Chapter 7
Napaubo ako nang malanghap ang usok na ibinuga ni Dallie. Saglit kaming tumigil sa Seven Eleven na katapat lang ng dati naming eskuwelahan.
"Sabi ko na sayo, 'di ba? May ibang ka-team dinner 'yon," panimula niya.
Uminom ako sa heinikken na binili namin sa loob. "Ewan ko ba, Dallie. Hindi naman ako magagalit kung gusto niyang makipag-bonding sa mga barkada niya dahil matagal ko nang tanggap ang parteng 'yon sa buhay niya. Pero bakit hindi niya kayang magpaalam sa akin?"
"Bakit sa tingin mo magpapaalam sayo yung boyfriend mo kung alam niyang masasaktan ka?" Tiningnan niya ako at uminom na rin ng beer.
Bumuga na lang ako ng hangin at nagpalipas ng ilang oras. Masiyado na yata akong napa-paranoid dahil kung ano-ano nang walang katuturan ang pumapasok sa isip ko.
"Salamat pala, Dallie, ha? Nakita mo pa kung gaano paano ako mag-drama."
Tumawa lang siya. "Wala 'yon. At saka, bakit hindi kita dadamayan kung alam ko naman ang nararamdaman mo? Basta, kung alam mong mali na, bitiwan mo na. Sagipin mo ang sarili mo."
Kumaway lang ako sa kaniya at nagpaalam na.
Ngayon, hindi ko na alam kung ano pang mukha ang ihaharap ko kay Gabriel kapag sinumbatan niya ako tungkol sa naging pag-uugali ko.
"Saan ka galing?"
Umawang ang labi ko nang bumukas ang pintuan at iniluwa si Gabriel. Salubong ang kaniyang kilay at tikom ang kaniyang mga labi.
"Gabriel. . ."
"Tinatanong kita kung saan ka galing, Krystal? Ikaw pa ang naunang umuwi sa atin, 'di ba?"
Tinitigan ko siya sa mga mata at kinalma ang sarili ko. Kaming dalawa na lang ngayon at natatakot akong sumabog dahil baka iwanan niya ako sa mga oras na ito.
"Sa Seven Eleven kasama ko si Dallie." Pumasok na ako kaya napatabi siya sa gilid.
"At nagawa mo pang mag-seven eleven 'pagtapos nating magtalo, Krystal?"
Ibinaba ko ang bag ko sa sofa at naglakad papasok ng kusina. Ramdam kong nakasunod pa rin siya sa akin. Binuksan ko ang refrigerator at kumuha ng malamig na tubig. Nauuhaw ako kaya iinom ako at baka maibsan ang init ng ulo ko.
"Anong gusto mong gawin ko, Gabriel?" tanong ko sa kaniya habang nagsasalin ng tubig. "Damdamin ko yung pag-aaway natin? Para ano? Makapagtanim ako sayo ng sama ng loob?"
"Ganoon na lang ba 'yon? Wala ka na ba talagang pakialam sa akin?"
Napainom ako ng tubig dahil sa sinabi niya. Saan naman niya nakuha ang ideya na 'yon?
"Ayaw mo na ba sa akin, Krystal? Nagsasawa ka na? Kaya kung umasta ka, parang wala na lang saiyo ang lahat."
Kumunot ang noo ko at hinarap na siya. "Anong ibig mong sabihin, Gabriel? Sino ba itong nagsabing may business client siya at hindi ako inimporma na iba na pala ang makakasama sa meeting?"
"Totoo naman kasing may kliyente ako, Krystal!" sigaw niya.
"Kung ganoon naman pala, bakit hindi mo sinabing kasama mo si Shane?" balik ko sa kaniya.
"Mahalaga pa ba 'yon, Krystal?" Umiling siya sa akin. "E wala ka na ngang pakialam sa akin, 'di ba?"
Natawa ako. Muli kong naalala ang sinabi ni Joie sa akin kaninang umaga kaya saglit ko siyang pinakatitigan, tinitimbang kung dapat ko bang alamin o may gusto lang akong patunayan.
"Ano?" aniya.
Ngunit sa huli, alam kong hindi ko pa rin kaya. Umiling na lang ako sa kaniya at inilapag na ang baso sa lamesa.
"Matulog na tayo," sabi ko at nilagpasan na siya.
Kinaumagahan, wala na sa tabi ko si Gabriel. Hindi ako sanay na ganoon. Dahil sa aming dalawa, ako palagi ang umagang nagigising. Ako ang nagluluto ng umagahan namin.
Hawak ko ang ulo ko nang bumangon ako. Medyo naninilim pa ang paningin ko, isama pa ang sakit ng ulo dahil sa hang over.
Tatayo na sana ako sa kama nang mapansin ko ang gamot at tubig na nasa nightstand. May note pa:
"Drink this. I love you, hon."
Hindi ko alam ang dapat maramdaman dahil sa pagkalutang. Pinabayaan ko lang ang note na nakadikit doon at ininom na ang gamot pati na rin ang tubig.
Nang makalabas sa kuwarto ay agad na naninuot sa ilong ko ang amoy ng nilulutong sinangag. Mukhang si Gabriel ang nagluto para sa umagang ito. Again, hindi ko alam ang dapat kong maramdaman.
Dumiretso na muna ako sa comfort room upang maghilamos at mag-jingle na rin. Mabagal ang bawat galaw ko habang nagsasabon ng mukha at unti-unting inaalala ang mga naging ganap kagabi. Napabilis ang pagsabon ko sa mukha kaya napasukan ng sabon ang mata ko, mabilis ko itong binasa ng tubig.
Napapikit na lang ako habang pumapasok sa isipan ko ang mga naging sagutan at sa mga sinagot ko kay Shane kaninang madaling araw.
Dinig na dinig ko ang ginagawa ni Gabriel nang tuluyan na akong makapasok sa kusina.
Sinilip ko pa ang kalendaryo sa refrigerator at napansing Sabado ngayon. Ibig sabihin lang no'n ay mahaba ang araw namin para makapag-usap dahil wala kami parehong pasok. Bukas nga lang ay may duty ulit siya.
"Good morning," bati niya sa akin matapos niyang ilapag ang mga bagong timplang kape sa lamesa.
Hindi ako sumagot. Dahil hindi ko alam ang sasabihin ko.
"Krystal. . ."
Pinagmasdan ko muna saglit ang mga pagkaing hinanda niya. Gusto kong matawa dahil yung sauce na ketchup ay d-in-esign niya sa scrumble na itlog na binuo ng smiley face.
"Hon, galit ka pa rin ba sa akin?" wika niyang muli.
Unang tingin ko pa lang sa kaniya ay alam kong nalusaw na kaagad ang tampong nararamdaman ko.
"Bakit naman ako magagalit sayo?"
Mabilis siyang umikot sa lamesa at agad na ipinulupot ang braso sa baywang ko. Napapikit na lang ako ng mata nang maramdaman ang halik niya sa gilid ng ulo ko.
"I'm sorry, hon. I'm really sorry. . . hindi ako dapat nagalit sayo kagabi. Kasalanan ko, Krystal," aniya.
Hinaplos ko lang ang braso niyang nakapulupot sa akin habang umiiling. Sinubukan ko siyang harapin kaya lumuwang nang kaunti ang hawak niya sa baywang ko.
"Ayos lang. Hindi naman ako galit eh. . . nagtatampo lang ako. Bakit hindi mo sinabing sila pala yung kasama mo kagabi?"
"Sasabihin ko naman. Iyon nga sana yung ikukuwento ko sayo ngayong araw pero nagkita at nagtalo pa tayo kagabi."
Kinagat ko ang labi ko at muling naalala yung mga sinabi ni Joie kahapon.
"Hindi lang naman kahapon yun, Gab. Noong nakaraan din, ganoon. Late ka na parating umuuwi. Madalas na tayong hindi magkasabay sa hapunan," pagsasabi ko ng mga hinanaing ko.
Hinaplos niya ang pisngi ko. "I know and I'm sorry, hon. Hindi ko talaga sinasadyang magtampo ka. Busy lang din ako nitong mga nakaraang linggo dahil may mga panibago kaming products na inaasikaso."
Huminga ako nang malalim. "May magagawa pa ba ako?"
Sinandal niya ang noo niya sa noo ko kaya napapikit ako nang maramdaman ang labi niya sa labi ko. For a moment, I feel like I need to savor this moment or else, it won't happen again.
"I'm really sorry, hon. Hindi na talaga mauulit."
Nanuyo ang lalamunan ko habang pinakikinggan ang mga pangako niya sa akin. Pero hindi ko man lang narinig sa kaniya ang paghingi niya ng tawad tungkol sa pagkakakulong nila ni Shane sa auditorium. Iyon ang pinakahinihintay ko.
"Sige na, ayos na," sabi ko na lang at humarap na sa hapagkainan.
"Talaga? Ayos na? Hindi ka na nagtatampo?" Kumalas na ang braso niya sa baywang ko.
Ngumiti ako sa kaniya at tumango. "Kailan ba humaba ang pagtatampo ko sayo?"
Doon lang siya napangiti at nagkagat ng labi. "Pasensya na talaga, hon, ha? Hindi ko gustong nag-aaway tayo."
Tumango lang ako sa kaniya.
Ipinaghila niya ako ng upuan kaya agad akong naupo at nagpasalamat bago siya lumipat sa upuan niya at naupo na rin.
Nagsimula na kaming magtawanan nang magsimula na siyang magkuwento tungkol sa mga ganap niya sa trabaho niya pati na rin sa mga napag-uusapan nila ng mga kaibigan niya.
"Hindi nga namin akalaing darating sa puntong magse-settle down si Zachary. Alam mo namang maloko yun, 'di ba?" aniya habang pinag-uusapan namin ang isa sa mga kaibigan niyang ikinasal na ngayong taon.
"Parang ikaw?" asar ko.
Tumawa siya bago umiling. "Hon, kung maloko ako, hindi ako matutulad kay Zachary na matagal bago naisipang magsettle down saka kumpara sa akin, mas gusto nila nina Tan na puro laro-laro lang. Kaya nga nakakagulat na mas nauna pa siyang magpakasal kaysa sa akin."
"Mahal na mahal niya siguro yung girlfriend niya to the point na itinali na niya kaagad para hindi na makawala."
Tumango naman siya bilang pagsang-ayon. "Ganoon din ako sayo, hon. Ayokong makawala ka na kaya nagpropose na ako. Kasal na lang yung kulang sa atin, taling-tali ka na sa akin."
Ngumiti lang ako pero hindi nagsalita. Naisip ko kung masiyado pa kayang maaga ang lahat ng ito para magpakasal? Lalo na't mukhang sinusubok na naman kami ng tadhana kung kami ba talaga yung para sa isa't isa.
"Malapit na rin pala yung birthday mo," aniya.
Oo nga pala, bakit hindi ko naisip 'yon?
Pero kung sabagay, nasanay na rin naman kasi akong hindi nagse-celebrate ng birthday eh. Si Gabriel lang talaga yung may gustong ipagdiwang yung birthday ko since same month kami, mas mauuna lang ako ng ilang days sa kaniya.
"Anong gusto mong gawin?"
Napaisip naman ako. May gusto pa ba ako? Parang kahit dinner lang namin, sapat na para sa akin eh.
"Wala. Ayos na sa akin kung dito tayo magcecelebrate ng birthday ko sa bahay."
Last birthday ko kasi dumayo pa kami ng kabilang syudad para lang mapuntahan yung mga hindi pa namin napupuntahan noon.
"Ayokong ganun, hon. Gusto kong may gagawin tayo sa birthday mo. Hmm. . ." Napaisip naman siya. "Dinner?"
Mabilis akong tumango. "Oo, kahit iyon na lang."
"Pero sa labas, ayos lang?"
Napangiti naman ako. "Sure, hon. Kahit ano, basta, kasama kita."
Inabot niya ang kamay ko at pinagsalikop namin ang mga daliri namin. Naramdaman ko ang paghalik niya sa likod ng kamay ko. "Ako rin, Krystal. Kahit ano. . . kahit saan. . . basta, kasama kita. Sapat na sa akin."
"Ganoon din ako. Wala na akong mahihiling pa."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top