Chapter 18
Naging mahaba ang buwan ng semester at sa tatlong linggo naming hindi pagkikita ni Gabriel, ramdam ko nang miss na miss ko na siya.
Naalala kong bago mag-semester break ay nagawa pa naming makapagkita. Sinabihan ko siyang hindi niya ako mako-contact ng isang buwan dahil pupuntahan namin si mama. Kaya naman nang magbalik klase ay wala akong ibang maramdaman kundi excitement na muli siyang makita.
Hindi ko nga lang siya ma-contact nang makauwi ako kagabi. Kaya naisip kong pumasok na lang ngayong umaga dahil laging maagang pumapasok ang isang 'yon. Susurpresahin ko siya.
"Stop, Shin! Paano 'pag nalaman ni Amor?"
Napatigil ako sa labas ng pintuan ng classroom nang marinig ang pamilyar na boses na iyon. Hindi ako magtatatanga-tangahan dahil kilalang-kilala ko kung kanino ang iyong mga boses.
Sa ilang buwan ba naman namin laging nagkakasama at naririnig silang magsalita, hindi pa ba sila magiging pamilyar para sa akin?
"Wala si Krystal. Wag kang magbanggit ng mga taong wala naman dito, Shane."
Mabilis kong pinunasan ang luhang tumutulo sa pisngi ko na hindi ko namalayan. Alam kong sa mga pagkakataong ito, dapat tumakbo na ako para wala na akong marinig pa na ikakasakit ko.
Pero napagtanto ko na kung tatakasan ko ulit ito—hanggang kailan ko naman kaya magagawang magpanggap na tanga?
Binuksan ko na ang pintuan ng classroom at nakita ang dalawang mahalaga sa buhay ko—si Shane na kaibigan ni Gabriel at si Gabriel na mahal ko, na boyfriend ko.
"Krystal. . ." gulat na sabi ni Gabriel.
Ni hindi man lang nagulat si Shane. Wala rin akong makitang kahit anong emosyon sa mukha niya. Pero alam ko kung paano niya ako pinapatay sa isipan niya ngayon.
Ang kapal ng mukha niya para mag-isip nang ganoon, kung totoo nga. Dahil kung tutuusin, ako naman ang mas may karapatang magalit. Hindi siya. Hindi sila. Kundi ako.
"Surprise!" mapait kong bati sa kanilang dalawa.
Ang sakit makita na hindi man lang sila naghiwalay kahit na nakita na nila ako sa harapan nila. Gustong-gusto ko na silang talikuran at iwanan pero para akong napako sa kinatatayuan ko dahilan para hindi na ako makaalis.
"Babe, I miss you!" ani Gabriel sabay takbo palapit sa akin. Hindi na ako nakapalag nang hagkan niya ako at pinilit niyang sumiksik sa leeg ko.
Hindi man lang pumiyok yung boses niya. Ni takot wala man lang siyang naramdaman. Gusto kong matawa pero hindi ko pa rin siya magawang itulak palayo sa akin.
Nagkatitigan pa kami ni Shane bago siya umiwas at padabog na lumabas ng classroom. Hindi ko nagawang yakapin pabalik si Gabriel pero alam kong bumibigay na naman ako sa kanya.
Krystal, ang tanga mo.
Nang makarating sa bahay ay doon lang ako nagkaroon ng kalayaang mailabas lahat ng hinanakit ko. Lahat nang bagay na nakita kong naipundar naming dalawa ay pinulot ko't initsa sa semento. Dinig na dinig ko ang pagkakabasag no'n.
Pati ang mga picture frame na naka-display sa coffee table namin ay binasag ko.
Parang bumalik lang ang lahat sa umpisa—kung paano ko nadatnan ang apartment namin nang bumalik ako, dalawang linggo na ang nakalilipas.
Wala na akong pakialam kung sino ang makarinig. Bungalow lang ang apartment na 'to kaya paglabas ng kuwarto ay kita mo na ang lahat. Paniguradong dinig din ako ng kapitbahay dahil magkadikit-dikit lang naman ang buhay rito pero wala 'kong pakialam.
Hindi ko na kasi maintindihan, e. Bakit ba ayaw kaming tantanan ng hadlang? Bakit ba gustong-gusto nila kaming paghiwalayin kahit na alam naman nila kung gaano namin kamahal ni Gabriel ang isa't isa?
Napaupo na lang ako at nagpatuloy sa paghikbi.
Ang sakit-sakit nang magmahal . . . ang sakit na niyang mahalin. Ayoko na . . . Gusto ko na lang matapos 'to lahat.
Suminghap ako at mariing sinuklay ang buhok ko. Lahat na ginawa ko para sa amin. Pero pakiramdam ko, wala nang kahit na ano sa mga 'yon ang naging sapat. Wala nang pagmamahal na kayang higitan ang sakit na nararamdaman ko. At baka pati si Gabriel, ganoon din. Baka sobrang pagod na rin siya.
Bakit pakiramdam ko hindi talaga kami para sa isa't isa? Kapag ba marami nang nababangga, hindi na pagmamahal 'yon?
Mas lalong humigpit ang pagkakakuyom ko sa kamao ko. Ramdam kong bumabaon na ang kuko ko sa palad ko. Hindi ko na alam!
Sinubukan kong humagilap ng hangin kahit na sakal na sakal na 'ko. At saka ako tumayo at mabilis na pumasok sa kuwarto namin. Hinablot ko ang bag kong nakahanda parati at nagsimulang mag-impake ng mga gamit. Naulit ulit ang mga nangyari noong nakaraang linggo. Ang pinagkaibahan lang, aalis ako ngayon na wala siya sa tabi ko.
Hindi sa gusto kong pigilan niya 'ko ulit.
At mas nakakabuti na rin kung ganoon dahil ayoko nang magpadala sa mga pekeng luha niyang hindi para sa akin.
"Kung hindi ka dumating, kami sanang dalawa! Ikaw ang sumira sa aming dalawa ni Shin!"
Pinunasan ko ang luha sa pisngi ko. Siguro nga, tama siya. Kung hindi siguro nila ako nakilala. . . kung hindi ko sila nakilala, tahimik pa rin sana ang buhay ko sa mga oras na ito.
Sinara ko agad ang bag at isinukbit sa aking balikat. Akmang lalabas na ako nang mapatigil ako sa harap ng malaking salamin. Mas lalo akong naiyak. Hindi ko na makilala ang sarili ko.
Hindi na ito yung Krystal na minahal ni Gabriel. At mas lalong hindi na ito yung Krystal na sinusubukan kong buoin. Walang-wala na 'ko talaga sa sarili ko.
Hindi na ako nag-iwan pa ng mensahe para kay Gabriel at iniwan na lang ang bahay kagaya nang kung paano niya ito iniwan.
Mabilis akong naglakad papunta sa Sempadan Road at naghintay ng bus na masasakyan.
Maybe, we're really not meant to be. Kasi kung para kami sa isa't isa—masasaktan kaming dalawa. Pero hindi ganito kasakit. Pinunasan ko ang luhang tumutulo sa aking pisngi.
Nang may tumigil na bus sa harapan ko ay hindi na ako nagdalawang isip pang sumakay. Dala-dala ko pa rin ang imahe na natagpuan ko kanina sa hospital room.
Ni hindi na nga ako sigurado kung natutulog din ba sa oras na 'yon si Gabriel o nagtutulug-tulugan lang para hindi ko siya masumbatan. Wala na talaga akong tiwala kahit kanino.
Pero kahit ano pa 'yan ngayon, wala na akong pakialam.
Kinuha ko ang telepono ko sa bag at agad na tinawagan si Dallie.
"Krystal, gaga ka! Finally, tumawag ka na! May naghahanap sayo rito noong nakaraang araw!" dinig ko ang saya sa boses niya.
Yung dalawang linggo kasi na pagkawala ko, inilaan ko lang para kay Gabriel at sa paghahanap ko sa kanya. Nakalimutan ko ang mundo. Nakalimutan kong may trabaho pa pala ako.
Durog na durog na 'ko. Mas lalo pa 'kong dinudurog. Hindi ko alam na posible pala 'to. Yung may iwawasak ka pa kahit na wasak na wasak ka naman na talaga.
"Sino raw?"
Matagal siya bago sumagot.
"Gabriela Mallari. Nanay raw siya ng fiancee mo. Bakit ka hinahanap rito? Hindi ba niya alam yung address mo?" nagtataka siya.
Siguro iyon yung panahon na hindi na ako pumapasok. Kaya ba gulat na gulat siyang nagpakita ako sa hospital?
Bumuga ako ng hangin at sinandal ang ulo sa sandalan. "Oo. Walang alam ang mama niya kung saan kami nakatira dahil hindi sila maayos ng pamilya niya."
Hindi siya agad nakapagsalita. Nilulunok niya pa muna siguro ang impormasyon. "Grabe na 'yang buhay mo, girl. Lakas makateleserye."
Napangiti na lang ako. "Aalis ako ng La Douleur. Babalik rin naman pero sa ngayon, hindi ko pa alam kung kailan. Pakisabihan si Sir Aries na baka next week, magreresign na 'ko. Aayusin ko muna mga paperworks."
"Huh?" gulat niyang wika. "Magreresign? Kung magu-unwind ka, maiintindihan ni Sir Aries 'yon lalo na't super stressed ka talaga ngayong buwan. Pero yung magreresign? Saan ka naman magtatrabaho pagkatapos, Krystal? Napaka-impulsive mo talaga kahit kailan!"
Ewan. Wala na 'kong plano. Hindi ko na nga malaman kung may direksyon pa ba 'ko pagkatapos nito.
Tama si Shane.
Hindi ko kayang tumayo sa sarili kong paa hangga't wala si Gabriel sa tabi ko. Pero wala, e. Gusto ko na lang makatakas dito.
"Hindi ko rin sigurado." Tiningnan ko ang bintana at pinagmasdan ang mga punong dinaraanan namin paluwas ng Maynila. "Pero sa ngayon, kailangan ko muna talagang makalayo sa lugar na 'to. Mababaliw na ako, Dallie. Hindi ko na alam ang gagawin ko."
Ayokong magtunog paawa sa kanya. Pero totoong mababaliw na 'ko talaga.
"Krystal. . ."
Baliw na nga siguro ako para umalis nang walang kaplano-plano. Ilang taon na rin simula noong pinutol ko ang komunikasyon kay Mama pero heto at susubukan ko siyang tawagan pagkatapos kong tawagan din si Joie.
Kahit hindi na 'ko maayos na makapagpaalam kay Gabriel. Kahit sa mga tao na lang na sinubukan akong tulungan habang ginagawa ko ang lahat ng ito.
"Kaya please? Kahit ito lang . . . pakisuyo na lang. Hindi ko na talaga alam gagawin ko, Dallie. Pagod na akong magbreak down. Gusto ko na lang tumakas nang tumakas bago ko tuluyang mawala yung sarili ko," mahinang pagsasalita ko.
Nawala na nga siguro, e.
"Wala naman akong magagawa. Pero sana naman, nagsabi ka sa amin nina Anna. Kaibigan mo pa rin naman kami," may pagtatampo sa boses niya.
Napangiti na lang ako.
"Ayoko lang madamay kayo sa problema ko. . ." Laban ko 'to. Ayokong gawin silang shield para lang may sumalo ng bala para sa 'kin. "Babawi na lang ako sa inyo."
"Siguraduhin mo lang! For sure, saglit ka lang naman sa pupuntahan mo, 'di ba? Babalik ka naman agad, 'di ba?"
Kahit talaga sa gipit na situwasyon, nakakaya niya 'kong patawanin. Natigilan nga lang ako nang may nagsalita—nasa trabaho pa yata siya.
"Ms. Valdez, nasa real estate company ka. Hindi ito call center. Hanggang mamaya pa ba 'yang pakikipag-usap mo?" dinig ko ang boses ni Sir Aries.
"Sir, wag kang magulo! On the run na 'tong kaibigan ko at kapag wala akong words of affirmation na babalik siya, susundan ko talaga siya kahit saang lupalop siya ng impyerno, bumalik lang dito sa La Douleur!" gigil niyang wika.
Dama ko talaga yung pagmamahal niya sa 'kin. Kaya kahit papaano, nahuhugot ko pa naman pabalik ang katinuan ko.
Mas lalo tuloy ako natawa. "Babalik ako kaagad, Dallie. Kailangan ko lang mag-isip. Sige na, ibaba mo na at baka malintikan din ako kay Sir Aries. Wala pa ako sa boundary ng Maynila."
"Ayusin mo lang! Basta, ha? Kapag hindi ka bumalik. Mark my word! Susundan talaga kita at mag-aalsa balutan ako rito sa kompanya natin!" pagbabanta niya.
Muli akong natawa. At least, medyo nabawasan ang bigat nang nararamdaman ko dahil sa mga salita niya.
"Noted. Thank you rin, ha? Good bye, Dallie," humina ang boses ko.
"See you when I see you or see you in hell, Krystal. Kapag hindi ka na sigurado sa desisyon mong pagbalik, mamili ka na lang."
Napangiti na lang ako bago tuluyang ibinaba ang tawag.
Huminga muna ako nang malalim bago nagdesisyon na tawagan na si Joie. Akala ko nga matagal pa magri-ring bago sagutin pero agad naman niyang sinagot.
"Mabuhay! This is Joie Santillan. How may I help you?"
Napangiwi ako sa spiel na bumungad sa akin. Para ba sa negosyo niya 'to? Mukhang beach resort pa yata ang titirahin. "Si Krystal 'to, Joie."
"Oh, Krystal! Kamusta?" gulat niyang wika. Nawala na yung formality niya at ang sigla sa boses.
"Aalis akong La Douleur."
Narinig kong may bumagsak sa kabilang linya kaya nailayo ko ang telepono sa aking tainga. Ang sakit!
"Ano? Aalis ka? Bakit? Saan ka pupunta?" halos pasukin na niya ang telepono dahil sa pagsigaw.
Hindi naman halatang gulat na gulat siya sa inanunsyo ko.
"Pupunta ako kay Mama sa Maynila. Kailangan kong magpalamig. Ang daming nangyari nitong nakaraang araw. Parang hindi ko na kakayanin, Joie," pagsasalita ko nang totoo.
Para tuloy akong batang nagsusumbong sa nanay niya dahil inaway ng mga kalaro. Pakiramdam ko kasi, inubos na ni Shane lahat ng kakampi ko. Kahit na ang totoo, si Gabriel lang talaga ang nakuha niya sa 'kin.
"Tungkol ba sa inyo ni Shin 'to? Anong nangyari?" narinig ko ang pag-aalala sa boses niya. "Ayos ka lang ba?"
Bumabaon na naman ang kuko ko sa palad. Ayos lang ba 'ko?
Umiling ako kahit hindi niya ako nakikita. "Magsisinungaling ako kung sasabihin kong ayos lang. Pero hindi. Wala akong ibang maramdaman ngayon. Nakausap ko si Shane. Galing ako sa hospital kung nasaan si Gabriel. Sinabi niyang nagtapat si Gabriel sa kanya nang nararamdaman. Hindi ko alam ang gagawin, umalis na lang ako ng apartment namin. Iniwan ko gaya ng kung paano iniwan ni Gabriel 'yon last time. Ang sakit palang mabubog, Joie."
Ramdam ko na naman yung sakit. Na parang tinutusok yung puso mo. Grabeng torture naman 'to.
"Huh?" narinig ko ang panic sa boses niya. "Hinawakan mo ba yung bubog ng mga nabasag ni Gabriel? Dapat kasi hindi mo na inayos."
Natawa ako. Ang babaw man pakinggan ng salita pero para sa akin, malalim ang ibig sabihin.
"Sana nga hindi na. Para hindi ako nasasaktan nang ganito. Pakisabi na lang kay Ross para kahit paano hindi ulit maaksidente si Gabriel kung hahanapin niya ulit ako. Pero pakisabi na wag sabihin kung nasaan ako," pakiusap ko.
"Of course, Krystal. Masusunod." Bumuntonghininga siya. "Kahit gustuhin kong wag na lang magbitiw ng kahit anong salita kay Shin kung ganitong nasasaktan ka na, hindi ko gagawin," aniya.
Nakaramdam ako ng kaginhawanan. At least, nandiyan si Joie. Sila na lang muna bahala. Alam ko namang hindi siya kukulitin ni Gabriel. Dahil kapag nagsalita na si Joie, wala rin naman siyang magagawa.
"Salamat. Pakisabi na lang din na wag muna akong hanapin, hindi ko pa yata kaya. . ."
Ang tanga ng utos ko. Malamang, hahanapin ako ni Gabriel. Kilala ko siya. Hindi siya marunong magpapigil. Pero kung ipagpipilitan niya ang gusto niya, mas lalo lang siyang mapapahamak. Mas lalo lang kaming hindi matatahimik.
"Normal lang 'yan, Krystal," sumeryoso ang boses niya. "Ano nang plano mo ngayon?"
"Mag-stay muna ako kay Mama at mag-iisip. Baka magresign din ako sa trabaho ko kaya maghahanap ako sa Maynila."
Kasasabi ko lang na wala pa akong plano. Pero kung isa ito sa mga hakbang para tuluyang makaalis sa mundo niya, e di ipagpapatuloy ko na.
"Kahit wag na. May isang deal kaming lalakarin ni Ross, out of town," wika niya. "Nasabi ko na, 'di ba? Kung matutuloy 'to, tayong tatlo ang mamamalakad."
"Wala akong alam sa pagpapalakad ng kompanya, Joie. . ."
"Bakit? Kami ba ni Ross, marunong? Kaya nga, tayong tatlo. Magtutulungan tayo. Get out of that toxic relationship and get back what you had lost, Krystal."
Natahimik ako bago tuluyang nag-sink in sa utak ko ang sinabi niya.
Mapait akong napangiti. "I'll try, Joie. Thank you. . ."
"Anytime, Krystal. Ingat ka."
Nang ibaba niya ang tawag ay nagpahinga ako saglit.
Siyam na oras ang byahe papuntang Maynila kaya natulog muna ako sa bus.
Nang magising ako ay puro malalaking building na ang nakikita ko.
Hindi ako makapaniwalang makakatapak ulit ako sa lugar na ito matapos ang ilang taon.
Mabilis kong hinanap ang number ni Mama na dati niyang gamit, sa pagdadasal na iyon pa rin sana ang gamit niya ay narinig kong may sumagot sa kabilang linya.
"Hello?"
Bumuga ako ng hangin. Si Mama. Ilang taon na ba simula nung huli ko siyang ma-contact?
Wala siyang kaalam-alam sa naganap sa buhay ko. At ganoon din ako sa kanya.
"Ma? Si Krystal po ito."
"Krystal, anak!" dinig ko ang galak sa boses niya. "Kamusta?"
"Saan po kayo nakatira?" pag-iiba ko ng usapan. May oras pa naman para sa kamustahan. Napakaraming oras.
"Bakit, anak? Bibisitahin mo ba ako?" halata sa boses niya ang pag-asa.
Napahinga akong malalim at hinilot ang sentido ko. Ganoon talaga siguro karami ang nawala sa amin ni Gabriel simula nang maging kami.
"Nandito ako ngayon sa Maynila."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top