Chapter 5
"Hon, tapos ka na ba magbihis? Kakain na tayo."
Pinagmasdan ko ang sarili sa salamin at naglagay ng matte lipstick. Iyon ang naging final touches ko bago tuluyang lumabas ng kuwarto.
Lumingon sa akin si Gabriel at naglakad palapit sa akin. Napangiti na lang ako nang pumulupot ang braso niya sa baywang ko.
"Good morning, Gabriel."
Naramdaman ko ang pagdampi ng labi niya sa gilid ng ulo ko. Saglit kong dinama ang pakiramdam na 'yon na agad ding napalitan ng taranta dahil baka ma-late kaming dalawa.
"Good morning, hon. Late ka bang natulog kagabi at mas nauna pa akong nagising kaysa sayo?" aniya at iginiya ako patungo sa kusina.
Hindi pa masiyadong gising ang diwa ko dahil masiyado akong napuyat kahihintay sa kaniya. Hindi sanay ang katawan ko sa gano'n pero unti-unti na-absorb ko na rin.
Isinumpit ko ang takas na buhok sa tainga ko bago naupo sa hinila niyang upuan. "Hinintay kasi kita."
Napalingon siya sa akin at naggawad ng isang maliit na ngiti. "Sana hindi mo na lang ginawa. Napuyat ka pa tuloy."
Hindi ko na pinansin ang sinabi niya at pinagtuunan na lang ng pansin ang mga niluto niya. Dahil pareho kaming mahilig sa heavy breakfast ay laging pareho ang menu namin sa araw-araw.
"Ayos lang naman. Bakit naman hindi ko gagawin? E nakasanayan ko na rin naman. Hindi na nga tayo nakakapagsabay kumain sa gabi, hindi ba? Pero kahit na gano'n, gusto pa rin kitang hintayin." Nagsimula na akong kumain.
"Pagpasensyahan mo na muna ako, Hon. Gustuhin ko mang bumawi pero masiyado kaming hectic talaga ngayon."
Tumango naman ako. "I understand. Ganoon din naman sa amin sa kompanya."
Sumubo ako ng luncheon meat at napansing hindi niya pa masiyadong ginagalaw ang pagkain niya. Nang pagmasdan ko siya, parang may kung ano sa itsura niyang gustong magsalita.
"Oh? May problema ka ba?"
Umiling siya sa akin kaya tumango naman ako. Bumalik ako sa pagkain nang marinig ko siyang magsalita.
"Uh, hon. . . baka hindi ulit ako makakasabay sayong kumain mamayang gabi. 'Wag mo na akong hintayin, okay?"
Natigilan ako sa pagsubo at nag-angat ng tingin sa kaniya. "Bakit? Mag-over time ka ba?"
Muli siyang umiling. "Hindi. . ."
"E 'di saan ka pupunta?"
"Ano"—napahaplos siya ng batok. Mukha siyang nag-aalangan na magsalita—"May kikitain lang."
Tuluyan ko nang naibaba ang kubyertos ko at nakita niya iyon. Napalunok siya at mabilis na nag-angat ng tingin sa akin na para bang any moment ay bubugahan ko siya.
"Hindi iyon ang iniisip mo—"
"Iniisip? Anong iniisip?"
Saglit siyang napapikit na para bang may mali siyang nasabi kaya agad siyang bumawi. "Ano, uhm. . . may deal lang akong kailangan i-close kaya baka matagalan ako at doon na rin kumain kasama ang client."
I took that moment of silence before I bought his alibi. "Alright."
Agad siyang napangiti. "Talaga? Hindi mo na ako hihintayin mamaya? Ayoko rin kasing napupuyat ka. Tingnan mo nga sarili mo, namamamayat ka na sa kahihintay sa akin."
Ngumiti lang ako. "Depende kung hindi ako makatulog."
"Sana pilitin mo kasi nag-aalala ako."
Tumango lang ako sa kaniya kaya nagsimula na rin siyang kumain. Habang tinatapos namin ang pagkain, hindi ko maiwasang sulyap-sulyapan siya 'pag may pagkakataon at sa tuwing nagtatama ang mga paningin namin ay wala siyang ibang ginawa kundi ang ngumiti.
"Hon, tulog ka nang maaga, ha? May ipabibili ka ba?"
Umiling ako. "Mag-ingat ka na lang pauwi."
Humalik siya sa aking noo bago ko pa man siya mayakap ay agad na siyang tumalikod upang makaalis.
Simula noong araw na mag-propose siya say parati na siyang late umuwi. Laging may meeting at mas naging babad sa trabaho.
Naiintindihan ko iyon dahil nitong mga nakaraang araw ay mas dumami rin ang mga kliyente ng aming kompanya. Kinailangan ko ring magpabalik-balik sa building namin at sa mga property na aming binibenta upang mag-check.
Pero kahit na ganoon, hindi ko naman hinahayaan na hindi pa rin kami sabay ni Gabriel na kumain. Naipagluluto ko pa rin naman siya at hinihintay ko pa rin siya sa gabi kahit na madalas ay hindi na niya ako maabutang gising dahil malalim na ang gabi ay hindi pa rin siya nakakauwi.
"Krystal, may team dinner tayo. Na-close ni Sir Aries yung isang deal sa isang businessman," imporma sa akin ni Dallie, katrabaho ko.
"Talaga? Parang noong nakaraan lang, hirap na hirap si Sir i-close ang deal na 'yon kasi maraming demands, 'di ba?"
Nagkibit balikat siya. "Ewan ko. Ginayuma yata ni Sir. Alam ko type no'n si Sir. Tapos gustong-gusto lang ding bumalik dito para makita pa rin si Sir."
Tumawa naman ako. "E 'di good news pala at magpapa-team dinner siya. Himala 'yon ah. Hindi naman kasi siya laging nanlilibre, 'di ba?"
Tumango naman siya sa akin. "Oo. Ewan ko do'n. Nasapian siguro. Tama rin 'yon. Sayad na sayad na 'ko eh."
"Ikaw talaga puro ka alak." Tumawa lang siya. "Sige, tingnan ko muna, ha? Magpapaalam pa ako kay Gabriel."
Umasim ang mukha niya pagkarinig ng pangalan ni Gabriel. Bitter pa rin kasi ang isang ito sa ex-boyfriend niya kaya kahit kaming mga katrabaho niya, marinig niya lang ang mga banat na tungkol sa mga boyfriend o girlfriend, hindi nakakalagpas sa mga "payo" niya raw.
"Sus, paalam-paalam pa. Sabi mo nga, isang linggo na kayong hindi nagkakaabutan sa bahay kasi late na siya umuuwi, 'di ba? Baka may sarili ring ka-team dinner."
Natawa naman ako. "Sira ka talaga, Dallie. Busy lang sa trabaho 'yon."
"Nako! Nako!" Magsisimula na naman siya. "Ganyan din ang sinabi ko noon tas malaman-laman kong nakikipagmeet pala sa ex-girlfriend niya. Lagi pang pinatutugtog yung Be My Mistake. Iba na pala ang ibig sabihin."
Hilaw akong ngumiti. "Hindi naman ganoon si Gabriel saka hello!" Kinaway ko sa kaniya ang kamay kong may engagement ring namin. "Ikakasal na."
"Bakit akala mo ba hindi ako inaya ng mokong na 'yon na magpakasal? Inaya niya rin ako! Tumanggi lang ako kasi mukhang balak niyang magkaroon pa ng sabit kahit na kasal na kami. Akala niya siguro hindi ko siya nahuling sinabihan yung ex niya na kahit ikakasal na kami, siya pa rin ang legal kasi siya naman ang mahal? Ansabe?"
Pulang-pula ang mukha ni Dallie dahil sa galit. Napailing na lang ako. Wala na yatang makakapigil sa babaeng 'to sa galit niya sa ex niya.
"Kaya 'yang babad sa trabaho? Hindi ako naniniwala riyan!"
Tumawa na lang ulit ako. "Babad naman talaga lalo na't na promoted na siya."
Umirap lang siya sa akin. "Whatever, Krystal. Basta, kapag pinaiyak ka niyan sa huli, pigilan mo ang sarili mo. 'Wag mong ipapakitang mahina ka kasi mas lalo kang tatapakan niyan."
"Hindi naman siguro niya magagawa 'yon. . ."
"Hindi pa sa ngayon pero makikita mo rin."
"Ano 'yang pinag-uusapan ninyo?" singit ni Sir Aries na biglang lumitaw sa gilid ko.
"Sir Aries, good morning po," bati namin sa kaniya.
Tumango si Sir Aries sa akin bago binalingan si Dallie na mabilis na nagtitipa ngayon sa kaniyang computer.
"Baka gusto mong hinayan 'yan, Valdez. May pambayad ka ba riyan?" istriktong saad ni Sir Aries.
"Sorry, sir!" pabalang na sagot niya.
Napailing na lang si Sir Aries sa kaniya bago ito bumaling sa akin.
"May bago tayong kliyente ngayon. Ikaw yung humarap. Mukhang kilala mo nga kasi ikaw yung r-in-equest, e."
Nanlaki ang mata ko. "Talaga, Sir? Sino raw?"
"Ayan na yung kabit, Krystal!"
Ngumiwi ako at alam kong nangunot na rin ang noo ni Sir Aries sa pinagsasabi ni Dallie.
"What do you mean, Ms. Valdez?" Tumingin ito sa akin. "Anong kabit, Ms. Gerona?"
Umiling ako sa kaniya at hilaw ulit na ngumiti. "Wala po, Sir. Nadedeliryo lang 'yang si Dallie."
Tumikhim naman ito at napatango. "Sige, kung ganoon, puntahan mo na yung kliyente natin."
"Alright, Sir. Thank you po."
Tumango lang ito sa akin kaya nilagpasan ko na siya.
Sino naman kaya itong sinasabi ni Sir?
Nang makarating ako sa desk kung saan ang tanggapan namin ng mga kliyente ay nanlaki ang mga mata ko nang matanaw ang pamilyar na mukha. Ilang taon na nga ba kami simula noong huling nagkita?
"Krystal Gerona?" aniya.
"Joie Santillan?"
"Krystal!" masaya niyang bati.
"Joie, kamusta na? Bigatin na ah!" excited na sabi ko.
Ngumiti lang siya sa akin at ginawang headband ang suot niyang wayfrers. Hindi ako makapaniwala. Yung college friend kong si Joie, e, talagang nandito nga sa harapan ko!
"Ganoon talaga 'pag puro invest lang ang ginagawa mo," aniya at tumawa.
Nangangapa pa ako sa gagawin ko ngunit sa huli, umiling na lang ako at ginesture siyang maupo sa upuan. Umupo na rin ako.
"Kalog ka pa rin talaga, ano?"
Tumango siya. "Hindi na yata ako magbabago. Ikaw rin naman ah? Napaka reserve mo pa rin talaga. Still untouchable."
Ngumiti lang ako sa kanya. "Uy, hindi ah."
"Sus, pa-humble pa. Totoo naman. Bakit nga pala hindi ka sumulpot sa reunion? Nandoon si Shin ah? Siya yung pinagtanungan ko. Akala ko nga break na kayo," kuwento niya. "Tibay niyo pa rin pala."
Nagkibit balikat lang ako. "Oo nga, nasabi rin ni Gabriel sa akin. E tambak kasi ng trabaho noong araw na 'yon kaya hindi ako nakasama. Saka wala naman akong makaka reunion do'n since 'di naman halos ng batch natin, close ko."
"Sira! Ano palang tawag mo sa akin? Saka nakita ko si Ross doon. Nagkausap pa nga yata sila ni Shin, e."
Umawang ang labi ko. "'Di nga? Nandoon si Ross?"
Sunod-sunod siyang tumango. "Yup. Pero hindi ko alam kung anong pinag-usapan nila kasi hindi naman ako lumapit."
Ngumiti na lang ako. "I see. Hindi ko na rin kasi siya nakakausap simula noong g-um-raduate tayo."
Bukod kay Joie, si Ross naman ang isa ko pang kaibigan noong college. Hindi ko siya laging nakakasama 'pag kaming dalawa ni Joie ang magkasama dahil magkaiba yung year namin ni Ross. Mas matanda siya sa akin ng isang taon.
"Sa totoo lang, hindi ko inakalang kayo pa pala ni Shin kung 'di ko lang narinig na pinag-uusapan ka nila Tan," aniya.
Napatingin ako sa kaniya. "Talaga? Bakit naman?"
"Noong reunion kasi nakita kong magkasama sila ni Shane. Kinulong pa nga sila ng mga barkada nila doon sa auditorium. 'Di ko alam kung nakuwento na sayo ni Shin. Nasabi niya ba?"
Nanigas ako sa kinauupuan ko habang pinagmamasdan ko siya. Parang hindi magawang iprocess ng utak ko ang mga sinasabi ngayon ni Joie.
"Sigurado ka ba diyan, Joie? Kasi walang nababanggit sa akin si Gabriel. . ."
"Ngayon pa ba ako magkakamali, Krystal? Alam mo namang college palang, pareho na tayong may hinala sa nararamdaman ni Shane para kay Shin. Tapos ngayon nagkita na sila ulit matapos nilang magwatak noong college, ngayon pa ba ako papalya?"
Napailing ako at parang biglang sumakit ang ulo ko sa naririnig.
Parang ayokong tanggapin. . . kasi bakit nga naman tatanggapin ang ganitong bagay?
"Hindi, e . . . wala siyang nabanggit. Ayoko rin siyang paghinalaan ngayong wala naman akong pruweba."
Tumango siya sa akin. "Naiintindihan naman kita. Ayaw ko rin namang siraan sayo si Shin pero hindi paninira 'yon, Krystal. Sinasabi ko lang kung ano yung nakita ko."
Napasandal na lang ako sa kinauupuan ko at natulala na lang.
Pilit kong inaalala kung bukod ba sa paghingi niya ng despensa sa akin ay may nabanggit siyang konektado sa nangyari sa kaniya homecoming. Pero wala.
Ngunit alam ko, hindi magagawa 'yon sa akin ni Gabriel. . . lalo na't magpapakasal na kami. Nakapag-propose pa siya sa akin noong araw na 'yon, e.
"I'm sorry, Tal. Hindi ko intensyon ito. Akala ko lang talaga alam mo na. Akala ko lang din, wala na kayo at sila na talaga kaya hindi na big deal para sa akin noong kinulong sila sa auditorium."
Para akong sinaksak nang marinig ang sinabi niya. Siguro nga kung ibang tao ang makakakita sa kanila at hindi kailanman natuklasan ang nangyari sa pagitan namin nina Gabriel ay hindi na magugulat kung malalamang sila ang nagkatuluyan. Dahil noon pa lang naman—kahit nandoon na ako sa larawan—marami pa ring tao ang nagru-root para silang dalawa ang magkatuluyan.
"Paano mo nalamang kami pa pala?" tanong ko.
"Narinig ko mismo kay Shin. Lasing na siya no'n pero feeling ko nasa katinuan pa naman. Aniya, wala raw sanang maglalabas ng litrato sa gabing iyon kasi ayaw niyang makaabot sayo. Kaya nilapitan ko tas tinanong ko kung nasaan ka at kung bakit hindi ka nakapunta. I'm really sorry, Krystal. Lasing siya no'n kaya nga nagulat ako nang sabihin mo sa akin na nabanggit pala niya sayo pero hindi niya binanggit yung sa auditorium," mahabang sagot niya.
Tuluyan nang nablangko ang utak ko. Gustuhin ko man kasing itanggi pero . . . alam ko. Kilala ko si Gabriel. Kahit gaano pa kalasing ang isang 'yon, hindi magbablackout ang utak no'n kasi high tolerance 'yon pagdating sa alak.
Ngayon. . . ngayon kung totoo man itong sinasabi sa akin ni Joie, paano ko lulunukin ito?
"I see." Napatango ako sa kaniya. "Thank you for informing me, Joie. At least, alam ko na."
Kinagat niya ang labi niya. "I'm really sorry, Krystal."
Umiling ako sa kanya. "No, wala kang kasalanan. At least, hindi ako bulag sa lahat ng ito, 'di ba? Kaya ayos na rin."
Ipinagpaliban ko na muna lahat ng mga naiisip ko at sinimulan nang asikasuhin ang tungkol sa building na gusto niyang bilhin.
Aniya, baka one of these days ay magpapasama siya sa akin upang tingnan ang property na binili niya. Pumayag naman ako.
"Thank you so much sa pag-assisst, Krystal. I'll just contact you kung kelan natin pupuntahan and I'm really sorry sa mga nabanggit ko," aniya nang makapirma na siya sa kontrata.
Tumango lang ako at nakipagkamayan. "Ayos lang talaga. Thank you rin for choosing me kasi may sale na ako ngayong buwan."
Tumawa lang siya at tuluyan nang nagpaalam.
Naiwan akong tulala habang pinapanood ang pag-alis niya sa building.
Isa lang ang naiisip ko ngayong mga oras na ito: Tatanungin ko ba si Gabriel tungkol dito?
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top