Chapter 14

Kinabukasan, maaga pa rin akong gumising at pinagluto kaming dalawa ni Gabriel. Pero sa pagkakataong ito, dinidistansya ko na ang sarili ko sa kanya.

"Hon, maaga yung out ko ngayong araw. Gusto ko sanang lumabas tayong dalawa mamaya. Ayos lang ba?"

Hindi ko siya sinagot. Simula nang sabihin ko sa kanya kagabi na pag-isipan na lang muna namin ang mga bagay-bagay, hindi na niya ako tinantanan suyuin.

At hindi ko maintindihan kung bakit sa bawat paghaplos niya sa akin ay wala akong maramdaman. Na para bang tuluyan na akong namanhid matapos lahat ng nangyari sa relasyon naming dalawa.

"Krystal, kausapin mo naman ako, please," dinig ko ang pagmamakaawa sa boses niya.

Kumuyom ang kamao ko. Kahit na gustong-gusto ko na siyang yakapin ngayon at makipag-ayos, pakiramdam ko, nawawalan na ng saysay lahat ng sakit na nararamdaman ko. Lalo na sa mga nakita ko kagabi.

Bumuga siya ng hangin at nawalan ng choice kundi ang kumain na lang ulit.

Matapos kong ligpitin ang pinagkainan naming dalawa ay nagmadali akong maghanda para sa trabaho.

Siguro ang tanging gusto ko na lang sa mga oras na ito ay ang makalaya muna kahit saglit sa napakalungkot na lugar na ito.

"Puwede ba kitang ihatid?" aniya nang dumating kami sa sakayan.

Never pa naming nagawa 'yon dahil magkaiba ang way na dinadaanan ng mga sinasakyan namin papunta sa trabaho.

Umiling ako sa kanya. Ramdam ko ang pakikinig ng ibang taong malapit lang sa amin.

"Sunduin kita mamaya?"

Hindi ako ulit sumagot. Bakit ang sakit marinig nang boses niyang nagmamakaawang payagan ko?

Hindi lang naman siya ang nasasaktan sa aming dalawa ngayon.

Kaya nang tumigil ang bus na lagi kong sinasakyan papunta sa trabaho ay agad na akong sumakay na hindi man lang siya nililingon.

Pumwesto ako malapit sa bintana at hinawi nang kaunti ang kurtina upang makita siya sa kinatatayuan niya.

Mabigat na ang nararamdaman ko lalo na sa mga natuklasan ko kagahapon ngunit iba pa rin pala kapag nakikita mo na kung gaano rin kaapektado ang mahal mo kapag hindi mo siya papansinin tulad na lang ng ganito.

Napayuko na lang siya nang hindi ko talaga siya inabalang tingnan.

Tumunog ang telepono ko sa bag kaya agad kong kinuha iyon at tuluyang sumandal sa kinauupuan.

It's his fault, Krystal. Piliin mo na ang sarili mo ngayon, ani ng isang bahagi ng utak ko.

Gabriel: Ang sakit na tinatarayan mo ako ngayon.

Gabriel: Hindi ko alam kung bakit mo nagagawang sabihin na pag-isipan na lang natin ulit ang mga bagay kung una palang, dapat wala na tayong pag-isipan kasi maayos naman tayong dalawa, 'di ba?

Huminga ako nang malalim habang binabasa ang mga mensahe niya.

I still remember the time when we're in college, na ang pinaka ayaw ni Gabriel na ginagawa ko sa kanya ay ang tarayan ko siya. Madalas, pakiramdam niya ay bumubuo ako ng pader sa pagitan naming dalawa. Tapos, palagi ko siyang icocomfort ang sasabihan na hindi ko na kayang bumuo pa ng pader dahil nasisira niya naman.

Ang kaibahan lang, ngayon ay kaya ko nang sabihing "Ayoko munang sirain mo ang pader sa pagitan natin" kasi pakiramdam ko, laging ako ang talo pag tungkol na sa aming dalawa.

At ayos? Talaga bang hindi na siya marunong makiramdam at nagagawa pa rin niyang sabihing ayos lang kami kahit pa hindi naman na talaga?

Pinatay ko na lang ang telepono ko at tuluyang hinintay na makapunta sa trabaho.

Kailangan ko nang pagbabalingan ng atensyon sa mga oras na ito and certainly, wala sa choices ang pago-overthink.

"Girl, totoo ka ba? Kasi parang hindi. Grabe, alam kong mahal na mahal mo yung boyfriend mo kaya dedicated na 'yang buhay mo sa kanya pero hindi ko alam na sa sobrang pagmamahal mo, nasobrahan ka na rin sa pagkatanga. I mean, girl, naririnig mo ba 'yang sarili mo? Halata namang may gusto yung bestfriend niya sa kanya, e!" pagra-rant ni Dallie matapos kong i-share sa kanila ang nangyari kahapon.

"So, sinabi mo na ba sa boyfriend mong humihingi ka ng space dahil sa nakita mo?" wika naman ni Anna.

Umiling ako. "Hindi. Hindi ko rin kasi alam kung paano sasabihin sa kanya. . ."

Nagkatinginan silang dalawa bago bumaling sa akin na nanlalaki ang mga mata.

"Krystal, paalala ko lang sayo na bago nagkamonumento ang mga bayani, namatay muna sila. Gusto mo bang mamatay muna bago mo maipagmalaki sa mundong martyr ka?" sabi naman ni Rachel. "E ikaw lang din yung nagpaparusa sa sarili mo, e!"

"Jusko, Krystal! Alam kong kaibigan kita pero jusko ka talaga! Girl, clearly, sabihin ko lang sayo, ha? Red flag na yung boyfriend mo! Bukod sa eskandaloso, hinahayaan niya lang yung bestfriend niyang halikan siya tapos siya pa ang galit kasi c-in-ancel mo yung reservation niyo sa supposed to be birthday celebration niya?!" iritado na ngayon si Dallie.

Nagkibit ako ng balikat. "Kapag inamin ko sa sarili kong ganoon nga, natatakot akong baka iwanan ko siya nang tuluyan, Dallie."

"Gaga!" wika ni Anna. "Talaga namang deserve niyang iwanan mo, e. Anong kinakatakot mo?"

"Minsan na siyang nagtangkang babawiin yung buhay kapag iniwan ko siya, Anna. . ."

Naalala ko yung mga panahong minsan na niyang ipabundol ang sarili niya noong college kami dahil lang sa sinubukan kong makipaghiwalay dahil sa dami ng issues ng relasyon namin.

"Woah, wait! Hindi lang pala victim blame ang card na ginagamit sayo ng boyfriend mo, girl. Minamanipulate ka pa pala! E ano na? Bakit ang tanga mo pa rin?" segunda naman ni Rachel.

"Okay naman kami nitong nakaraang limang taon, Rachel. . . talagang ngayon lang ulit nagkaganito," paliwanag ko naman.

"Girl, hindi mo pa ba nakukuha? That means, hindi talaga kayo para sa isa't isa! Kung hindi mo siya nagawang hiwalayan noon dahil pagkatapos niyong pagdaanan ang mga bagay na 'yon ay naging okay naman kayo, ngayon, kailangan na! Kasi naulit at mas malala pa!" ani Dallie.

"Pero ang tibay rin nitong bestfriend ng fiancee mo, teh. Alam niyang may girlfriend. Alam niyang meron ikaw pero ganoon umakto?"

Umirap naman si Dallie. "Sabi naman sa inyo, parte ng snake society ang babaeng 'yon. Baka nga president pa at hindi lang regular member, e."

Napailing na lang ako. "Anong gagawin ko?"

"Ano pa, e 'di hiwalayan mo!" sabay-sabay nilang sagot.

"Kasi sa totoo lang, wala kaming mabibigay na matinong payo bukod diyan," ani Anna. "Halata naman kasing tarantado ang boyfriend mo. Paanong nagagawa niyang i-level ka sa barkada niya, e girlfriend ka niya?"

"At hindi mo man lang magawang magreklamo, huh?"

"Ano bang pangalan niyan at nang ma-stalk?" tanong ni Rachel.

"May facebook? Instagram? Twitter? Pahingi lahat."

Ibinigay ko sa kanila ang pangalan ni Shane sa facebook at username sa instagram. Hindi ako sigurado kung tama bang hinahayaan ko ang mga kaibigan kong ganito kung hindi ko nga magawang ako ang makipagharapan, e.

Tumunog ang telepono ko kaya nawala ang atensyon ko sa kanilang tatlo.

Gabriel: Susunduin kita mamaya.

Ilang sandali ko pang pinagmasdan ang text message niya at iniisip kung rereplyan ko ba nang tumili ang mga kaibigan ko.

Nanlaki ang mga mata ko sa gulat at tumingin sa paligid. Nandito kami ngayon sa Starbucks Coffee Shop malapit sa Godimento at ang supposed to be relaxing ambiance ay nasira dahil sa lakas ng mga boses nila.

"Uy, ano ba kayo? Para kayong mga palengkera! Ang ingay niyo!" suway ko sa kanila.

Binalingan ako ni Dallie na ngayon ay mas sumama ang timpla.

"Girl, I swear, kung hindi mo hihiwalayan ang boyfriend mo, sasakalin kita!" wika niya.

"Mukhang handa ka pang maging flagpole para sa boyfriend mo, Krystal. Alam mo na ba 'to?" si Rachel.

Kumunot ang noo ko sa pinagsasabi nila. "Anong ibig niyong sabihin?"

"Affirmative! Dense nga! At mukhang wala pang idea!" saad naman ni Anna.

Hinarap nila sa akin ang cellphone na hawak ni Anna at halos panghinaan ako ng loob nang makita ang mga litrato nina Shane at Gabriel.

"Wala kahina-hinala sa real instagram kaya nangstalk pa kami sa followers niya at heto." Iniscroll nila ang feed.

Napalunok ako nang makita ang litrato namin ni Gabriel sa Mang Inasal kung saan unang beses ulit namin siya nakita at naka-middle finger sign siya doon na may caption: "I'll take back what's mine."

"Sinong makakatalo sa kakapalan ng mukha niya?"

Tiningnan ko pa ang iba at halos puro mga litrato nilang dalawa. Meron pa yung hinalikan siya sa noo ni Gabriel at naalala kong ito yung suot niya nang um-attend sa alumni homecoming namin noong nakaraang buwan.

May caption din itong "Reunion with my homie. Tonight, we'll make the most out of it."

Napahilot na lang ako ng sentido dahilan para ilayo nila sa akin ang telepono ni Anna.

"Girl, alam kong puro pagra-rant lang ang ambag namin at sanib puwersa pa. Pero ito lang masasabi ko sayo, you deserve better."

"Tama si Dallie. Super cliché man at parati mo mang naririnig sa bawat break-up pero iyon ang totoo," sambit ni Rachel. "Siya ang may mali, hindi ikaw."

Hindi ko na alam.

Bakit ako pinaparusahan ni Gabriel nang ganito?

Maaga akong natapos sa trabaho ko kaya maaga rin akong naghihintay na sa lobby ng aming kompanya.

Tango at ngiti lang ang ibinibigay ko sa bawat katrabaho naming dumadaan sa aking harapan.

Panaka-naka rin ang tingin sa wristwatch at baka sakaling dumating na si Gabriel.

Kahit pa naman ganoon ang nakita ko kanina ay hindi ko pa rin maiwasang hindi mag-abang sa kanya.

"Oh, Krystal. Nandito ka pa?" bungad ni Carlos nang makita ako sa couch.

"Hindi ba obvious, Carlos? Mukha bang picture niya lang 'yan?" wika naman ni Dallie.

"Kahit kailan talaga ang pasmado ng bibig," segunda naman ni Ronald.

"Bakit nandito ka pa? May hinihintay ka ba?" ani Anna.

"Malamang yung boyfriend niya 'yan," sagot ni Rachel.

Nginitian ko lang sila. "Sabay-sabay na kayo?"

"Kakain muna kami," ani Dallie. "Sama ka? Indianin mo na lang ulit yung boyfriend mo."

Napailing na lang ako. "Sige na, alis na."

"Krystal, ha? Don't say we didn't warn you," sambit ni Anna.

Ngumiti lang ako pero alam kong hindi ko talaga pinakinggan ang mga sinabi nila.

Nang tuluyan na silang makaalis ay muli na lang akong natulala.

Lumipas ang isang oras ay hindi talaga sumulpot si Gabriel. Sa takot ko na baka magkasama sila ni Shane sa mga oras na ito ay pinili ko na lang na umuwi ng apartment.

Mabibigat ang paghinga ko nang buksan ang cabinet at nagsimulang kumuha ng mga damit.

Narinig kong bumukas ang pintuan ng kuwarto at nakitang laglag panga si Gabriel habang pinapanood ang ginagawa kong pag-iimpake.

Nagkatitigan pa kami at mas lalo lang akong nasaktan. Kaya inilingan ko na lang siya at pinagpatuloy ang pag-iimpake.

"Wait, wait, Krystal! Hon, anong ginagawa mo?!" sigaw niya.

Hindi ko na siya pinansin at sinara na lang ang bag na dadalhin.

Mabilis siyang lumapit sa akin at hinila ang bag na dadalhin ko. Binuksan niya yung bag sabay itsa sa kama ng mga damit ko.

"Krystal, anong problema? Saan ka ba pupunta?" nanginginig na ang boses ni Gabriel.

"Let me leave," mahinahong wika ko at sinubukang bawiin ang bag pero mas lalo niya lang inilayo.

"Krystal, no, no, no! Please no!" sigaw niya sa akin.

"Please!" pagmamakaawa ko ring sigaw. Pagod na pagod na ako. Gusto ko na lang din matulog para makalimutan ko na lahat. Pero sa tuwing nakikita ko siya, mas lalo lang akong nauubos. "Hayaan mo na akong umalis!"

"Ano ba? Ano bang nagawa ko? Bakit ka aalis?!"

Umiling lang ako. Gusto ko na lang sana mag-isip isip at hindi na palakihin ang bagay na ito.

"Sa susunod na lang tayo mag-usap."

"Hindi! Gusto ko ngayon! Ano? Anong problema?"

Muli akong umiling. "Kapag pinag-usapan natin ito ngayon, baka tuluyan na tayong matapos, Gab. So, please. . ."

Hinila niya ako para yakapin. Nabitiwan niya ang bag na hawak at nagsumiksik sa leeg ko. Mas lalong humigpit ang pagkakayakap niya sa katawan ko. Kaya bumigay na rin ako. Napaiyak ako sa balikat niya.

"Krystal, please. . . wag mo naman akong iwanan. . ."

Umiling ako. "Kailangan nating dalawa 'to, Gab. Kung hindi ko gagawin 'to baka iwanan na ako tuluyan nang sarili ko. . ."

Hinawakan niya ako sa magkabilang balikat at hinarap sa kanya. Inangat niya ang baba ko ngunit nanatiling nakadikit sa semento ang mga mata ko.

"Mahal mo pa naman ako, 'di ba? Ako pa rin naman, 'di ba?" pagmamakaawa niya.

Pumikit ako nang madiin. "Mahal na mahal, Gabriel. . . Mahal na mahal. . ."

"Pero bakit?" bulong niya at sinandal ang noo sa noo ko. "Bakit kailangan mo 'kong iwan ngayon?"

Pinagmasdan ko siya sa mga mata. At hindi ko maiwasang mas lalong madurog nang makita kung gaano ako kawasak sa paningin niya.

"Kasi hindi ko na mahal ang sarili ko, Gab. Simot na simot na 'ko. Kailangan ko munang hanapin ang sarili ko. . ."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top