll practice by punching you."

"Grabe!"

Lahat kami natawa kahit feeling ko, nasa hot seat ako. Nakikinig na pala lahat sila sa akin. I didn't expect this to happen. Benjamints in front of me? Asking me silly questions? I didn't expect all of these!

"H—Hindi." Napayuko ako. "I have someone else in mind."

"Sino 'yan, ah?"

"Dal—"

"Ano pa'ng ginagawa n'yo diyan? Let's go to the mall na, hurry up!" bungad ni Manager nang pumasok sa loob. Nagsitayuan naman kami.

"Panira naman si Manager oh!"

"Ano'ng sabi mo, Akihiro?" Pinagbabatukan ni Manager si Akihiro. Natawa naman ako habang nakasunod sa kanila.

"Daya talaga ni Aki. Siya lang nagtanong!" sabi ni Kelvin habang kumakamot sa ulo.

"Hayaan mo, after natin mag-mall, tatanungin ulit natin si Aline. Panira lang talaga si Mana—" Binatukan na naman siya ni Manager Lee. "—ouch."

Natawa na lang ako sa kanila habang papasok sa sasakyan. Hindi yata talaga nila ako titigilan sa mga tanong na 'yan.

Nagpunta kami sa mall. As usual, bibilhan na naman kami ni Manager ng mga damit for tomorrow sa mall show ng Benjamints. I became excited. Ngayon ko na lang ulit sila mapapanood nang live.

"You look like a popstar." Tumawa nang mahina si Sam sa akin. Pinasukat kasi sa akin ni Manager Lee ang isa.

It's a fitted dress with a shiny effect.

"Ikaw naman mukha kang rockstar," sabi ko sa kaniya.

He smirked and removed his clothes. Pagtingin ko sa likuran, nawala na sina Manager. Hindi ko na lang muna pinansin at baka may hinahanap lang sa loob ng boutique.

"Do you want ice cream?" Biglang tumabi sa akin si Sam at itinuro ang ice cream stand malapit doon.

Tumango lang ako sa kaniya. Caramel ang pinili ko. "Ayaw mo?" tanong ko.

"I don't like sweets."

Hindi muna kami pumasok sa loob dahil bawal ang foods doon. Inubos ko muna ang ice cream. Nagulat naman ako nang makita si Chance at 'yong kasama niya last time.

Bakit sila nandito?

Hindi ko na sana sila papansinin pa pero biglang tumingin sa aming dalawa ni Sam si Chance. I saw how his forehead creased. Binaliwala na lang niya 'yon pero tumingin ulit siya nang tawagin siya ni Sam.

"What are you doing here, fucker?"

Nangunot ang noo ko sa sinabi ni Sam sa kaniya. Nakita ko namang nainis si Chance doon. Kumapit pa 'yong Patrice sa braso niya.

"Malamang namamasyal, ano bang ginagawa sa mall?" iritang sabi ni Chance. "Fucker."

Hinila ko na si Sam palayo roon pero hindi siya natinag nang magsalita na naman si Chance.

"It's somehow disgusting seeing you guys together."

Doon ako napatitig sa kaniya nang sabihin 'yon. "H—How dare you?"

The corner of his mouth lifted up. Aambahan na sana ng suntok ni Sam si Chance pero pinigilan ko.

"Wait, sino ba sila?" sabi no'ng Patrice habang nakahawak sa braso ni Chance. Bigla akong nairita.

Nakita ko namang umiling si Chance. "Let's go, we're just wasting our time here."

Ngumisi pa si Chance nang talikuran kami. Sam was cursing many times while looking at Chance's back. Nakatulala lang ako habang inaalala ang mga sinabi niya.

"I'll kill him," Sam whispered.

I want to punch or slap him like I did before. Gusto ko siyang saktan. Gusto kong ibalik lahat ng masasakit na salitang sinabi niya pero hindi ko kaya.

Naluluha ako. Hindi ko alam kung ano ang maling nagawa ko sa kaniya para ganoon ang gawin niya sa akin. He's bitter. After he confessed about his feelings for me, he became like that.

Siguro naman ay wala na siyang feelings para sa akin dahil may babae na siya ulit ngayon. Ang hindi ko lang naintindihan, bakit siya ganoon sa akin? Bakit galit na galit siya sa akin?

Did I do something wrong?

--

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top