Fourteen

Kanina pa tinitingnan ni Muel ang cellphone niya at naka-type lamang sa message box niya ang number ni Erin na nakuha pa niya mula kay Rex. Sabi pa ni Rex, interesadong bumili si Erin ng magandang keyboard piano at dahil nga sa nag-away sila kanina, nagbago na ang isip ni Erin. Good thing is, hindi pinaalam ni Erin kay Rex ang alitang naganap sa kanila ni Muel.

'Bakit ako magso-sorry? Hindi naman na kami magkaibigan.'

He tossed his phone at the bedside table. Paulit-ulit siyang bumuntong-hininga at minabuti na lang niyang i-text ang nagbabantay sa kanyang ina para i-remind ang mga dapat nitong gawin.

Nag-reply naman ang caregiver ng nanay ni Muel ngunit nagpapaalam din ito na magli-leave dahil may emergency na may kinalaman sa pamilya nito. Kaagad naman siyang pumayag sa request nito dahil malaking tulong din naman ang serbisyo nito sa kanyang ina na siya ang dapat na gumagawa.

Ngayon, iniisip niya kung paano ima-manage ang schedule niya dahil kailangan na niyang bantayan ang nanay niya.

Gusto niya sanang alukin si Erin na magbantay sa nanay niya pero naalala niyang katatapos lang nilang magtalo. Ang kapal naman ng mukha niya kung gagawin pa niya itong temporary caregiver.

Hindi na rin siya nakatiis at t-in-ext niya si Erin. Humingi na lang siya ng paumanhin dahil sa kagaspangan ng pag-uugali niya kanina.


****


"This is Muel. I'm sorry for the words I said. I'm just being honest but I didn't mean to insult you. Really sorry."

Napangiwi agad si Erin nang mabasa niya ang text message ni Muel.

"It was like— sorry kung masakit ang mga salita ko pero totoo naman yun at alam kong maiinsulto ka kaya sinabi ko pa rin!" gigil na litanya niya sabay tapon ng cellphone niya sa ibabaw ng kama.

Hindi man lang siya dalawin ng antok. Hanggang ngayon hindi mabura sa isip niya ang mga sinabi ni Muel, kung paano nito ipamukha sa kanya na hindi siya nito tinuring na kaibigan.

'Itinataboy niya siguro ang mga taong nagmamalasakit sa kanya tapos nagpi-play victim siya.' Napasinghap siya nang dalawang beses.

Nagpagulong-gulong tuloy siya sa kama at muling sinulyapan ang kanyang phone dahil tumunog iyon. May text message na naman mula kay Muel.

"Ikaw ang pinakamagandang nangyari sa high school life ko."

Natunaw agad ang pagkainis niya nang mabasa iyon. Sana talaga hindi ito na-wrong send. Kakaibang excitement ang naramdaman niya at hindi siya nagsawang basahin iyon ulit.

Nang dahil sa huling text message, napilitang mag-reply si Erin. "Oo na, bibilhin ko na ang keyboard piano."

Wala pang isang minuto, may reply na agad si Muel.

"I'm not even selling anything here."

Napahagikhik si Erin.

"Siguro sinabi ni Rex na hindi ko na bibilhin ang piano kaya niya binigay ang number ko at bigla mo akong t-in-ext. Natatakot kayong mawalan agad ng potential customer."

"Mas natatakot akong mawalan ng kaibigan."

Biglang napahiyaw si Erin at tumalon-talon na parang batang paslit dahil sa reply ni Muel.


****


Nakipagkita si Erin kay Muel sa isang music studio. Sabi kasi ni Muel, mas magandang doon na lang nito i-demo ang keyboard piano na bibilhin niya at kung may oras pa, maaari siya nitong turuan kung paano iyon tugtugin.

"You're earlier than I expected," bati sa kanya ni Muel at nakapwesto na ang keyboard piano na ipagbibili nito.

"Syempre ihahatid ko 'yan sa bahay ng friend ko mamaya. Marami pa akong aasikasuhin," dahilan naman ni Erin at umupo na. Pinindot niya ang ilang keys ng keyboard piano at nasiyahan agad siya sa tunog na kanyang naririnig.

"It sounds like a grand piano," pakli niya habang pinipindot pa rin ang keys na natitipuhan ng kanyang mga daliri.

"Gusto mong sample?" tanong ni Muel.

"Yes of course. Para hindi masayang ang bayad ko." Nilakihan ni Erin ang pagkakangiti. Hindi na rin pinatagal pa ni Muel ang paghihintay ni Erin at nagsimula na rin siyang tumugtog.

Pumalakapak si Erin nang matapos ni Muel ang pyesang "Kiss The Rain."

"Paano mo natutuhan 'yan? Music genius ka na talaga," namamanghang tanong ni Erin.

"Sa mga kaibigan. Hindi naman ako music major at iba rin ang tinapos kong kurso pero nahumaling na lang ako sa music. Madalas akong magpunta sa mga bar na may nagpe-perform na live bands. Tapos sila rin ang nag-push sa'kin na magtayo ng business na mina-manage ko ngayon," paliwanag naman ni Muel. "Dati, may prejudice ako sa ibang music. At alam mo naman na ayaw ko talaga sa rock music pero nang makilala kita, na-appreciate ko rin. Maganda pala. Magandang hindi lang iisang genre ang pakikinggan mo. Kailangan mong makinig sa iba para marami kang matutunan," dagdag pa niya.

"Ano pang hindi mo kayang gawin? Napaka-ideal man mo pala. Tapos ikaw pa ang nag-aalaga sa nanay mo ngayon." Hindi maalis ang ngiti sa mga labi ni Erin. Lalong nadagdagan ang paghanga niya kay Muel. Nakahinga siya nang maluwag dahil nalaman na rin niya ang ilan sa mga bagay na pinagkaabalahan nito at hindi rin ito nagpabaya sa pag-aaral.

"I'm not really taking care of my mom. May sarili siyang caregiver. You already know that I had a bad past with my parents. Hanggang ngayon hindi ko pa rin sila kayang patawarin. Ang sama ko, hindi ba?"

"Paano kung isang araw, mawala sila sa mundo? Hindi mo pa rin sila kayang patawarin?" Parang tinutusok ng karayom ang puso ni Erin. She can't blame Muel for holding a grudge. Wala naman siya sa mga panahong mag-isa ito at kailangan ng kaagapay.

"I don't want them to die. I just want them to suffer for abandoning me. I think kulang pa 'yon. At kahit may sakit si mama, hindi ko siya hahayaang mamatay. Hindi ko siyang kayang tiisin kahit galit ako sa kanya. I don't know how long it takes for me to heal those wounds they made. At ayoko naman sanang pag-usapan pa ang bagay na ito pero magkaibigan naman tayo kaya sinasabi ko na lang din."

"Sabagay. Hindi ko naman masasabi kung hanggang kailan mo panghahawakan ang galit mong 'yan pero sana huwag kang maging harsh masyado sa nanay mo. Okay?" paalala naman ni Erin.

Tipid na ngiti ang tugon ni Muel.

"Bakit ka ngumingiti lang d'yan? Hindi mo ba kayang gawin 'yon?" tanong naman ni Erin.

Umiling si Muel. "Hindi ko muna sasabihin, lalo na kung alam ko na hindi ko pa kayang panindigan."

"Tama ka. Mahirap magbitiw ng mga salitang hindi mapaninindigan, para kang nagsusulat sa tubig," pakli naman ni Erin.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top