Chapter 16
Gabriel never returned home. Naka-off ang phone at hindi raw pumapasok sa trabaho.
There were no traces at all maliban sa makalat na kagamitan sa bahay na nalinisan ko na.
Hindi ko alam kung paano mapapaliwanag ang nararamdaman ko ngayong nagkapalit pa yata kami ng situwasyon. Dahil ako na ngayon ang naghahanap sa kanya.
Pero sa ilang araw niyang pagkawala, marami akong natutunan. O, mas tamang sabihing naranasan kong ma-frustrate; hindi ko na kasi alam kung kaninong kakilala ko siya dapat hagilapin.
Walang sumasagot sa akin kapag tinatanong ko ang mga kaibigan niya kung may alam ba sila sa pagkawala niya. Hindi ko alam kung planado talaga 'to para hindi ko mahanap si Gabriel dahil iisa lang naman ang sagot nila: "hindi namin alam kung nasaan."
Isama mo pang hindi ganoon kakapal ang mukha ko para mag-reach out kay Shane. Kahit pa alam kong sa kanilang lahat na magkakaibigan—sila ang pinakamalapit sa isa't isa.
"Hindi po ulit pumasok si Sir Shin. Sorry, Miss," iyon lang ang sinabi sa akin ng babae sa information desk.
Hindi kasi kami puwedeng pumasok sa mismong puwesto nila dahil pinaghihigpitan at para lang sa mga employee nila iyon which I understand.
Kaya naman bagsak ang balikat ko nang lumabas ng kompanya.
Ikalimang araw ko na ang paghihintay na 'to sa kanya, saan ko pa siya kailangang hagilapin?
Naiintindihan ko kung nasaktan at nasasaktan pa rin siya sa ginawa ko. May kasalanan din naman ako, e. Hindi ko naipaliwanag sa kanya ang hinanaing ko. At alam naming nakahingi na siya nang tawad sa mga mahahalagang pangyayari sa buhay namin na nakaligtaan niya.
Pero nasasaktan din kasi ako. Hindi ko kayang magsabi sa kanya dahil hindi ko na kayang dalhin pa ang sakit. Parang hindi ko na nga rin maamin sa sarili ko ang lahat, e.
At ayoko rin yung lagi na lang ako nagbibreak down sa harapan niya sa tuwing nangyayari iyon.
Tumunog ang telepono ko kaya agad kong kinuha sa bag. Napatabi pa ako sa gilid ng pintuan ng building nila nang sunod-sunod ang mga employee na pumasok.
Hindi ko na tiningnan pa kung sino ang tumawag, basta ko na lang itong sinagot.
"Hello?"
"Finally, Krystal, sinagot mo na! Nasaan ka ba nanggaling nitong nakaraang linggo?"
Kumunot ang noo ko at nilayo ang telepono para i-check. Si Joie ang tumatawag.
"Bakit, Joie? May nangyari ba?"
"You didn't know?!" Para siyang gulat dahil ako na lang ang nahuli sa balita. I wonder kung kaninong buhay naman kaya ang nahagilap niya. Or may kinalaman ba kay Shane 'to?
Kinutuban ako. Mukhang may nakaligtaan pa yata ako. Nagsimula na akong maglakad palayo sa opisina nina Gabriel. Doon ko lang ulit inisip kung saan ko naman siya puwedeng hanapin sa ganitong panahon.
"I'm sorry, Joie. Hindi. Marami akong problema nitong mga nakaraang araw—"
Narinig ko siyang eksaheradang bumuga ng hangin sa kabilang linya. "Oh my God, ano ba itong naririnig ko. Alam kong may problema ka, Krystal, kaya nga kakamustahin ko sana sayo si Shin pero it turns out wala ka sa hospital?"
Tumigil ako sa harapan ng Starbucks Coffee at tiningnan ang kahabaan ng Dai Nam Avenue. Maraming sasakyan ang dumaraan at nanunuyo ang lalamunan ko dahil sa pagod.
"Hindi kita maintindihan, Joie. Sinong nahospital? Bakit naman ako mapupunta doon?" naguguluhang wika ko.
Uuwi na lang ba muna ako? Wala pa akong kain simula kaninang umaga dahil mas inuna kong pumunta rito sa opisina ni Gabriel. Kaso hanggang ngayon, talagang wala akong mapala. Pinaypayan ko na lang ang sarili ko gamit ang kamay.
"Girl, yung boyfriend mo ang nahospital! Naaksidente noong nakaraang araw," aniya, ramdam ko ang panic sa boses niya. "Hindi ko lang mabisita dahil busy ako sa pag-aasikaso ng negosyo ko."
Parang akong nabingi dahil sa narinig. Muntikan ko pang mabitiwan ang telepono kung hindi ko lang maagap na hinigpitan ang hawak dito.
Napaawang ang labi ko. Naging mabilis ang takbo ng puso ko at parang anumang oras ay hihimatayin ako.
Hospital. . . hospital? Hindi kailanman pumasok sa isipan ko 'yan dahil bakit naman kailangang mapunta ni Gabriel sa hospital?
Damn!
"I didn't know. . ." humina ang boses ko, wala akong makapang salita. All this time, yung taong inakala kong pinagtataguan ako at itinatago sa akin—nasa hospital? "Hindi ako umuwi nang apartment ng isang linggo dahil may hindi kami pagkakaunawaan. . ."
"Calm down, Krystal. Asan ka? I'll call Ross to fetch you," agap niya na para bang alam niya agad ang kahihitnan nitong balita niya sa akin.
Mabilis kong sinabi kung nasaan ako at nang marinig ang dial tone ay napahawak na lang ako sa poste sa gilid.
Para akong tumakbo ng ilang kilometros sa sobrang pagkagulat sa mga narinig.
"Krystal!"
Napalingon ako sa tumawag sa akin at natanaw si Ross na bumaba ng kotse niya upang mabilis na makalapit sa akin.
"Krystal, I heard from Joie. . ."
Humawak ako sa magkabilang braso niya dahil pakiramdam ko ay anumang oras matutumba ako kung wala akong mahahawakan.
"Nagtatrabaho ka sa Terveys, 'di ba? Bakit hindi mo sinabi sa akin?" nanginginig ang boses ko.
"I didn't know. Neurosurgeon ako at hindi lahat ng department sa hospital, naiikot ko. Depende na lang kung ang aksidente niya, malala na kailangan kong operahan," wika niya dahilan para mas lalo akong manghiha.
Sinubukan kong humagilap nang hangin. Unti-unting naninilim ang mga mata ko.
Anong nagawa mo, Krystal?
Hindi ko na alam. . .hindi ko inakalang aabot sa ganitong punto.
Sinubukan niya akong alalayan. "Hey, hey, Krystal, kumalma ka. . ."
Napalunok ako at nilingon siya. "Dalhin mo ko sa Terveys, Ross. I want to see him."
"I will. Dadalhin kita sa kanya. Pero kumalma ka muna—"
"Please! Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kung may nangyari sa kanya at ako ang dahilan!" putol ko sa kanya.
Bumuga siya ng hangin at walang nagawa. Inakay niya ako palapit sa kanyang sasakyan at binuksan ang pintuan. Inalalayan niya akong makasakay sa shotgun seat.
Sinandal ko naman ang ulo ko sa upuan habang habang iniisip ang mga posibleng nangyari.
"I'm sorry kung hindi kita natulungang hanapin siya. May mga kinailangan din akong asikasuhin sa mga operasyon ko lalo na't balak ko rin mag-invest sa kompanyang itatayo ni Joie," bungad ni Ross nang makasakay sa kotse.
Hinilot ko ang bridge ng aking ilong habang tumatango lang. Hindi naman niya ako obligasyon para tulungan. Lalo na kung ang problema namin ni Gabriel, maaaring lumala kapag lumitaw ako at kasama ko si Ross. Noon pa lang, mainit na talaga ang ulo ni Gabriel kay Ross. Ganun pa man, nagpapasalamat pa rin ako sa kanya dahil nandito siya ngayon para samahan ako.
"Ayos lang. . . humihingi rin ako nang tawad kasi kinailangan mo pa akong makita sa ganoong estado," wika ko habang nakapikit.
"Kaya nga tayo magkaibigan, 'di ba? Kung sasabihin mong kailangan mo ako, syempre, agad kitang pupuntahan."
Pagod akong napangiti. Sobrang nakakapagod at nakakaubos ng pagkatao ang mga nangyari nitong nakaraang linggo.
"Salamat," pagod na talaga ako.
Naramdaman ko na ang sasakyang umandar at nilisan ang Dai Nam Avenue. Ngayon ay wala nang ibang nasa isipan ko kundi ang paraan kung paano ko haharapin si Gabriel.
Ang bigat nang dibdib ko at kahit hindi pa man namin nahaharap ang isa't isa, ramdam ko na ang sakit. Handa akong tanggapin lahat kung sasabihin niyang hindi na niya ako kayang tanggapin lalo pa sa nangyari sa kanya ngayon.
Kinagat ko ang labi ko. Pero sana...sana hayaan niya akong sabihin lahat ng nararamdaman ko at ang paghingi ko ng tawad dahil sa maling nagawa ko sa kanya.
Ilang saglit pa ay naramdaman kong tumigil ang kotse ni Ross.
"Nandito na tayo," aniya.
Huminga ako nang malalim at nagmulat ng mga mata. Hindi ko namalayan.
Kita mula sa sasakyan ang malaking pangalan ng hospital na pinagtatrabahahuhan niya.
"Pull yourself together, Krystal," dagdag pa ni Ross.
Hindi muna ako gumalaw. Alam kong nandito na kami pero bigla akong kinabahan.
Walang-wala ang kaba sa nabalitaan ko kanina.
Alam ko at kasasabi ko lang na handa kong tanggapin ang lahat pero parang hindi ko kakayaning matanggap kung sisigawan niya ako at susumbatan.
Ginusto mo 'yan, Krystal, panindigan mo.
Bumaling ako kay Ross na naghihintay lang nang sasabihin ko. I can see the pity on his eyes which I didn't need for today. Ang kailangan ko ay lakas.
"Puwede mo ba akong samahan sa loob?"
Hindi alam ni Gabriel na nagkakausap na ulit kami ni Ross dahil noong nakaraan lang din naman kami ulit nakapag-usap. Pero kung walang sasama sa akin, baka hindi ko kayanin along the way at talagang bumigay ako.
"Sige."
"Thank you. . ."
Tumango siya at binuksan ang pintuan ng driver's seat. Bumaba siya roon at umikot sa puwesto ko saka niya ako pinagbuksan. "Let's go."
Kinuha ko ang kamay niyang inabot saka ako bumaba ng sasakyan. Pinauna niya akong maglakad at ramdam ko naman ang pagsunod niya sa akin.
Kumuyom ang kamao kong nanlalamig nang makapasok kami sa Terveys Medical Center.
Wala masiyadong tao sa lobby kaya malaya kaming nakapunta sa Nurse Station na hindi nakakaabala sa ibang tao at hindi maghihintay ng term.
"Doc, akala ko po ba off ninyo ngayon?" isang nurse ang kumausap sa kanya.
Pinanatili ko ang sarili sa likuran at nakinig lamang sa pinag-uusapan ng dalawa.
"Nasa'ng kuwarto si Shin Gabriel Mallari?" pagtatanong niya sa nurse.
"Pasyente mo, Doc?" Nagsimulang magtipa sa computer ang nurse.
"Hindi. Kaibigan lang," sagot naman niya.
"Room 208, Doc. Private room."
"Thank you." Bumaling si Ross sa akin upang tumango at sinenyasan akong mauna na.
Nakita ko pa ang nurse na sinundan kami ng tingin. Pero hindi ko na naisip pa ang bagay na 'yon.
Mas lalo lang bumilis ang tibok ng puso ko hanggang sa makarating kami sa elevator.
Siya na ang pumindot ng button dahil hindi ko na mahagilap ang katinuan ko.
Tumunog ang elevator at bumukas. Bumaling si Ross sa akin na muli akong pinaunang makapasok bago niya ako sinundan.
"Alam mo ba ang sasabihin mo kapag nakita mo na siya?" tanong niya, bakas ang pag-aalala. Na-appreciate ko 'yon.
Umiling ako. "Nakalimutan ko na lahat. Gusto ko na lang siyang makita sa mga oras na 'to."
Tumango sa akin si Ross at naramdaman ko ang tapik niya sa aking balikat. Iyon ang kailangan ko.
Naging tahimik kami sa ilang minutong byahe ng elevator hanggang sa tuluyan kaming makarating sa second floor.
Hinanap naming dalawa ang room 208 nang makita ko ang pamilyar na pigura na lumabas ng room.
Nagtawanan pa silang dalawa nang mapatigil sa pagkakakita sa akin. Nakita ko pang bumaling sa akin si Ross dahil tumigil ako.
"May problema ba?" aniya.
Pero hindi man lang ako nakaimik at dahan-dahang lumapit sa kanila. Mukhang nakaramdam si Ross dahil agad niya akong sinundan at nanatili sa tabi ko.
"Krystal," bati ni Tita Gabriela, ang mommy ni Gabriel.
Yumuko ako nang kaunti bilang pagbati bago binalingan ang katabi nitong si Shane na maasim na ngayon ang mukha. Nakataas pa ang kilay nito sa akin nang magtama ang mga paningin namin.
Para niyang kinikuwestyon ang presensya ko sa hospital na 'to. Gusto ko tuloy sabihin na karapatan ko 'yon dahil girlfriend ako ng kaibigan niya. Pero baka pagbintangan nila akong nababaliw na. Dahil wala namang kumakalaban sa akin tapos ngangawa ako?
Hindi ko na lang siya pinansin.
"Anong ginagawa mo rito?" direktang tanong ni Tita Gabriela.
Hindi na ako nagulat. Talagang ganito naman talaga siya noon pa lang. Hindi rin siya nagpaligoy-ligoy sa akin noon nang sabihin niya sa aking hindi niya ako gusto para sa anak niya. Bago pa lang kami no'n ni Gabriel.
Dahil una palang, si Shane na ang natipuhan niya para sa anak niya.
Kaya naman hinanda ko na ang sarili ko. "Nandito po ako para puntahan si Gabriel—"
Pak!
Hinigit ko ang aking hininga nang maramdamang naninuot ang hapdi ng sampal niya sa akin.
Tahimik ang buong hallway sa second floor kaya alam kong dinig na dinig ang malakas niyang sampal.
"Anong karapatan mong puntahan ang anak ko kung ikaw ang dahilan kung bakit naaksidente si Gabriel?!" sigaw nito sa akin.
Napapikit ako at napayuko na lang. Alam kong may kasalanan ako. Kaya nga ako nandito dahil gusto kong humingi nang tawad kay Gabriel at nang mapag-usapan naming dalawa ang problema namin.
Pero kung eto ang matatanggap ko, tatanggapin ko pa rin.
"Tita, calm down. Wag niyo na pong patulan ang mga katulad niya," narinig kong sabi ni Shane. Para niyang inaalo si tita Gabriela. "Hindi ko akalaing lalakas pa ang loob mong puntahan si Shin after all what happened, Amor? At sinama mo pa talaga si Ross? Para ano? Isampal kay Shin kung gaano ka kababang klase ng babae?"
Nag-angat ako nang tingin at pinagmasdan si Shane. Nakita kong nagulat siya dahil nakakaya ko na siyang tingnan nang deretso ngayon. Hindi tulad noon na basta para kay Gabriel ay handa akong lumuhod sa kanya.
Isa 'yon sa napagtanto ko habang nagpapalamig ng ulo. Ang katotohanang mananatili lang na best friend ni Gabriel si Shane kaya bakit ko siya kailangang luhuran? Kung meron mang dapat na lumuhod sa amin para sa atensyon ng boyfriend ko—siya 'yon. Naisip ko ring sana una pa lang—pinaramdam ko na sa kanya 'yon. Naunahan lang ako ng pagiging anghel ko noon.
"Gusto mo bang malaman kung sino ang mas mababa sa atin ngayon, Shane?" nanginginig ang boses ko.
Ang gusto ko lang ay mapuntahan si Gabriel at malaman kung ayos lang siya! Iyon lang naman sana. Hindi ito ang klase ng reunion na hinihingi ko sa kanila.
Tumaas ang kilay niya. "Bakit, Amor? May mas mababa pa ba kaysa sayo?"
"Wala kang karapatang pagsalitaan nang ganyan si Shane, Krystal," singit ni Tita Gabriela.
Napangiti na lang ako. Kung ganito lang naman yung usapan na bubungad sa akin, e 'di sagarin na natin.
"Bakit ako lang yung sinisisi ninyo kung si Shane naman ang dahilan kung bakit kami nagkaganito ni Gabriel, Tita?" wika ko at bumaling kay Shane na hindi na makapaniwala ngayon.
Tinaasan ko siya ng kilay. Ganito naman ang gusto mo, hindi ba? Yung parati kang bida? E 'di magtapatan na tayo ngayon pa lang.
Natawa si Shane. "Anong sinasabi mo? Talagang nababaliw ka na, Amor at pati ako dinadamay mo, ano?"
"Kung nandito ka lang naman para siraan si Shane gaya nang kung paano mo sila sirain ni Gabriel noon, mabuti pang umalis ka na, Krystal," mataray na sambit ni Tita Gabriela.
At oo, una pa lang, alam ko namang kung sino ang unang natipuhan—iyon na hanggang dulo. Wala sa bokabularyo ko ang salitang "expectation" kaya hindi ko rin ipagpipilitan ang sarili kong paniwalaan niya.
Pero sila na mismo ang nagdala sa akin sa situwasyong ito, kaya gusto kong malaman lang din niya. Para naman hindi lang ako yung masama sa mga mata niya.
"Bakit hindi mo ikuwento kay Tita kung ano ang ginawa ninyo sa loob ng auditorium, Shane?"
Nanlaki ang mga mata niya at bumaling kay Ross na para bang may alam ito at siya ang nagsumbong sa akin.
Gusto kong ngumisi pero pinigilan ko.
"Ano? Cat got your tongue? Kasi mukhang hindi mo ako hahayaang makausap ang boyfriend ko sa mga oras na ito kaya mas mabuti pang magkalaglagan na tayo—"
"Ang kapal din naman ng mukha mo!" aniya sabay bitiw kay Tita Gabriela. Napunta sa likuran niya ang matanda. "Wala kang alam kaya wala kang karapatang magsalita nang ganyan!"
"E di sabihin mo para malaman ko, hindi ba?! Tutal kasalanan mo! Ikaw ang dahilan kung bakit kami nagkasiraan ng boyfriend ko, Shane! Now, kung ganito ka kabababa at pati ang magulang ng taong mahal mo ay kaya mong i-brainwash para lang pagmukhain akong masama, e 'di sagarin na natin!" sigaw ko sa kanya.
Pak!
Huminga ako nang malalim at binalingan siya. Namumula ang pisngi niya dahil sa galit pero hindi lang siya ang galit ngayon.
Pak!
"How dare you?!" sigaw niya sa akin nang sampalin ko rin siya.
Ano? Siya lang ang puwedeng manampal?
"Hindi puwedeng ako lang ang makapal ang mukha sa atin, Shane! You did this to us! You seduced my fiancee!"
Naramdaman ko ang hawak ni Ross sa balikat ko na parang pinipigilan ako. Pero hindi ako magpapapigil. Tutal, hugot na hugot na rin ang pagkatao ko.
"I didn't seduced him, Amor. Wake up! Hindi ka na mahal ng fiancee mo!"
Natawa ako. Gigil kong sinuklay ang buhok ko. Tangina, nakakabaliw pala talaga ang mga ganitong eksena. Akala ko, ginagagago lang ako ng mga melodrama na palabas.
"At sino ang mahal niya, ikaw? Kung mahal ka ni Gabriel, hindi ka magiging kabit at takbuhan kapag nagkakatampuhan kami, Shane!" saad ko. "Kaya sige, ngayon mo ipagmalaki sa aking mahal ka niya!"
"Stop it, you two!" pigil sa amin ni Tita Gabriela at binalingan ako. "Bakit hindi mo na lang tanggapin na nagigising na sa katotohanan ang anak kong hindi ikaw ang mahal niya, Krystal? At hindi ka pa nakuntento, kinailangan mong maging dahilan para maaksidente ang anak ko. Hindi ka ba naaawa sa kanya?"
Sinabunutan ko ang sarili ko. "Tita, itanong niyo muna sa anak ninyo kung naawa ba siya sa akin noong mga panahong kinailangan ko siya pero nandoon siya sa kandungan ng babaeng sinasabi niyang best friend niya lang!"
"Because you deserved to be dumped out, Krystal! Una pa lang, hindi ka na namin gusto para kay Shin pero ikaw itong nagpupumilit sa sarili mo!" sigaw ulit ni Shane.
"Tanungin mo muna si Gabriel, bago ka magsalita nang tapos, Shane. Kung hindi niya ipinilit ang sarili niya sa akin, hindi kami tatagal!"
"Well, that's because you manipulated him!" ani Tita Gabriela. "Pinaikot mo siya at pinilit mong piliin ka at iwanan kami. Wala kang delikadesa!"
Mapait akong ngumiti. "From the start, I never wanted to be a part of your son's life, Tita. It's your son who wanted to become a part of my life. Ngayon po, kung ipipilit niyo pa ring wala akong delikadesa, paano naman yung mga babaeng katulad ni Shane na bantay salakay sa boyfriend ko? Na dahil nagkakagulo na kaming dalawa ng anak ninyo ay mas lalo niya pang guguluhin? Sino ang mas controlling? Sino ang mas nangmamanipulate?"
"I'm not his mistress!"
"Ano ka pala? Legal? Then, you're delusional, Shane."
Natahimik ang dalawa kaya napailing na lang ako. Ramdam ko na ang panghihina at pagkapagod.
"Kahit harangan niyo ako ngayon, kung gugustuhin kong makita si Gabriel, gagawin ko. Pero masiyado na akong pagod, Tita, Shane. . . Kaya sa susunod na lang. At sa susunod na ganito pa rin ang ibubungad ninyo sa akin, hindi ko pa rin kayo palalagpasin."
Pumihit ako patalikod sa kanila at naglakad palayo.
"Krystal!" sigaw ni Ross at sumunod sa akin.
Siya muli ang pumindot ng button pababa. Nang tumunog ang elevator at bumukas ay binalingan ko ulit ang dalawang babae na masama ang tingin sa akin.
Hindi na bago sa akin. Hindi ko naman naramdaman na kailanman ay tinanggap nila ako para kay Gabriel. At wala akong balak baguhin iyon. Gusto ko yung ganiyan lang sila. Yung alam ko kung paano ko sila iha-handle.
"I will never forgive you, Amor!" sigaw ni Shane.
"So do I," iyon lang ang sinabi ko bago tuluyang makapasok sa elevator.
Taas noo akong humarap sa pintuan hanggang sa tuluyan itong sumara.
Doon ko lang naramdaman ang panghihina. Bumagsak ang katawan ko sa semento.
"Krystal!" nag-aalalang tawag sa akin ni Ross at naramdaman ko na lang ang paghawak niya sa balikat ko.
"Ang sakit, Ross," paghikbi ko. Bumigay na ako. "Ang sakit-sakit kasi hindi nila kailanman nakita kung gaano ko minahal ang anak at kaibigan nila. Lagi na lang akong masama, lagi na lang akong mali . . . gusto ko lang namang matanggap nila ako para kay Gabriel, hindi ganito."
Naiisip ko na lang kung tuluyan nga kaming maging mag-asawa ni Gabriel.
Makakaya ko kayang malunok ang pakikitungo sa akin ng mismong nanay niya at pati na rin ng kaibigan niya?
Hindi.
Pero dapat kong kayanin. Dahil bago pa man ako dumating, parte na sila ng buhay niya. Habang buhay na silang konektado sa kanya.
"Magiging maayos din ang lahat, Krystal," pag-aalo sa akin ni Ross.
Sana lang . . . dahil alam kong hindi ko kakayanin kung hindi kami ni Gabriel sa huli.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top