Nineteen
Erin couldn't even speak a single word. Hindi pa rin maproseso sa utak niya kung paano niya tutugunan ang pag-amin ni Muel.
Napasinghap naman si Muel at tumingala. Tila hindi nagustuhan ni Erin ang ginawa niya at hindi rin niya alam kung paano itatawid ang sandaling ito.
"It's okay if you don't respond. I'm just being honest that I really like you. " Muel broke the silence.
"Okay. Siguro dahil lasing ka kaya mo ako binibiro. Sige, babalik na ako sa transient house." Umiwas ng tingin si Erin at dali-daling tumakbo. Hindi maalis ang ngiti niya hangga't sa marating niya ang silid. Nagtatatalon siya sa tuwa.
'Gusto niya ako! Seryoso siya doon!'
Sa sobrang tuwa ni Erin, magdamag siyang hindi nakatulog.
****
Ngayon ang huling araw ng pag-stay nina Erin, Muel at Nanay Merci sa townhouse. Para kay Erin, sobrang unforgettable ng mga nangyari sa kanya sa lugar na ito lalo na't napalapit pa siya sa mag-ina at sa wakas, inamin na rin ni Muel ang pagtatangi nito sa kanya.
Buong araw siyang nakatutok kay Nanay Merci at inalalayan niya ito nang husto hangga't sa natapos niya rin ang pag-iimpake ng gamit.
"Okay na ako. Wala na rin akong nakalimutang gamit, pwede na tayong umalis," pormal na pagkakasabi niya kay Muel nang makita niyang papalapit na ito at katatapos lang din nito na i-check ang sasakyan na gagamitin sa byahe pabalik sa Maynila.
Tipid na ngiti ang tugon nito at walang kaimik-imik na kinuha ang mga bagahe ni Erin. Wala silang imikan kahit pa nagsisimula na ang byahe nila.
"Sigurado ka na wala kang nakalimutan?" untag ni Muel na sumulyap pa sa rear view mirror. Nakita niyang tumango si Erin at sumusulyap pa rin sa labas na kung saan makikita pa rin ang dagat kahit malayo na. Batid niyang na-miss kaagad nito ang lugar at parang ayaw pa nitong umuwi.
"Kapag okay na ang lahat, babalik din tayo rito as soon as possible," dagdag ni Muel.
"Siguro kayong dalawa ni mama mo, mas maiging bumalik kayo ulit dito. Sana sa pagbalik ninyo talagang maka-recover na siya," ani Erin habang sinusulyapan na si Nanay Merci na mahimbing ang tulog. Nakasandal pa ang ulo nito sa balikat niya.
"Pero sigurado ka talaga na wala kang nakalimutan, lalo na kagabi?" muling untag ni Muel. Gusto niyang ipahiwatig kay Erin ang tungkol sa pag-amin niya sa nararamdaman niya.
Erin cleared her throat. "Ikaw dapat ang magtanong niyan sa sarili mo. Ikaw 'yong nakainom sa ating dalawa."
"What I mean is, hindi mo pa rin masasagot right?" Muling sumulyap si Muel sa rear view mirror.
"Sa kalsada ka tumingin please," saway naman ni Erin.
Bumusangot lang ang binata. "Did you take it seriously?"
"Oo naman. Kasi alam kong hindi dapat ginagawang biro ang pagsasabi na gusto mo ang isang tao." Naramdaman na lang bigla ni Erin ang bilis ng pintig ng puso niya at hanggang ngayon, sinusulyapan pa rin siya ni Muel.
"Pero, kung hindi mo naman ako gusto pwede mo namang i-reject ako kaagad," Muel insisted. Napahigpit tuloy ang kapit niya sa manibela. Maski siya ay kinakabahan din sa posibleng sagot ni Erin.
"Hindi mo naman ako niligawan. Sinabi mo lang na gusto mo ako, hindi mo naman sinabing mahal mo ako. And I bet, lilipas din ang feelings mo kung talagang mayro'n kang feelings sa'kin." Erin pursed her lips.
"Okay. From now on, I will formally hit on you." Nakakalokong halakhak ang pinakawalan ni Muel.
"Hindi pa ako pumapayag," giit naman ni Erin.
"Okay, eh di huwag." Sumeryoso na ang tinig nito.
****
Muel and Erin both had a tiring day after a five hour trip. Mas napagod lang si Muel dahil siya ang nagmaneho at saglit lang siyang nagpahinga. He insisted to drive Erin home. Inayos niya muna ang kalagayan ni Nanay Merci dahil nasa pangangalaga na ito ng dati nitong tagabantay.
Hindi na rin nakatanggi pa si Erin sa pagpupumilit ni Muel na ihatid siya. Mabuti na lang at walang traffic kaya lang, bumuhos naman ang malakas na ulan.
Erin welcomed Muel at her apartment. Sa katunayan, silang dalawa ni Cherrie ang nagre-rent doon ngunit wala naman doon si Cherrie. Nalaman niya na kasama nito ang nobyo at nagbabakasyon.
"Sorry medyo makalat ang nadatnan mo. Pwede mamaya ka na umuwi? Kailangan mo munang kumain at magpatila ng ulan," suhestyon ni Erin.
Umiling naman si Muel. "Busog pa ako saka don't worry about me, I have a car. Remember? Kaya hindi ako maba-bother na umuwi kahit malakas ang ulan."
"Oo nga pala. Sige, uwi ka na lang. Ingat." Pinasigla ni Erin ang boses niya kahit medyo nakaramdam siya ng pagtatampo kay Muel dahil sa pagtanggi nito.
"Talagang papauwiin mo ako?" natatawang tanong ni Muel.
Erin found it weird. Alam niyang kapag ayaw ni Muel sa una pa lang, hindi na mababago pa ninuman ang desisyon nito at hindi rin nito ugaling magpapilit.
"Are you just fooling around? Gabing-gabi na nga tapos parang may toyo ka. Ano bang mayro'n huh?" naiinis na tanong ni Erin.
"Hindi kita mabasa. Hindi ko alam kung seryoso ka sa mga sinasabi mo at sa mga sinabi mo." Padabog na pumunta si Erin sa kusina. Doon siya napahikbi at wala siyang kamalay-malay na sinundan pala siya ni Muel.
"Kasi naman, kung talagang concern ka di ba dapat pinilit mo pa rin? O baka naman naging ilag ka na sa'kin dahil sa inamin kong gusto kita?" May himig ng pagsusumamo ang tinig ni Muel. He slowly stepped closer to Erin. Hinayaan naman siya nitong pahiran ang luhang umaagos sa mga mata nito.
"Siraulo. kilala naman kita, pag ayaw mo, ayaw mo." Pinigil ni Erin ang pag-iyak at yumuko na lang.
"No. Actually, ikaw lang ang kayang magpabago ng isip ko. Remember, I used to hate my life but when I found you, I learned to live as long as I can. Lahat ng bagay na hindi ko ginawa, ginawa ko dahil sa'yo. Noong makita ko kung gaano kayo naging close ni mama at kung paano mo siya alagaan, napagtanto ko na kailangan ko siyang mahalin ulit. Dahil noong nakita ko kayong dalawa, parang nakita ko ang dating ako. I used to smile at my mom, I used to cook for her and talk to her about my dreams. You reminded everything that I forgot because I was blinded by hatred. Ikaw ang nagpabalik sa'kin sa katotohanan na kailangan pa rin ako ni mama at nabubuhay siya dahil sa'kin. Kaya tuwing may sinasabi ka, kahit noon tungkol sa pangarap mo—hindi ko talaga kinalimutan. Paanong hindi ako magkakagusto sa tulad mo?"
Erin was shocked at the moment. She noticed that Muel's eyes are in tears. Hindi niya sukat-akalain na ultimo maliit na bagay na ginawa niya noon para sa pagkakaibigan ay hindi nakalimutan ni Muel. He's deeply attached to her kindness ever since and she doesn't even notice it.
Ang tanging nagawa lang ni Erin ay punasan ang luha ni Muel gamit ang kanyang palad. "Ikaw ang pinakagwapong nakita ko kahit umiiyak."
Muel chuckled a bit. "Nagawa mo pang magbiro."
Umiling agad si Erin. "Seryoso ako, ten years ago nakita na kitang umiyak. Gwapo ka rin noon."
"Does it mean you like me too?" His eyes were pleading for a favorable answer.
"Paanong hindi kita magugustuhan? Natuto akong mangarap pa nang husto dahil sa'yo. Alam kong mabait ka, halos lahat ng classmates natin naging kaibigan mo nga eh." Sumilay ang ngiti sa labi ni Erin. She lift her face. Mas lalo siyang napangiti dahil sa eye contact nila ni Muel.
"What's with that look?" untag ni Muel. He lowered his head so he could look closer to Erin. Pinantay niya ang sarili niya sa dalaga.
"Wala. Ang gwapo mo lang kasi," nahihiyang tugon ni Erin.
"I know. Pero, magtitinginan na lang ba tayo?" Makahulugan ang ngiti ni Muel.
"Ano bang dapat na mangyari?" pabulong na tanong ni Erin.
"I should kiss you but I'm not doing it because I know my limits," sagot naman ni Muel. Inilayo niya rin ang sarili niya kay Erin. "Kinakabahan ka. I knew it."
"Hindi ako marunong, e." Kumamot-ulo si Erin.
"Saan?" Naging pilyo ang ngiti ni Muel.
"Hindi ako marunong gumamit ng stove na bagong bili ni Cherrie. Nag-offer pa naman ako na dito ka kumain ng dinner."
"Akala ko naman kung ano na. Let me teach you." Naiiling na binalingan ni Muel ang stove at binuksan iyon. Natatawa na lang din siya.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top