Chapter 17

Mabilis akong nakababa nang sasakyan ni Ross at hindi na nagawang makapagpaalam.

Mabibigat ang bawat hakbang ko hanggang sa makapasok sa loob ng aming apartment. Doon ko lang hinayaan ang sarili kong bumagsak.

Hindi ko na hinayaan pang punasan ang mga luhang patuloy na rumaragasa habang iniisip lahat nang sinabi nina Tita Gabriela at ni Shane kanina sa hospital.

Sa bigat ng mga salitang binitiwan nila ay hindi kinaya nang damdamin ko. Siguro nga hanggang ngayon, natatalo pa rin nila ako pagdating sa ganitong bagay.

Siguro nga, hinahayaan ko pa rin silang tapakan ako kahit limang taon na ang nakalipas simula noong huli nilang nagawa ito sa akin.

Bakit ba kasi hindi nila magawang mapagod?

Bakit hindi nila magawang maging masaya para kay Gabriel?

Kahit hindi na lang nila ako gustuhin. Dahil alam kong hindi ko sila mapipilit sa bagay na iyan at wala akong balak na pilitin sila.

It was not my choice. It is his decision. Siguro nga masaya ako noong p-in-ursue niya pa rin ako even after how his mother abruptly said 'no' about our relationship.

"Mabuti pang tapusin na lang natin 'to, Gab. Siguro mas nakakabuting magkaibigan na lang tayo kasi wala tayong patutunguhan. Ayaw ng mama mo sa akin pati na rin ng mga kaibigan mo. Hindi ko rin naman ipipilit ang sarili ko. Ayoko na ring idamay ka sa mga problema ko," wika ko sa kanya nang mapag-isa kami sa classroom.

"Babe, ano na naman pinagsasabi mo? Hindi solusyon 'yan. Hindi mo naman ako dinadamay sa problema mo, ako ang may gustong tulungan ka—"

"Kaya nga," putol ko sa kanya. "The more na mas magandang tapusin na lang natin 'to kasi ayoko ring isipin nilang sinagot kita dahil taga solba ka ng mga problema ko, Gabriel—"

"Babe, ayoko," diretsong sagot niya at hinawakan ang kamay ko upang pagsalikupin ang mga daliri namin. "Mahal na mahal kita kaya ko ginagawa 'to. Di ko rin kayang nagkakaganyan ka dahil sa problema mo."

Umiling ako at pilit na pinabibitiw siya sa pagkakahawak sa kamay ko.

"'Di ba ayaw mo sa babaeng naninigarilyo? Sa umiinom ng alak? Nahuli mo na ako kanina, hindi ba dapat iniwan mo na ko ngayon? Please, Gabriel. . . gusto ko na lang bumalik sa comfort zone ko. Yung tipong ako na lang since nabuhat ko naman yung sarili ko ng mag-isa for the past years."

Hinila niya ako kaya bumagsak ako sa dibdib niya. Pigil na pigil ang sarili na umiyak ay kinuyom ko na lang ang aking kamao.

"Iba na 'yon, babe. Iba na yung takbo ng buhay mo ngayon. May nagmamahal at nag-aalala na sayo," bulong niya.

Hindi ako umimik at pinakinggan lang ang tibok ng puso niya.

Paano ko siya mapapakawalan kung ganito niya ako mahalin?

Alam kong hindi ko siya puwedeng ipagdamot pero gusto ko. Gustong-gusto ko.

"Kung 'yan lang pala ang gusto mo, sana 'di mo na ako minahal," dugtong niya. Nasaktan ako. "Iba na 'yon, malayo na tayo sa nakaraan. Iba na yung takbo ng buhay natin. Nagmamahal ang bawat isa sa atin, ayaw mo rin namang isarili ko yung problema ko. I feel the same way. Gusto kong open tayo sa isa't isa."

Humiwalay ako sa kanya at pinakatitigan siya sa mga mata. All I can see in his eyes is our future. Alam kong nakikita niya rin sa mga mata ko ang tunay kong nararamdaman.

After all, kung may mas matibay na ebidensya para sa lahat ng galaw at mga salita—ang mga mata natin 'yon.

"Hindi mo pinansin yung una kong sinabi. Ang sabi ko, ayaw sa akin ng mama mo pati na rin ng mga kaibigan mo. Mahalaga sila sayo, Gab. At ayokong mawala sila sayo."

Ramdam ko ang panlalamig ng mga kamay niya nang humawak siya sa pisngi ko.

"Wala silang magagawa dahil ikaw ang mahal ko. Ikaw ang gusto kong makasama."

Bumaba ang hawak niya sa kamay ko at dinala iyon sa labi niya. "Kung hindi ikaw ang makakasama ko sa pinagplanuhan kong future, ayoko na."

Pinagmasdan ko ang sarili ko sa salamin habang iniisip ang lahat ng iyon.

Isang bagay na lang ang natitira sa aming dalawa at alam kong tuluyan na naming matutupad ang pangarap ng isa't isa.

Noon pa lang, alam ko na sa sarili kong wala na akong ibang pangarap kundi ang makasama si Gabriel sa pang habang buhay.

Ilang taon akong nabigo sa pag-ibig na meron ang mga magulang ko. At siya ang nagpatunay sa akin na hindi lahat ng pag-ibig ay katulad ng sa kanila kaya nasabi ko sa sarili kong si Gabriel na ang para sa akin.

At ngayon, sa muling panunubok sa amin ng tadhana pumapasok ang tanong na: hanggang saan nga lang ba talaga kami?

Napadausdos ako ng upo sa semento habang hawak ang picture frame namin na nakuha sa Queenstown's Music Festival last year.

Isa sa mga pangarap namin noon na makapanood at makapag-date sa music festival na hindi namin nagagawa noon. Kaya nang nakapag-live in kaming dalawa at unti-unting nakapundar ng mga bagay ay nasimulan na rin naming unti-untiing tuparin ang mga dating pangarap lang namin.

Kinabukasan, I tried my luck for the second time.

Sa dami nang sakripisyo ni Gabriel para sa akin—sa kabila nang lahat ng ito—hindi ko pa rin siya matitiis.

Ang magdadalawang linggo naming hindi pagsasama sa iisang kama at pagsasalo sa isang bagay ay isang malaking parusa na para sa akin.

I used to wake up beside him. Kahit gaano kaliit na interaction lang ay kumukumpleto na sa araw ko. Kaya ngayong dalawang linggo na kaming hindi magkasama dahil sa problema, parang kulang pa ang salitang 'parusa' sa lahat ng sakit na nararamdaman ko ngayon.

Nang makarating ako sa second floor ay walang katao-katao. Pinakiramdaman ko rin kung may lalabas ba sa kuwartong kinalalagyan ni Gabriel ngunit nang mapagtantong wala ay unti-unti ko nang binuksan ang pintuan only to be by Shane's presence who's trying her luck to my sleeping Gabriel.

Maingat kong kinuha ang telepono sa aking bag at binuksan ang recorder.

"Shane," malumanay na tawag ko sa kanya.

Mabilis siyang lumingon sa akin at parang nakakita nang multo.

"Amor!" napasigaw siya at mabilis na humiwalay sa natutulog na si Gabriel.

Sinubukan niya pang harangan ang boyfriend ko pero kitang-kita ko na. E di nahuli ko rin siya. Sino ngayon ang mas mababa? Gayong sinasamantala niya si Gabriel?

Kinurot ko ang sarili ko upang kahit paano ay magawa kong kumalma. Nitong mga nakaraang araw, hindi ko na rin mapigilan ang sarili kong hindi magalit lalo na sa situwasyon naming dalawa. Dagdagan pa 'tong nakikita ko ngayon.

"Anong ginagawa mo rito?" dagdag ni Shane.

"Hindi ba't sinabi ko nang babalik ako rito kahit anong pigil ang gawin mo? Ngayon, paano mo ipapaliwanag 'yang ginagawa mo? Hindi ka ba nahihiya sa akin at nagagawa mo pang harangan ang fiancee ko?" Tinagilid ko ang ulo ko at maliit na ngumisi sa kanya. "Ah, oo nga pala. . . naalala ko. Bakit nga ba mahihiya ang best friend ng fiancee kong mas matagal niyang nakasama, hindi ba?"

Hilaw na ngumisi si Shane. "Kung may dapat mahiya sa atin, hindi ba't ikaw dapat 'yon, Amor? Ang lakas mong magpakita pa rito matapos mo kaming bastusin ni Tita Gabriela noong nakaraan at talagang isinama mo pa si Ross?"

Tumaas ang kilay ko. "Paano mo nagagawang magsalita ng ganyan ngayong nahuli kita sa akto, Shane? At sino ngayong nambabastos sa ating dalawa? 'Di ba, ikaw? Inaangkin mo yung hindi iyo. Pinagsasamantalahan mo pa dahil alam mong mahina. Dati, akala ko lang yung may tinatago kang kulo. Ngayon, pinatunayan mo pa talaga."

Nangangati na akong hablutin siya pero pinigilan ko lang ang sarili ko. Gusto kong hubaran siya sa pamamagitan ng mga salita at sa gano'n ay siya na mismo ang mahihiya sa sarili niyang hubad siya habang nadadamitan ng kahihiyan.

"Sige," mapagmataas niyang sinabi. "Gusto ko si Shin. Gusto ko pa rin siya kahit limang taon na ang nakalilipas. Iyon ba ang gusto mong malaman?"

Umigting ang panga ko. "Inaamin mo bang pumayag kang maging kabit?"

"Hindi magiging kabit ang unang minahal at nagustuhan, Amor," sagot niya. "Kung hindi ka dumating, kami sanang dalawa! Ikaw ang sumira sa aming dalawa ni Shin!"

"Hinayan mo ang boses mo," suway ko sa kanya. May natutulog, e. Bakit ba ang eskandalosa niya? "Bakit sa tingin mo ba kung hindi ako dumating, magiging kayo talaga? Stop trying to push my buttons, Shane. Hindi mo magugustuhan yung lalabas sa bibig ko. Hindi na ako yung dating Amor na magsusunod-sunuran sayo para lang matanggap mo para kay Gabriel."

Inaamin kong nanghihina na naman ako sa sagutan naming ito. Kailan ba puwedeng matapos?

Kailan ba ako magkakaroon nang pagkakataong kami naman ang magkaliwanagan ni Gabriel?

"Pero tuta ka pa rin ng sarili mong nararamdaman, Amor. Hanggang ngayon, bulag ka pa rin sa katotohanang hindi lang ikaw ang mahal ni Shin."

"Kaya ka nakikihati? Ganoon ba? Hindi ka ba napapagod? Ilang beses mo nang sinasabi sa akin 'yan, kahit noon pa, Shane. Pero na kanino ba yung minamahal mo ngayon?"

Tumawa siya sabay talas ng tingin niya sa akin. Halatang hindi niya nagustuhan yung sinabi ko pero sinusubukan niyang agapan para hindi ko mahalata. "Hindi ka rin ba napapagod magmukhang tanga, Amor? Hindi ba pamilyar sayo ang nangyayaring 'to? Hindi ba kahit noon, sa akin naman talaga siya kahit may kayo? At ngayon? Nagtapat na siya sa akin, Amor. Noong mga panahong wala ka at ako lang ang kasama niya. Dahil wala ka pa ring kuwenta hanggang ngayon. Nananatili lang sayo si Shin dahil hindi mo kayang tumayo sa sarili mong mga paa. Katulad ka pa rin noon."

"Sigurado ka ba sa sinasabi mo, Shane? Gusto kong panindigan mo dahil sa oras na gumising si Gabriel at sinabi ko sa kanya ang mga bagay na 'to tapos wala siyang sasabihin, ano sa tingin mo yung magandang gawin sa mga katulad mo?"

Ngumisi siya. "Hangga't wala kang resibo sa lahat ng ito, Amor. Magmumukha kang tanga."

Diyan siya nagkamali. Kinuha ko ang telepono sa loob ng bag ko at pinakita sa kanya ang recording. Nanlaki ang mga mata niya.

"Amor. . ."

"Pag-iisipan ko muna ang mga sasabihin ko sa kanya, ha? Pati na rin ang gagawin ko sayo sa oras na makalabas siya sa hospital na 'to para mapalitan mo. Sa ngayon, bantayan mo muna siya dahil aalis na ako."

"Amor, wag!" pigil niya sa akin.

Pero na-pause ko na ang recording at tinalikuran na siya upang makalabas ng hospital room. Narinig ko pa ang yabag niya na sinundan ako kaya mabilis akong tumakbo papunta sa elevator habang takip-takip ang bibig. Pinipigilan na tumulo ang luha sa pisngi.

"Nagtapat na siya sa akin, Amor. Noong mga panahong wala ka at ako lang ang kasama niya."

Napadausdos ako sa elevator nang makapasok at tuluyang sumara ang pinto.

Gabriel, kung naririnig mo man ako, gusto ko na lang sabihing pagod na ako.

Tama na. Hindi na kita kayang ipaglaban ulit.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top