Chapter 11
Chapter 11
Nagtaka akong halos lahat ng hallway na dinaraanan ko, pinagbubulungan ako. Napapayuko na lang ako kapag naririnig ko ang pangalan ko sa kanila.
"Akala mo kung sinong maganda. Ang kapal ng mukhang i-reject si Elijah at ipahiya!"
"Grabe naman. Walang hiyang babae, 'no?"
Ilan lang 'yan sa mga naririnig ko. I want to cover my ears but I can't. Baka isipin nilang guilty ako. I didn't reject Elijah on purpose. I have reasons. Pero sarado ang mga isip ng tao.
Hindi ko na lang 'yon pinansin at nag-focus na sa Festival days at activities. Mabuti pa ang mga classmate ko, naiintindihan ako. 'Yong iba kasi, they already judged me because of what they've seen. They didn't know my story. My reasons. Hahayaan ko na lang sila. Lilipas din naman siguro 'yan.
This is just a normal Festival day but there's something wrong when I didn't notice Chance the whole day. Siguro ay absent ang lalaking 'yon.
It's not that I'm looking for him, I'm just used to his presence.
But seriously, Chance was acting weird lately. May mood swings din. Aasarin ko na sana siya kung may menstruation din ba siya kaso baka sapakin lang ako niyon.
Ion isn't also around because he's with Tito Ace. He's helping him again. Ayos lang naman mag-absent ngayon dahil nga Festival days. I also want to rest ngunit sayang ang attendance if ever. I just don't want to miss the activities. Sina Mia naman, hindi ko mahanap. Nasa bleachers lang ako.
Busy ako sa pagkain nang bigla akong tawagin ng kung sino. Nagtaka ako nang makita si kuya Marco. Absent nga si Chance, hindi niya kasama.
"Ikaw si Aline, right?"
Tumango ako. "Opo. Bakit?"
Lumapit pa siya nang kaunti sa bleacher na inuupuan ko.
"Absent si Chance ngayon. Gusto mo sumama sa apartment?" Ngumiti pa siya. "Wala kasing kinakausap sa amin nina Elson. Baka pwede mong kausapin?"
Nangunot naman ang noo ko sa sinabi niya. Ano kayang nangyari doon?
"Pwede naman po pero bakit ako kakausap, kuya?" tanong ko.
Tumingin muna siya sa paligid saka bumulong sa akin. "May MU kayo, 'di ba?"
"MU?" tanong ko. My eyes widened. "As in mutual understanding?" Tumango siya. Kaagad naman akong umiling. "Nako, hindi. Friends lang kami ni Chance."
Ngumiti naman siya at tumango.
"Gano'n ba? Pero pwede kang sumama? Mamaya pa naman kung may time ka. Saglit lang."
"Sige po."
"Yes!" Tuwang-tuwa niyang sabi. "Sige, hintayin na lang kita mamaya sa gate."
I nodded at him. Tinanaw ko na lang siyang lumayo sa akin. Tinapos ko na kaagad ang pagkain ko para makapunta na ako sa booth namin.
"Pinagtitinginan ka oh," sabi ni Dollie sa akin habang nagliligpit ako sa may booth. "Dyosa kasi eh!"
Tumingin ako sa sinasabi niya. Mga nakapilang grade 10 students din yata. They're eyeing at me like I'm a criminal. Mga classmate yata ito ni Eli.
Umiling ako. "Alam na siguro nila ang nangyari last time."
Nang makita nilang nakatingin ako sa kanila, nilapitan nila kaagad ako. Ang lapit pa sa akin sobra no'ng isa. Ramdam kong hinawakan ako ni Dollie sa braso ko at hinila palayo nang kaunti sa kanila.
"Mga ate, mag-c-close na po ang kissing booth namin. Bukas na lang ulit."
Nginitian pa ni Dollie ang mga 'yon pero hindi nila pinansin. Nakataas ang kilay nila sa akin. Tinatarayan ako.
"Maganda nga," sabi ng isa at sarkastikong tumawa sa akin. "Pero akala mo naman kung sino. Niligawan ka lang ni Eli. Huwag kang feeling-era."
"Maganda ba 'yan? Baka nagparetoke lang 'yan eh. Pangit na, nerd pa."
Sabay-sabay nila akong tinawanan. Hindi ako makakibo sa kanila. Hindi nga ako makatingin. I'm sensitive when it comes to those words. Syempre pa, nakakasakit na sila.
"D—Doon na nga kayo. Wala namang kasalanan si Aline diyan eh! sabi naman ni Dollie.
"Pinaasa niya si Elijah! Whatever!"
Umalis na ang mga 'yon habang tumatawa. Dollie looked at me with her teary eyes. Naaawa siguro siya sa akin dahil kanina pa ako inaaway ng ibang students.
I'm not gonna blame them.
"Okay ka lang?"
Tumango ako. "Okay lang. Hindi mo na sana pinatulan."
"Nakakainis na kaya sila. Eh hindi mo naman talaga 'yon kasalanan. Umasa lang si Elijah.."
Nginitian ko siya. Parehas sila ng sinabi ni Mia. Siguro nga ganoon 'yon.
Pinauna ko na siya at ako na ang magliligpit doon. Nasa kabilang booth kasi ang officers at other members. Kami lang dito nina Dollie.
Nang matapos na akong mag-ayos, binitbit ko na ang bag ko. Pero nagulat ako nang may biglang kumalabit sa akin. Lalaki. He seems to be grade 7 because of his height. Hindi siya naka-uniform kaya hindi ko ma-recognize. He's also wearing eyeglasses.
He looked cute.
"Hello, ano'ng kailangan mo?" I said and smiled at him. "Sarado na ang booth namin eh."
Sinenyasan niya akong lumapit sa kaniya. "'Wag kang mag-alala, ate. Wala ka namang kasalanan sa nangyari. Nakita ko lahat," bulong niya at inabutan ako ng isang rose.
"Huh? P—Para saan—"
Natigilan ako nang bigla niyang takpan ang mata ko. Ramdam kong lumapit pa siya sa akin lalo.
"You should always be careful, ate."
Naramdaman ko pang hinalikan niya ako sa pisngi. Nang tanggalin niya ang kamay sa mata ko, nagulat ako nang bigla siyang nawala. I still feel the coldness of his hand when he let go.
"Hey? Nasaan ka na?"
I looked around but he wasn't around anymore. I can't see him at bigla-bigla na lang siyang nawala. Hinawakan ko pa ang pisngi ko na hinalikan niya kanina. Wala na ring estudyante rito sa may activity center. Lumakas pa ang hangin.
Nangunot ang noo ko nang may makita akong bola na tumatalbog. Napatingin ulit ako sa paligid pero wala namang tao. Nagtataka kong nilapitan ang bola. Mabagal na ang pagtalbog niyon. Tinitigan ko lang dahil na-w-weird-an ako.
"Aline!"
"Ah!" Napasigaw ako sa gulat nang may biglang tumawag sa akin.
"Oh? Nakakita ka ng multo?" sabi ni kuya Marco at tumawa. Tumingin siya sa bola. "Sa 'yo 'yan?"
"H—Hindi. Nagulat ako sa 'yo, kuya.."
"Kanina pa kita hinihintay sa gate eh kaya pumunta na lang ako ulit dito para i-check ka. Baka umalis ka na eh." He shrugged.
Nagtaka naman ako. "Kanina pa?"
Tumango siya kaya tumingin ako sa wrist watch ko. Nagulat ako nang makitang mag-2 PM na. 12 lang kanina, ah?
Weird.
Binaliwala ko na lang 'yon at sumama na kay kuya Marco nang yayain niya na ako.
"Buti na lang, walang motor," sabi ko nang nag-umpisa kaming maglakad papunta kina Chance.
Tumawa naman si kuya Marco. "Ah bakit nakasakay ka na kay Chance — sa motor niya?"
"Yes, kuya. No'ng pumunta ako last time sa apartment kasama siya."
Tumango na lang siya sa akin at tahimik kaming naglakad. Nahihiya rin ako sa kaniya. Same pa sila ng height ni Chance.
Walking distance lang pala sa place ni Chance from school. After few minutes, nandoon na kami kaagad.
Kaagad namang tinawagan ni kuya Marco si Chance sa phone. After ilang ring, sumagot siya. Naka-loud speaker pa dahil rinig ko ang boses niya.
"Problema, p're?" sabi kaagad ni Chance.
"Nandito ako sa baba. Open the gate."
Pinakinggan ko lang ang pag-uusap nila habang nakasandal sa may gate doon.
"What? Sabi ko hindi ako tumatanggap ng bisita ngay—"
"Okay, kasama ko pa naman si Aline," sabi naman ni kuya Marco at tumingin sa akin. "Sayang."
"Ah kuya, 'wag na lang muna siguro. Next time na lang. Busy yata siya. Alis na lang tayo?"
Ngumisi naman siya sa akin. "Pa'no ba 'yan, p're? Alis na lang daw kami."
"'Wag, hintayin n'yo ako. Magbibihis lang ako!" rinig kong sagot ni Chance sa kabilang linya.
"Akala ko ba hindi ka tumatanggap ng bisita?" Tumawa pa si kuya Marco. "Aalis na lang kami."
"Dude, manahimik ka na lang!Just wait me there. Pababa na ako."
Kuya Marco laughed and ended the call. "Hindi raw tumatanggap ng bisita huh?"
Ngumiti na lang din ako nang kaunti. Hindi ko alam kung ano'ng i-r-react ko roon. Baka nga ayaw ni Chance na nandito ako eh. Sana pala hindi na lang ako sumama.
Tinitingnan ko ang rose na hawak nang bumukas ang gate.
"What's up, p're?"
"Pinagsasabi mo, wala naman si Aline?"
"Ay gano'n, si Aline kaagad hinanap? Hindi mo man lang ako pinansin?" Lumapit sa akin si Kuya at hinila ako kaunti papunta sa harap ng gate.
Tumingin kaagad sa akin si Chance. Hindi ko alam kung ngingiti ako or what sa kaniya. Wala kasi siyang reaction.
"Pasok," sabi lang niya at umakyat na.
"Wala man lang thank you?" sabi pa ni kuya Marco.
Umakyat na kami sa floor ng kay Chance. Pinagbuksan niya kami ng pinto. Medyo makalat sa loob kaya nagligpit muna siya. Tinulungan ko naman.
Tumingin siya sa akin. "Ako na."
Kinuha niya ang gamit sa akin at siya na ang nagligpit. Niyaya naman ako ni kuya Marco na umupo roon sa tabi niya.
"Ba't 'di ka pumasok, 'oy?" sabi ni kuya kay Chance.
Nakita kong nagkibit-balikat si Chance habang nagliligpit pa rin. "Wala, tinamad."
"Bakit mo naman kami hindi kinakausap kanina?"
"Wala ako sa mood," sagot naman niya.
"At bakit hindi ka tumatanggap ng bisita pero no'ng nalaman mong nandito si Aline, pwede na?"
Nakakunot ang noo ni Chance nang tumingin sa gawi namin. "Wala. Ang dami mong tanong." Pumunta siya sa kusina at kinuha ang alagang pusa, si Princess.
Kuya Marco laughed at Chance. Hindi niya alam, pinapatingin ni Kuya Marco sa akin ang photo album ni Chance no'ng bata pa siya.
He's naked on that photo. Nakangiti at bungi pa. Natawa ako habang nakatingin doon.
"Cute naman ng bebe boy Chance," sabi ni kuya Marco. We both laughed while looking at Chance's pictures.
He's cute!
Nagulat naman kami nang biglang nawala 'yon sa kamay ni kuya Marco. Kinuha ni Chance at tinago.
"Privacy, please."
"KJ mo, p're!" sabi ni kuya Marco at binato pa si Chance ng unan.
Inis na niligpit 'yon ni Chance.
"Nood na lang tayo movie."
Pinanood kong i-set up ni Chance ang TV. Hindi siya kumikibo. Baka may sakit 'to o 'di kaya wala talaga sa mood.
I'm not used to it.
"It? Corny niyan, p're. Kasawa na."
"Manood ka na lang," sagot sa kaniya ni Chance.
Nagsimula na ang movie. Nasa lapag silang dalawa kasama ni Princess. Ako naman, nasa sofa habang yakap ang sariling bag.
Nasa kalagitnaan kami ng panonood nang magsalita si kuya Marco. "Nagugutom ako. Wala ka bang foods diyan?"
Umiling naman si Chance. "Wala. Hindi pa ako nag-grocery."
"'Ba 'yan." Biglang napatingin sa akin si Kuya. "P're, ano ba 'to — movie marathon or ignoring her prank?"
Napatingin naman sa akin si Chance at binatukan si kuya Marco.
"Shut up, Marco. Manood ka na lang."
Tinawanan naman siya nito. Tumayo pa si kuya Marco.
"Hindi ko na talaga kaya. Bibili muna ako pagkain. Nagugutom na ako!"
Nagmamadaling lumabas si kuya Marco. Natahimik naman kami. Halos sounds lang sa movie ang naririnig. Nilakasan pa ni Chance ang sound doon.
"Are you starving?" tanong niya. Nakatingin sa pinapanood.
Nagulat naman ako nang bigla siyang magsalita.
"Ah, hindi pa naman. Ayos lang, wala ka naman ding pagkain dito," sagot ko at awkward na tumawa.
"Pwede naman akong bumili if you want some foods." Nagkibit-balikat siya.
Ngumiti lang ako kahit hindi siya nakatingin. Halos sa likod niya ako naka-focus instead sa movie. He's bothering me. Baka galit siya sa akin. Or may nagawa ako. I didn't know what happened.
Baka nga naiistorbo ko pa siya ngayon. Hindi naman daw kasi siya tumatanggap ng bisita. At ngayon, hindi pa ako masyadong pinapansin. Halos si Princess na nga lang ang kausapin niya.
Hindi ko na naintindihan ang movie. Hinintay ko na lang dumating si kuya Marco para hindi naman masyadong awkward. Minsan pa, nag-r-review ako or nagsasagot ulit sa handouts kahit na nasagutan ko na 'yon.
I'm trying to avoid awkward moments.
"Bakit mo kasama si Marco?"
Inangat ko ang tingin kay Chance. Hindi pa rin siya nakatingin. Hinahaplos lang niya si Princess.
"S—Sinama niya ako. Kausapin daw kita."
"Para saan?"
"I don't know," sagot ko at itinago muna ang mga handouts. Hindi na siya nagsalita kaya nagkaroon ako ng lakas ng loob na magtanong. "Kuya, galit ka ba?"
"Kanino, sa 'yo?" Tumango ako. "Why would I be mad?"
"Oo nga naman. Bakit ka naman magagalit sa akin?"
He shrugged. "Hindi ko alam. Siguro dahil ang dami-daming lalaking umaaligid sa 'yo. Hindi mo ako pinapansin. Parang wala lang ako sa 'yo. Bakit nga naman ako magagalit sa 'yo, Aline?" This time, tumingin na siya sa akin. Nangunot ang noo ko habang nakatingin sa kaniya. "Ah maybe, this isn't madness or what. Mostly, jealousy. Oo na, inaamin ko na — nagseselos ako."
"W—What do you mean?"
"Ano ba? Ang slow mo, gusto kita. Happy?"
"I tried to stop this feeling pero wala eh. Nahulog na ako, Aline. Kaso bawal 'to, hindi naman din pwede. Umaasa lang ako rito." Malungkot siyang ngumiti sa akin. "Oo, masama na ako pero natuwa ako nang i-reject mo 'yong Elijah. Akala ko kasi, may pag-asa ako sa 'yo. Kaso naalala ko 'yong sinabi mo sa akin dati. Focus mo ang pag-aaral."
"K—Kuya..."
"Sana ako na lang si Study, 'no? Para ako na lang ang priority mo." He laughed, sarcastically.
Napakurap ako habang nakatingin sa kaniya. Nablangko ang isip ko. I didn't know what to react or even what to say. I stiffened while staring at him.
Hindi ko namalayang nakapatay na pala ang TV. Tumayo siya at kinuha si Princess sa lapag. Pumunta siya sa may room doon.
"Tara na, Princess. Ihahatid na natin si Aline sa labas."
"Kuya," habol ko sa kaniya.
Mula sa pagkakatalikod, lumingon siya sa akin. "May sasabihin ka?"
"G—Gusto—" Napalunok ako. "Gusto kong humingi ng sorry. Nasaktan kita unintentionally. I'm sorry pero hindi talaga pwede," sabi ko at napayuko.
"Ayos lang, I knew it already. Kaya nga ako umiiwas na sa 'yo pero everytime na nakikita kita, wala eh." Ngumiti pa siya. "Ganito na lang, pagkatapos nito — let's pretend that we didn't meet. Like we don't know each other. Kunwari, walang nangyari."
Napatingin naman ako sa kaniya nang nakakunot ang noo. "Sure ka ba diyan?"
"Yeah, kalilimutan na lang din siguro kita. The important thing right now, I confessed to you. Umamin ako sa 'yo kahit walang kasiguraduhan."
"Sorry..."
Nagkatinginan kami. I'm just staring at him until I became contented. Ngumiti pa siya.
"Sige na, ihatid na kita."
Kahit ayaw ko, sumunod ako sa kaniya. My heart is heavy while walking next to him. Nang sumakay ako sa motor, halos hindi ako natakot doon sa kaiisip. Hindi pa mag-sink in sa akin lahat.
"Hindi na talaga bumalik 'yang Marco na 'yan," sabi niya sa gitnan ng pag-d-drive niya.
Minsan lang ako humiling pero sana, tumagal pa ang biyahe pauwi sa amin. He didn't speak so do I. I don't know what to say. Pinikit ko lang ang mata ko at pagdilat ko, nasa harapan na kaagad kami ng subdivision.
Bumaba na ako sa motor niya. Tumingin lang ako sa kaniya.
"Sige na, Aline." Ngumiti siya. "Nagugutom ka na yata. Mauuna na ako."
He told me to go away but I just stayed there — looking at him. I'm scared that if I walk away, he won't comeback anymore. Pagkatapos nito, wala na. Hindi na kami magkakilala.
"Sige na."
He's still smiling. Na-g-guilty ako.
"Ay makulit. Gusto mo bang magutom ka? Magkaka-ulcer ka niyan!"
Ngumiti ako sa kaniya at tumalikod. Doon na bumuhos ang luha ko. I want my tears to stop from falling but they didn't.
"Una na ako, ha?" sabi niya pa. I can almost hear the sound of how he smiles. "Good luck sa next journey. Goodbye, Aline. It's nice to meet you."
Mas lalo akong naluha nang marinig ko ang motor niya paalis. Lumingon ako nang mawala siya. Wala na talaga siya.
Nagmamadali akong umakyat sa kuwarto ko. Baka makita ako nina Mama umiyak. I cried hard in my room. I just realized everything.
Bakit naman kailangang ganoon ang mangyari? We can be friends. Pwede pa rin naman kaming magkaibigan kahit may feelings siya sa akin. It will fade away soon!
I want to ask him why. What or even how. Pero wala na akong lakas ng loob para doon. Isa pa, tapos na ang pagkakaibigan namin.
Nang sumunod na araw, ganoon pa rin. He's right, ganoon nga ang ginagawa namin. I'm smiling at kuya Marco everytime he smiles at me. Si Chance, hindi kami nagpapansinan katulad ng sinabi niya last time.
"Baka matunaw 'yan."
Napatingin ako kay Mia nang magsalita siya. Napansin niyang nakatingin ako kay Chance. I averted my gaze immediately.
Am I really staring at him the whole time?
Nasa cafeteria kami habang kumakain. Wala ako halos gana sa pagkain lalo na't nasa harapan lang namin sila Chance. Mabuti pa ang mga kaibigan niya, pinapansin ako. Siya, hindi.
My whole day was boring, as usual. Maliban na lang sa magkakaroon daw bukas ng ghost hunting sa isang building dito. Bigla akong na-excite pero nawalan ako ng gana nang makita si Chance. Oo nga pala, member din pala siya rito.
Lutang na ako buong araw. Hindi ko na rin halos mapansin ang mga bulong about sa akin. Hindi nga ako makapagsagot sa handouts nang maayos. Iniisip ko pa rin ang nangyari last time. Totoo nga talaga 'yon.
Maybe Chance was overacting when he said those words. Magkalimutan. Nanlulumo ako kapag naaalala 'yon. Masakit din naman sa part ko, of course. Naging close naman kami despite of the short period of time that we were together. Kaso wala, nag-decide na siya.
Hindi na namin kilala ang isa't-isa. Sa hallway, sa tuwing makakasalubong ko siya — hindi talaga siya tumitingin sa akin. Ganoon na lang din ang ginagawa ko.
The happenings were just so fast. We used to be friends ngunit bigla na lang nawala 'yon. Bakit sobra naman yatang mabilis? Should I blame it on his feelings for me?
He's been a good friend.
Funny.
Caring.
Sweet.
But I lost him. We lost each other.
I lost another friend.
I lost Chance Gomez after I lost Elijah Castillo.
--
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top