Reaching The Shore
Ever since I met Gabriel, I started to focus myself on single thing in order for me to give all the time and attention that he needed because he always does it when he was still with me.
Our journey of sailing was never easy. We fought with the waves, we surrender, we stood up and still got the back of each other.
When I said that I loved him wholeheartedly, I meant it. Handa akong ibigay sa kanya ang lahat. Handa akong isuko ang puting bandera para lang mapanatili pa rin siya sa tabi ko.
Noong mga panahong pinangako namin sa isa't isa na dapat kami pa rin kahit limang taon na ang lumipas, tinupad namin. Sabay pa rin naming nakuha yung mga trabaho na siyang pinlano naming pasukin noon para mabalanse namin ang mga oras namin na hindi makakasagabal sa relasyon namin.
I am happy when I am with him. Dahil sa kanya, natuto akong mahal na hindi nanghihingi ng kapalit. Dahil sa kanya, natuto akong masaktan, na huwag iwasan yung sakit na maaari kong maramdaman, dahil noon, wala akong ibang ginawa kundi ang ilayo ang sarili ko sa mga bagay na nakasasakit sa akin lalo na dahil ayokong mag-overthink ng problema pagdating sa pamilya ko. At habang nasasaktan ako, nandiyan siya. Noong unti-unti na akong nakakalaya sa sakit na 'yon, nandoon siya... he was there when I needed to survive and I was there when he messed up.
Walang perpekto sa mundong ito kaya alam kong hindi kami perpekto ni Gabriel noong nasaktan kaming dalawa at sinaktan namin ang isa't isa.
Noong sinabi ng mga kaibigan ko na napakababaw pa ng relasyon namin para sa limang taong pagsasama, hindi ako natinag. Dahil alam ko, kami ang nakaranas at hindi sila... pero as the time goes by, narealize kong madali pa rin pala kaming matibag kasi nagawa naming saktan ang isa't isa na hindi lumilingon sa mga alaala ng naging kahapon naming dalawa.
And now, everything has to put into an end.
Tumingala ako nang bumukas ang dalawang pintuan ng simbahan. Kitang-kita ko ang mga matang nakatuon sa akin habang naglalakad ako palapit sa altar, palapit sa taong minsan ko nang pinangarap na makasama habang buhay.
Malaki ang ngiti sa akin ni Gabriel habang papalapit ako sa kanya. Sa mga oras na iyon, wala akong ibang pinakinggan kundi ang malakas na tibok ng puso ko.
At nang makarating ako sa kanya, tumigil ako upang yakapin siya.
"Thank you for everything, Gabriel," bulong ko sa kanya.
"Ako ang nagsasabi dapat niyan, Krystal. Maraming-maraming salamat kasi dahil sayo, natuto akong magmahal ng tama at pinili ko ang tamang pagkakataon para sa lahat ng ito."
Tinapik ko lang siya sa balikat at pumunta na sa left side ng altar. At saka namin narinig ang pagdating ng totoong bride.
Muling bumukas ang dalawang pintuan ng simbahan at doon iniluwa ang babaeng makakasama niya habang buhay.
Nagsimulang tumugtog ang Beautiful In White by Westlife.
Nilingon ko si Gabriel na nakahanda na ang ngiti para sa kanyang pinakamamahal. Hindi ko maiwasang mag-compare dahil ang kakaibang kislap ng mga mata niya habang pinapanood ang babaeng pakakasalan niyang papalapit sa kanya ay hindi ko kailanman nakita sa kanya noong ako pa ang tinitingnan niya ng ganyan.
Napangiti na lang ako nang bumaling sa akin si Rachel, ang babaeng kanyang pakakasalan. Gusto ko na lang matawa habang inaalala ang naging usapan namin ni Dallie noong nasa Hawaii pa ako.
"Kailan mo ba balak bumalik dito? Sabi mo, saglit ka lang?"
Umirap ako habang nakikipag-face time kay Dallie. Dalawang taon pa lang ang lumilipas simula noong umalis ako ng Pilipinas. At ngayon pa lang unti-unting nagbu-bloom ang company na itinayo namin nina Joie.
"Baka nga magstay pa ako rito, Dals. Nakahanap na kasi ng puwesto rito sina Joie. Tutal, masiyado na raw maraming may business diyan sa Pilipinas, dito naman daw kami sa ibang bansa." Kinuha ko ang juice na nakapatong sa nightstand at ininuman.
Napailing na lang siya. "Whatever, Krystal. Gusto ko pa namang ninang ka ng magiging anak ko."
Muntik na akong mabilaukan kaya agad kong inilapag ang baso sa nighstand at pinanlakihan siya ng mga mata.
"Ninang? Buntis ka?"
"Malamang, Krystal! Magiging ninang ka ba kung hindi ako mabubuntis at hindi ako magkakaanak?" pilosopo niyang sagot.
Gustuhin ko mang irapan siya sa pinagsasabi niya, pakiramdam ko, sistomas lang 'yan nang pagiging buntis niya.
"Sinong ama?" iyon na lang ang naitanong ko.
Ang totoo niyan, nitong nakaraang buwan ko lang piniling makipag-communicate sa kanilang mga kaibigan ko ulit. Naisip ko kasing hindi naman tamang idamay ko sila sa pagkaayaw kong magkaroon ng communication sa mga taong minsan nang naging konektado sa buhay namin ni Gabriel.
"Si Aries," bored niyang sagot.
Namilog naman ang mga mata ko. "Aries? As in, si Sir Aries na dati kong boss?"
"Correction, dati nating boss dahil nagresign na rin ako sa kompanya simula noong mabuntis ako. Ayaw ni Aries na nahihirapan ako sa pagtatrabaho. Isn't he sweet?" kuwento niya habang nakangiti.
"No way," natatawa kong wika. "Paano mo napaamo yung lalaking 'yon?"
I've known Sir Aries for being strict and uptight. Sa tayog ng pader na nakapaligid sa pagkatao no'n, walang maniniwalang si Dallie pa na sobrang liberated ang mapapangasawa niya.
"Anong ako? Siya ang naghabol sa akin, Krystal. Para lang naman malaman mo." Nag-flip hair pa siya. "Hinding-hindi ko luluhuran ang mga katulad niya, ano? Kaya yung mga sinasabi nilang ang mga kagaya ko pa ang magpapalambot sa mga katulad ni Aries ay isang malaking fake news. Over my dead body."
Tumawa na ako. "Over your dead body pero buntis ka na? Ibang klase talaga."
"Syempre, masiyado siyang consistent. Marupok ako basta alam kong may gain ako, Krystal. Hindi ako maalam sa stocks and investments pero malaking installment ang ginawa ni Aries sa pagkatao ko."
Napailing na lang ako. "Well, congrats for being pregnant. I'm happy for you."
"Thank you, Krystal. Dahil may isa ka pang dapat na malaman," aniya.
"Ano na naman?"
Hindi na muna ako uminom ulit kahit na nauuhaw dahil baka sa pagkakataong ito ay maibuga ko na talaga ang iniinom ko.
"Si Gabriel mo. I mean, si Gabriel, nagdi-date sila ni Rachel."
Umawang ang labi ko. Saglit akong natigilan bago kinapa ang dibdib ko kung may iba pa ba akong nararamdaman habang pinakikinggan ang balita ni Dallie.
Bumuga siya ng hangin nang makita ang ekspresyon ko. "I know, Krystal. Maski ako ay nagulat sa balita nang sabihin niya 'yon sa amin nina Anna. Nag-away pa kami. Sabi ko, napakahipokrita niya kasi ang lakas pa ng loob niyang payuhan ka noon tapos idi-date rin pala niya yung taong naging dahilan kung bakit kinailangan mong lumayo rito."
Surprisingly, I didn't feel anything. Even grudge or whatnot, wala. Parang mas gumaan ang pakiramdam ko kasi sa wakas, nakahanap na si Gabriel ng taong totoong kayang manatili sa tabi niya.
"Are they doing well?"
"Hmm, oo. Si Anna lang ang nagbabalita sa akin sa mga ganap ng babaeng 'yon dahil hindi kami nagpapansinan."
"Bakit naman?"
Kumunot ang noo niya. "Bakit hindi? Sinulot niya ang ex-fiancé mo! Ang labas tuloy, para siyang naging bantay salakay sa inyo. Sa lagay na 'yon, alam pa niya ang issue ninyong dalawa, huh?"
Ngumiti ako sa kanya. "I'm fine, Dallie. Well, surprisingly, wala akong nararamdamang galit or ano para sa kanila. All I want right now is for Gabriel to happy. Afterall, I really did wished him to be happy before I left him."
Natulala siya sa akin. Para pa siyang hindi makapaniwala sa mga sinasabi ko dahil bago ako umalis ng bansa, hindi man lang ako maayos na nakipag-usap sa kanila maliban sa pagpapaalam ko noong nagresign ako. Na alam kong kulang pa.
"Nakikita ko sa mga mata mo na masaya ka nga, Krystal. Pero ayokong maniwala," malumanay na wika niya. "Dahil minsan na akong nagpanggap din noon sa ex ko na masaya ako pero ang totoo, masakit din pala."
Tinitigan namin ang isa't isa dahil ayaw niya talagang matinag hanggang sa siya na mismo ang sumuko at napailing sa sarili niya.
"You really looked happy. Actually, ang totoo niyan, noong unang alis mo rito, laging nandito yung ex mo. Umiiyak, nagwawala... palagi ka niyang hinahanap sa amin. Palagi niyang rinarason na baka tinago ka lang namin. Hindi niya kasi pala alam na hindi ka lang basta aalis sa buhay niya, aalis ka rin pala ng kompanya at ng bansa. From that time, hindi ko maiwasang hindi maniwalang nakayang maging tarantado ng katulad ng ex mo, Krystal kasi talagang mukha siyang bigong-bigo noong mga panahong iyon."
Napangiti na lang ako. Hindi ko naman kasi sinabi kay Gabriel na aalis ako ng bansa para dito na ulit magsimula. Hindi rin niya alam na aalis ako ng kompanya dahil masiyado na kaming magulo at hindi na talaga kami nagkaintindihan.
Iyong huling tagpo naman namin sa apartment naming dalawa, wala kaming proper closure. Inalok ko lang siyang magpakasal na siyang simbolo na gusto ko nang umalis sa buhay niya dahil ibinalik ko na ang singsing kaya hindi ko inakalang magiging ganito ang epekto sa kanya.
"Noong mga panahong 'yon, si Rachel ang laging humaharap sa kanya. Alam mo naman na sobrang sakit magsalita no'n kahit tahimik, hindi ba? Sinabi niyang tarantado kasi si Gabriel kaya iniwan mo at hindi ka niya deserve. Lumuhod si Gabriel sa harapan ni Rachel at sinabing magiging mabuti ulit siya basta ba bumalik ka lang," patuloy niya. "Sa tuwing bumabalik iyon dito, si Rachel na ang laging humaharap sa kanya. Hanggang sa huling punta niya rito sa kompanya, ibinalik na niya yung apartment ninyo."
Kung ganito ang nangyari, nasaan pala si Shane? Para kasing the whole process, si Rachel na ang nandiyan para kay Gabriel.
So, nasaan si Shane?
"Iyon pala, nagsisimula na sila ni Rachel nang bago," dagdag niya.
"Hindi sila nagkatuluyan ni Shane?"
Nagkibit balikat si Dallie. "Wala akong nakitang anino ni Shane simula noong umalis ka kaya nga nagtataka ako kung bakit lagi pang balik nang balik rito si Gabriel para hanapin ka kung may Shane naman. I don't really know, Krystal. Iyan lang ang nalalaman ko."
Hindi ako makapaniwala. Nawalan na rin naman kasi ako ng balita kay Shane matapos kong umalis. Hindi naman sa interesado pa ako sa pagkatao niya.
Pero hindi ko maiwasang hindi mapaisip kung anong nangyari? Bakit bigla na lang siyang naglaho?
"You may now kiss the bride," anunsyo ng pari.
Bumalik ako sa reyalidad nang marinig ang palakpakan ng mga tao. Nang mag focus ako sa altar ay hindi ko maiwasang hindi mapangiti nang matamis habang tinitingnan ang dalawa na humalik sa isa't isa.
Sumagi rin sa isipan ko ang dahilan kung bakit nandito ako ngayon sa kasal nilang dalawa.
"Krystal, ikakasal na raw si Shin?" tanong ni Joie sa akin nang pumunta siya ng sala.
Pinagmamasdan ko nga ang invitation na s-in-end ni Rachel sa group chat naming magkakaibigan sa agency namin noon.
Lahat sila may sari-sarili ng pamilya. Parang napagod na sa paglalaro kaya naisip nang lumagay sa tahimik.
Umupo sa tabi ko si Joie at kinuha ang telepono ko mula sa akin.
"Pupunta ka ba?" muli niyang tanong.
Nagkibit balikat ako at inabot ang baso na may lamang champagne sa coffee table.
"Siguro? Hindi ko sigurado. Why?"
"Bakit hindi mo sigurado? Hindi ka pa ba nakakamove on?"
Kumunot ang noo ko at masama ang tingin na bumaling sa kanya. "Kung humihirit ka para mang-asar, sorry, hindi ako apektado. Tuloy ang buhay."
Humagalpak siya ng tawa. "Punta ka tapos sasama rin ako. Nag-send din si Gabriel sa group chat ng batch natin, e. Wala ka ba doon?"
Umiling ako. "Matagal na akong nag leave."
"Oo nga pala. So, ano? Pupunta ka ba or hindi?"
Ibinaba ko na ang wine glass at inagaw ang telepono mula kay Joie. Parang gusto kong matulog ngayon.
"Hindi ko alam, Joie. Wag mo akong kulitin."
"Sus, sumama ka na. Malay mo, talagang malagay ka na sa katahimikan once na makita mo sila at wala ka na talagang nararamdaman."
Hindi ko siya pinansin noon at natulog na lang.
Kaya heto ako ngayon, pinapanood sila. Isa-isa nang nagsisialisan ang mga tao sa simbahan upang dumiretso sa reception.
Alam ko sa sarili ko na sa pagkakataong ito, muli ko na namang napatunayan sa sarili kong talagang wala na sa akin ang lahat ng ito. Na talagang noong sinabi kong masaya na ako para sa kanya, e talagang masaya na ako.
Nang makarating sa reception ay hindi ako masiyadong nakihalubilo sa mga tao. Hinahanap ko rin ang presence ni Joie na nagsabing mali-late raw. Wala talaga akong maaasahan sa babaeng 'yon.
"Krystal," may tumawag sa pangalan ko.
Binalingan ko ito at nakita ang mag-asawang Mallari sa harapan ko. Mukhang nag-iikot na sila sa lamesa ng mga bisita.
"Oh, hello. Congratulations pala," sinsero kong sinabi.
Hinawakan ni Rachel ang dalawang kamay ko. "Thank you, Krystal. Sobra."
Ngumiti lang ako at tinapik ang kamay niyang hawak ako.
"Kung hindi dahil sayo, baka hanggang ngayon, hindi pa rin ako natututo," ani Gabriel. "So, thank you, Krystal. Hinding-hindi kita makakalimutan."
"Walang anuman. Basta, magpakasaya kayo, huh?" Tinaliman ko ang titig kay Gabriel. "'Wag mong lolokohin ang kaibigan ko."
Tumawa si Gabriel. "Oo naman. Mahal na mahal ko si Rachel, Krystal."
Akala ko mapapaitan ako kapag narinig ko ang salitang sinabi niya pero hanggang sa makapagpaalam sila sa akin ay nanatili lang akong nakangiti.
Naupo ako sa upuan at kinuha ang wine na s-in-erve ng waiter sa aking lamesa. Sinimulan kong uminom-inom doon habang hinihintay na matapos ang party.
"Now, for the highlight of this event, the throwing of bouquet. Sa mga single ladies diyan, it's now your time to shine at baka ito na ang pagkakataon na kayo naman ang sunod na ikakasal," ani ng emcee.
Marami na agad na humilera na mga kababaihan doon habang hinihintay si Rachel. Natatawa na lang ako.
May humila sa braso ko kaya nagulat ako at napatayo. Nang lingunin ko kung sino iyon saka ko lang napagtantong si Ross ang humihila sa akin papunta sa mga babae.
"Teka, bakit ka nanghihila?" Inagaw ko sa kanya ang braso ko.
Presko siyang ngumiti sa akin at hinila akong muli. "Kailangan mong masalo 'yon para tayong dalawa na ang sunod na ikakasal."
Lumaki ang mga mata ko at hindi na nakapalag nang isingit niya ako sa mga babaeng naghihintay na ihagis ni Rachel ang bouquet.
"Now, now! Pagbigyan niyo na si Ross, Shin! Ibigay niyo na agad kay Krystal yung bulaklak!" may sumigaw sa crowd.
"Ipakasal niyo na! Ilang taon nang naghihintay 'tong kaibigan namin!"
Takang-taka ako dahil nagkibit-balikat lang sa akin ang mag-asawang Shin Gabriel Mallari. Anong problema rin ng dalawang 'to?
"Ayan na, ihahagis na ng bride."
Tulala lang ako sa kanila at napahimas ng batok. Dinig ko ang asaran ng mga tao sa likuran ko.
Nagkaroon lang nang katahimikan nang ihagis ni Rachel ang bulaklak at hindi malaman kung sino ang nakasalo.
Hanggang sa lumapit sa akin si Ross na siyang humila sa akin kanina. May rose pa sa kanyang bibig.
"Ikaw nga talaga ang para sa akin." Bumaba ang tingin niya sa hawak ko kaya napatingin ako sa bouquet na ako pala ang nakahawak. "Pagkakataon ko na."
"Anong pakulo ito, Ross?" asar kong tanong.
Hinawakan niya ang isang kamay ko at dinala iyon sa labi niya. Hindi ako nakagalaw nang halikan niya ito.
"Be my wife, Krystal Gerona. Please, be mine in this lifetime."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top