Fifteen

Dahil wala pang events na pupuntahan si Erin, dinalaw muna niya sa ospital ang nanay ni Muel. Hindi na siya nagpasabi sa binata dahil ayon kay Rex, naghahanap daw si Muel ng bagong tagapag-alaga ng nanay nito.

"Pwede namang siya na lang. Napakatigas talaga ng puso niya. Paano ko ba siya naging kaibigan?"

Dahan-dahan niyang binuksan ang pinto ng room kung saan naka-confine si Nanay Merci. Mabuti na lang at hindi pa ito natutulog.

"Good morning po, natatandaan n'yo pa po ba ako?" alanganing bati ni Erin saka niya ibinaba ang mga pagkain na pasalubong niya.

Umaliwalas naman ang mukha ng ginang. "Ikaw 'yong kaibigan ni Muel? Tama, iyong cute na babae na kasabay niya lagi sa school?"

"Grabe naman po kayo sa cute. Hindi ko po maalala na naging cute pala ako dati. Baka si Cheska po ang naaalala ninyo." Pumalakpak ang tainga ni Erin sa mga sandaling iyon. Ang mas mahalaga, natatandaan pa rin siya ng nanay ni Muel kahit alam niyang binobola lamang siya nito.

"Hindi niya naging girlfriend si Cheska," pagtatapat ni Nanay Merci.

"Huh? Ang alam ko nililigawan iyon ni Muel. Sila pa nga raw ang magka-date noong prom namin," pakli naman ni Erin. She was puzzled at this moment. Kampante siya na mapapasagot ni Muel si Cheska dahil nahahalata ni Erin sa kilos noon ni Cheska na may gusto ito kay Muel.

"Basta, sabi ng kaibigan niyang si Rex, tumigil sa panliligaw si Muel. Tapos si Cheska naman lumipat ng ibang school. Akala ko talaga ikaw ang girlfriend niya. Bagay pa naman kayong dalawa," nanghihinayang na saad ni Nanay Merci saka hinaplos ang buhok ni Erin. "Alam kong mabait ka dahil lagi mong sinasamahan si Muel tuwing mag-isa siya. Dinadalhan mo pa siya ng pagkain dati."

"Never pong magkakagusto sa'kin si Muel at gano'n din po ako sa kanya. Nagkataon kasi na bago ko siyang kaklase kaya po tinutulungan ko lang din siya," paliwanag pa ni Erin.

"Gano'n ba? Akala ko crush mo siya. Pero ang bait mo talagang bata. Sana lagi kang dumalaw rito huh?"

"Opo. Kung gusto n'yo ako na lang din ang magbantay sa inyo habang naka-leave pa ang tagabantay ninyo. Wala naman akong gagawin sa mga susunod na buwan."

Sumigla pa lalo si Nanay Merci at napayakap siya kay Erin. "Sige sige. Payag ako! At least may makakausap ako habang bagot na bagot ako rito sa ospital. At kapag ikaw ang tagabantay ko, talagang magpapagamot na ako." Kitang-kita sa mga mata ni Nanay Merci na gusto niya si Erin, ni hindi niya binali ang pagkakatitig sa dalaga.

"May dumi po ba sa mukha ko?" nahihiyang tanong ni Erin at agad namang umiling si Nanay Merci. "Naisip ko lang na magaling pumili ng kaibigan si Muel. Hindi siya naligaw ng landas kahit masalimuot ang buhay niya. At nahihiya na nga ako sa kanya dahil sa kabila ng kasalanan ko sa kanya, inaalagaan pa rin niya ako ngayon."

"Kung inaalagaan niya kayo, bakit wala po siya rito?" nakakunot-noong tanong ni Erin. Sa kabilang banda, batid niyang pinagmamalaki ni Nanay Merci si Muel at mahal na mahal niya ito kahit may lamat ang relasyon nila bilang mag-ina.

"Hindi niya maaalagaan ang negosyo niya kung aalagaan pa niya ako. Iyon na lang ang magagawa kong suporta sa kanya," paliwanag ni Nanay Merci.

"Sabagay. Mahal na mahal n'yo po talaga si Muel, ano po?"

"Oo. Siya lang ang kayamanang walang kasingtulad. Kaming mga magulang, kayamanan namin ang aming mga anak at wala kaming hinihinging kapalit sa aming mga anak. Kung tutuusin, ipatatapon na sana ako ng tatay niya sa home for the aged pero pinigilan ni Muel. Sabi niya, siya na raw ang mag-aalaga sa'kin kaya alam kong malambot pa rin ang puso ng anak ko at hinahayaan ko lang na malamig ang pakikitungo niya."

"Oo nga po pala, ano na pong nangyari sa tatay ni Muel?"

Hindi nakaimik si Nanay Merci. Napansin ni Erin ang biglang pagluluha ng mga mata ni Nanay Merci kaya bigla niyang tinapik ang balikat nito. "Nay, sorry po kung tinanong ko pa."

"Ayos lang. Ikukwento ko sa'yo pero huwag mo munang sabihin kay Muel. Okay?" Malapad ang pagkakangiti ni Nanay Merci bago niya pahiran ang butil ng luha sa kanyang mga mata.

"Opo. Hindi ko ipagsasabi."



****



"Anong masamang hangin ang nagdala sa'yo rito?" Iyon agad ang tanong ni Muel nang masalubong niya si Erin sa hallway ng ospital.

"Nakausap ko na ang nanay mo. Gusto niya ako para sa'yo." Nagngiting-aso si Erin.

"Umayos ka nga. Anong pinag-usapan ninyo huh?" iritableng tanong ni Muel.

"Ibig kong sabihin, mas gusto niya ako kaysa kay Cheska." Erin flipped her hair and laughed hilariously.

"Hindi ako nakikipagbiruan." Sumeryoso ang mukha ni Muel kaya napangiwi na lang si Erin. "Ako na ang magiging tagapangalaga ng mama mo. Pumayag na siya."

Napasinghap si Muel. "I didn't even ask you to do it. Ano bang nagtutulak sa'yo para mangialam sa problema ng iba?"

"Para saan pa na naging kaibigan mo ako. Saka sabi ni Nanay Merci mataas ka raw magpasahod kaya ako na ang nagpresinta na alagaan siya. Ayaw mo ba no'n? Lagi mo na akong makakasama. Lagi ka nang may kausap," pambubuyo ni Erin. Lalo siyang naaaliw tuwing nakikita niyang naaasiwa si Muel sa kanyang pagbibiro.

"Really? Mahilig ka ba sa adventure?" Muel threw a suspicious glare at Erin.

"Oo naman!"



****



"Tingnan mo ako, ang dami ko nang dala! Hindi mo ba ako tutulungan?" Halos malukot na ang mukha ni Erin lalo na't naunahan siya ni Muel sa paglalakad patungo sa townhouse kung saan sila magbabakasyon kasama si Nanay Merci.

Panandaliang huminto sa paglalakad si Muel at tinawanan lang si Erin na halos umiyak na dahil sa pagpapahirap niya rito. "Tinanong kita kung gusto mo ng adventure, sumagot ka ng yes."

"Pero hindi ito ang adventure na gusto ko! Aba, sinusulit mo yata ang binabayad mo sa'kin at ginagawa mo akong all around worker mo!" reklamo pa ni Erin at isa-isang binaba ang mga bagaheng dala niya. Imbis na makipagbangayan pa, minabuti niyang puntahan ang natatanaw ng kanyang mga mata.

"Asul na dagat!" Mabilis na tumakbo si Erin papunta sa tabing dagat at binabad niya muna doon ang mga paa niya.

Bahagyang ngumiti si Muel habang pinagmamasdan si Erin. He loves the view of her at the sea. He loves her being happy because of simple things. Muling gumagaan ang bigat na pasanin niya.

Pinagsawa niya muna ang sarili na tingnan si Erin bago niya sunduin ang nanay niya na naghihintay sa sasakyan.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top