Chapter 4
Alam kong dapat matuwa pa rin ako dahil nagising akong nasa tabi ko pa rin siya at nasigurado kong nakauwi pa rin siya sa akin ng gabing 'yon. Pero hindi ko maintindihan kung bakit may kaunting kirot pa rin habang pinagmamasdan ko siyang tulog na tulog at hindi siya naabutan sa pag-uwi kagabi.
Despite of what happened, I still did what has to be done. I cooked for us and waited for him to wake up. Nang maisipan kong mag-check ng social media at baka makita ko ang pictures nila kagabi.
Kumunot ang noo ko nang mapansin na wala man lang naka-tag sa kaniya maski isang picture. Pero isa ang nakapukaw sa atensyon ko.
Joie Santillan added you as a friend.
Mabilis kong c-in-onfirm 'yon at nakitang hindi pa siya online. Mukhang kagabi lang din niya ako in-add dahil ilang oras pa lang ang nakalilipas noong nag-send siya ng friend request.
"Hon?"
Umangat ang tingin ko kay Gabriel nang makapasok siya sa kusina. Mabilis kong in-off ang data at ang phone ko para maipaghanda na kaming dalawa ng pagkain.
"Gising ka na pala," wika ko habang kumukuha ng kanin sa rice cooker.
"Oo, masakit nga yung ulo ko. Napasobra yata ng inom."
Humarap ako sa kaniya at inilapag ang bowl ng kanin sa lamesa at pinanood siyang umupo sa lamesa. Pero ang ending, natawa ako kasi ang cute niya habang pinipilit na buksan ang mga mata niya.
"Wala nang ibubuka pa 'yang mata mo, Gab. Talagang singkit ka na," biro ko.
"Ayaw mo na ba sa akin kasi singkit ako?"
Tumaas ang kilay ko at natawa ulit. "Huh? Anong theory naman 'yan?" Muli akong bumalik sa lababo para kumuha ng plato at kutsara para sa aming dalawa at inilapag ulit sa lamesa.
Tumayo siya sa upuan at lumapit sa corkboard. Mukhang naghahanap ng gamot kaya kumuha ako ng advil sa refrigerator at tubig na rin saka inabot sa kaniya. "Oh, ayan. Halata ngang napasobra ka. Hindi naman sumasakit ulo mo 'pag nainom, 'di ba?"
Kinurot niya ang pisngi ko bago mabilis na ininom ang gamot at tubig. "Thank you. Hindi ko nga rin alam eh. Siguro ilang buwan na rin kasi simula no'ng huli akong uminom ng alak."
Napailing na lang ako at lumapit na sa lamesa. "Tara, kain na tayo."
"Hon." Tawag niya sa akin nang makaupo na rin siya sa lamesa.
Kinuha ko ang plato niya at nilagyan ng kanin pati na rin ng ulam. "Bakit?"
"Nagtampo ka ba sa akin kagabi?"
Natigilan ako ngunit nagpatuloy pa rin sa ginagawa. Nang matapos kong lagyan ang kaniya ay sarili ko namang plato ang inasikaso ko. "Nagtampo? Bakit naman ako magtatampo?"
Bumuntonghininga siya. "Marami kaming kakilala na pumunta kagabi kaya hindi ako kaagad nakaalis."
"Talaga? Sino-sino yung mga nandoon?" usisa ko.
Ang totoo niyan, sumama talaga ang loob ko sa kanya kagabi. Pero siyempre, wala naman akong karapatang magreklamo dahil pinayagan ko naman siyang pumunta. At saka, alam kong kahit hindi siya sa akin magsabi ay gusto niya ring makasama noong gabing 'yon ang mga kaibigan niya.
"Sina Shane lang din. Nandoon nga si Joie, hinanap ka niya sa akin kaya sinabi kong hindi ka makakapunta dahil pagod ka sa trabaho."
"Binigay mo ba yung facebook account ko? In-add niya kasi ako ngayong umaga eh."
Tumango siya. "Oo, nagtanong siya eh. Sabi niya, baka bumisita raw siya dito kapag nagka oras siya."
"I see." Bumaba ang tingin ko sa plato kong wala nang laman. "Mabuti naman at nag-enjoy ka."
Naramdaman kong kinuha niya ang kamay kong nakahawak sa kubyertos kaya nabitiwan ko ito.
"Hon. . ."
"Hmm?"
Hinaplos nang daliri niya ang likod ng kamay ko kaya nag-angat ako sa kaniya ng tingin.
"Alam kong hanggang ngayon sinisisi mo pa rin yung sarili mo kung bakit tuluyang nagkawatak yung barkada namin noong college. Pero hon, gusto kong malaman mo na hindi ikaw yung dahilan kung bakit. It's just that we already grew up seperately at hindi ikaw ang dahilan no'n. Naiintindihan mo ba?"
Kinagat ko ang labi ko. Alam kong darating kami sa araw na ito. Dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin natatanggal sa isipan ko kung paano ko natuklasan silang magkawatak simula nang maging kami ni Gabriel.
At ramdam kong hanggang ngayon ay nasasaktan pa rin siya sa nangyari dahil simula noong high school, sila na ang magkakasama tapos nagkawatak lang dahil dumating ako.
"Bakit hindi ka magalit sa akin, Gab? Alam kong may kasalanan ako kung bakit kinailangan mong talikuran yung friendship—"
"Hindi, hon. Hindi ganoon 'yon. Pakinggan mo ako, Krystal," aniya. "Hindi ikaw ang dahilan, naiintindihan mo ba? At saka nagkaayos na rin naman kami noong nagkita kami kagabi. Wala na kaming samaan ng loob sa isa't isa."
Umiwas ako nang tingin sa kaniya nang mangilid ang luha ko. Agad kong pinunasan iyon para hindi tuluyang mapahikbi.
"Hey, hey, hon. . ."
Narinig ko ang tunog ng upuan niya na hudyat nang pag-alis niya sa kaniyang inuupuan upang lumuhod sa harapan ko.
"Ayos lang naman kung sisihin mo ako, e. Mas okay na yun kaysa ang isugarcoat ako, Gab. Kasi hanggang ngayon, hindi ko pa rin magawang hindi sisihin ang sarili ko lalo na't muli na kayong nabuo."
"Look at me, Krystal." Utos niyang hindi ko ginawa.
Kumalabog ang puso ko nang may maramdaman akong malamig na metal na sinilid niya sa aking daliri. Natigilan ako.
"Nakuha ko na rin ang atensyon mo." Nakangiti na siya sa akin ngayon.
Bumagsak ang tingin ko sa silver infinity ring na inilagay niya sa daliri ko at hindi makapaniwalang tumingin sa kaniya.
"Anong meron. . .?"
Bumuga siya ng hangin at natawa. Napahaplos pa siya sa kaniyang batok habang nakatingin na rin sa singsing na inilagay niya sa daliri ko.
"Pakiramdam ko, panaginip pa rin ang lahat ng ito, Krystal," aniya.
Litong-lito ko siyang pinagmasdan. Hindi ko siya maintindihan! Kahit na may hinuna na ako sa mga susunod niyang sasabihin ay hindi pa rin magawang iprocess ng utak ko ang mga nangyayari ngayon.
"Noong nakilala kita nung college pa lang tayo, sabi ko sa sarili ko, ikaw yung tipo ng babae na hindi ko makakayang abutin anuman ang mga bagay na paghirapan ko."
Kung naiiyak lang ako kanina. Ngayon ay talagang umiiyak na ako!
Hindi ako handa sa ganitong supresa niya para sa akin.
"Lalo na noong nagkalakas na ako ng loob na magpakilala sayo sa tulong ni Joie, sabi ko, kahit anong hilingin mo. Bitwin man, buwan o kahit ang buong mundo. Kahit ano. . . paghihirapan ko basta makuha lang kita, gagawin ko."
Nilapit niya ang kamay ko sa kaniyang labi at hinalikan ito. Hindi na ako halos makagalaw sa harapan niya. Hinahalikan niya ito kagaya ng kung paano niya hinahalikan ang labi ko. Tagos sa puso.
Tanging hikbi ko na lang ang maririnig sa buong kusina na dinadamdam ang mga sinasabi niya.
"Kaya nung araw na binigay mo na sa akin yung matamis mong oo, wala nang mapaglagyan yung kasiyahan ko. Kasi tangina, yung pangarap ko lang dati, girlfriend ko na. At alam ko sa sarili kong ikaw na rin yung babaeng gusto kong makasama sa pagtupad ng mga pangarap ko. Kaya heto. . . gusto ko sanang tuparin mo yung isa sa mga pangarap ko, hon, Krystal. . ."
Hinigit ko ang hininga ko.
"Puwede mo ba akong pakasalan?"
Mas lalong lumakas ang hikbi ko. Narinig ko ang tawa niya na laging musika sa tainga ko.
Nawala yung bigat sa pakiramdam na meron ako para sa kaniya kagabi at napalitan iyon nang walang hanggang kasiyahan.
I mean, kahit naman sa sarili ko, alam kong siya na talaga ang para sa akin. Pero hindi ko akalaing sa pagkakataong ito. . . tinototoo niya na rin ang isa sa mga dati ay panaginip ko lang at pinapangarap.
Kaya naman sunod-sunod akong napatango sa kanya at sinabing "Yes! Magpakasal na tayo, Gabriel!"
Mabilis siyang tumayo at sumuntok sa hangin bago ako hinarap at hinawakan ang magkabilang pisngi ko.
"Live in na tayo pero pakiramdam ko, panaginip pa rin. Mananatili ka pa rin talagang panaginip para sa akin, Krystal. At ayokong magising mula sa panaginip na 'to." Bulong niya sabay halik sa aking noo.
Hinaplos ko ang kamay niyang nakahawak sa magkabilang pisngi ko at pumikit nang maramdaman kong bumaba ang mukha niya upang maglapat ang mga labi namin.
Bumaba ang dalawang kamay niya sa aking leeg at humaplos doon saka niya tuluyang sinikop ang aking pang upo upang ipulupot ang dalawang hita ko sa kaniyang baywang.
Kinagat niya ang pang ibabang labi ko at tuluyang sinakop ang aking bibig.
"Ikaw lang ang babaeng mamahalin ko nang ganito, Krystal," bulong niya sa pagitan ng mga halik namin. "Ikaw lang."
Ngumiti ako at humigpit ang hawak ko sa kanyang buhok. "Ikaw lang din ang para sa akin, Gab. . . Ikaw lang. . ."
"I love you."
Iyon ang akala ko.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top