Eighteen
"Nay, here's your food."
Nahinto ang pagmumuni-muni ni Nanay Merci dahil sa paglapit ni Erin. Maingat na ipinaghain siya nito ng almusal. "Si Muel po ang naghanda nito para sa inyo."
Naipinta ang mayuming ngiti sa labi ni Nanay Merci. "First time niyang gawin ito, na ipagluto ako ng almusal."
"Actually, hindi po ito ang unang pagkakataon. Sabi niya kapag busy raw ang tagapagbantay ninyo, siya ang nagluluto," paglalahad ni Erin.
"Hindi ko alam na marunong magluto si Muel. Naalala ko noong bata pa siya, madalas siyang masunugan ng niluluto. Hindi rin niya madaling matandaan ang sangkap kahit simple lang ang lulutuin niya. Nagka-bonding na ba kayo sa pagluluto?" ngiting tanong ni Nanay Merci.
Mabilis na umiling si Erin. "Siguro dahil nag-iisa lang si Muel, natutunan din niya ang magluto ng makakain niya. Kaya nay, magpagaling na kayo para kayo naman ang magluto para sa kanya at hindi na rin matulad pa dati na kailangan ninyong magtago para lang ipaabot kay Muel ang pabaon ninyo sa kanya."
"Sana makita ko ulit ang ngiti ni Muel, ang baby Muel ko. Ibang-iba na siya. Nabago siya ng malulungkot na nangyari sa buhay niya na ako rin ang may kagagawan. Erin, salamat dahil sa'yo nagiging masaya si Muel. Nakikita ko ang pagngiti niya dahil kasama mo siya rito. Pabalikin mo siya sa dating siya, huh?"
Puno ng pagsusumamo ang mga mata ni Nanay Merci.
"Kailan n'yo sasabihin ang lahat kay Muel? Sana po masabi ninyo para mas maintindihan niya kayo." Napayuko si Erin. Alam niyang mali na pangunahan ang nanay ni Muel sa pagdedesisyon ngunit hindi naman niya kayang makita nang matagal na nagtatalo ang mag-ina.
"Baka hindi ko na sasabihin. Hahayaan ko na lang na magalit siya," malungkot na tugon ni Nanay Merci at ipinaling ang mga mata sa bintana kung saan may overlooking view ng asul na dagat.
"Nay, bakit? Kung tutuusin nga hindi kayo dapat matakot. Kayo ang biktima rito," nakikisimpatyang mungkahi ni Erin.
"Alam ko ang ugali ni Muel, matagal siyang magkimkim ng galit at minsan may ugali siya na kapag galit, hindi niya makontrol at nangingibabaw ang damdamin na 'yon sa kanya. Natatakot ako na kalabanin niya ang sarili niyang ama." Buntong-hininga ang sumunod na namutawi sa bibig ng ginang matapos ilahad ang mga saloobin niya tungkol sa nakaraan.
"Wala na po akong magagawa kung iyon ang pasya ninyo. Basta 'nay, kahit na magaling na kayo, hayaan n'yo pa rin ako na makita ko kayo huh?" Pinasigla ni Erin ang kanyang boses.
"Oo naman. Gusto ko nga na ikaw ang makatuluyan ni Muel, kaso mukhang wala kang gusto sa kanya at talagang kaibigan lang ang tingin mo sa kanya." Nanay Merci sounded like she teases Erin. May kaakibat din na paghalakhak ang tinig nito.
"Kayo talaga, mahilig kayong magbiro." Natawa na lang si Erin.
"Pero, para kasing may gusto talaga siya sa'yo, nahahalata ko sa kilos niya," giit naman ni Nanay Merci.
Pinigil ni Erin ang pangngiti. "Paano n'yo naman po nasabi 'yon?"
"Lagi siyang nakatingin sa'yo. Kahapon pagkarating pa lang natin, nakita ka niyang excited sa dagat. Nakatingin siya sa'yo habang nakangiti," paglalahad ni Nanay Merci.
"Baka nagandahan lang po siya sa view ng dagat. Napakaganda naman po kasi rito," ani Erin.
"Pero, mabait naman ang anak ko, hindi ba? Hindi mo ba siya magugustuhan?" May kislap sa mga mata ni Nanay Merci na tila naghihintay ng magandang sagot.
"Kahit sino naman po yata magkakagusto sa kanya. Tanga na lang ang hindi magkagusto sa kanya," sagot ni Erin.
"So, hindi ka tanga?"
"Hindi po."
"Eh di mabuti. Gusto mo nga siya." Napahalakhak si Nanay Merci.
"Hala, hindi po nanay. I mean, hindi ako tanga. Yun lang," paglilinaw naman ni Erin at bahagyang napayuko dahil sa kahihiyan. Nahuhuli na yata siya sa sariling bibig.
****
Malapit nang mag-hatinggabi ngunit napagpasyahan ni Muel na tumambay pa sa dalampasigan at nag-set na rin siya ng bonfire habang umiinom ng alak. Kaninang umaga, narinig niya ang usapan nina Erin at Nanay Merci. Gumuguhit pa rin sa isip niya ang natuklasan niyang lihim na may kinalaman sa tatay niya na matagal na niyang hindi kinakausap. Wala pa ring epekto ang alak sa kanya ngunit buo na rin ang desisyon niya na matapos lang ang bakasyon at kung manumbalik ang pagganda ng kalusugan ni Nanay Merci, siya na mismo ang tutuklas sa totoong dahilan kung bakit tiniis ni Nanay Merci ang mapang-abuso nitong ex husband.
"Muel, nandito ka pala. Maagang nakatulog si Nanay. Don't worry nandito naman ang phone at babalik din ako agad sa kwarto niya para mas mabantayan ko na siya."
Nilingon niya si Erin na alanganin ang pagngiti habang papalapit pa sa kanya. Tumango-tango lang si Muel at muling uminom ng alak mula sa babasaging bote.
"May problema ka pa bang iba kaya ka umiinom?" usisa ni Erin.
Muel nodded. "Naisip ko lang na ang sama ko talagang anak."
"Mabuti naman at alam mo 'yon."
Napangiwi si Muel. Akala pa naman niya ay makikisimpatya si Erin ngunit sumang-ayon pa ito sa kanya at mukhang hindi ito nagbibiro dahil wala man lang siyang mabakas na sigla sa mukha nito.
"Anong dapat kong gawin?" Suminghap si Muel at bigla na lang umagos sa mga mata niya ang mga luhang kanina pa niya kinikimkim. "I think I wronged my own mother but she's being unfair to me. Kahit kailan, hindi ko narinig ang kwento kung bakit sila naghiwalay noon ni papa. Ang sabi ni papa, naunang nagkaroon ng kalaguyo si mama kaya nambabae siya. Ni hindi ko man lang narinig ang side ni mama. It's always about my dad! Even his struggles for raising me na isinusumbat niya pa."
"Maybe, darating din yung time na masasabi na ng nanay mo ang lahat ng nasa puso niya. Unawain mo naman kasi, kailangan pa niyang makatapos ng therapy at kaya natin siya dinala rito dahil gusto niya rin. For the meantime, ang magagawa mo na lang ay ang tratuhin siya nang mas maayos," pakli ni Erin. Pasimple siyang kumuha ng alak na nasa gilid ni Muel. "Hindi ko pa natitikman ito."
Mabilis namang tinapik ni Muel ang kamay ni Erin ngunit hindi pa rin ito bumitiw sa bote ng alak.
"Nilalamig talaga ako at need ko ng alak para uminit nang slight yung katawan ko. Sakto rin na may bonfire. Hindi na ako uulit na uminom, last na ito. Pwede naman di ba?" hirit pa ni Erin.
"Sabi mo babalik ka agad kay mama. Bumalik ka na, hindi kita kailangan dito," pagtataboy pa ni Muel.
"Nagsusungit ka na naman. Sige, aalis na ako." Tumulis ang nguso ni Erin at sinunod na lang ang gusto ni Muel ngunit hindi pa siya nakakalayo, naramdaman niya ang marahan nitong paghawak sa pulsuhan niya.
"Sabi mo umalis na ako." Nagsalubong ang kilay ni Erin. Walang namutawi sa bibig ni Muel, nanatili lang siyang nakatingin sa mga mata ni Erin. The influence of alcohol slowly getting into his system and he's also getting enough courage to speak what's on his mind right now.
"Hindi pa kita nakakausap nang matagal. I mean, hindi ko pa nalalaman ang mga nangyari sa'yo. Kumusta ka?" tanong ni Muel at pinukol na naman ng makahulugang tingin si Erin. Madali niyang na-sense na nabigla rin ito sa tanong niya.
Napasinghap si Erin. "Okay naman siguro. Pero may times na insecure ako kay kuya noong nag-college na ako. Matalino kasi siya, parang ikaw. Pressured ako. Ang hirap kasing mapag-iwanan. Tapos heto ako, nakatapos nga, hindi naman ako makahanap ng trabahong angkop sa course ko. Ang hirap."
"Sorry to hear that. Pero hindi mo naman kailangang i-rush ang sarili mo sa mga bagay na 'yan. Malay mo, may dumating na mas magandang opportunity. At siguro, way na lang din ng tadhana na hindi ka makahanap ng work para magkita tayong muli." Sumilay na naman ang ngiti ni Muel.
"Hoy, hindi iyon way ng tadhana. Bobo lang talaga ako sa interviews. Basta," giit naman ni Erin.
Napatikhim si Muel. "Pero, nagkaroon ka ba ng boyfriend? Sorry kung naitanong ko."
"Oo. Si Marlon. May banda siya," paglalahad pa ni Erin.
"Bakit kayo nag-break?"
"Walking red flag si Marlon. Basta, masyado siyang manipulative. Totoo pala na kahit pareho kayo ng bagay na gusto, hindi pa rin talaga kayo magkakasundo." Napangiwi lang si Erin.
"Ikaw naman kasi, gusto mo lang dati na magpakasal sa lalaking kapareho mo ng music taste. Ang babaw," pambubuska ni Muel.
"Ano ba dapat? Saka masisisi mo ba ako? Ang bata ko pa noon, siyempre iba na ang point of view ko sa buhay. Hindi na ako mag-aasawa," pagtatapat naman ni Erin.
"Dahil lang doon?" Napakunot-noo si Muel.
"Hindi ko alam. Wala rin namang magkakagusto sa'kin."
"Mayroon. Baka hindi lang umaamin. Or baka slow ka lang talaga," pahapyaw naman ni Muel.
"Sino naman? Wala nga akong ibang naging ka-close na lalaking classmates bukod sa inyo ni Rex. Tapos may asawa't anak na rin si Rex. Malabo." Dalawang beses na umiling si Erin saka tumayo. Aalis na sana siya sa pwesto niya para bumalik sa transient house.
"Saglit lang, dito ka lang," sambit ni Muel.
"Inaantok na kasi ako, bukas na lang muna tayo mag-usap. Goodnight," pakli ni Erin.
"Ayokong umalis ka gaya noon. Gusto ko habang buhay kitang kasama," bulong ni Muel na nakaabot pala sa pandinig ni Erin kahit mas malakas ang tunog ng hampas ng alon sa dagat. Nagitla si Erin sa narinig niya at mas dumoble iyon nang hawakan siya ulit ni Muel sa braso.
"Ayaw mong iniiwan ka pero ikaw din naman ang gumagawa ng dahilan para layuan ka. Kung hindi mo ako tinawag na paepal, okay pa sana tayo noon eh. Ano ba talagang dahilan? Bakit nagalit ka bigla? Ano bang nagawa kong mali?" sunod-sunod na tanong ni Erin. Napabitiw naman si Muel sa pagkakahawak. Halos magpigil na ito ng mura dahil narinig pa rin pala ni Erin ang sinabi niya.
Muel went near to the bonfire. Naupo na rin siya sa buhanginan at paulit-ulit na umiling.
'Hindi ko dapat sinabi 'yon.'
"Muel, gusto ko lang sabihin na nagpapasalamat ako na naging magkaibigan tayo. Naintindihan ko kung hindi mo pa masagot ang tanong ko. Gano'n naman talaga, kapag hindi pa tayo handang isatinig ang dikta ng puso natin o ang mga laman nito, katahimikan muna ang pansamantalang sagot hangga't sa makaipon tayo ng lakas o kumpiyansa na isigaw ang nararamdaman natin sa mundo. Babalik na ako sa transient house. Huwag kang maglasing masyado." Pineke ni Erin ang kanyang ngiti at tumingala na lang siya sa ulap dahil nararamdaman niyang papatak na ang luha niya.
She doesn't want to assume that Muel has a possible 'thing' for her. Mabuti nang habang maaga, pinagtitibay niya ang pader sa kanyang puso. Ayaw niyang masaktan ulit.
"Erin. Dito ka muna. Hindi ako gagawa ng anumang ikagagalit mo," pakiusap ni Muel.
"Sige na nga. Para kapag nalasing ka, bubuhatin na lang kita. Naalala ko nga na nabuhat pala kita noong akalain ko na nabaril kita." Ultimo halakhak ay pineke na rin ni Erin ngunit lingid sa kaalaman niya na alam din ni Muel na nagkunwari lang siyang masaya.
Namagitang muli ang katahimikan nang magkatabi na sina Erin at Muel. Kapwa lang sila nakatingin sa bonfire at humahanga lang sila sa pag-aagaw ng asul at pulang apoy.
"Erin, can you move to my opposite direction? Pwede bang tingnan mo kung malinaw pa rin ang bagay na magre-reflect sa mga mata ko?" Muel broke the silence between them.
"Bakit na naman? Nagmo-moment ako rito," kunwari'y aburidong reklamo ni Erin ngunit kalaunan, sinunod naman niya ang pakiusap ni Muel. Magkaharap na sila at pumagitna sila sa bonfire saka nila pinako ang tingin sa isa't isa.
"Bakit mo ba ako pinahaharap sa'yo huh?" usisa ni Erin. She realized that all things reflected in Muel's naked eyes were getting more stunning than they were. Still, it was surreal.
"Parang may photo enhancer ang mga mata mo. Kahit ako, nagagandahan sa nakikita kong sa reflection ng sarili ko sa mga mata mo." She laughed like a naive child.
Muel chuckled. "Because you're beautiful, the way you are. Tatanga-tanga ka lang kasi, hindi mo ba nahahalatang gusto kita?"
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top