Chapter 10

Chapter 10

2nd day na ngayon ng Festival days. Elijah gave me a ticket earlier for their basketball game. Finals na yata ngayon.

Hindi pa naman tumatawag si Manager Lee sa akin. Baka nakalimutan na ako niyon. I laughed when I imagine her, pissed off. Busy lang siguro 'yon ngayon. Inaasikaso na raw kasi ang art gallery.

Natuwa naman sina Mama nang malaman 'yon.

"You've never failed to amaze me, ate," sabi niya. "We're so proud of you ni Papa mo. Next time, don't worry, pupunta na kami sa art gallery mo soon."

I smiled while reminiscing. Bumalik naman ako sa ulirat nang magsalita si Mia.

"Alam mo, sis. Hindi ko alam kung sino i-s-ship ko sa 'yo."

Lumingon ako kay Mia. Ibinaba pa niya ang phone. Magkausap yata sila ni Bonnie.

Kumunot ang noo ko. "Huh? Hindi mo naman kailangan."

Umirap siya. "Baliw, haba kasi ng hair mo! Daming nagkakagusto sa 'yo!"

Tinawanan ko na lang siya. I don't believe her and I disagree, hindi naman marami ang nagkakagusto sa akin.

The game has started already. Hindi magka-team ngayon sina Bonnie at Eljah. Mamaya pa ang next game kung saan nandoon si Bonnie kaya hindi pa nag-ch-cheer itong kaibigan ko.

"Bigyan mo ng tubig si Elijah mamaya," Mia whispered on my side.

Nandito kami sa may ibabang bench kaya madaling makita sina Elijah. Nagulat naman ako nang makita si Chance na naka-jersey. Nasa kabilang team siya!

Marunong na siya?

Lamang sina Elijah ng 3 points sa kabila. Nag-ch-cheer ako paminsan-minsan kina Elijah. Everytime na naririnig niya, ngumingiti siya sa akin.

"Go, Elijah!" sabay naming sigaw ni Mia. We both laughed at each other.

Napatigil naman ako sa pagtawa nang biglang mapatingin sa amin — sa akin si Chance. I don't know why he smirked at me.

Bigla akong napatingin sa mga kilos ni Chance. Mas naging energetic siya compare kanina. Sunod-sunod na 3 points ang nagawa niya. Lamang na sina Chance bigla.

Muntik pa ngang magkaroon ng foul ang team nina Elijah eh. Because of that, nagkaroon ng maliit na gulo roon. Thank God at naayos naman kaagad.

"Anong nangyari?" tanong ni Mia nang lumapit sa amin si Elijah during break.

Nakatayo siya sa harapan namin. Hingal na hingal. Pansin ko namang umupo sa katabi naming bench si Chance. He was breathing deeply, too.

"That Gomez, masyadong mayabang," sabi ni Elijah. Nanlaki ang mata ko at napatingin kay Chance. Mukhang hindi naman niya narinig. "Gusto laging maka-3 points. Akala mo kung sinong marunong maglaro."

"Part lang 'yan ng game, Elijah. Hayaan mo na sila," sagot naman ni Mia. Tumango naman si Elijah.

Ngumiti siya nang makita ako. "Pahinga ka muna," sabi ko. Napansin kong pawis na pawis siya kaya kinuha ko ang towel ko at pinunasan siya.

I heard Mia chuckled while looking at us. Pansin kong nakatingin lang sa akin si Elijah. Pinupunasan ko na lang siya.

I suddenly became conscious with my moves. Am I giving him false hopes now? Sana naman ay hindi. Ayaw kong umasa siya.

I heaved a sigh.

"Inom ka muna." Iniabot ko sa kaniya ang mineral water na nasa harapan ko.

Inasar-asar kami ng mga nasa kabilang bench na kakilala rin namin. Napatingin tuloy sa amin si Chance. Ewan ko kung bakit bigla kong nabitiwan ang towel.

Bumalik na muna si Elijah sa teammates niya at may pag-uusapan daw sila. Nagulat naman ako nang biglang lumapit sa akin si Chance.

"I'm thirsty, too. Pwede mo ba akong bigyan ng tubig?" sabi niya.

Nagkatinginan kami ni Mia. "S—Sa kabilang team 'to, kuya."

Hindi niya ako sinagot at tumango lang. Binato niya ang hawak na bola sa ka-teammate. Anong nangyari doon?

"Ano 'yon ha? Bakit may papunas?"

Mia shook my shoulders. Bumaling naman ako sa kaniya. "Ha?"

"Hotdog." Tumawa siya. "Bakit mo pinunasan si Elijah?"

"Eh pawis na pawis 'yong tao. Kawawa naman."

"Gusto mo ba siya?" tanong niya bigla.

Nawala na ang focus ko sa game nila. Napatingin ako kay Elijah na tumitingin na rin sa akin ngayon.

"Oo naman.."

Her eyes widened while looking at me. "G—Gusto mo na si Elijah? Really?!"

"Yes." Ngumiti ako at tumango. "As a friend, syempre. I like him as a friend."

Nakita ko namang bumagsak ang balikat niya.

"Yes. Team Ion pa rin," bulong niya.

"Ha? May sinasabi ka?"

Inirapan naman niya ako. "Wala. Sabi ko, ang ganda mo bingi nga lang."

I just shrugged my shoulders. Nag-focus na kami sa game. After few minutes, lumalamang na ulit sina Elijah sa kabilang team. Pansin kong ang saya ni Elijah sobra ngayon. He's smiling ear to ear.

Ewan ko kung bakit napatingin sa gawi namin si Chance. "Go, Chance." — I just mouthed it. Baka kung ano na namang isipin ng katabi ko. Sana lang, naintindihan ni Chance 'yon.

He's still looking at me. Bigla akong na-conscious sa way ng pagtingin niya. Mabuti na lang, pumito na ang referee.

Hindi ko alam kung paano nangyari na pagtingin ko, panalo na ang team nina Chance. The happenings were so fast.

Nagtataka akong napatingin kay Mia. "P—Pa'no sila nanalo? 'Di ba kanina—"

"Sunod-sunod ang shoot no'ng Chance. Hindi mo yata napansin. Paano kasi sa game dapat ang tingin, hindi sa player." Ngumisi pa siya sa akin at hinila na ako. "Let's go, kain na tayo."

Mas lalo akong nagtaka sa sinabi ni Mia. Am I looking at Chance the whole time?

No way!

Inalis ko na lang 'yon sa isipan ko nang pumunta kaming cafeteria para um-order ng foods. Nilibre ako ni Mia.

"Magkuwento ka naman." Ngumiti ako sa kaniya. "Sweet n'yo ni Bonnie eh."

"Ano ka ba?! Siya lang ang sweet, 'no. Medyo nahihiya pa rin kasi ako," sabi niya habang ngumunguya ng crackers. "Matagal ko na kasi siyang crush, 'di ba?" Tumango ako. "Parang panaginip lang na kami na ngayon!"

I smiled even more. "Mag-s-sink in din sa 'yo lahat."

Tumango naman siya. Ang sweet kasi talaga nila. But they're not the typical couple that I have seen many times before. Sweet sila na hindi nakasusuka tingnan. Hatid-sundo siya ni Bonnie. Laging in-u-update. Kinukumusta.

They're just a happy couple.

"Bakit? Inggit ka, 'no?" tanong niya at tumawa. "Patulan mo na kasi 'yang mga manliligaw mo para happy-happy na, 'di ba?"

Nangunot ang noo ko at napainom ng tubig. "Manliligaw? May nanliligaw ba sa akin?"

"Aline, my super duper manhid friend. Ganito kasi 'yan—"

"Aline!"

Nagulat ako nang may biglang tumawag sa akin. Nagmamadali siya at hinihingal. Classmate din 'to ni Elijah. Hindi ko lang alam ang name.

"A—Aline."

"Relax ka muna, girl," sabi ni Mia dahil hinihingal pa rin 'yong babae. "Inhale, exhale."

Sinunod naman niya si Mia. "Aline, si Eli."

"Bakit? Ano'ng nangyari?" tanong ko.

Hindi siya nagsalita. Tumakbo lang siya palabas doon. Tiningnan ko naman si Mia.

"Una ka na, bilis! Susunod ako. Gugutom pa ako eh."

Tumango na lang ako kay Mia at sinundan 'yong babae. Mabilis siyang tumakbo kaya kailangan mag-focus ako sa kaniya. Muntik pa akong may mabangga.

"W—Wait lang!" sabi ko pero hindi pa rin siya tumigil.

Nakarating na kami sa may botanical garden nang tumigil siya. Hingal na hingal ako nang tumigil. Nawala naman siya sa paningin ko.

Tumingin ako sa paligid ko pero halos wala namang tao. There is something strange. Nasaan si Elijah? Hindi kaya may masamang nangyari na ro'n?

My questions answered when he came out of nowhere. "Elijah.."

I stiffed when I saw him smiling. He's holding a stuffed toy and flowers on his right hand. Sa kabila naman ay hindi ko mabilang na chocolates ang hawak niya. His smile was so beautiful and I don't want to ruin it.

Ngayon pa lang ay na-g-guilty na ako!

"Aline, please listen carefully. Hindi ko na kayang patagalin pa 'to." He intently looked at me. "I like you. Gustong-gusto kita sobra. Please be my girlfriend.."

Napanganga ako nang bigla siyang lumapit sa akin. My heartbeat became so fast that I couldn't even breathe.

Am I dreaming?

Totoo ba 'to?

Sana hindi na lang! Please!

"Aline?" He even called me out.

"E—Elijah kasi." Nangapa ako sa sasabihin. Hindi rin ako makatingin sa kaniya. He's still smiling. I don't want it to be faded because of me. "Elijah, hindi pwede."

Nangunot ang noo niya. "Paanong hindi pwede? Bakit? Gusto mo rin naman ako, 'di ba? 'Di ba, Aline?"

Nanlaki naman ang mata ko. I'm sure he overheard our conversation earlier! Ngunit hindi niya narinig na gusto ko siya bilang kaibigan lang!

Argh, what's going on?!

"Hindi pwede, wala pa sa isip ko 'yan. At hindi kita gusto, sorry." Napayuko ako.

"H—Hindi mo 'ko gusto?" Dahan-dahan akong tumango. "Paano 'yong mga pagngiti mo sa akin? Bakit mo 'ko inabutan ng tubig kanina? You even wiped my sweat, Aline!" sabi niya pa. "You cared for me, alam ko. At alam ko ring gusto mo ako, nahihiya ka lang aminin. Kasi ako, gusto kita. Gustong-gusto kita, Aline. Just please.. please.."

"Sorry but the feelings aren't mutual," I admitted.

Natulala siya sa akin. "So pinaasa mo lang ako, ganoon ba?"

"Hindi gano'n, Elijah!" Umiiling-iling ako sa kaniya. "Hindi gano'n. Please."

I held his arm but he moved away from me. Nasaktan naman ako sa ginawa niya.

"Gano'n 'yon! Umasa ako sa 'yo, Aline! Iyong-iyo na lahat 'yan," sabi niya at inihagis ang mga dala niya kanina sa lapag. "Paasa ka!"

Parang pinipiga ang puso ko nang iwanan niya ako roon. Medyo marami na palang nakatingin sa akin. Pinahiya ko si Elijah. Pinahiya ko ang sarili ko sa harap ng mga tao.

Napatingin ako sa mga binigay ni Elijah. They were all scattered on the floor. Kukuhanin ko na sana lahat nang may biglang tumapak sa kamay ko.

"Ay gaga." Napaaray ako at tumingin sa nagsalita. It was the grade 7 that we saw last time. Ganoon pa rin ang hitsura niya. "Sorry, sadya. Joke. Nakaharang kasi 'yang kamay mo. Kukuhanin ko sana 'tong mga binigay sa 'yo eh."

Napaayos ako ng tayo. "S—Sino ka?"

"Girlfriend ni Eli. Joke ulit." Kinuha niya ang flowers at iniharap sa akin. "Sana nga ako na lang ang binigyan niya ng mga 'to eh. Hindi ko siya paaasahin. Hindi tulad mo, diyan ka na. Paasa!"

"Umalis na kayo. Tapos na ang palabas!" sabi niya pa sa mga estudyante roon.

She even made a face in front of me before she left — holding those flowers. Napayuko na lang ulit ako habang inaalala ang reaction ni Elijah kanina.

"Buang na bata 'yon, ah?" Hindi ko na napansin ang paglapit ni Mia sa akin. "Narinig ko ang nangyari. Okay lang 'yan. Tama lang ang ginawa mo."

Napatingin naman ako sa kaniya. Pinunasan ko ang luha ko. Umiiyak na pala ako.

"I—I rejected him. Napahiya siya. Nasaktan ko pa siya, Mia. Alin doon ang tama?" sabi ko sa kaniya.

She sighed. "Mas okay na ngayon mo na sinabi para alam niya 'yong totoo. Kahit naman ngayon o bukas mo man sabihin na hindi mo siya gusto, masasaktan pa rin siya. It won't make a difference."

"Pinaasa ko raw siya..."

"Siya lang 'tong umasa kaya ganiyan," sabi niya habang inaayos ang buhok ko. "Friend kita, kilala kita. Alam ko kung paano mo tratuhin ang kaibigan mo. Kaya siguro siya umasa pero hindi mo siya pinaasa intentionally." Ngumiti pa siya sa akin. "Don't worry bukas, aalis tayo. Pupunta tayong amusement park nina Carlos para mawala 'yan sa isip mo.

"Hayaan mo na si Elijah. Toxic ang ganiyan. He doesn't deserve you. 'Wag mo nang isipin 'yon, okay?"

I smiled at her and nodded. Niyakap naman niya ako.

"Pero sis, tatanungin kita. Alam ko namang study first ang motto mo sa buhay pero syempre, may feelings ka pa rin," sabi niya. "May iba pa bang reason kung bakit mo ni-reject si Elijah? May iba ka pa bang nagugustuhan?"

Biglang parang may bumara sa lalamunan ko nang makita sina Chance kasama ang teammates niya. Nakakunot ang noo niya habang tinitingnan ang mga kalat sa ibaba.

"'Uy."

"W—Wala, Mia. Alis na tayo rito.."

Tumango lang si Mia sa akin at umalis na kami roon. Hindi ko na nilingon sina Chance kahit alam kong nakatingin siya sa amin.

Hanggang sa pag-uwi ay naiisip ko pa rin si Elijah at mga sinabi niya. I knew that this day would come. Pero iba pa rin talaga kapag nangyari na.

Great, I just hurt him. Ang galing mo, Aline!

Bumuntong-hininga na lang ako at pinunasan ang mga luha ko. I just want to sleep but I can't. My conscience is bothering me!

Iniisip ko kung kumusta na si Elijah ngayon. Is he still hurting? Anong iniisip niya about sa akin? Galit pa rin ba siya?

Kahit kailan siguro ay hindi mawawala sa isipan ko ito. Nakasakit ako ng ibang tao. Dapat pala ay sa una pa lang, ni-reject ko na siya nang hindi na siya umasa pa. But just like what Mia said, it won't really make a difference. Masasaktan at masasaktan pa rin siya.

I'm so sorry, Elijah..

--

Mia was right when she said that we will go to the amusement park. Nandito na kami sa loob ng sasakyan nina Bonnie.

"May hinihintay pa ba?" tanong ko.

Naka-park pa lang kasi ang sasakyan. Nakaayos naman na kami lahat.

"Mayro'n," sabi ni Mia. "Si Axion. Tagal eh. Late talaga 'yong lalaking 'yon palagi."

"Ayan na nga si bebe oh." Turo ni Carlos.

Pinagbuksan ko siya ng pinto sa sasakyan. We smiled at each other. Nasa unahan sina Bonnie at Mia. Katabi ko naman sina Carlos at Ion.

"Sorry, late. Traffic eh," bungad ni Ion.

"Saan banda traffic, p're?" tanong naman ni Bonnie.

Napatingin sa akin si Ion. "Papasok lang dito kina Ali."

Nag-drive na si Bonnie. Nag-sound trip pa si Carlos. Dala ang speaker niya.

"Parang field trip 'to ah!" sabi ni Carlos at tumawa.

"Gaga, excited ka na naman!" Lumingon pa si Mia sa kaniya. "Walang pogi ro'n, tangiks!"

"Duh, wala akong interest sa pogi, 'no! Hindi naman 'yon ang ipupunta ko ro'n, ang rides!"

Hindi ko na lang masyadong pinansin ang pangungulit nina Mia. My mind is still clouded with what happened yesterday. I'm still guilty.

Alam ko ang social media accounts ni Elijah pero parang ayaw ko muna siyang kausapin. Baka galit pa rin 'yon sa akin. Saka nahihiya ako sa kaniya.

"Suot mo 'yang necklace, ah?"

Lumingon ako kay Ion nang magsalita siya. He's looking at me.

"Oo, ang ganda eh. I love it." Ngumiti ako.

"Tama lang yata ang binili ko."

"Diyos ko!" biglang sigaw ni Carlos. "Sa harapan naglalandian. Sa tabi ko, naglalandian pa rin! Fifth wheel ako!"

"Gaga ka talaga, Carla Baklita!" sabi ni Mia at lumayo nang kaunti kay Bonnie. Hinahawakan kasi niya ang tumbler ni Bonnie para makainom.

"Whatever."

Natawa na lang kami ni Ion. I shook my head. Baliw talaga 'tong si Carlos.

Medyo traffic palabas ng subdivision namin pero ayos lang naman. Mabilis naman kami nakarating sa may amusement park.

"Fresh air!"

"Baliw. Fresh air ka diyan!" Binatukan kaagad ni Mia si Carlos pagkababa pa lang. "Nasa city pa rin tayo. Polluted pa rin ang air!"

Umirap naman si Carlos. "Panira ka forever, Khalifa. Pasalamat ka at nandiyan ang bebe mo. Kung hindi—"

Hinalikan naman ni Mia si Carlos sa pisngi. "Pasalamat pala ha. Edi thank you!"

Pansin kong natigilan doon si Carlos pero pinunasan niya kaagad ang pisngi nang tinawanan siya ni Mia. "Kadiri ka talaga!"

"Kung hindi ka lang talaga bakla at kaibigan ni Mia, Carlos. Magseselos na ako."

Natawa naman kaming lahat sa sinabi ni Bonnie. Napansin ko namang medyo nabalisa roon si Carlos. Hindi ko na lang masyadong pinansin.

"Ah hello po! Papasok po ba kayo?"

Napatingin ako sa babaeng nasa entrance. Nginitian ko 'yon at niyaya na silang pumasok sa loob.

"Dadaldal kasi eh." Umirap pa si Carlos.

Nag-unahan sila sa pagsakay sa may waterslide doon. Nilibre pa ako ni Ion. Hindi naman na ako tumanggi.

"Be careful," sabi ni Ion habang inaalalayan akong sumakay roon.

"Opo, itay."

Natawa ako nang sumimangot siya sa akin. Maximum of four lang ang kasya roon kaya nagpaiwan na lang si Carlos.

"Dadaya n'yo talaga. Lalo ka na, Khalifa!" Pumadyak-padyak pa si Carlos habang nakatingin sa amin.

"Bleh!" Mia made a face and laughed. "See you sa next ride!"

Tawa kami nang tawa nang mag-start na. Masaya sa waterslide dahil may water nga pero ewan, hindi ko magawang mag-enjoy.

After that, sa may roller coaster naman kami sumakay. Takot na takot si Carlos pagkakita pa lang doon.

"Kalalaking tao, duwag!" Tinawanan pa ni Mia.

Nag-irapan pa ang dalawa. Lumapit naman sa akin si Ion.

"Are you okay?" tanong niya. Ngumiti ako at tumango. "I heard what happened. Sure ka, okay ka lang?"

"Oo nga, Aline. Sinama ka namin dito para mag-enjoy pero parang hindi ka naman nag-e-enjoy. Okay ka lang ba talaga?" sabi naman ni Mia. Nakatingin sila lahat sa akin.

"M—Medyo. Pinilit ko lang talaga." I forced to smile. "Can I stay here muna?"

Tumango si Mia. "Sure ka ha?" Tumango rin ako.

"Samahan ko na lang siya rito," sabi naman ni Ion sa akin. Iiling sana ako pero inunahan niya ako. "I insist."

Napabuntong-hininga na lang ako sa kaniya. Tumingin naman ako kay Bonnie nang tawagin niya ako.

"Sorry pala ro'n sa mga sinabi ni Elijah. Gano'n talaga 'yon. Nasaktan eh. Hayaan mo na muna."

"Oo nga," sabi ni Mia. "Kausapin mo rin 'yang si Elijah ha?" sabi niya kay Bonnie.

"Yes, love."

"Hay nako, love is in the air na talaga!" sabi ni Carlos at nauna na roon kahit natatakot siya kanina. Natawa naman kami.

"You should be enjoying, Ion. Sumama ka na sa kanila. Magbabayad pa lang naman oh," sabi ko kay Ion. Hindi pa naman nakakasakay sina Mia.

"Aline." Tumingin siya sa akin. "I don't really like going to theme parks like this so okay lang sa akin. Sasamahan na lang kita."

Natawa naman ako nang mahina. "Eh bakit ka nandito kung ayaw mo naman pala?"

"You're here." He shrugged his shoulders.

"Sweet ng best friend ko, ah?" Tumawa pa ulit ako. "Ano'ng nakain mo?"

"Bacon." Tumawa pa siya.

Naisipan naming maglaro na lang ng games doon. Kinuha niya ang darts at pinatama niya ro'n sa may stuffed toy na naka-cover. Hindi nga lang nakuha.

"You're not good, Ion. Ako nga," sabi ko. Natatawa kong kinuha ang dart sa kaniya.

Napasimangot naman ako nang hindi ko rin 'yon nakuha. Tinawanan naman niya ako.

"You're not a good player, too."

Inasar-asar niya pa ako. Sinisimangutan ko lang siya. Mapipikon 'to kapag inasar ko na naman.

In the end, maliit na stuffed toy lang ang nakuha niya. Binigay niya pa sa akin. "Thanks."

"I aimed for the big one but I failed. Ayan lang nakayanan ng powers, sorry."

"Okay lang," sabi ko at ngumiti. "Cute naman eh."

"Yeah parehas kayong maliit."

Nanlaki ang mata ko nang pahiran niya ako ng mustard galing doon sa hotdog na binili niya. He ran away from me.

"Kadiri, Ion!" sabi ko at hinabol siya. Tumatawa naman siyang lumayo pa sa akin. "For your information, mas matangkad ako sa 'yo!"

Totoo 'yon. Mas matangkad ako sa kaniya nang kaunti lang naman but it's still the same. Mas matangkad pa rin ako.

Natawa naman ako nang maabutan siya. Pinahiran ko rin siya ng mustard sa pisngi.

"Okay, Ali. That's enough."

Natawa ako. "Pikon."

Hiningal ako bigla kaya naupo ako sa tabi niya. Sumandal pa ako sa balikat niya after kong kainin ang hotdog. I felt that he stiffened so hindi na lang ako sumandal.

"Why?" tanong niya. "S—Sandal ka lang."

Sumandal ako sa kaniya. Tinitingnan lang namin sina Mia at iba pa na sumisigaw roon sa may ride. Nangiti naman ako. Bigla naman akong inantok.

"You're safe with me, Aline."

May sinabi pa si Ion pero hindi ko na 'yon masyado narinig.

Nagising ako sa malambot na kama. Kumunot ang noo ko. Biglang sumakit ang ulo ko.

Panaginip lang ba 'yong kasama ko sina Ion?

So puwedeng panaginip lang din na nag-confess sa akin si Elijah?

My question answered when my phone suddenly vibrated.

Axion

You fell asleep earlier. Hindi ka na namin ginising. You were so tired so yeah. I hope you enjoyed, Aline. Sleep well.

Nangiti ako sa message ni Ion. I really did enjoy our trip for today. Medyo nawala ang isip ko sa nangyari kahapon. But my smile immediately faded when I realized that it wasn't a dream that I was with Ion — so it means, Elijah eally confessed to me and I rejected him!

Sana nananaginip na lang talaga ako.

--

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top